Wala man lang bahid ng pagkabigla ang mukha ni Canary nang ako ang madatnan niya sa likod ng labas ng university. Bakanteng lote ito na madalas ay ginagawang parking area ng mga bisita ng Arturo University na walang free parking pass sa loob.
It was like she is expecting to see me here. May hawak siyang folder, na sa tingin ko ay para sa akin.
"I knew you were just playing on me. Pay me and I will forget about this," kalmado niyang pahayag. "Tapos ko na rin ang questionnaire para sa thesis mo. Andiyan na rin ang walang kuwentang assignment na pinasagutan mo." Inabot niya sa akin ang folder.
Marahan ko iyong binuklat at ini-scan. I didn't feel offended at all. Gawa-gawa ko lang ang assignment na iyon. "This is the only way I can talk to you. I will fake the interview just like what you said but I need one more thing from you."
Canary crossed her arms. Her aura was shouting black and gold. She is like a monster dressed like a beautiful cold girl. "I don't have much time. Just give me the payment."
Dinukot ko ang sobre sa bulsa ko. "I need your phone number."
Canary's eyes sharpened. But then she smirked. "Why? Are you gonna give it to someone you can benefit from?"
Tumango ako. "Just like what you are doing." Sayang ang free pass ko sa Ochado University. Matagal ko na iyong pangarap. "I know that is something personal but I guess one of your clients wants to befriend you."
She chuckled, without so much emotion. "I don't need friends. I can live without them. I've been living alone all my life. Isa pa, wala akong cellphone. Give me the money."
"Hindi kita babayaran kapag hindi mo sa akin binigay ang cellphone number mo," pananakot ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko pero hindi ko iyon pinahalata. I am not used at being rude to people. Pero parehas kaming may kailangan.
Canary sighed. "Well, I guess, you don't have the money to pay me. You're just an unfortunate student from a poor family like me. This is the first time I'm giving a free," aniya. "Do not talk to me again." She turned around and started walking away.
"Your number or I shall report you to the administration?" I will never do that. I don't know why I'm trying to scare her. Maybe because she's too strong that I want to know how weak she is.
Canary stopped from walking. I guess it somehow affect her.
"If that will make you happy, then do it," aniya na hindi ako tinitingnan. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Napabuntong-hininga ako at hinabol ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay sa palad niya ang sobre. "I shall be grateful to you for spending time answering my questionnaire but I want to tell you that you can't be rude all the time. You earn money from those people you are bad mouthing at."
Kinuha niya ang sobre at mabilis inilagay sa bulsa niya. Pinagpag niya ang braso na hinawakan ko. "Bad mouthing? I only tell the truth. If it hurts them, it's not my problem anymore. I guess the one who gave you my e-mail ad is the stupid rich brat Via." Tumango-tango siya, like she confirmed her own thoughts.
"You can't just call her stupid. Masuwerte ka lang at matalino ka," medyo naiinis kong sagot.
"At malas ko lang dahil hindi kami mayaman? Don't let your emotions fool you. Do not empathize with them. parehas lang tayong sabit sa university na ito. At the end of the day, you can't be friends with them unless your pocket is overflowing with dirty money."
Sasagot pa sana ako nang biglang may lumipad na soccerball sa pagitan namin ni Canary. Kamuntikan na kaming matamaan. Sabay kaming napalingon kung saan iyon galing.
"Sorry!" bulalas ni Lake habang nag-aalangang ngumiti. Mabilis pumokus ang paningin niya kay Canary.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" kunot-noo kong tanong. Alam niya bang magkikita kami ni Canary? Imposible. Nakasando siyang puti na may mga marka ng dumi. Pawis na pawis siya. Rinig na rinig ko ang hingal niya.
"I-I. . . I was just testing the new ball I bought yesterday. Nandito pala kayo," medyo nauutal niyang sagot.
Canary did not give a shit. She just gave Lake a sharp look and then started walking away.
Napatiim-bagang si Lake pero mabilis din siyang lumapit sa akin. "Bestfriend, may humahabol sa akin. Dead end na 'to. I can't fight with them. Itago mo ako."
Nanlaki ang mga mata ko. "May kaaway ka na naman?!" Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala namang puwedeng taguan dito kundi sa ilalim ng nag-iisang sasakyan na naka-park na nakasakay na ang driver at mukhang paalis na.
Nilingon ko ang pinanggalingan ni Lake. Natatanaw ko na sa malayo ang anim na lalakeng tila may hinahanap. Wala naman itong mga dalang armas pero kung bugbugan ang labanan, baka pumanaw nang maaga ang lalakeng ito.
