Humugot ako nang malalim na paghinga bago siya hinarap. “Maupo ka lang d’yan at babalik ako. Huwag na huwag kang aalis hangga’t hindi pa ako nakababalik.” Ani ko.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, tulad ka pa rin ng dati.” Aniya ngunit hindi ko na pinansin ang kan’yang sinabi at mabilis na naglakad papaalis sa kan’ya.
Mabilis akong naghanap ng pharmacy ngunit hindi ko alam kung ano ang itsura ng pharmacy sa panahong ito.
“Where the hell I find pharmacy here?” I cursed under my breath.
Iginala ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita.
“Hinahanap mo ba ang dispensaryo, binibini?”
Napakunot-noo akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang matandang babae ngunit natigalgal ako nang makita ko ang mukha nito.
“Lola Linda…” mahina kong usal.
“Naroon ang bilihan ng gamot, binibini,” wika nito sabay turo sa gawing kanan. “Doon mo mabibili ang kailangan mo.” Dagdag niya pa at nagsimulang maglakad papalayo.
“Binibini, oras na po ng hapunan!” tawag sa akin ni Lita sabay katok sa aking pintuan. “Bini---Malaking mga ngiti ang gumuhit sa aking labi at mabilis akong lumabas ng k’warto at patakbong pumunta sa hapag-kainan kung nasaan na nakaupo na sina Don Raul at Doña Celestina.“Don Raul! Doña Celesti—este ama! Ina!” masaya kong tawag sa kanila.Napatawa nang malakas si Don Raul sa akin. “Ano ba ‘yon, anak? Anong meron para malagyan ng masayang ngiti ang iyong mukha?” tanong ni ama sa akin.Naupo ako saka masayang humarap kay ama. “Ama, maaari mo po ba akong bilhan ng gamit sa pang-gagamot?” masaya kong sabi. I know it’s a shame to asked Helena’s father to buy medical instruments for me even I’m not her real daughter. It’s still hurts my ego whenever it refreshes of what did those annoying guardia civil to Joaquin. I know Joaquin is not only the person who suffer from maltreatment, there are a lot of people who can’t fight back against them because they are full of
Matapos namin kumain ay umalis si Don Raul dahil sa may gagawin daw ito sa bayan samantala naman si Doña Celestina ay abala sa pamamahala ng kabahayan kaya ako na walang magawa ay napagpasyahan na libutin ang buong hacienda para na rin maging pamilyar sa pasikot-sikot dito. Halos malula ako sa laki ng hacienda nang libutin ko ito maraming mga tanim na kung saan ay iyon na ang nagsisilbing supply ng mga pangangailangan nila Don Raul.“How lucky she is? They will not go hungry even once a day because of these sources they have!” anas ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hekta-ektaryang taniman ng palay, mais at iba pang gulay maging ang mga namumungang niyog at mangga ay meron din sila. Andami! Halos lahat na ata ng nasa bahay-kubo ay maroon silang tanim maging ang local fruits na p’wede mabuhay sa Pilipinas ay meron sila.Nagpatuloy ako sa pag-iikot hanggang sa nakarating ako sa isang shade na gawa sa nipa at may upuan na gawa sa kawayan na sa tingin ko ay pahingah
Lumipas ang mga araw ngunit wala pa rin akong naririnig kay Amang Raul dahilan para mapabuntong-hininga ako nang malalim.“Mukhang nagkamali ata ako sa pagkakakilala kay Don Raul.” At muli akong napabuntong-hininga nang malalim.“Mukhang ang lalim ng iyong iniisip, binibini,” saad ni Lita na biglang sumulpot sa aking tabi.“Well, I won’t deny it, Lita,” ani ko at napangalumbaba sa aking pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno ng acacia.Napakamot ng ulo si Lita sa labis na pagkalito. “Kahit anong gawin ko, binibini, hindi ko talaga labis na maunawaan ang inyong sinasabi.” Wika ni Lita na bakas pa rin ang pagkalito sa kan’yang mukha.Napatayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagpag ang suot kong saya. Nakaramdam na ako ng panlalagkit ng katawan kung kaya napag-isipan kong maligo.“Lita, gusto kong maligo,” wika ko kay Lita at nagsimulang maglakad pabalik sa mansyon ngunit sa
“Sino ka? Ba’t ka narito?” Sunod-sunod kong tanong sa binatang nasa aking harapan na halatang gulat din sa nangyari. Nakatingin lang ito sa akin at ilang segundo rin niya akong napagmasdan bago makolekta ang kan’yang huwisyo at mabilis na tumalikod sa akin.“Patawad sa pagiging mapangahas ng aking mga mata, binibini,” paghingi nito ng despensa na siyang ikinakunot ng noo ko.“Anong pinagsasabi mo? Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” tanong kong muli sa kan’ya.Napayuko ito at tila hindi mapalagay sa kan’yang kinakatayuan.“Sino ka? Bakit hindi mo ako harapin? Kinakausap kita,” anas kong saad.Ngunit nanatili itong uneasy at tila hindi mabuo ang mga salita na gusto niyang sabihin sa akin.“Naririnig mo ba ako? Bakit hindi ka humarap?” ani ko na nagsisimula na akong mainis sa kan’ya.Nakita ko ang pagtaas ng kan’yang mga balikat na tila humugot ng isang malalim ng hininga para sa kan’yang sasabihin.“Binibini, patawad ngunit hindi ko magag
