After seeing the copy of the documents on her table, halos mag-apoy ang dib-dib niya sa matinding galit. Hindi na nagdalawang-isip si Serie ng tumayo mula sa kanyang swivel chair at tinungo ang pinto. Bit-bit ang brown na folder na iyon ay lumabas siya mula sa kanyang maliit na opisina doon sa Blooming petals. "Dito ka muna Claire. Kapag dumating ang kuya Jervis mo at hinanap ako, sabihin mo na may pinuntahan lang ako saglit." sabi niya sa babaeng katu-katulong niya doon sa flower shop.Pagkasabi niyon ay dire-diretso na ang lakad niya papunta sa pinto.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang pinara ang unang tricycle na nakita ng kanyang mga mata. "Manong, sa Mega bank po tayo." she said gritting her teeth hardly.Hindi na niya ito mapapalampas. Sa nakita niya, sigurado na siyang plinano nito ang lahat. Akala pa naman niya matatahimik na sila dahil binayaran na nila ang loan nila sa bangko nito, but she was wrong dahil mas higit pa ang ginawa nito para hawakan sila sa leeg.
"Where is he?" Tiim na agad niyang bungad ng mabosesan ang boses ni Ali sa kabilang linya. Hindi ito agad nakasagot. Marahil nagulat sa pagtawag niya lalo na at ganoon kadilim ang kanyang boses. "Ali nasaan si Dylan?" tanong niya ulit. "S-Serie?" sabi nito na tila kinukumpirma pa na siya nga talaga ang tumatawag. "N-Napatawag ka?" hilaw nitong dagdag kapagkuwan."Sabihin mo kay Dylan na gusto ko siyang makausap." She said direct to the point."Hah? Uh.. kasi Serie--""I know you're with him, kaya sabihin mo sa akin kung nasaan kayo. Kailangan ko siyang makausap. And don't fucking tell me that he's busy, dahil wala akong pakialam! Huwag kamo siyang magtago matapos niyang gawin ang mga kawalanghiyaan niya!" she burst out. Ali became speechless. Ilang saglit pa bago niya narinig ulit ang boses nito."Pasensiya na Serie, pero nasa meeting talaga siya ngayon. Hindi ako nagsisinungaling. Don't worry, sasabihin ko sa kanya na tumawag ka at gusto mo siyang makausap. Kung ano man ang desi
He whisper that with smile on his lips, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. All she can see in his eyes was a total darkness.Isang emosyon na hindi nito nagawang itago sa kabila ng ipinakita nitong ngiti.It gave her goosebumps. But before she could react, lumayo na ito sa kanya."Pagod na pagod ako kaya pinili ko sa isang pribadong silid tayo mag-usap para kahit paano makapag pahinga ako. If you find it inappropriate, then walang pumipigil sayo na umalis." Pagkasabi non, tumalikod na ito at humakbang papunta sa elevator. Ali immediately push the button to the floor where he'll go.Nang bumukas iyon, dire-diretsong pumasok doon si Dylan, without minding her. "Serie.." si Ali. As if confirming if she will follow or not.Mariin siyang nagtiimbagang saka bumuntong-hininga. Kung may choice lang siya, nungka siyang papasok sa loob. But then she don't have any. She need to end things with him for her peace of mind. Hindi niya iyon makukuha kung paiiralin niya ang kanyang irita at
Matapos makitang si Jervis ang tumatawag ay agad siyang nag excuse kay Ali para sagutin iyon. Naghanap siya ng lugar kung saan tahimik niya itong makakausap. Sa balcony ng kwartong iyon."Hello, Jerv..""Serie, pasensiya na kung ngayon lang ako nakatawag. Naging abala kasi ako kanina dahil ako ang nag asikaso kay Inay. Nakauwi ka na ba?"She bit her lip and darted her eyes to the two crew busy setting the table. Idinako niya rin ang mga mata kay Ali na noo'y nakabantay sa dalawa."Huh? Ahm.. Jerv, kasi--" She wanted to tell him the truth, that she's with Dylan, and the reason why she's with him dahil hindi niya gusto ang magsinungaling, pero hindi niya magawang bigkasin ang tamang salita. Hindi niya alam kung paano sabihin o kung saan mag-uumpisa.And before she could think straight, iba na ang lumabas sa kanyang bibig."Ahm, nandito pa ako sa flower shop. K-Kami ni Claire. May tinatapos pa kasi kaming mga bouquets for tomorrow's order."Napakagat-labi siyang muli. Her heart is racin
