(Missamy Charm POV)
“Akin na nga yan.” Yung phone na kanina ko pa hinuhuli kaya lang pinaglalaruan ako ni Jeff.
Nang tumigil ako saka naman binitiwan sa higaan ko.
“Can I sleep here? Since ilang beses ka nang natulog sa silid ko Missamy?”
“Magpatingin ka na sa doctor, Jeff. May tama na ata ang utak mo.” Na abala kong binubuksan yung iPhone ko.
How to unwrap the iPhone nga naman.
Ayieee! Magkano to Jeff?
Pero di ko namalayan nakahiga na siya sa kama ko. Sa abala ako sa bago kong phone! Ilang phone kaya ang mabibili sa akin ni Jeff sa loob ng limang buwan?
Si Jeff kasi, di nanghihinayang sa pera niya. Okey lang ngang gumasta yung Jowa niya eh. Kaya okey lang din na gumasta siya. Ibang klase talaga ang mga taong mapepera.
“Oy Jeff, doon ka sa silid mo matulog. Ang liit ng higaan ko.”
“Gusto mong palitan ko ng malaki?
(Jeff POV) Dumating si Jay para ibigay sa akin ang binili niyang phone para kay Missamy. Hindi na ako kumatok dahil bukas yung pinto. Nakita ko ngang abala siya. Nang maramdaman niyang may tao sa paligid niya, agad na sinara. Saka lumingon sa akin. Medyo naiinis na naman ako. Dahil may inililihim na naman ang babaing ito sa akin. Oo alam ko na sumusobra na ako sa pangingi-alam ko tungkol sa buhay niya. Sa naiinis din nga ako sa nararamdaman ko sa kanya. Yun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kinalma ko ang sarili ko, saka nga nagpahinga na lamang ako sa higaan niya. Noong una, gusto ko lang magpapansin sa kanya, pero bakit hindi nga dito muna ako matulog? May magagawa ba si Missamy? At wala na din naman magsusumbong kay Ivy. Sa tinutulak ako ni Missamy palabas dahil maliit lang ang higaan niya. Tss. Wala sa aking impossible Missamy. Kapag ginusto ko, mangyayari. In instant lumaki n
(Missamy Charm POV) Takbuhan pala ha! Pwes di ko kayo uurungan, andyan na ako! Nang makabanga ako sa isang tao. Inangat ko ang paningin ko, si Jeff ulit. Mokong nato. Sinasadya na niya akong gulatin ng ganto. At immune na ako sa mga pagsulpot-sulpot effect niya. “Wala ka na talagang maayos na dinadala sa akin Jeff.” “How do you know na may dala akong bulaklak para sayo?” “Huh?” at ng lumingon ako sa likuran, si Jay ang laki ng bouquet ng bulaklak ang dala niya. “Saang lamay ba kayo galing?” dahil yung bulaklak para yun sa patay. Sinipa ko sa inis si Jeff. Pinagtitripan nga ako! Naka iwas siya. Ngumiti sa akin na parang ulol, at nanalo na naman siya. Ahahaha. Asar! Kaya yung nagtatakbuhan sa sala, apat na kami. “Ayan na ang Mommy Charm ninyo.” Lalong sindi ni Jeff sa pananakot sa dalawang bata. “Wag
(Missamy Charm POV) “Wala naman.” “May nararamdaman ka?” Napailing na lamang ako. “How's the recruitment?” “Okey lang. Pasensya talaga kung ganito ako. Sa totoo lang Jeff…” napabuntong hininga ako. “Naninikip dibdib ko!” Yun, natigilan na si Jeff kumain. At nagpatawag na ng Doctor. “Jeff, anong oras darating yung doctor? Masakit talaga.” “Bakit di mo kaagad sinabi?” Andito siya sa silid ko na naghihintay nga kami sa doctor na tinawagan. Naiiyak na nga lang ako ng disoras. Ano ba yan ang drama-drama ko?! Kuya Carlos, tignan mo ako oh. Naninikip dibdib ko. Nasasaktan ako na ewan. Mabigat dibdib ko kahit flat chested naman ako. Hinagod ni Jeff ang likuran ko. “Kailan pa yan?” Kanina Jeff ng idineklara mong masaya ka dahil you’re so Inlove. Ako na ata itong naiingit dahil nga wala pa kami ni Jude.
