Huminga nang malalim si Ginoong Huseng bago nagsalita. “Napakabait ng mga Perez, halos lahat ng tao rito sa bayan ay mahal na mahal sila. Lahat ng mga nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Maging si Señorito Joaquin ay labis na napakabukal ang puso tulad ng kan’yang ama na si Don Arturo. Sa kabila ng kanilang pagiging makapangyarihan at salaping meron sila ay nakikisalamuha sa mga mahihirap na tulad namin si Señorito Joaquin. Itinuturing nila kami na pareho ang aming antas sa lipunan sa kanila,” nakangiting saad ni Ginoong Huseng.
“Kung gano’n ang pamilya niya at maging si Señorito Joaquin, bakit siya inaalipin? Bakit ganoon na lamang siya insultuhin ng mga guwardiya sibil?” Sunod-sunod kong tanong.
Gumuhit ang mga lungkot sa mga mukha ni Lita at Ginoong Huseng. Ilang segundo rin silang nanahimik ngunit si Lita ang bumasag noon.
“Wala silang ibang ginawa kun’di tumulong sa mga kapos-palad na tulad namin ngunit hindi namin alam ang buong dahilan kung bakit sila pinaratangan ng katiwalian sa pamahalaan.” Saad ni Lita.
“Katiwalian?” pag-uulit ko. Ano ‘yon? Shit! Bakit ang lalim?
“Opo, binibini. Bilang hatol ay ginawa ang buong pamilya ni Señorito Joaquin bilang mga alipin imbes na sila ay hatulan ng kamatayan. Maninilbihan ang buong pamilya nila hanggang sa mabayaran nila ang perang nakuha nila sa pamahalaan.” Paliwanag ni Lita.
Katiwalian is corruption? Tama ba?
“Alam ng lahat na narito na walang ginawang masaama ang pamilya ni Señorito Joaquin, hindi nila magagawang ibulsa ang pera ng bayan para sa pansirili nilang kapakanan. Hindi sila gano’n,” malungkot na saad ni Ginoong Huseng. “Gusto namin tulungan sina Señorito Joaquin tulad ng pagtulong nila sa amin ngunit, hindi namin magawa dahil sa takot na baka kami ay matulad sa iba naming kababayan na pinarusahan ng kamatayan dahil sa pag-aaklasa na kanilang ginawa para matulungan lamang sina Señorito Joaquin.” Dagdag niya. “Paraan din nila ito para ipahiya ang pamilya ni Señorito Joaquin sa publliko at dahil na rin sa malaking banta si Don Arturo sa alkade-mayor.”
Alkade-mayor?
“Ginoo! Maghunos dili ka sa iyong sinasabi baka may makarinig sa ‘yo maging ikaw ay maparusahan,” mahinang hagsik ni Lita kay Ginoong Huseng na may pag-iingat.
“Pasen’sya na, Lita, ngunit hindi ko magawang makapagpigil sa tuwing nakikita ko ang ginawa nila kina Señorito Joaquin. Alam mo kung gaano at paano ang naging pagtrato sa atin ng kanilang buong pamilya.”
“Alam ko ‘yon, Ginoong Huseng, hindi ko makalilimutan ang kanilang kabutihan.” Ani Lita.
“Teka, sino ang alkade-mayor? Bakit naman naman magiging banta sa kan’ya si Don Arturo?” naguguluhan kong tanong.
“Malaki ang galit ng mga Geronimo sa mga Perez dahil sa kayamanan na meron ang pamilya ni Señorito Joaquin.” Bulong na sagot ni Ginoong Huseng.
“Dahil lang sa kayamanan?” Hindi ko makapaniwalang bulalas.
“Hindi lang iyon, dahil sa karisma ni Don Arturo ay malaki ang posibilidad na maging sunod na alkade-mayor ito dahilan para maging banta at mawala ang pinakamamahal na posisyon ni Don Emilio sa kan’ya.”
