MATAPOS ang ilang minutong pagkakaupo ay napagpasyahan ko nang maglakad pabalik kina Don Raul at Doña Celestina, malamang ay tapos na rin ang misa. Naglakad ako papunta sa harap ng simbahan at sa hindi kalayuan ay natanaw ko sila na nasa harap ng simbahan at may kinakausap nang biglang may bumangga sa akin.
“Mag-iingat ka sa bawat kilos na iyong gagawin.”Aniya.
“Lola Linda?” Bulalas kong sabi na mabilis na napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang matandang babae na nakabalabal.
Tinig iyon ni Lola Linda hindi ako maaaring magkamali. Mabilis kong hinanap ang matandang nakabalabal at dali-dali itong hinabol ngunit mabilis itong nawala sa aking paningin nang tangayin ito ng kumpol ng mga taong nagsimulang masilabasan galing sa simbahan. Balak ko pa sana itong habulin nang tawagin ako ni Doña Celestina.
“Helena, saan ka pupunta?” tanong nito nang lumingon ako sa kan’yang kinatatayuan. Muli
Hindi ko makolekta ang aking sarili. Tila tinakasan ako ng aking dila dahilan para hindi ako makapagsalita. Ibig ba nitong sabihin tama ang hinala ko na kapag namatay ako rito hindi na ako makakabalik sa panahon ko? Napaupo ako sa silya sa labis na pagkatigalgal. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Paano ito nangyari sa akin? Ibinalik ko ang aking tingin sa aklat na naroon pa rin ang nakasulat at muli ko iyong binasa.“Ang lahat at may simula’t wakas. Ang bawat unos na darating ay may dahilan. Isa-isa mong malalaman ang lahat sa tamang panahon. Ikaw at ako’y iisa kaya mag-ingat ka, Helen. Ingatan mo ang iyong sarili ‘pagkat kung ika’y mawawala tuluyan na rin akong mawawala,” mahina kong basa hanggang sa unti-unting nawala ang nakasulat doon at napalitan ng ordinaryong sulat ni Helena tungkol sa medisina.Ikinumpas ko ang aking sarili matapos ang matagal na pagkakatigalgal. “I shouldn’t be scared! The fact that she had warned me it help me to confirm my suspicions. I sh
Nalilitong pinagmasdan ako ni Lita at naghihintay ng eksplinasyon sa aking itinuran.“Ibig kong sabihin, hindi! Hindi ko magagawang makipagbati sa isang taong tulad niya! Hindi ko magagawang patawarin ang tulad niya!” Sunod-sunod na negative reaction ang sinabi ko.“Akala ko po ay nagkaayos na kayo kaya ginamit niyo po ang kan'yang regalo ngunit mukhang nagamit niyo lang iyon nang hindi sinasadya dahil sa wala kayong maalala. Tama po ba?” paninigurong tanong ni Lita.“Bingo! Gano'n na nga ang nangyari!” mabilis kong pagsang-ayon.Sa susunod, I should asked Lita first para masiguro na wala na naman akong magagalaw o masasabing mali baka sa sunod ay tuluyan na akong mabuking. Kailangan ko ng mag-ingat ng husto baka sa sunod maalanganin na ang buhay ko. Safety first, Helen! Safety!Alas tres na ng hapon nang magsimula ang piging. Lahat ay nakahanda na maging ang aking hiniling kay Don Raul na handaan p
“Anong balita?” bungad na tanong niya sa akin.Umiling ako at yumuko.“Hindi mo pa ba siya nakikita?”“Hindi pa. Hindi ko rin siya nakita ng nagtungo kami sa simbahan kahit sa aming unang tagpuan ay wala rin siya roon.” Paliwanag ko. Alam ni Teresa na inanyayahan ko si Joaquin na pumunta sa aking kaarawan. Hindi na siya tumutol tulad noong una na tutulungan ko si Joaquin sa hustisya na gusto kong makamtan nila. Hindi ko alam kung ano nagpabago sa kan’yang isipan ngunit simula ng kausapin niya si Don Raul tungkol sa aking mga plano ay mas aligaga pa siya sa akin kung ano na ba ang balita sa amin ni Joaquin. Kung nag-usap ba kami o nagkita. Lagi niya akong chini-check kung may bagong update ba sa aming dalawa.“Wag kang mag-alala darating iyon. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa,” nakangiting sabi ni Teresa. “Sa ngayon, magsaya muna tayo habang hindi pa siya dumarating.”Kaya tulad ng