(Missamy Charm POV) Napalunok laway na naman ako at napako paningin ko sa kanya. Yung tipong automatic. Basa ang buhok niya at tumutulo pa. Yung patak na dumadaloy sa katawan niya. Magtataka ka na lang kung saang Gym ba siya naka-membership. “What are you doing here?” tanong niya sa akin. Tuluyan nga akong nagising sa pagpapantasya kong nakahawak sa katawan niya. Ahem. “Kinuha ko lang ito.” “Maayos na ang pakiramdam mo?” “Medyo.” Ang bait ko ngayon ah. Dahil lang sa nakita ko ang katawan niya. Di na ako mapakali. “Missamy, wag ka na munang masyadong praning sa kaklase mo. After this, the contract. Do what you want. Ang akin lang gusto kongprotektahan ang larong to para di masira. Wag mong iisipin na nilalayo kita sa kanya. Naiintindihan ko na mahal mo yung tao. Ngunit please, ipriority na muna natin itong pinasok mo.” &nbs
(Missamy Charm POV) “Ano, bawal doon.” “Bahay mo din naman yun diba?” Napatango ako. Ang laki kong asa na maging bahay ko yun. “Masyadong sensitive ang asawa ko sa securidad nang pamilya namin.” “Kala mo naman may nanakawin kami.” Sa baka maladlad ang lihim namin ni Jeff. And of course, kilala ko ang kasadistahan nito. Gusto niyo magaya kay Chin? Sana di nasunog yung balat ni Chin sa ginawa ni Jeff. “How about sa bahay na lang namin.” Presenta ni Jude, na ever since dipa nga ako nakakapunta doon. Nakatitig siya sa akin. “Pupunta ka ba Missamy?” Tanong niya sa akin na ilang ulit ko na ngang tinangihan ang alok niya. “Magpapaalam ako sa asawa ko.” Kaya naman noong Lunch break, tatawag na sana ako kay Jeff ng tumawag si Jay sa akin. “Jay, napatawag ka?” “Miss Missamy gust
(Missamy Charm POV) Hinatid kami sa harapan ng isang mansion na di nagkalayo sa bahay ni Jeff sa laki. Edi wow. Sila na nga talaga yung mga tao na nasa taas ng tatsulok. Yung mga kaklase namin agad na nagsipasok na parang alam nila na welcome sila. Napatapik sa balikat ko si Jude. Nakangiti siya. “Dito ka nakatira?” Parang tanga kong tanong. “Welcome to Montiveros Villa, Missamy.” Parang atomic bomb na bumagsak sa akin. Mayaman si Jude. Natawa ako sa sarili ko. Napatitig ako sa kanya. Bakit sa isang public school siya pumapasok? At nagpapakalowkey? “Madami kang tanong Missamy?” Napailing na lang ako. Magpapahalata ba ako na nagulat sa katayuan niya? No. Act normal. Ganoon parin Missamy, lupa ka langit din pala si Jude. Humiling ka na lang ng milagro ha. Kailan mo balak na itago ang pagkatao mo sa akin Jude? Naiinis ako. Umaasa pa nama
(Jeff POV) “Kamusta ang mga bata?” “Nagpapahinga na Master Jeff.” “How about the woman?” “Master Jeff, I'm sorry but di pa siya umuuwi? Si Miss Missamy, di pa umuuwi.” na sinisigurado muna niya ang sinasabi sa akin. Napatitig ako pabalik kay Jay. Sa inis ko, binalibad ko na naman yung phone ko at basag ito. Napayuko sa akin ang mga tauhan ko at bumaba ako ng hagdan. “Jay!” “Master Jeff.” “Anong oras na?!” “It's 12:27 am, Master Jeff.” “Di pa umu-uwi si Missamy!” Di makasagot si Jay. “Call her!” sa nauna yung init ng ulo ko kaya basag at durog na naman yung phone ko. Sa inuubos ni Missamy ang pasensya ko. Nang matawagan ni Jay si Missamy, agad kong hinablot ang phone saka nga ang boses ni Missamy na natutuwa pa talaga sa ginawa niya.
(Missamy Charm POV) Yung daliri ko madudurog na ni Jeff sa higpit ng hawak niya. Tiis mode lang. At wag gagawa ng skandalo sa pamamahay ni Jude. Napawave na lamang ako kay Jude, kaya lang lalong humigpit ang hawak ni Jeff sa kamay ko. Oo na haharapin ko ang galit mo! Bwisit ka Jeff! Parang di ka na nakakasakit ah! Tahimik niya akong pinapasok sa sasakyan at ng sumara na nga yung pinto ng makasakay siya. Pinapatunog ko na ang daliri ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ni Jeff, kundi napapahilot ito ng leeg niya. At malayo ang tingin. Mas mabuti ngang manahimik na lang Missamy. Naaberya ang flight niya ng dahil lang naman sayo. Bakit naman kasi pati Overnight di maari? Pinapakingan lang naming dalawa ang katahimikan, hangang sa nakarating na nga sa tapat ng bahay ni Jeff. Siya itong unang lumabas na tuluyan lang talaga ako tinalikuran. Ahem. Hala ka Missamy, ano ginawa m