Hindi ako nakaimik sa aking narinig. Bakit? Dahil lang sa pera at kapangyarihan handa silang magpahirap ng taong walang ibang ginawa kun’di ang tumulong at makabubuti sa nasasakupan nila? Bakit ang bilis lang sa panahon na ito ang patayin ang mga tao dahil lang sa gusto nilang tulungan o ipaglaban ang gusto nila? Mali na ba ang magsalita para sa kanilang gusto mangyari? Bakit ang dali lang sa kanilang kumitil ng buhay na tanging meron lamang sa isang tao na gusto mabuhay at makita ang pamilya nilang lumaki? Bakit? Hindi ko maintindihan, nagpapakahirap akong tulungan ang mga tao na humaba ang buhay ng tao pero sila…
Galit ang biglang namuo sa loob ko nang mapagtanto ang lahat na nangyayari sa panahon na ito at biglang nanariwa sa aking isapan ang lahat na nangyari sa amin ni Lola Linda. Hindi ko maisip kung paano natagalan ng ating mga ninuno ang ganitong uri ng pagtranto at pamumuhay ngunit ano ba ang pagkakaiba ng nakaraan sa kasalukuyan? Hindi ko akalain na sa kabila ng kulang na kaalaman ng mga tao noon ay ganito nila pagmamalupitan ang ibang tao mas mababa pa sa kanila. Akala ko dahil lang sa makabagong henerasyon at pag-uugali kaya naging masama ang mga tao ngunit nagkakamali pala ako, bawat tao ay may tinatagong kasamaan kahit na isa pa siyang mangmang o may alam.
Napakuyom ako ng aking kamao. “Dapat sila ang parusahan hindi tulad ni Señorito Joaquin na walang ibang ginawa kun’di ang tulungan ang mga nangangailan? Hindi ko matatanggap ang ganito!” galit kong saad.
“Binibini, alam kong galit ka ngunit pakiusap ‘wag ka ng pumasok sa gulo. Huwag niyo po ilagay ang iyong pamilya sa kapahamakan.” Awat ni Lita sa akin.
“Pero---
Hinawakan ni Lita ang mga kamay ko. “Pakiusap, binibini,” aniya sa kan’yang nangungusap na mga mata.
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kailangan kong mag-isip.” Saad ko at humakbang papaalis ng tindahan ngunit mabilis na sumunod si Lita kung kaya napatigil ako. “Kailangan ko mapag-isa, Lita.”
“Pero, binibini---
“Lita, pakiusap,” wika ko. “Huwag kang mag-alala mag-iikot lang ako. Magkita na lang tayo sa tapat ng simbahan.” Ani ko at tuluyan ng umalis ng tindihan. Mabilis akong naglakad patungo sa lugar kung saan wala gaanong tao. Gusto ko sumigaw at mapag-isa.
Bakit nila nagawa ang gano’n? Hindi ko mapagtanto na kahit sa panahong ito ay mga ganid ang mga ninuno natin. Nang dahil sa pera’t posisyon kaya nilang gawin iyon sa kapwa Pilipino nila? Hindi ba sila masaya na kababayan nila ang siya ring tumutulong sa naghihirap na kababayan nila? Hindi ba sila natutuwa na kahit na sinasakop sila ng Espanyol at ginagawang alipin ay nagagawa ng tulad ng pamilya ni Joaquin na makatulong sa mga ito at hindi naging bulag sa pera at kapangyarihan? Sila-sila na nga lang ang magtutulungan tapos aapihin at ipagkakanulo nila ang isa’t isa dahil lang sa pera’t kapangyarihan? Madadala ba nila ang pera at posisyon na ‘yan sa hukay nila hanggang sa kabilang buhay? Gano’n na ba kahalaga sa kanila ang mga kumikinang na bagay at titulo?