By taking everything back, ano ang ibig nitong sabihin? Sisirain din ba nito ang buhay niya gaya ng sinasabi nitong ginawa niyang pagsira sa buhay nito? Is this why he is meddling in their life right now? Sa papaanong paraan nitong babawiin ang kaligayahan nito? By taking her happiness away from her too? Will he also break her heart like how he claimed she broke his? Mapait siyang umiwas ng tingin.Hindi na nito iyon kailangan gawin. Dahil mula ng iwan niya ito, hindi na kailan man nabuo ang kanyang puso. And it will never be whole again."Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa akin, but leave Jervis and my children alone. Wala silang kinalaman sa lahat ng ito."Nagtagis lalo ang bagang nito sa narinig. Sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya ang pagkuyom ng kamay nito na nasa magkabilang bahagi ng kanyang uluhan.Ilang sandali itong hindi nagsalita. He just watch her with emotionless eyes. And when he speak again, she shivered at the darkness of his voice. "Paanong wala silan
Kung kailan nagdesisyon siyang hayaan nalang ito sa gagawin saka naman niya naramdaman ang pagluwag ng hawak nito sa palapulsuhan niya. At pagkatapos niyon ay ang tuluyan nitong pagtigil sa marahas nitong paghalik sa kanyang mga labi. "Ganoon mo ba siya kamahal para umiyak ka ng ganyan?" Kung malamig na ang boses nito kanina, higit ngayon. Ramdam niya ang panunuot niyon kahit sa kaliit-liitang bahagi ng kanyang kalamnan.She darted her eyes on him. Unti-unti na siya nitong tinatalikuran. Magkagayon man hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang sakit na nakarehistro sa mga mata nito.Looking at him like that, her heart ache more. Para na iyon pinipiga kaya mas lalong bumuhos ang kanyang mga luha. "Hell Serie! Wala na akong gagawin sayo, so stop crying!" Mariin na baling nito na para bang hindi nito gusto makitang umiiyak siya sa kabila ng sakit na idinulot niya rito.Just like then. Back in times when he preferred to hurt himself than to see her in pain.Mariin niyang kinagat ang ka
"N-Nasaan kayo ngayon inay?" She asked in histerics. Ngunit hindi na ito sumagot sa kabilang linya na nagpataranta sa kanya ng labis. "Inay! Inay!""Ate..." Ang kapatid niya ang sumagot. "Nandito kami sa--"Hindi na niya pinatapos ang sinabi nito. Taranta siyang napatakbo sa direksyon ng pinto matapos na marinig ang pangalan ng hospital na kinaroroonan ng mga ito.She open the door and go out in histerics. Hindi na niya maramdaman ang mga paa sa sahig ng takhuhan niya ang kinaroroonan ng elevator. Ang buo niyang katawan ay nanginginig sa matinding takot. The same fear she felt when Eisiah rushed to the hospital years ago. Noong una itong inatake.Sa sobrang panginginig ng kanyang kamay ay hindi niya magawang pindutin ang button ng elevator. At noong magawa naman niya iyon, nakita niyang nasa ground floor pa ito.No...Mas lalo siyang nataranta. Ang alam niyang may iba pang elevator na pwede niyang gamitin, hinanap iyon ng kanyang mga mata, pati ang kinaroroonan ng hagdan. And she saw
Everyone falls into silence. Parang biglang tumigil ang mundo at ang tanging maririnig nalang sa pasilyong iyon ng ospital ay ang galaw ng kamay ng orasan sa itaas ng pinto ng emergency room at ang malakas na tibok ng kanyang puso.Wala sana siyang kaplano-plano na ibulgar ang katotohanan, pero nakialam na naman ang tadhana at ito ang gumawa ng paraan para malantad ang totoo. At sa ganito pang pagkakataon."S-Serie, sinasabi mo bang.. ang taong ito ang ama nina Eisier at Esie?" Bahagya niya nalang narinig ang hindi makapaniwalang tanong na iyon ng kanyang inay dahil ang buo niyang isip ay nasa harap. Sa taong hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring reaksyon. "Ahm..." Doctora Martina awkwardly turn her gaze on them. "K-Kung siya ang biological father ni Esie, hindi nga siya pwedeng magdonate ng dugo. I will see what I can do. Susubukan kong tumawag sa blood bank ng ibang mga hospital baka sakaling may dugo silang nakaimbak gaya ng kay Esie. And while we wait, I suggest that sh
Mag-ingat na po kayo sa susunod Papa. Please don't get hurt. Saan pa po masakit? I will blow it for you."Sa bahagyang nakabukas na pinto ay kita niya si Esie na nakatambungaw sa ama partikular sa sugat nito sa noo na noo'y hinihipan na nito. "Masakit pa po?""Hmm.. dito pa sweetheart." Dylan show his bruised right arm. Bahagyang bumaba si Esie sa kama at itinuon naman ang atensyon sa kaliwang braso ng ama. "Here's your medicine Papa." Bitbit ang baso na may lamang tubig at mahihinuha niyang gamot ay patungo ngayon sa kinaroroonan ng ama si Eisier."Oh, thank you Eisier." Umurong si Esie ng bumangon si Dylan para umupo. "Careful Papa.." Napatawa siya ng makitang sinubukan pa itong alalayan ni Esie as if naman kaya nito ang bigat ng katawan ng ama. Even Eisier. Hindi nito binitiwan ang baso ng tubig at ito na mismo ang nagpainom sa ama as if hindi nito kayang hawakan at iangat ang baso."Hmm.. feel na feel ah.." pigil na pigil ang tawa na pumasok siya. They all darted their eyes