"Canary!" sigaw ko sa abot ng aking makakaya. "Ikaw na ang bahala sa anim!" Hindi ko alam kung naintindihan niya ako. Bahala na. makakasalubong niya naman ang mga iyon.
Nagtatakbo kami ni Lake papunta sa sasakyan at pinakiusapan ko ang driver na huwag munang umalis dahil isang estudyante ako na kailangang mag-interview tungkol sa fairness ng free parking pass ng university. Kung anu-ano na lang ang sinabi ko, pasalamat ako at maraming ideya at hinaing ang matandang driver na ito. Si Lake ay mabilis na nagtago sa likod ng kotse.
"They should report that to the management!" the old man was in rage. Tango lang ako nang tango. "Importanteng tao rin naman ako na dapat ay nakakapasok sa Arturo!"
Hindi ko na siya maintindihan dahil natanaw ko na ang anim na lalakeng palapit sa kinaroroonan namin. Napamura ako nang mahina. Pinabayaan na kami ni Canary!
"Miss, may napansin ka bang lalake dito? Nawawala kasi ang kaibigan namin," tanong ng kalbong lalake na tila leader ng grupo nila. May nilalaro itong rubix cube sa kamay.
"H-ha? L-lalake? Ito, si Manong," sagot ko at itinuro ang driver na kausap ko.
"Manong? Nagpakilala ako sa 'yo, hindi ba? Tapos na ba ang interview? Aalis na ako. Report that to the management!" ani ng driver at muling pinaandar ang sasakyan.
Nanghina ang mga tuhod ko. Oras na umandar nang tuluyan ang sasakyan ni Manong, katapusan na ni Lake. Hindi ko alam kung bakit tinutulungan ko ang gunggong na iyon. Parang sasabog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas.
"You mean a guy wearing a white sando? May dalang soccer ball?"
"You mean a guy wearing a white sando? May dalang soccer ball?" Napasinghap ako nang humarang si Canary sa sasakyan. Umupo siya sa hood nito. Binusinahan siya ng driver. "Hoy nene! Umalis ka riyan!" "He ran towards that direction. Pakibugbog siya hanggang madurog ang mga buto niya. He cheated on me," patuloy ni Canary. Seryoso siyang nakatingin sa anim na lalake. "Hindi siya nakarating dito. He knows this is a dead end. Lumiko siya nang matanaw niya ako. I guess that is what a cheater does. Magtago?"
"I actually don't have to say what I wanted to say because I know you know why I am here," Via said as she approached the table where I am in the study lobby. Abala ako sa paggawa ng assignment. Nawala ang focus ko sa pagbabalanse nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Via. Tatlong araw na mula nang mangyari ang insidente kay Lake. Tatlong araw na rin mula nang huli kong nakita si Canary. Naipasa ko na ang thesis ko, at gaya ng gusto niyang mangyari, ginamit ko na lang ang boses ng kaibigan ko sa dorm na si Lila para i-voice over ang mga sagot niya.
"Two days absent without valid reason," pahayag ni Mrs. Evangelista habang nakatingin kay Canary. "Actually, without reason at all."Canary crossed her arms. Parehas kaming nakaupo sa harapan ng table ng guidance counselor. Nakatungo ako at siya naman ay nakatingin dito. Hindi pa nababanggit kung ano ang violation ko. Pero nagdadasal akong hindi iyon makaapekto sa scholarship ko.Bakit kaya siya absent? Ibig sabihin, pagkatapos ng insidente kay Lake ay hindi siya pumasok? Lalo akong nilamig dahil sa mababang temperatura ng aircon dito."Tell me the reason so we can proceed with another issue submitted to me," kalmadong patuloy ni Mrs. Evangelista. "Canary Morales, please answer. We will give you possible considerations for valid reasons."
