Share

Kabanata Twenty-Two

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-03-11 00:00:50

Isang malakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong kabahayan. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Teresa, napakapilya mo pa rin talagang bata!” natatawang sabi ni Don Raul.

“Salamat sa papuri, Tiyo Raul.” Wika ni Teresa sabay hawak sa magkabilang saya niya at nag-bow.

Natawa kaming lahat sa itinuran ni Teresa maliban sa kan’yang ama na stress na stress sa kan’yang mga pinaggagagawa.

“Halina’t saluhan niyo kami sa aming agahan Carlos. Manang Miling! Magdala ka pa nga rito ng mga plato at kubyertos para sa aking kumpare at aking inaanak!” masayang utos ni Don Raul.

Mabilis na kumilos sina Rosa at Aling Miling at sinunod ang utos ni Don Raul.

“Maupo kayo Carlos at Teresa. Matagal-tagal na rin ng huli tayong nagkasama sa hapag.” Wika ni Don Raul.

“Oo nga, Raul, masyado rin akong naging abala sa aking bayan gayon din itong si Teresa na kararating lamang galing Estados Unidos.” Paliwanag ni Ginoong Carlos.

Napalingon kami na may labis na pagkabig

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Three

    Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa tabi ni Teresa at ramdam ko ang mga tingin niya sa akin na tila masinsin akong sinusuri. Lumingon ako na may kunot sa aking noo. “Bakit?” tanong ko sa kan’ya.“Helena, bakit ka gan’yan? Hindi ka ba nagagalak na makita ako? Bakit parang wala lang sa ‘yo na nandito na ako?” tanong niya sa akin na may halong lungkot sa kan'yang tinig.Mabilis kong iwinagayway ang magkabila kong mga kamay bilang pagtanggi. "Hindi, hindi sa gano'n, Teresa. Nagagalak ako ngunit labis lang talaga akong nabigla sa iyong biglang pagdating," pagdadahilan ko. Nagbabakasakaling hindi niya ako mahuli sa mata niyang labis akong sinusuri. Ngunit muli akong nabigla nang mabilis niyang hinablot ang aking mga kamay at lumapit sa aking tainga."Umamin ka sa akin, Helena. Ano na ang nangyayari sa 'yo?" seryosong bulong ni Teresa sa akin.Bigla akong napalayo sa kan'ya at napatingin, "May nalalaman kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko siya

    Last Updated : 2021-03-12
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Four

    What exactly is really happening? Hindi ko makolekta ang aking isipan. Ano ba ang nangyari ngayon-ngayon lang? Sino ‘yong babaeng ‘yon? Bakit kamukha ko siya? I tried myself to analyze everything until I came up to my senses.“Hindi kaya siya ang tunay na Helena?” tanong ko sa aking sarili. Doon ko lang napagtanto na maaari siya nga ang tunay na Helena pero bakit siya humihingi ng tulong? Napuno muli ng mga katanungan ang aking isipan hanggang sa narinig kong muli ang malakas na pagtawag ng aking pangalan ni Teresa.“Helena!” sigaw niya dahilan para mapalingon siya kay Mang Vicente na nanatiling nakatingin sa daan.“Ha? Bakit?” wala sa huwisyong tanong ko.“Wala ka ba talagang naaalala?” mahinang tanong niya na halatang frustrated na sa akin.Umiling ako bilang tugon dahilan para bigyan niya ako ng isang malalim na buntong-hininga.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Aniya at muling nagpakawala ng isang buntong-hininga

    Last Updated : 2021-03-13
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Five

    Tinignan ako ni Teresa na may kunot sa kan'yang noo na hindi alam ang aking sinasabi. “Tulong para saan?” tanong niya.“Sa tingin ko, ikaw lang ang may kakayahan na matulungan akong kumbinsihin si ama na suportahan ako sa nais kong mangyari.”“Mangyari? Hindi ko naiintindihan ang ibig mong sabihin, Helena?” nalilito niyang tanong.“Tulungan mo kong kumbinsihin si ama na tulungan ang pamilya ni Joaquin na makuha ang hustisya na nararapat para sa kanila,” determinado kong saad habang hindi inaalis ang aking mga tingin sa mata ni Teresa.Nakita ko ang gulat sa kan'yang reaksyon na mabilis niyang ikinumpas ang kan'yang sarili. “Naririnig mo ba ang iyong sarili, Helena? Alam mo ba ang iyong sinasabi?” aniya na bit hysterical ang kan'yang tono.“Alam ko this is bit insane pero hindi nila deserve ang parusahan sa bagay na hindi naman sila ang may kasalanan,” pagdedepensa kong sagot.“Nahihibang ka bang babae ka? Gusto mo bang ilagay sa kapahamakan ang bu

    Last Updated : 2021-03-14
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Six

    Gaya ng ipinaalam ni Teresa kina Don Raul at Doña Celestina ay nagtungo muna kami sa simbahan para magpasalamat sa ligtas na pagdating niya matapos noon ay nagtungo kami sa panahian para kunin ang mga pinasadyang kasuotan.“Magandang umaga mga binibini ano po ang aking maipaglilingkod?” tanong ng isang dalaga sa amin pakabungad ng pinto ng bahay panahian.“Magandang umaga rin, narito ako para kunin ang mga pinasadyang kasuotan ng aking ina Celestina Montecielo,” sagot ko.Tinignan ako ng dalaga na may labis na pagkabigla at pagkataranta dahilan para mabilis itong humakbang paatras at yumuko sabay hingi ng dispensa. “Paumanhin, Binibining Helena sa aking inasal hindi ko po kayo agad nakilala,” wika nito na labis na humihingi ng dispensa at hindi magawang makatingin sa akin ng diretso. “Sandali lamang po at kukunin ko lamang ang mga kasuotan.” Paalam nito na nagmamadaling umalis at kinuha ang aking kailangan.