Ihahatid na kita sa labas." Nakangiting salubong niya kay Jervis ng makitang palabas na ito sa pinto ng study room.After seeing Eisier and Esie, Dylan requested to talk to him in the study room. Kung ano ang pinag-usapan ng dalawa ay wala siyang ideya."Are you sure?" taas kilay nitong tanong. "Baka ipabugbog ako ni Prin- I mean ni Dylan sa mga bodyguard ninyo kapag nakitang inihahatid mo ako."Ikiniling niya ang ulo."He's a possessive and jealous man. I have this feeling that he'll tear every men he'll see talking to you. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal mo siya. That attitude of him is really awful." Iiling-iling nitong sabi. But then a plaster of amusement was written at the corner of his lips.Alam niyang hindi ito seryoso sa mga sinasabi. Dahil nang magsimula itong bumaba sa hagdan at sumunod siya, hindi naman siya nito pinigilan.Nagkibit siya ng balikat kapagkuwan at sinagot ito. "Well, may kasabihan na bulag ang pag-ibig." She chuckled. "I guess that a
News of what happened spread like wildfire after what happened. Nagulat nalang sila na puno na ng media ang buong hospital. Cameras are everywhere as they step outside. Kanya-kanyang kuha ng mga litrato, kanya-kanyang kuha ng video. Magulo, maingay at maraming ibinabatong tanong. Nagkakagulo hindi lang dahil sa nangyaring insidente, kundi higit dahil sa nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkatao ni Dylan.Kung noon nagawa pa nilang patahimikin ang media sa nangyaring muntikan ng pagkidnap kay Eisier, ngayon, alam nilang malabo ng mangyari iyon. Hindi niya pa man nabubuksan ang kanyang social media accounts, alam na niyang pinagpipyestahan na ng buong bansa-- no-- marahil ng buong mundo ang nangyari. At sa mga sandaling iyon ay kinakalkal na ng lahat pati ang kani-kanilang mga personal na buhay at mga pagkatao.Dylan heave a sigh and look at her with those tired eyes. Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit."Let's go home." Anas niya. They need to get out of here. Kailangan nitong
Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang sa pinto ng kwartong iyon ay tinakbuhan na niya agad ang pagitan nila ng taong nakaupo sa kama. Nang makalapit ay agad niya itong niyakap ng mahigpit."Wo..wo.." sabi nito habang nasa ere ang magkabilang kamay. Mababakas sa boses ang mahinang pagtawa.Suminghot-singhot siya. She didn't say a word. Basta niyakap niya lang ito ng mahigpit.He chuckled. "I didn't die in that crash, pero mukhang mamatay naman ako sa sakal. Hindi na ako m-makahinga sweetheart. And my arms is hurting already."Hindi pa rin siya nagsalita. Niluwagan niya man ang pagkakayakap rito, ngunit hindi niya pa rin ito binitiwan. Instead she burried her face on his neck to suppress her cries. She was so scared. Katunayan hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.Naramdaman niya ang paglapat ng mga braso nito sa kanyang likod. Sa pagkakataong iyon ay ito na ang yumakap sa kanya. He caress her back gently."Shh... Stop crying. I'm fine. And its ov
"Call me after you're done with their orders. Susunduin kita rito, okay?" Sabi sa kanya ni Dylan ng makababa siya sa sasakyan nito. Hawak nito ang pinto ng SUV na binuksan nito para sa kanya sa harap ng flower shop.Matapos ang dalawang araw na pagliban, pumasok na siya sa araw na iyon dahil may mga order na bulaklak silang dapat asikasuhin para sa isang gaganaping event."You don't have to, sa kanila nalang ako sasabay mamaya." sagot niyang sabay dako ng tingin sa paparating na isa pang SUV. Ang sinasakyan ng itinalaga nitong mga bodyguard niya. Alam niyang marami rin itong aasikasuhin sa trabaho nito dahil tulad niya ay lumiban din ito ng ilang araw.She heave a sigh as she watch the bodyguard's car coming. Sa totoo lang, hindi talaga siya kumportable na may nagbabantay sa kanya. Kahit na sabihing sa labas lang naman ang mga ito at malayo sa kanya, still, it was really uncomfortable. Pero wala siyang magawa. Dylan insisted. "No, sweetheart. I'll fetch you. Kung hindi nga lang imp