"Kaya pala nag-o-over practice si Kuya Lake, dito pala gaganapin ang game nila," Via said while eating bubble gum ice pop. Kulay blue na ang dila niya. Nakaupo lang siya sa bleacher habang kami naman ni Canary ay abala sa pagsalansan ng towel at bottled water.Ito ang kapalit ng mga nagawa naming problema sa university. Mas okay nga ito dahil mula nang ipatawag kami sa guidance one week na ang nakakalipas, ay ito ang unang duty namin. Dalawang oras pa naman bago ang game. Mabuti na lang at hanggang alas tres lang ang klase namin.Tahimik lang si Canary habang binibilang ang boteng kailangan namin mailagay. Ito lang ang gagawin namin. Ang sumunod ay pagtapos na ng game."Alam mo bang nagmamakaawa si Kuya Lake na ibigay ko sa kanya ang number mo, Cana?" ani Via. "Literal siyang nauulol s
"Mahihinang nilalang. I thought I'm gonna die of boredom," pagmamalaki ni Lake. Pawis na pawis siya habang umiinom ng tubig. Nakasabit lang ang tuwalya sa balikat niya. Nakaupo siya habang nasa iisang direksyon ang paningin niya.The game ended and Lake's team won. Hindi naman ako nanood. Nagtigil lang ako sa cafeteria habang nagbabasa ng codal. Si Canary ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-text lang si Via kaya nalaman kong tapos na ang game. As for Canary, mabilis yata ang radar niya dahil kasunod ko lang siya. Kanino kaya siya nakikibalita?Tahimik kami na naglilikom ng mga bote at kalat. Tinanggap ko na ang ganitong gawain kaysa naman mawalan kami ng scholarship. Kaunti lang naman dahil dito lang kami sa bench ng mga players naka-assign. Hindi naman ito nakakapagod pero nakakaubos ng oras.
"Alice, may seatwork ako that I need to pass at four," ani Via habang abala siya sa cellphone. "Philippine history. Magbigay daw ng kinatatakutang lugar pero dapat na igalang."Abala ako sa pagco-compute at pagbabalanse habang walang tigil ang salita ng babaeng ito sa tapat ko. Bigla na lang siyang umupo at inilapag ang mamahaling bag sa table ko."Isang oras na lang! Kaya ko naman sana kaso gagawan siya ng fiction story, minimum of five hundred words. I'm not good with words!"Malapit na akong mainis sa kanya pero mas nagpopokus ako sa ginagawa ko."Busy si Canary. Ni hindi ko nga siya nakita ngayong araw. I called the hospital, wala naman siya doon," patuloy pa rin ni Via. "Natutuyo na ang utak ko."
Parang lumilipad ang kotse ni Via. She's a reckless and offensive driver, for sure. Mabuti na lang at hindi kami natitiyempuhan ng disgrasya. Naka-connect pa rin kay Pia ang Life360 app ni Troy. Fortunately, bukas din ang location nito. She said Troy is not as techy as her, mas gusto raw nito ang mga pisikalang gawain. Pia did not join us but she informed us everything about his addict ex-boyfriend.Nakarating kami sa compound na tinutukoy ni Pia. It was a kilometer from the university. Ang bungad nito ay malaking puting gate, at sa labas ay may karatulang nakalagay na "BEDSPACER". Wala itong guard doon.Hindi ito ang dorm ng Arturo University, isa ito sa mga dorm ng mga nag-aaral sa mga kalapit na public university."Papasok tayo dito?" tanong ni Via sa akin na tila nag-aalangan. Hind
"A-ano?" gulat na gulat kong tanong habang nakatitig kay Canary. "Fifty thousand?""W-why?" tanong ni Canary na halos pumiyok na dahil marahil sa kalasingan. "Do you have any other thing to offer?""No touch," ulit ni Troy at umupo siya sa sofa. Umalis ang lalakeng kaninang naroon. "We will just have a good time."Umiling ako. "Aalis na kami." Tiningnan ko ang buong paligid atsaka ulit nagsalita. "Is this a hide out for your sins? I'll assure you they will know about this."Napaupo si Canary sa sahig habang hawak ang ulo niya. Pero agad din siyang nakatayo. Sumandal siya sa pintuan.Malutong ang halakhak ni Troy. "Isusumbong mo kami? Sa admin ng Arturo?" Napahampas siya sa inuupuan n
Governor Gabriel Lopez, governor of Cebu, is charged guilty with the crime of plunder under Republic Act 7080.Former President Alexander Soldevilla is on fire following the case of Mr. Lopez, as one of the men behind the collapse of the Lung Hospital in Batangas two decades ago.Dr. Marina Lopez' hospital, FilCare Medical Center, is under investigation for numerous unexplained death of unfortunate patients.Arturo University suddenly removes scholarship programs.Governor Gabriel Lopez's only child dies at eighteen, found hanging from the ceiling of rented apartment."I can't believe this is happening!" Lila exclaimed. Hindi siya mapakali
