Share

Kabanata Thirty

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-03-19 00:07:55

Mabilis akong napalingon kay Don Raul na ngayon ay nakatingin sa akin. “Maupo ka.” Aniya at naupo rin siya sa upuan na nasa aking kaliwa. Mas ramdam ko ang tensyon nang makaupo kami. Don Raul hindi ba p'wedeng bilisan niyo kung ano ang gusto niyong sasabihin sa akin? Habang tumatagal bumibigat ang atmosphere sa atin!

“Helena,” tawag niyang muli dahilan para matauhan ako sa aking pagkakaupo at manindig ang aking balahibo.

“Ano po iyon, ama?” kinakabahan kong tanong.

Napapikit ito at huminga nang malalim. “Narinig ko na ang lahat kay Teresa,” panimula niyang saad.

Ano ang sinabi kaya ni Teresa? Tungkol na ba kaya ito sa tulong na hinihingi ko? Wala naman ibang sigurong sasabihin si Teresa kasi iyon naman lang ang hinihingi kong pabor sa kan'ya na tulungan niya akong kumbinsihin si Don Raul.

Huminga ako nang malalim at tinignan si Don Raul umaasa sa maganda niyang sagot. “Pumapayag na po ba kayo?” nag-aalangang tanong ko.

Tinignan niya ako na tila si

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-One

    Tinignan ko si Don Raul sa kan’yang mga mata na gising na ang diwa. Humugot ako ng hininga bago nagsalita.“Tungkol po sa pamilya ni Joaquin,” diretsang sagot ko na siyang mabilis na nakaagaw ng atensyon ni Don Raul.Napabuntong-hininga siya nang malalim matapos na marinig ang sagot ko. “Ano ba ang nagtutulak sa ‘yo, Helena? Bakit masyado kang naapektuhan tungkol sa pamilya ni Joaquin?” seryosong tanong ni Don Raul.Akmang magsasalita na sana ako nang mabilis niyang pinutol ang momentum ko at nagsalitang muli. “Iyan ang katanungan na gusto kong mismong ikaw ang sumagot pero hindi ko na kailangang malaman pa.” Aniya.Napakunot-noo ako sa sinabi ni Don Raul. Ano ang ibig niyang sabihin na hindi na niya kailangang malaman pa? Does it mean he’s already convinced by my reason without any ulterior motive of helping Joaquin’s family?Tumingin si Don Raul sa aking mga mata. “Ano ba ang bumabagabag sa ‘’yo? Ano ba ang gusto mong malaman?”“Lahat, ama. Laha

    Last Updated : 2021-03-20
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Two

    “Bagamat na hindi ako naniniwala na magagawa ‘yon ni Arturo ay may kumalat na balita na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Roman at Arturo bago ito mapaslang na siyang pinatunayan ng isang hardinero ni Roman na nakakita sa pag-aaway ng dalawa. Dahil sa sinabi ng hardinero ay napagpasyahan ng hukom na hatulan ng kamatayan sina Arturo at Joaquin dahil sa pagpatay ng isang nakakataas na opisyal ng pamahalaan. Lahat ng kanilang mga ari-arian ay inilit ng pamahalaan at maging ang kan’yang asawa at ang kambal na anak niya ay hinatulan din ng kamatayan. Hindi makakabuti kung mananatiling buhay ang buong pamilya nila na isang malaking kahihiyan at dumi sa pamahalaan. Ngunit, bago ang araw nang mismong pag-garote sa kanila sa plaza ay binago ang hatol sa kanila at ginawa silang mga alipin.”“Nabago? Sinong nag-utos para baguhin iyon?” natatakang tanong ko.“Ang punong-hukom ang nag-utos at nagbago ng hatol sa kanila. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nagpapasalamat

    Last Updated : 2021-03-21
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Three

    Humarap siya sa akin at hinintay akong magsalita.“Anong koneksyon ni Don Carlos kay Don Emilio?” seryosong tanong ko.Hindi kaagad umimik si Don Raul ngunit ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. May nalalaman kaya si Don Raul?“Magkapatid sila. Iisa ang kanilang ina ngunit ang pinagkaiba ay may ama si Carlos samantalang si Emilio ay anak sa pagkakasala. Bunga siya ng panghahalay ng isang mataas na ospisyal ng España,” diretsang sagot ni Don Raul na siyang aking ikinabigla.What? Magkapatid sila?“Kung magkapatid sila. Bakit hindi po alam ni Teresa ang tungkol sa kan'yang Tiyo Emilio?” naguguluhan kong tanong.“Dahil pinili nilang hindi iyon ipaalam kay Teresa.”“Pero bakit?” nalilitong tanong ko. Bakit nila gagawing lihim iyon?“Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko sapat ng rason ang katotohanang anak si Emilio sa pagkakasala at ikinahihiya niya iyon at ayaw niyang masira ang pamilya ni Carlos kung kaya hindi na nila i

    Last Updated : 2021-03-22
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Four

