(Chin POV)
Abalang magbasa ng libro si Boss Jeff, at tulog parin si Missamy. Nang tumunog yung phone ko at si Madam Ivy.
Pumunta ako sa sulok para sagutin. Walang alam si Boss Jeff na close ko ang fiancée niya, na ito nga ang pumasok sa akin ng trabaho sa pamamahay na’to.
“Madam Ivy.”
“Kamusta? Anong balita? Umuwi na ba sila? Di ba dala ni Jeff ang phone niya at di sinasagot ang tawag ko?”
Well Madam Ivy, kawawa ka naman. Nakakalimutan ka na ata talaga ni Boss Jeff.
“Di sila nakauwi ng pamamahay Madam Ivy. Isinugod si Miss Missamy sa hospital, at andito ako ngayon.”
“Tungkol ba ito sa gamot na pinapalagay ko sa inumin ni Missamy.”
“Parang.”
Oo, may pinapalagay nga si Madam Ivy na ewan kung ano. Sana wag naman lason. Ayoko maging mamatay tao sa kwentong to.
“Good. Di tatagal susunod di
(Jeff POV) Dumating si Jay. “Master Jeff, updated report kay Juan Carlos. Stable, walang nangyayaring progress.” Stable. Tss. Anong klaseng paggamit mo ng salitang yan Jay. “Wala pa lang kwenta ang papel na yan.” Napatango si Jay na di itinuloy ang pagbigay ng folder sa akin. “Sa tingin mo may gusto bang pumatay kay Missamy?” “Bakit Master Jeff?” “Sabi ng doctor ng Elder, nilason si Missamy at hindi ng dahil sa gamot.” Di makapagsalita si Jay. “Papuntahin mo dito si Butler Nang, kakausapin ko siya tungkol sa mga katulong. Nasa kontrata na dapat pangalagaan ko si Missamy sa loob ng limang buwan. Look kung ano itong nangyayari sa kapatid ni Juan Carlos.” “Yes Master Jeff, makakarating kay Butler Nang.” Umalis na siya ngunit iniwan ang ilang document na kailangan ko i-review at pirmahan. Bago ko atupagin ang mga pape
(Jeff POV) Kumalas na ako ng yakap kay Ivy. “Please escort my fiancée outside Jay.” “Pero Jeff.” “Just listen to me Ivy.” Ako na itong napahakbang palayo sa kanila. Nadatnan kong nakaupo sa higaan si Missamy. Ngumiti ulit siya sa akin. Napadaan lang ako sa paningin niya at pumunta sa malapit na bintana. Doon ako pumwesto. “Sira ulo ang fiancée mo Jeff.” Sinabi ni Missamy, na medyo malungkot ang tinig niya. Ngunit tumingin sa akin na may ngiti ang labi at napa-peace sign. “Tss.” “Anong ginawa niya sa akin?” tanong ni Missamy na may narinig nga siya. “Ano ang mga narinig mo?” Dahil bigla akong nag-alala na baka narinig niya ang tungkol kay Juan Carlos. “Sinasaktan ni Ivy yung tumutulong sayo? At isa nga ako doon? Tapos pinagbibintangan ka niya na nahuhulog ka sa a
(Missamy POV) Gutom na ako. At napapareklamo na ako kay Jay. Feeling ko nga gumaling ako dahil sa gutom na nararamdaman ko. “Umuwi si Master Jeff para ipagluto ka Miss Missamy.” “Marunong ba yun? Baka matuluyan ako sa lulutuin niya.” Pero di na ako pinansin ni Jay, tinignan yung phone niya at nawala sa paningin ko. Nang sumulpot ulit, may kasama na itong babae. Jowa ni Jay? Magkamukha sila. “Miss Missamy siya ang bagong personal assistant mo, si Dexs. Kapatid ko.” Ngumiti ito sa akin, at inabot ang kamay sa akin. “Hello.” Meaning sinisante nga ni Jeff si Chin. Hala! Ako nga ang dahilan kung bakit nawalan ito ng trabaho. “Si Chin?” tanong ko kay Jay. “Wag kang mag-alala sa kanya, may trabaho parin siya.” (Chin POV)
(Missamy Charm POV) Pumasok si Dexs at Jay. Pumwesto sa likuran naming dalawa. Sinipa ko na ang paa ni Jeff sa ilalim, na ngayon napatitig na siya sa akin ng masamang mata. Bad trip Missamy Charm, bakit lalo mong binabadtrip? “Kanino niyo na naman nakuha ang balitang yan?” Ang bobo naman ng tanong ni Jeff. Syempre yung tumingin na doctor sa akin. “Gusto mo bang pa-imbestigahan ko ang nangyari sa asawa mo Jeff?” “Don't do it. Kumilos na ako. Sibak lahat ng katulong sa pamamahay ko. At ang personal assistant ng asawa ko, pinalitan ko na ng kapatid ni Jay.” Ganito ba talaga ka-importante sa kanila ang kalusugan ng pamilya nila? Wow naman. Kaya pala ang tagal nilang mamatay. “Bukas na bukas maari na kaming umuwi. Kaya nothing to worry about my wife. Tss. Sa ginawa niyo, para na naman pinupolitika ang pamilya ko nito.” “Di ka na nada