Napabuntong-hininga ako nang malalim kahit ako'y nalito sa nangyari kay Joaquin. But, this issue doesn't matter sa issue na meron sa pamilya nila so I think I should stop bothering about it. I immediately snapped out my senses and back to main agenda.“Kung gano'n, hindi na natin kailangang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan. Ang kailangan natin pagtuunan ng pansin ay kung paano natin malalaman ang katotohanan para makamit niyo ang hustiya na nararapat sainyo at maparusahan ang tunay na may sala.” Paglilinaw ko ng lahat.Siya naman ang napalingon sa akin at pinagmasdan ako ng masinsin. “Bakit? Hindi ko maunawaan kung bakit gustong-gusto mo kaming tulungan.”“Sabihin na natin, hulog ako ng langit para tulungan ang taong tulad mo na nangangailangan ng tulong at naaapi,” pagdadahilan ko na siyang ikinakunot lalo ng kan'yang noo.“Ipagpasalamat mo na lang na narito ako para tulungan ka kahit na malagay ang
Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. “Naalala mo na ba ako?”“Hindi,” pagsusungit kong sagot.“Paanong ako iyong nagawang kalimutan? Magkababata tayo,” sabay tingin kay Joaquin. “Pati ni Joaquin.” Dagdag niya pa.What a worst coincidence? Kailangan bang ganito kasaklap ang buhay ni Joaquin? Bakit kailangan niyang maging out of the picture palagi? Talo niya pa ang extra sa pelikula. This is worst! Napatingin ako kay Joaquin na hindi nagbabago ang expression sa kan'yang mukha. Okay lang ba talaga siya? Nag-aalala kong tanong sa aking sarili.Isang halakhak ang bumasag sa tensyon na bumabalot sa amin. “Naku, anak, ‘wag sana sumama ang iyong loob bagamat noong huli naming pagkikita ni Helena ay hindi niya rin ako nakilala,” natatawa saad ng walang hiyang si Don Emilio.“Pagpasens'yahan niyo na siya, Mateo at Emilio. Talagang makakalimutin ang aming anak kahit kami ay minsan ay nakakalimutan niyang tawaging ama at ina ni Celestina.” Pagpapaliwanag ni Do
Hindi agad umimik si Don Raul at pinagmasdan ako at akmang hahawakan ang aking kamay ngunit mabilis ko itong inilayo sa kan’ya. I felt like by the time he will touch me, I will be tainted by his sins or swallowed by his dark secrets that I didn’t know how many does he have. I saw his deep sigh.“Mali ka ng iyong inaakala, anak.” Saad niya.“Anong mali roon ama? Kitang-kita ko kung paano ka makipagmabutihan sa ahas na iyon! Paano mo ‘yon nagagawa ama? Wala ka bang puso?” ani ko na labis ang hinanakit na aking nararamdaman.“Nagkakamali ka, Helena. Mali ang pagkakaunawa mo sa iyong nakita.” Aniya na pilit akong kinukumbinsi.“P’wes, ipaliwanag mo po sa akin lahat!” sigaw ko. “Kasi po hindi ko na alam kung tama pa po ba ang pagkakakilala ko sainyo,” mahina kong usal.Napabuntong-hininga si Don Raul bago nakapagsalita. “Mali ang iniisip mong may kinalaman ako o naging kasabwat ako ni Emilio sa kung ano ang plinano o kung totoo bang siya ang may kagagawan ng
Nanariwa sa aking alaala ang mga sandali namin ni Don Raul.“So hindi ka po talaga tutol nang sandaling iyon? Papayag ka po talaga na tulungan ako kung sinabi ko rason ko?”“Aba, oo naman. Anak kita at ibibigay ko ang nais ng pinakamamahal kong anak.”“Ibig niyo sabihin hindi po kayo galit sa akin na tulungan ko sina Joaquin?”“Ama! Salamat, ama! I love you! You're the best talaga!”“Masaya ako at masaya ang aking anak kahit na hindi ko na naman maintindihan ang iyong pinagsasabi.”Naalala ko ang mga ngiti naming dalawa. Ang halakhak at tawa niyang pumupuno sa kabahayan. Ang pagsuporta niya sa akin na hindi na ako tinatanong ng ano pa man.“Mukhang sumobra ata ako,” na-gi-guilty kong saad.Lumipas ang mga araw na may sama pa rin ako ng loob kay Don Raul kung kaya’t napagpasyahan kong pumunta n
Nakaupo ito sa kalsada na tila pinupunasan ang kan’yang labi. Hindi ako sigurado pero parang may mali sa kan’ya kung kaya’t mabilis ko siyang nilapitan.“Joaquin, may prob---Hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang makita ko ang putok nitong mga labi at ilang pasa sa kan’yang mukha. Iginala ko pa ang aking mga mata sa ibang bahagi ng katawan niya at nakita ko ang ilang bahid ng dugo rito.“Anong nangyari? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” galit kong tanong sa kan’ya.“Huwag kang mag-alala ayos lang ako.” Aniya at sinubukang makatayo kung kaya tinulungan ko siyang tumayo.“Anong ayos? Iyan ba ang itsura ng maayos? Puno ng mga pasa ang mukha mo at ngayon may sariwa ka pang sugat na natamo? Seryoso ka ba? Nasa katinuan pa ba ang isip mo?” pangaral kong saad sa kan’ya.“Ayos lang ako. H’wag mo na akong alalahanin pa saka malayo naman ito sa
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.