Hindi ko alam kung ‘yong regla ang aalalahanin ko o si Lita. Kung tatawanan ko ba siya dahil sa ikinilos niya o maiinis dahil sa overreaction niya at kailangan ko siyang pangaralan ng tungkol sa monthly cycle ng babae.
Huminga ako nang malalim at hinawakan si Lita sa balikat. “Lita, hindi ako nasugatan para dalhin sa pagamutan. Karaniwan na ito sa mga kababaihan sa oras na tumuntong na sila sa edad na 12-16. Tawag diyan regla, hindi sugat. Kaya huminahon ka na kasi hindi ‘to sobrang lala gaya ng iniisip mo.” Paliwanag ko sa kan’ya.
May pag-aalinlangan pa sa kan’yang mukha nang sandaling iyon ngunit makalipas ang ilang segundo ay doon niya lang naunawaan ang lahat ng aking sinabi.
“Paumanhin binibini, hindi ko sinasadya ang aking maling ikinilos. Hindi ko po alam na regla ang tawag diyan, pasens’ya na po sa kakulangan ng aking kaalaman tungkol sa gan’yang bagay.” Paghingi niya ng dispensa nang nakayuko.
Hinimas ko ang kan’yang buhok at ngumiti. “Ayos lang ‘yon
Inalis niya ang suot niyang salakot at iniligay iyon sa kan’yang dibdib sabay yuko. “Magandang umaga, Binibining Helena.” Bati niya sa akin.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kan’ya. “Anong ginagawa mo rito, Joaquin?” tanong ko.“Nautusan ako ni Padre Tonyo na magdala ng gatas at keso para sainyo.” Sagot niya.“Ganoon ba? Tulog pa kasi sina ina at ama baka maaaring mamaya na lang ang bayad para sa mga gatas at kesong iyong dinala. Idadaan ko na lamang sa parokya ang kaukulang bayad para roon.” Tugon ko.Biglang kumunot ang noo ni Joaquin sa aking mga sinabi. “Walang bayad ang mga iyan, binibini. Ito ay kusang bigay ni Padre Tonyo kina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya.I felt awkward of what I’ve just done. Full of confidence pa naman ako tapos mali pa nasabi ko. It’s so embarrassing!“A, gano’n ba? Pasens’ya na hindi ko kasi alam. Kailan lang kasi ako umuwi rito sa Montecielo.” Pagdadahilan ko. Sana naman hindi na ako magkamali, nakahihiya kapa
Honestly, that’s where I work so obviously, “Yes, I am.” That’s what supposed to be my answer if I’m going to tell the truth pero dahil nandito ako sa panahon na ito, I should make a story that would fit in four corners so that he won’t doubt me.Tumango na lang ako bilang tugon sa kan’ya para safe.“Napakapalad mo naman para makapunta sa Estados Unidos.” Aniya na tila may panghihinayang sa kan’yang boses.“Bakit? Hindi ka pa ba nakakapunta ng Estados Unidos?” pangungusisa ko.Ngumiti ito ng may galak. “Bagamat dati akong nabibilang sa nakakaangat sa lipunan ay hindi ko nagawang makapunta sa Estados Unidos kahit gustuhin ko man.” Huminto ito sa pagsasalita at ngumiti. “Higit na mahalaga ang aming nasasakupan ng tulong kaysa sa pansariling kagustuhan.” Paliwanag niya.They were human who acts humane; who acts for good deeds but was wrongly accused.“Nakalulungkot naman,” mahina kong saad at napayuko.“Vita non est vivere, sed valera
Nasa harap ngayon kami ng hapag-kainan habang ini-enjoy nina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina ang pagkain.“Anak, malapit na ang iyong kaarawan ano pa ba ang iyong balak ng sa gayon ay maayos na namin ng iyong ina ang ibang kakailanganin.” Tanong ni Don Raul sabay subo ng paborito niyang itlog na maalat at sinangag.“Ama, nais ko sanang magkaroon din ng salo-salo ang ating manggagawa kasabay ng pagdiriwang natin ng aking kaarawan.” Pakiusap ko kay Don Raul.Ngumiti si Don Raul sa akin na tila proud sa aking sinabi. “Kaya mahal na mahal ka namin ng iyong ina. Hindi lamang sa angking kagandahan at malawak na kaalaman ang mayroon ka kun’di pati ang pagmamahal sa ating mga manggagawa. Labis ka naming ipinagmamalaki, Helena.” Wika ni Don Raul.Hindi ko naman akalain na despite sa hindi ko gaanong pagkakakilala kay Helena ay may mga ugali kami na magkatulad and it saves me from big troubles para hindi talaga ako maging ibang tao sa paningin nila.“Anak,
“Bakit anak?” Ito ang unang katagang sinabi ni Don Raul matapos niyang makolekta ang kan’yang sarili sa pagkakabigla.Bigla akong napakunot sa naging reaksyon ni Don Raul. Tinignan ko siya at gano’n rin siya sa akin.“Bakit anak?” Muli niyang tanong sa akin na may seryosong mukha.“Kailangan po ba ng rason para tumulong ama?” tanong ko sa kan’ya.“Bakit mo siya gustong tulungan, Helena?”“Dahil hindi po tama ang nangyayari sa kanila. Maling-mali ama! Bakit kailangan nilang magdusa sa isang krimen na hindi nila ginawa?” mariin kong saad.“Anong sapat na ebidensiya ang meron ka para masabi mo na wala silang ginawang krimen? Paano mo sila pinaglalaban sa aking harapan kung wala kang sapat na ebidensiya para mapatunayan na wala silang kasalanan?”“Ikaw na po ang nagsabi ama na walang masamang salita ang makakapaglarawan sa pamilya ni Joaquin bakit po iba na ang lumalabas sa inyong bibig ngayon ama? Bakit po parang sinasabi mo na maari nilang mag
Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong kabahayan. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Teresa, napakapilya mo pa rin talagang bata!” natatawang sabi ni Don Raul.“Salamat sa papuri, Tiyo Raul.” Wika ni Teresa sabay hawak sa magkabilang saya niya at nag-bow.Natawa kaming lahat sa itinuran ni Teresa maliban sa kan’yang ama na stress na stress sa kan’yang mga pinaggagagawa.“Halina’t saluhan niyo kami sa aming agahan Carlos. Manang Miling! Magdala ka pa nga rito ng mga plato at kubyertos para sa aking kumpare at aking inaanak!” masayang utos ni Don Raul.Mabilis na kumilos sina Rosa at Aling Miling at sinunod ang utos ni Don Raul.“Maupo kayo Carlos at Teresa. Matagal-tagal na rin ng huli tayong nagkasama sa hapag.” Wika ni Don Raul.“Oo nga, Raul, masyado rin akong naging abala sa aking bayan gayon din itong si Teresa na kararating lamang galing Estados Unidos.” Paliwanag ni Ginoong Carlos.Napalingon kami na may labis na pagkabig
Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa tabi ni Teresa at ramdam ko ang mga tingin niya sa akin na tila masinsin akong sinusuri. Lumingon ako na may kunot sa aking noo. “Bakit?” tanong ko sa kan’ya.“Helena, bakit ka gan’yan? Hindi ka ba nagagalak na makita ako? Bakit parang wala lang sa ‘yo na nandito na ako?” tanong niya sa akin na may halong lungkot sa kan'yang tinig.Mabilis kong iwinagayway ang magkabila kong mga kamay bilang pagtanggi. "Hindi, hindi sa gano'n, Teresa. Nagagalak ako ngunit labis lang talaga akong nabigla sa iyong biglang pagdating," pagdadahilan ko. Nagbabakasakaling hindi niya ako mahuli sa mata niyang labis akong sinusuri. Ngunit muli akong nabigla nang mabilis niyang hinablot ang aking mga kamay at lumapit sa aking tainga."Umamin ka sa akin, Helena. Ano na ang nangyayari sa 'yo?" seryosong bulong ni Teresa sa akin.Bigla akong napalayo sa kan'ya at napatingin, "May nalalaman kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko siya
What exactly is really happening? Hindi ko makolekta ang aking isipan. Ano ba ang nangyari ngayon-ngayon lang? Sino ‘yong babaeng ‘yon? Bakit kamukha ko siya? I tried myself to analyze everything until I came up to my senses.“Hindi kaya siya ang tunay na Helena?” tanong ko sa aking sarili. Doon ko lang napagtanto na maaari siya nga ang tunay na Helena pero bakit siya humihingi ng tulong? Napuno muli ng mga katanungan ang aking isipan hanggang sa narinig kong muli ang malakas na pagtawag ng aking pangalan ni Teresa.“Helena!” sigaw niya dahilan para mapalingon siya kay Mang Vicente na nanatiling nakatingin sa daan.“Ha? Bakit?” wala sa huwisyong tanong ko.“Wala ka ba talagang naaalala?” mahinang tanong niya na halatang frustrated na sa akin.Umiling ako bilang tugon dahilan para bigyan niya ako ng isang malalim na buntong-hininga.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Aniya at muling nagpakawala ng isang buntong-hininga
Tinignan ako ni Teresa na may kunot sa kan'yang noo na hindi alam ang aking sinasabi. “Tulong para saan?” tanong niya.“Sa tingin ko, ikaw lang ang may kakayahan na matulungan akong kumbinsihin si ama na suportahan ako sa nais kong mangyari.”“Mangyari? Hindi ko naiintindihan ang ibig mong sabihin, Helena?” nalilito niyang tanong.“Tulungan mo kong kumbinsihin si ama na tulungan ang pamilya ni Joaquin na makuha ang hustisya na nararapat para sa kanila,” determinado kong saad habang hindi inaalis ang aking mga tingin sa mata ni Teresa.Nakita ko ang gulat sa kan'yang reaksyon na mabilis niyang ikinumpas ang kan'yang sarili. “Naririnig mo ba ang iyong sarili, Helena? Alam mo ba ang iyong sinasabi?” aniya na bit hysterical ang kan'yang tono.“Alam ko this is bit insane pero hindi nila deserve ang parusahan sa bagay na hindi naman sila ang may kasalanan,” pagdedepensa kong sagot.“Nahihibang ka bang babae ka? Gusto mo bang ilagay sa kapahamakan ang bu
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.