    Last Updated : 2021-03-15
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Seven

    Nagulat ako sa aking mga narinig. No way, kapatid siya ni Joaquin? Napalingon ako kay Teresa na tila nagulat din sa kan’yang narinig.“Kahit sabihin mo man na wala silang kasalanan, anong ebidensiya ang magpapatunay na hindi totoo ang ipinaparatang sa pamilya ninyo?” tanong ni Teresa na puno pa rin ng pagdududa.“Hindi sila ganoong klase ng tao gaya ng inaakala mo! Hinding-hindi nila magagawa ang ganoong bagay!” mariing tutol ni Nina.“Bakit? Ano bang alam mo sa pamilya mo? Alam mo ba ang lahat?” nanghahamong tanong ni Teresa.“Teresa, ano bang sinasabi mo?” awat ko sa kan’ya.“Bakit, Helena? Totoo naman na wala silang sapat na ebidensiya para mapatunayan na hindi totoo ang mga paratang na iyon sa kanila. Kung hindi totoo iyon, hindi sana sila mapaparusahan ng ganito. Mabait pa nga ang pamahalaan para buhayin sila sa kabila ng pagpatay nila sa gobernador-heneral,” marahas na sa

    Last Updated : 2021-03-16
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Eight

    Nabalot ng katahimikan ang buong biyahe namin. Tanging ang mga yapak ng kabayo at ang langitngit ng kahoy na gulong ang maririnig ng sandaling iyon. Maging si Teresa ay tahimik lamang sa kan’yang pagkakaupo na tila kinakain din ng mga salitang sinabi ni Nina tulad ko. Pilit ko mang iwaglit ang mga katanungan sa aking isipan ang mga katanungan sa akin isipan pero patuloy pa rin itong lumilitaw at patuloy na hinahanapan ako ng kasagutan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Nina? Ano ang nalalaman niya? Imposible naman na i-bluff niya kami? Hindi pa naman ata uso sa panahon na ito ang manloko ng tao lalo na Pilipino at wala naman silang sapat na kaalaman pa sa panahon na ito. Lalo na at kulang pa sa kaalaman ang mga tao sa panahon na ito at tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahan na makapagpa-aral. Muli kong inalala ang mga katagang binitawan ni Nina.“Mag-iingat ka, binibini sa taong pinagkakatiwalaan mo.”Kanino niya ako pinag-iingat? Sino ang t

    Last Updated : 2021-03-17
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Twenty-Nine

    “Hmm… meron siyang matangos na ilong, katamtamang laki ng mga labi, may makapal at mapupulang mga labi, magandang hugis ng mukha, matipunong pangangatawan at maputing balat,” paglalarawan ko habang patuloy kong inaalala ang itsura ni Joaquin sa aking alaala. Habang naglalaro sa aking isipan ang itsura ni Joaquin at natuon ang atensyon ko sa kan’yang mukha na labis na nakakabighani.“Walang duda na siya’y pagpapantasyahan ng mga kababaihan,” saad ni Teresa na may ngiti sa kan’yang labi na siyang aking pagtango bilang pagsang-ayon.I won’t deny that Joaquin has strong physical appearance that every girl could see him may fall in him at instant. No doubt in that fact. I once look at his face as my mind recalls perfectly. I stayed looking at his face when suddenly I feel glitch in my chest. What was that? Sabay napahawak sa akin dibdib, unconsciously.“At wala ring rason para hindi mo siya matipuhan, Helena.”Bigla akong napalingon sa kan’ya dahilan para bumalik

    Last Updated : 2021-03-18
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty

    Mabilis akong napalingon kay Don Raul na ngayon ay nakatingin sa akin. “Maupo ka.” Aniya at naupo rin siya sa upuan na nasa aking kaliwa. Mas ramdam ko ang tensyon nang makaupo kami. Don Raul hindi ba p'wedeng bilisan niyo kung ano ang gusto niyong sasabihin sa akin? Habang tumatagal bumibigat ang atmosphere sa atin!“Helena,” tawag niyang muli dahilan para matauhan ako sa aking pagkakaupo at manindig ang aking balahibo.“Ano po iyon, ama?” kinakabahan kong tanong.Napapikit ito at huminga nang malalim. “Narinig ko na ang lahat kay Teresa,” panimula niyang saad.Ano ang sinabi kaya ni Teresa? Tungkol na ba kaya ito sa tulong na hinihingi ko? Wala naman ibang sigurong sasabihin si Teresa kasi iyon naman lang ang hinihingi kong pabor sa kan'ya na tulungan niya akong kumbinsihin si Don Raul.Huminga ako nang malalim at tinignan si Don Raul umaasa sa maganda niyang sagot. “Pumapayag na po ba kayo?” nag-aalangang tanong ko.Tinignan niya ako na tila si

    Last Updated : 2021-03-19

Latest chapter

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Epilogue

    AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Forty

    LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Nine

    ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Eight

    MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Seven

    NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Six

    DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Five

    LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Four

    MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Three

    TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.

DMCA.com Protection Status