Napapalatak ako sa labis na inis at pagkadismaya. “They are really disgusting! Paano nila nagagawa ang ganoon? Napakahalang ng mga kaluluwa ng mga hayop!” Mura kong paghihimutok.Ngunit natauhan ako nang hindi ko namalayan na nakarating ako sa likod ng simbahan sa labis na lalim ng aking iniisip. Napalingon ako sa aking paligid at walang tao roon kung kaya doon na ako nagbuhos ng sama ng loob.“Bullshit! Hypocrite! Mga bahagi kayo ng kasaysayan pero ano ang ginagawa niyo? Akala ko may basura pa sa kasalukuyang pamahalaan ngunit mas bulok at makasarili ang mga namamahala rito!” gigil kong paghihimutok sabay palatak at namaywangan. “Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit basura ang namanang paraan sa pamahalaan sa nagdaang henerasyon, bulok din pala ang pinagsimulan!” sarkastiko kong saad sa hangin.Napahalukipkip ako bigla ng sumagi sa aking isipan ang mga napag-aralan ko noong elementary at high school ako at napabunga ng may pagkasiphayo. “Ang galing! Ha-ha-ha
Humugot ako nang malalim na paghinga bago siya hinarap. “Maupo ka lang d’yan at babalik ako. Huwag na huwag kang aalis hangga’t hindi pa ako nakababalik.” Ani ko.“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, tulad ka pa rin ng dati.” Aniya ngunit hindi ko na pinansin ang kan’yang sinabi at mabilis na naglakad papaalis sa kan’ya.Mabilis akong naghanap ng pharmacy ngunit hindi ko alam kung ano ang itsura ng pharmacy sa panahong ito.“Where the hell I find pharmacy here?” I cursed under my breath.Iginala ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita.“Hinahanap mo ba ang dispensaryo, binibini?”Napakunot-noo akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang matandang babae ngunit natigalgal ako nang makita ko ang mukha nito.“Lola Linda…” mahina kong usal.“Naroon ang bilihan ng gamot, binibini,” wika nito sabay turo sa gawing kanan. “Doon mo mabibili ang kailangan mo.” Dagdag niya pa at nagsimulang maglakad papalayo.
“Binibini, oras na po ng hapunan!” tawag sa akin ni Lita sabay katok sa aking pintuan. “Bini---Malaking mga ngiti ang gumuhit sa aking labi at mabilis akong lumabas ng k’warto at patakbong pumunta sa hapag-kainan kung nasaan na nakaupo na sina Don Raul at Doña Celestina.“Don Raul! Doña Celesti—este ama! Ina!” masaya kong tawag sa kanila.Napatawa nang malakas si Don Raul sa akin. “Ano ba ‘yon, anak? Anong meron para malagyan ng masayang ngiti ang iyong mukha?” tanong ni ama sa akin.Naupo ako saka masayang humarap kay ama. “Ama, maaari mo po ba akong bilhan ng gamit sa pang-gagamot?” masaya kong sabi. I know it’s a shame to asked Helena’s father to buy medical instruments for me even I’m not her real daughter. It’s still hurts my ego whenever it refreshes of what did those annoying guardia civil to Joaquin. I know Joaquin is not only the person who suffer from maltreatment, there are a lot of people who can’t fight back against them because they are full of
Matapos namin kumain ay umalis si Don Raul dahil sa may gagawin daw ito sa bayan samantala naman si Doña Celestina ay abala sa pamamahala ng kabahayan kaya ako na walang magawa ay napagpasyahan na libutin ang buong hacienda para na rin maging pamilyar sa pasikot-sikot dito. Halos malula ako sa laki ng hacienda nang libutin ko ito maraming mga tanim na kung saan ay iyon na ang nagsisilbing supply ng mga pangangailangan nila Don Raul.“How lucky she is? They will not go hungry even once a day because of these sources they have!” anas ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hekta-ektaryang taniman ng palay, mais at iba pang gulay maging ang mga namumungang niyog at mangga ay meron din sila. Andami! Halos lahat na ata ng nasa bahay-kubo ay maroon silang tanim maging ang local fruits na p’wede mabuhay sa Pilipinas ay meron sila.Nagpatuloy ako sa pag-iikot hanggang sa nakarating ako sa isang shade na gawa sa nipa at may upuan na gawa sa kawayan na sa tingin ko ay pahingah
