(Missamy Charm POV)
Napalunok laway na naman ako at napako paningin ko sa kanya. Yung tipong automatic.
Basa ang buhok niya at tumutulo pa.
Yung patak na dumadaloy sa katawan niya. Magtataka ka na lang kung saang Gym ba siya naka-membership.
“What are you doing here?” tanong niya sa akin. Tuluyan nga akong nagising sa pagpapantasya kong nakahawak sa katawan niya.
Ahem.
“Kinuha ko lang ito.”
“Maayos na ang pakiramdam mo?”
“Medyo.” Ang bait ko ngayon ah. Dahil lang sa nakita ko ang katawan niya. Di na ako mapakali.
“Missamy, wag ka na munang masyadong praning sa kaklase mo. After this, the contract. Do what you want. Ang akin lang gusto kong protektahan ang larong to para di masira. Wag mong iisipin na nilalayo kita sa kanya. Naiintindihan ko na mahal mo yung tao. Ngunit please, ipriority na muna natin itong pinasok mo.”
&nbs
(Missamy Charm POV) “Ano, bawal doon.” “Bahay mo din naman yun diba?” Napatango ako. Ang laki kong asa na maging bahay ko yun. “Masyadong sensitive ang asawa ko sa securidad nang pamilya namin.” “Kala mo naman may nanakawin kami.” Sa baka maladlad ang lihim namin ni Jeff. And of course, kilala ko ang kasadistahan nito. Gusto niyo magaya kay Chin? Sana di nasunog yung balat ni Chin sa ginawa ni Jeff. “How about sa bahay na lang namin.” Presenta ni Jude, na ever since dipa nga ako nakakapunta doon. Nakatitig siya sa akin. “Pupunta ka ba Missamy?” Tanong niya sa akin na ilang ulit ko na ngang tinangihan ang alok niya. “Magpapaalam ako sa asawa ko.” Kaya naman noong Lunch break, tatawag na sana ako kay Jeff ng tumawag si Jay sa akin. “Jay, napatawag ka?” “Miss Missamy gust
(Missamy Charm POV) Hinatid kami sa harapan ng isang mansion na di nagkalayo sa bahay ni Jeff sa laki. Edi wow. Sila na nga talaga yung mga tao na nasa taas ng tatsulok. Yung mga kaklase namin agad na nagsipasok na parang alam nila na welcome sila. Napatapik sa balikat ko si Jude. Nakangiti siya. “Dito ka nakatira?” Parang tanga kong tanong. “Welcome to Montiveros Villa, Missamy.” Parang atomic bomb na bumagsak sa akin. Mayaman si Jude. Natawa ako sa sarili ko. Napatitig ako sa kanya. Bakit sa isang public school siya pumapasok? At nagpapakalowkey? “Madami kang tanong Missamy?” Napailing na lang ako. Magpapahalata ba ako na nagulat sa katayuan niya? No. Act normal. Ganoon parin Missamy, lupa ka langit din pala si Jude. Humiling ka na lang ng milagro ha. Kailan mo balak na itago ang pagkatao mo sa akin Jude? Naiinis ako. Umaasa pa nama
(Jeff POV) “Kamusta ang mga bata?” “Nagpapahinga na Master Jeff.” “How about the woman?” “Master Jeff, I'm sorry but di pa siya umuuwi? Si Miss Missamy, di pa umuuwi.” na sinisigurado muna niya ang sinasabi sa akin. Napatitig ako pabalik kay Jay. Sa inis ko, binalibad ko na naman yung phone ko at basag ito. Napayuko sa akin ang mga tauhan ko at bumaba ako ng hagdan. “Jay!” “Master Jeff.” “Anong oras na?!” “It's 12:27 am, Master Jeff.” “Di pa umu-uwi si Missamy!” Di makasagot si Jay. “Call her!” sa nauna yung init ng ulo ko kaya basag at durog na naman yung phone ko. Sa inuubos ni Missamy ang pasensya ko. Nang matawagan ni Jay si Missamy, agad kong hinablot ang phone saka nga ang boses ni Missamy na natutuwa pa talaga sa ginawa niya.