(Missamy Charm POV) Tinakbo ko siya at hinampas na nga ng tuluyan ang sinira niyang bouquet. “Ang sama mo talaga!” kaya lang ng iwasan niya ang sunod kong atake, ako itong nadulas. Pero agad naman ako sinalo. Kaya lang ulit, nawalan siya ng balance na bago pa man bumagsak kaming dalawa sinigurado niyang ako itong mapapaibabaw. Nauntog ang mukha ko sa dibdib niya, at siya sa sahig. Masakit Jeff? Hangang sa nagkatitigan kaming dalawa. Ahem. Baka mangyari na naman yung halikan namin ni Jeff. Di namin alam na ginawa na lang namin. Ayoko nang mangyari yun, kaya bumangon na ako. “Nababagay lang yan sayo.” Ibig ko lang sabihin yung untog ng ulo niya. Sa sobrang sira ulo talaga eh. “Ang dami mong pinagseselosan na lalaki sa akin, wala naman tayong dalawa. Hmph!” saka napadive na ako sa higaan ko. Tumalikod na sa kanya. Kala mo naman kasi, mamahalin niya ako.
(Jeff POV) Sa ginagawa namin ni Missamy alam na ng dalawa na kailangan nilang lumabas sa silid. Maibabalik ko ba ang kinuha at sinira ko sayo Missamy? Parang impossible na. Ang tanging kasagutan at tugon doon ay gawin nang katotohanan ang lahat ng tungkol sa ating dalawa. Yes, I am planning to do it. Akin ka Missamy. (Missamy POV) Sa loob ng sasakyan pauwi. Di ko pinapansin si Jeff. Halos mabaliw ako sa mga itinutugon niyang halik sa tuwing sasaktan ko siya at magtatangka akong magsalita. Malaki yung space namin sa isat-isa. Sobrang nakakatakot si Jeff. Wala bang labi si Ivy, para yung labi ko itong pag-fiestahan niya? Isusumbong talaga kita kay Kuya. Nang tumigil sa tapat ng bahay ni Jeff ang sasakyan, agad akong lalabas. Hinila ako ni Jeff sa kanya. Talagang para na siyang prani
(Missamy Charm POV) “Akin na nga yan.” Yung phone na kanina ko pa hinuhuli kaya lang pinaglalaruan ako ni Jeff. Nang tumigil ako saka naman binitiwan sa higaan ko. “Can I sleep here? Since ilang beses ka nang natulog sa silid ko Missamy?” “Magpatingin ka na sa doctor, Jeff. May tama na ata ang utak mo.” Na abala kong binubuksan yung iPhone ko. How to unwrap the iPhone nga naman. Ayieee! Magkano to Jeff? Pero di ko namalayan nakahiga na siya sa kama ko. Sa abala ako sa bago kong phone! Ilang phone kaya ang mabibili sa akin ni Jeff sa loob ng limang buwan? Si Jeff kasi, di nanghihinayang sa pera niya. Okey lang ngang gumasta yung Jowa niya eh. Kaya okey lang din na gumasta siya. Ibang klase talaga ang mga taong mapepera. “Oy Jeff, doon ka sa silid mo matulog. Ang liit ng higaan ko.” “Gusto mong palitan ko ng malaki?
(Jeff POV) Dumating si Jay para ibigay sa akin ang binili niyang phone para kay Missamy. Hindi na ako kumatok dahil bukas yung pinto. Nakita ko ngang abala siya. Nang maramdaman niyang may tao sa paligid niya, agad na sinara. Saka lumingon sa akin. Medyo naiinis na naman ako. Dahil may inililihim na naman ang babaing ito sa akin. Oo alam ko na sumusobra na ako sa pangingi-alam ko tungkol sa buhay niya. Sa naiinis din nga ako sa nararamdaman ko sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kinalma ko ang sarili ko, saka nga nagpahinga na lamang ako sa higaan niya. Noong una, gusto ko lang magpapansin sa kanya, pero bakit hindi nga dito muna ako matulog? May magagawa ba si Missamy? At wala na din naman magsusumbong kay Ivy. Sa tinutulak ako ni Missamy palabas dahil maliit lang ang higaan niya. Tss. Wala sa aking impossible Missamy. Kapag ginusto ko, mangyayari. In instant lumaki n