Lumipas ang mga araw ngunit wala pa rin akong naririnig kay Amang Raul dahilan para mapabuntong-hininga ako nang malalim.“Mukhang nagkamali ata ako sa pagkakakilala kay Don Raul.” At muli akong napabuntong-hininga nang malalim.“Mukhang ang lalim ng iyong iniisip, binibini,” saad ni Lita na biglang sumulpot sa aking tabi.“Well, I won’t deny it, Lita,” ani ko at napangalumbaba sa aking pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno ng acacia.Napakamot ng ulo si Lita sa labis na pagkalito. “Kahit anong gawin ko, binibini, hindi ko talaga labis na maunawaan ang inyong sinasabi.” Wika ni Lita na bakas pa rin ang pagkalito sa kan’yang mukha.Napatayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagpag ang suot kong saya. Nakaramdam na ako ng panlalagkit ng katawan kung kaya napag-isipan kong maligo.“Lita, gusto kong maligo,” wika ko kay Lita at nagsimulang maglakad pabalik sa mansyon ngunit sa
“Sino ka? Ba’t ka narito?” Sunod-sunod kong tanong sa binatang nasa aking harapan na halatang gulat din sa nangyari. Nakatingin lang ito sa akin at ilang segundo rin niya akong napagmasdan bago makolekta ang kan’yang huwisyo at mabilis na tumalikod sa akin.“Patawad sa pagiging mapangahas ng aking mga mata, binibini,” paghingi nito ng despensa na siyang ikinakunot ng noo ko.“Anong pinagsasabi mo? Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” tanong kong muli sa kan’ya.Napayuko ito at tila hindi mapalagay sa kan’yang kinakatayuan.“Sino ka? Bakit hindi mo ako harapin? Kinakausap kita,” anas kong saad.Ngunit nanatili itong uneasy at tila hindi mabuo ang mga salita na gusto niyang sabihin sa akin.“Naririnig mo ba ako? Bakit hindi ka humarap?” ani ko na nagsisimula na akong mainis sa kan’ya.Nakita ko ang pagtaas ng kan’yang mga balikat na tila humugot ng isang malalim ng hininga para sa kan’yang sasabihin.“Binibini, patawad ngunit hindi ko magag
Sobrang dilim pa ng paligid at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga nang magising ako dahil sa sakit ng tiyan na nararamdaman ko na sa sobrang sakit ay halos nakabaluktot na ako sa pagkakahiga.“Shit! Ang sakit ng tiyan ko!” ani ko sa aking isipan na halos gusto kong sumigaw kaso hindi p’wede. Baka pati mga tao rito ay mabigla kapag bigla akong sumigaw ng dahil lang sa kabag. Hindi ko ini-expect na magiging issue sa akin ang hindi pagsuot ng panty sa panahon na ito kahit walang bentelador sa panahon na ito ay kakabagin pa rin pala ako.Kahit pinipilipit na ako sa sakit dahil sa kabag ay naglakad ako patungong kusina para maghanap ng mainit na tubig para mag-hot compress at t’saa. Nang makarating sa kusina ay iginala ko ang aking mga mata ngunit ngayon ko lang napansin na wala man lang thermos sa panahon na ‘to. Bigla akong napasapo ng aking noo sa sobrang pagkadismaya.“Kung kailan emergency saka pa pahihirapan ng ganito,” nanghihinang angal ko.
Hindi ko alam kung ‘yong regla ang aalalahanin ko o si Lita. Kung tatawanan ko ba siya dahil sa ikinilos niya o maiinis dahil sa overreaction niya at kailangan ko siyang pangaralan ng tungkol sa monthly cycle ng babae.Huminga ako nang malalim at hinawakan si Lita sa balikat. “Lita, hindi ako nasugatan para dalhin sa pagamutan. Karaniwan na ito sa mga kababaihan sa oras na tumuntong na sila sa edad na 12-16. Tawag diyan regla, hindi sugat. Kaya huminahon ka na kasi hindi ‘to sobrang lala gaya ng iniisip mo.” Paliwanag ko sa kan’ya.May pag-aalinlangan pa sa kan’yang mukha nang sandaling iyon ngunit makalipas ang ilang segundo ay doon niya lang naunawaan ang lahat ng aking sinabi.“Paumanhin binibini, hindi ko sinasadya ang aking maling ikinilos. Hindi ko po alam na regla ang tawag diyan, pasens’ya na po sa kakulangan ng aking kaalaman tungkol sa gan’yang bagay.” Paghingi niya ng dispensa nang nakayuko.Hinimas ko ang kan’yang buhok at ngumiti. “Ayos lang ‘yon
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.