(Missamy Charm POV) Yung daliri ko madudurog na ni Jeff sa higpit ng hawak niya. Tiis mode lang. At wag gagawa ng skandalo sa pamamahay ni Jude. Napawave na lamang ako kay Jude, kaya lang lalong humigpit ang hawak ni Jeff sa kamay ko. Oo na haharapin ko ang galit mo! Bwisit ka Jeff! Parang di ka na nakakasakit ah! Tahimik niya akong pinapasok sa sasakyan at ng sumara na nga yung pinto ng makasakay siya. Pinapatunog ko na ang daliri ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ni Jeff, kundi napapahilot ito ng leeg niya. At malayo ang tingin. Mas mabuti ngang manahimik na lang Missamy. Naaberya ang flight niya ng dahil lang naman sayo. Bakit naman kasi pati Overnight di maari? Pinapakingan lang naming dalawa ang katahimikan, hangang sa nakarating na nga sa tapat ng bahay ni Jeff. Siya itong unang lumabas na tuluyan lang talaga ako tinalikuran. Ahem. Hala ka Missamy, ano ginawa m
(Missamy Charm POV) Hala ka Missamy. Bakit parang pinalala mo ngayon yung situation mo? At baliw na ata talaga ako ng itaas ko ang kamay ko, saka napa peace sign. “Di ka na mabiro! Okey. Di ko na uulitin. Dahil wala ka naman talagang consideration. Gusto ko lang naman talaga makapagtapos.” Pagmamakaawa ko na wag na niyang ituloy ang galit mode niya. “Ako pa talaga yung walang consideration? Ibang klase ka din. Alam mo ba sa ginawa mong to, di natuloy yung flight ko?!” “Ano ba kasi ang problema mo kung nakipag-overnight ako? Wala namang mali doon!” “Wala ba Missamy? May asawa ka!” “Pekeng asawa Jeff. Maging klaro tayo sa isat-isa, di tayo mag-asawa. Hindi mo ako asawa at di rin kita asawa! Wag kang assuming na mag-asawa nga talaga tayong dalawa!” sa galit na din ako. “Aayusin mo ba ang sarili mo Missamy kung gawin kong tot
(Jeff POV) “At dahil nga sa kanya at pagpapalaki niya ng ganto sa akin, wala naman nambubully sa akin. Except sa Shuta mong muntik na akonglasunin.” Kamuntik na nga siyang isunod ni Ivy sa kapatid niya. I'm sorry about that Missamy. Di nga talaga madali ang maging asawa ko na mayroong kasintahan na dinaig pa nga ang kalokohan ni Missamy. “Bagay nga kayong dalawa dahil pareho kayong seloso na wala namang paglalagyan. Ang aasa ninyong dalawa.” Sa sinasabi ni Missamy, ako itong natatahimik. “Si Jude, future asawa ko yun. Si Ivy yun din future mo. May ginagawa ka tungkol sa future mo. Ako naman natetenga ng dahil sa demanding na umalipin ang pera. Kung di lang namin ni Kuya kailangan ng pera, di ko tatangapin ang trabahong to. Lalo na nga baliw ang magiging boss ko. Gusto ipagsiksikan na asawa niya akong inarkila. Di ako laruan Jeff, may damdamin din ako. Kaya pakisabihan yang Jowa mo na wag niya akong nilalas
(Missamy Charm POV) “So, you’re going to fight because of me?” “Jeff, tumigil ka na at baka di ako makapag-pigil! Argh! Walang nangyari! Please lang!” “Meron Missamy, gusto mo ng pruweba?” “Assan?” “Check your neck.” Napakapa ako sa leeg ko, saka naghanap ako ng salamin. At halos gumuho ang bahay ni Jeff ng napatili ako! “Ano to Jeff!” saka parang binubura ko talaga, at ayaw maalis. Bumalik ako sa harapan niya, at ngiting ngiti. “Ginahasa mo ako kagabi! Walanghiya ka!” paghahampas ko sa kanya. At ayan na naman ang malakas na katawan niya na siyang ikinahiga ko sa sofa. Nasa ilalim na naman niya ako. Huhuhu. “Di kita ginahasa.” Saka ipinakita niya sa akin, yung leeg niya. Akin isa lang, sa kanya tatlo o apat dahil sa pangigil ko ba kagabi?! Sira ka talaga Missamy Charm! Itinulak ko si
(Missamy Charm POV) Matapos naming kumain, napatambay kami sa may sala. Nanunuod ako ng TV, hangang sa may babae ngang buntis. Kahit ano-anong kaweirduhan ang ginagawa. Oh gulay. Di ako buntis! Senyales daw ng buntis, naglalaway, masakit ang likod at parang ano. Hala ka. Napatitig ako kay Jeff na walang humpay na may ginagawa sa tablet niya at nanahimik lang. Jeff, anong gagawin natin kapag buntis nga ako?! Lastly, mood swing. Okey wag madrama. Di ako buntis. Period! Mauubos ko na ata kainin ang kuko ko. Paano na kapag buntis ka nga at kailangan mo makipagsabunutan kay Ivy? Missamy! Wag mong uubusin ang kuko mo. Ano ba?! Di ako buntis! Sino kasing may sabi na makipag-inuman ako sa lalaking to? Nahuli niyang ang sama ng titig ko sa kanya. Ngumisi siya at bumitiw ng titig sa akin na may kasama pang iling. Tulog na yung mga bata. Namalayan nami