    Ngunit bigla kong naalala ang lahat na nangyari at napag-usapan namin ng babae sa aking panaginip. Hindi kaya siya si Helena? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bakit ako pa ang kailangang tumulong sa kan’ya? Saka ano ang ibig niyang sabihin na mauulit at mauulit ang lahat ngunit ako ang magwawakas ng lahat? Napaisip ako ngunit walang sagot ang lumilitaw sa aking utak dahilan para mapasabunot ako sa aking buhok sa labis na pagkasiphayo.“May tao ba akong makikilala rito na makakapagpaliwanag kung bakit ako narito at paano ako makakabalik sa panahon kung saan ako nararapat?”Ngunit wala akong sagot na narinig sa aking paligid dahilan para mapabuntong-hininga akong muli.“May pag-aasa pa ba akong makabalik? O panghabambuhay na akong narito hanggang sa mamatay o mapatay ako rito?”Habang iniisip ko ang sagot sa mga tanong na patuloy na dumarami sa aking utak ay mas lalo akong nafru-frustrate.“Hay! Ano bang nangyayari sa buhay ko? Why I must encounter this ki

    Last Updated : 2021-03-23
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Five

    Dahil sa hindi ko na maatim ang aking itsura ay mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at malamang naghihintay na ng matagal sa akin sina Don Raul at Doña Celestina. Mabilis akong kumilos, daig ko pa may pasyente sa ER na nagmamadaling isagip ang buhay ng naghihinghalong pasyente. But this time, it’s not a patient’s life I’m going to save but my own life from a big embarrassment.“Wala man lang bang concealer dito para man lang matakpan ang mata kong mukha ng panda?” Habang hinahalughog ang tokador ni Helena I found nothing except powder at pabango na mukhang imported dahil sa lalagyan nito at halatang hindi pa nagagamit. Nag-aalangan kong tinignan ang powder and grab it and put some on my face. “I hope this could help.” Ani ko sa aking sarili at nag-spray ng konting pagbango sa aking pulso at ni-rub ko iyon isa ko pang pulso at kinalat sa aking leeg at braso.“Okay na ‘to.” And I look once again to the mirror before I get out of my room.Nakita ko si Don Raul at D

    Last Updated : 2021-03-24
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Six

    MATAPOS ang ilang minutong pagkakaupo ay napagpasyahan ko nang maglakad pabalik kina Don Raul at Doña Celestina, malamang ay tapos na rin ang misa. Naglakad ako papunta sa harap ng simbahan at sa hindi kalayuan ay natanaw ko sila na nasa harap ng simbahan at may kinakausap nang biglang may bumangga sa akin.“Mag-iingat ka sa bawat kilos na iyong gagawin.”Aniya.“Lola Linda?” Bulalas kong sabi na mabilis na napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang matandang babae na nakabalabal.Tinig iyon ni Lola Linda hindi ako maaaring magkamali. Mabilis kong hinanap ang matandang nakabalabal at dali-dali itong hinabol ngunit mabilis itong nawala sa aking paningin nang tangayin ito ng kumpol ng mga taong nagsimulang masilabasan galing sa simbahan. Balak ko pa sana itong habulin nang tawagin ako ni Doña Celestina.“Helena, saan ka pupunta?” tanong nito nang lumingon ako sa kan’yang kinatatayuan. Muli

    Last Updated : 2021-03-25
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Seven

    Hindi ko makolekta ang aking sarili. Tila tinakasan ako ng aking dila dahilan para hindi ako makapagsalita. Ibig ba nitong sabihin tama ang hinala ko na kapag namatay ako rito hindi na ako makakabalik sa panahon ko? Napaupo ako sa silya sa labis na pagkatigalgal. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Paano ito nangyari sa akin? Ibinalik ko ang aking tingin sa aklat na naroon pa rin ang nakasulat at muli ko iyong binasa.“Ang lahat at may simula’t wakas. Ang bawat unos na darating ay may dahilan. Isa-isa mong malalaman ang lahat sa tamang panahon. Ikaw at ako’y iisa kaya mag-ingat ka, Helen. Ingatan mo ang iyong sarili ‘pagkat kung ika’y mawawala tuluyan na rin akong mawawala,” mahina kong basa hanggang sa unti-unting nawala ang nakasulat doon at napalitan ng ordinaryong sulat ni Helena tungkol sa medisina.Ikinumpas ko ang aking sarili matapos ang matagal na pagkakatigalgal. “I shouldn’t be scared! The fact that she had warned me it help me to confirm my suspicions. I sh

    Last Updated : 2021-03-26
  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata Thirty-Eight

    Nalilitong pinagmasdan ako ni Lita at naghihintay ng eksplinasyon sa aking itinuran.“Ibig kong sabihin, hindi! Hindi ko magagawang makipagbati sa isang taong tulad niya! Hindi ko magagawang patawarin ang tulad niya!” Sunod-sunod na negative reaction ang sinabi ko.“Akala ko po ay nagkaayos na kayo kaya ginamit niyo po ang kan'yang regalo ngunit mukhang nagamit niyo lang iyon nang hindi sinasadya dahil sa wala kayong maalala. Tama po ba?” paninigurong tanong ni Lita.“Bingo! Gano'n na nga ang nangyari!” mabilis kong pagsang-ayon.Sa susunod, I should asked Lita first para masiguro na wala na naman akong magagalaw o masasabing mali baka sa sunod ay tuluyan na akong mabuking. Kailangan ko ng mag-ingat ng husto baka sa sunod maalanganin na ang buhay ko. Safety first, Helen! Safety!Alas tres na ng hapon nang magsimula ang piging. Lahat ay nakahanda na maging ang aking hiniling kay Don Raul na handaan p

    Last Updated : 2021-03-27

Latest chapter

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Epilogue

    AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Forty

    LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Nine

    ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Eight

    MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Seven

    NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Six

    DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Five

    LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Four

    MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Three

    TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.

DMCA.com Protection Status