"God, I miss you.. I miss this so much Serie.." Hinihingal at paos na bulong ni Dylan habang pababa ang labi sa kanyang katawan. Mula sa kanyang taynga ay tinahak niyon ang kanyang leeg, ang kanyang balikat pababa sa puno ng kanyang dibdib.He planted small kisses around her breasts. He did that with all the gentleness in his eyes. Ganoon din ang hawak nito. Napakarahan na tila isa siyang babasaging kristal na sobra nitong iniingatan."I love you. I love only you.." Kasabay ng mga mumunti nitong mga halik ay patuloy nitong bulong. Mariin siyang napakagat-labi kasabay ng pagdako ng tingin rito. Dim ang ilaw sa bahaging iyon ng living room, magkagayon man ay malinaw niyang nakikita ang ginagawa nito sa kanyang katawan. Ang pagdampi-dampi ng labi nito sa paligid ng kanyang dibdib, ang ngayo'y unti-unting paggapang ng kamay nito pababa sa kanyang puson, at higit sa lahat kitang-kita niya ang hubad na sarili na malaya nitong pinagpipyestahan ng tingin sa sandaling iyon.She knew it's no
As she is sitting on that cold lonely living room waiting for him to come home, she can't help but to reminisce everything that happened in the past. Napakarami nilang pinagdaanan ni Dylan. Mga masasaya at mga masasakit. Their love story ever since was a roller coaster ride. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, hindi na siya umasa na magkakaroon pa ng pangalawang pagkakataon para sa kanila. But fate always bring them together. It always has its ways when she thought that it was really imposible for them. Ang tadhana ang naghahanap ng paraan para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-ibig.Tulad nalang ngayon, ginamit nito si Ali para maliwanagan ang kanyang isip. She always has this phobia when it comes of opening her heart again to Dylan, takot siya at puno ng pangamba. But after talking to Ali, after hearing everything from him, nawala parang bula ang lahat ng takot niya at alinlangan. Hindi na niya lalabanan ang itinakda ng tadhana para sa kanila. Ali was right, it's her turn to
Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan matapos na makita ang oras sa screen ng kanyang cellphone.Mag-aalas diyes na ng gabi. And she was there lying with her eyes wide open. Habang himbing ng natutulog ang kambal sa kanyang tabi, siya ay kanina pang hindi makatulog ano mang pikit ang gawin niya. How can she sleep if her mind was not at ease? Kanina pa iyon hindi mapakali. She keeps looking at the empty space of the bed beside Esie. At mula doon ay muli na naman niyang titingnan ang kanyang cellphone. Dalawang bagay ang tinitingnan niya doon, ang oras o kung may message na ipinadala si Dylan.But there's none. The last message she received from him was before seven, telling her that he'll be late at mauna na silang mag hapunan ng mga bata.Magtatakip-silim ng umalis ito. Umalis matapos makatanggap ng isang tawag. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung sino o kung tungkol saan ang tawag dahil nagmamadali na itong umalis. Alam niyang may hi
Dahil sa nangyari kay Eisier, napilitan silang doon na muna tumira sa bahay ni Dylan. Hindi na siya tumutol ng imungkahi iyon ng binata sa kanila dahil kahit ang kanyang Inay at Itay ay iyon din ang iminungkahi.She agreed too because she knew that it was the safest place for the twins. Dylan hired more security. Triple sa nauna na nitong mga kinuha. Magkagayon man, hindi pa rin panatag ang loob niya. Kahit nahuli na at ngayon ay nakakulong ang suspect, naroroon pa rin ang matinding takot sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil alam niyang hindi ito ang tunay na salarin. The real suspect is still at large at alam niyang naghihintay lamang ito ng pagkakataon. "Are you sure that it was her?"Napahinto siya sa pagpasok sana sa study room ni Dylan ng mula sa labas ay marinig ang boses nito. Kung sino ang kausap nito sa loob ay wala siyang ideya. "We are very sure Dymitri. Her name is on the list of the arrived passenger dated August 6 2024. That was one week ago. Dumating siya rito ng alas o