Sobrang dilim pa ng paligid at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga nang magising ako dahil sa sakit ng tiyan na nararamdaman ko na sa sobrang sakit ay halos nakabaluktot na ako sa pagkakahiga.“Shit! Ang sakit ng tiyan ko!” ani ko sa aking isipan na halos gusto kong sumigaw kaso hindi p’wede. Baka pati mga tao rito ay mabigla kapag bigla akong sumigaw ng dahil lang sa kabag. Hindi ko ini-expect na magiging issue sa akin ang hindi pagsuot ng panty sa panahon na ito kahit walang bentelador sa panahon na ito ay kakabagin pa rin pala ako.Kahit pinipilipit na ako sa sakit dahil sa kabag ay naglakad ako patungong kusina para maghanap ng mainit na tubig para mag-hot compress at t’saa. Nang makarating sa kusina ay iginala ko ang aking mga mata ngunit ngayon ko lang napansin na wala man lang thermos sa panahon na ‘to. Bigla akong napasapo ng aking noo sa sobrang pagkadismaya.“Kung kailan emergency saka pa pahihirapan ng ganito,” nanghihinang angal ko.
Hindi ko alam kung ‘yong regla ang aalalahanin ko o si Lita. Kung tatawanan ko ba siya dahil sa ikinilos niya o maiinis dahil sa overreaction niya at kailangan ko siyang pangaralan ng tungkol sa monthly cycle ng babae.Huminga ako nang malalim at hinawakan si Lita sa balikat. “Lita, hindi ako nasugatan para dalhin sa pagamutan. Karaniwan na ito sa mga kababaihan sa oras na tumuntong na sila sa edad na 12-16. Tawag diyan regla, hindi sugat. Kaya huminahon ka na kasi hindi ‘to sobrang lala gaya ng iniisip mo.” Paliwanag ko sa kan’ya.May pag-aalinlangan pa sa kan’yang mukha nang sandaling iyon ngunit makalipas ang ilang segundo ay doon niya lang naunawaan ang lahat ng aking sinabi.“Paumanhin binibini, hindi ko sinasadya ang aking maling ikinilos. Hindi ko po alam na regla ang tawag diyan, pasens’ya na po sa kakulangan ng aking kaalaman tungkol sa gan’yang bagay.” Paghingi niya ng dispensa nang nakayuko.Hinimas ko ang kan’yang buhok at ngumiti. “Ayos lang ‘yon
Inalis niya ang suot niyang salakot at iniligay iyon sa kan’yang dibdib sabay yuko. “Magandang umaga, Binibining Helena.” Bati niya sa akin.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kan’ya. “Anong ginagawa mo rito, Joaquin?” tanong ko.“Nautusan ako ni Padre Tonyo na magdala ng gatas at keso para sainyo.” Sagot niya.“Ganoon ba? Tulog pa kasi sina ina at ama baka maaaring mamaya na lang ang bayad para sa mga gatas at kesong iyong dinala. Idadaan ko na lamang sa parokya ang kaukulang bayad para roon.” Tugon ko.Biglang kumunot ang noo ni Joaquin sa aking mga sinabi. “Walang bayad ang mga iyan, binibini. Ito ay kusang bigay ni Padre Tonyo kina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya.I felt awkward of what I’ve just done. Full of confidence pa naman ako tapos mali pa nasabi ko. It’s so embarrassing!“A, gano’n ba? Pasens’ya na hindi ko kasi alam. Kailan lang kasi ako umuwi rito sa Montecielo.” Pagdadahilan ko. Sana naman hindi na ako magkamali, nakahihiya kapa
Honestly, that’s where I work so obviously, “Yes, I am.” That’s what supposed to be my answer if I’m going to tell the truth pero dahil nandito ako sa panahon na ito, I should make a story that would fit in four corners so that he won’t doubt me.Tumango na lang ako bilang tugon sa kan’ya para safe.“Napakapalad mo naman para makapunta sa Estados Unidos.” Aniya na tila may panghihinayang sa kan’yang boses.“Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta ng Estados Unidos?” pangungusisa ko.Ngumiti ito ng may galak. “Bagamat dati akong nabibilang sa nakakaangat sa lipunan ay hindi ko nagawang makapunta sa Estados Unidos kahit gustuhin ko man.” Huminto ito sa pagsasalita at ngumiti. “Higit na mahalaga ang aming nasasakupan ng tulong kaysa sa pansariling kagustuhan.” Paliwanag niya.They were human who acts humane; who acts for good deeds but was wrongly accused.“Nakalulungkot naman,” mahina kong saad at napayuko.“Vita non est vivere, sed valera
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.