"Mommy," halos pabulong kong tawag. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, hindi ko na hinintay pa si Leif.Binuksan ko ang pintuan. They were sitting on the couch. Magkatabi si Canary at ang Daddy ni Leif, while Mom is on the opposite side. Napalingon sila sa akin nang magsalita ako, maliban kay Canary.Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. I could sense the tension inside the house. I feel like my chest is going to explode anytime soon. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ni ayaw kong makita ang mukha ni Canary."What are you doing here?" Mr. Soldevilla asked. Kasunod ko na si Leif. I looked at him. He doesn't look apologetic but rathet he looks so mad and confused."How about you? What are you doing here?" baliktanong ni Leif. Naka
Tahimik ang loob ng sasakyan habang nilalakbay namin ang daan papunta sa bahay namin. Walang makapagsalita sa amin ni Leif. He is probably thinking the facts I told him. We decided to meet my Mom because I know she's the only person who really knows the truth, aside from Leif's Dad.Leif telling me that he likes me, hit the rock bottom of my emotion. I've been feeling the same. Dahil ba iyon sa lukso ng dugo? Ngayon ko lang din na-realize na mas nakakabaliw ang katotohanang iyon. I've been admiring him since day one, and I'm sure it is not something brotherly."Does your Dad already know about Canary?" basag ko sa katahimikan. Dahil kung alam na iyon ng dating presidente, siguradong may kalinawan na ngayon ang lahat."I know he's been meeting someone secretly five years after my Mom di
Hindi ako mapakali habang hinihintay si Leif sa loob ng coffee shop. Ngayon na lang ulit kami magkikita, mula nang magkasagutan kami ni Canary sa lobby.Tuliro ang isip ko. Lalo akong hindi nakatulog. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Sa totoo lang ay nawawalan na rin ako ng gana kumain.Wala akong mapagsabihan ng mga tumatakbo sa isip ko. Wala akong mapili na puwedeng pagkatiwalaan. Hindi ko masabi kay Lila na ako ang nasa picture. Ilang beses kong pina-confirm sa kanya kung totoo ba ang sinasabi niya.If that is the case, then Leif is my brother? Pero kung totoo ang sinabi niya na si Canary ang nasa picture, sila ang magkapatid? Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla silang naging close?
"Daphne's father is a plunderer and her mother's a murderer," pahayag sa akin ng roommate kong si Lila habang nagbabasa ng maga news and comments sa social media.Lalong sumakit ang ulo ko. Hindi na ulit tumawag sa akin si Via mula nang i-cancel ko ang mga tawag niya. Hindi rin siya sumasagot sa text o sa chat. I hurt her and Canary hurt her. Sigurado akong galit na galit siya ngayon.Kalat na sa buong university ang balita sa tatay na iyon ni Via. Marami na ang nadadawit sa issue. Nauungkat na rin ang mga kasamaan ng mga nasa posisyon ngayon at dating administrasyon.But what shocked me most is the news about her Mom. Sila pala ang may-ari ng ospital kung saan naka-admit noon ang mama ni Canary. Kaya pala mabilis kaming nakakahagilap ng impormasyon. And that hospital is on fire becaus
Pagkatapos kong puntahan ang Psychology professor namin last sem ay tinext ko si Via kung nakita niya ba ang hinahanap ko. She called me and told me she's absent today because something happened.Nag-ikot ako sa mga parte ng university na madalas niyang tamabayan.Naabutan ko si Canary sa student lobby na abala sa pagsusulat. Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang takong ng sapatos ko pero agad din siyang tumungo at ipinagpatuloy ang ginagawa niya."Naiwan mo sa cafeteria," pahayag ko at inilapit sa mukha niya ang notebook na naiwan niya sa cafeteria.Hindi naman siya nagulat. Tiningnan niya ako at inabot ang notebook. Ilalagay na sana niya iyon sa bag niya nang tila natigilan siya habang pinagmamasdan ito.
I can't control my legs from shaking while my mind is going up and down. Umuwi ako ng weekend nang hindi nagpapaalam kay Mommy. This is the first time I did this. Sembreak lang ako umuuwi pero dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na kayang patagalin pa ang mga tanong sa isip ko. Mom has not arrived yet. Nasa kusina ako mula pa nang dumating ako kaninang lunch time. Ang sabi niya kahapon ay may pupuntahan siya at ngayon ang uwi niya. Si Canary.... Bakit mayroon siyang picture na katulad ng sa 'kin? Did she sneak in my locker? Stalking my life? Before I could meet her? And why the hell she has a paper with my name na may penmanship na katulad na katulad ng sa akin? Parang umiikot a
"How's your project going?" tanong ni Via sa akin.Kakatapos lang ng prelims kaya hindi kami masyadong nagkikita. Pareparehas kaming busy. Binigyan naman kami ng deadline ni Canary. Tapos na naman kami ni Leif, aayusin na lang niya.Sa totoo lang ay parang slam book ang pinasagutan ni Canary, yun nga lang ay related lahat sa view ng tao tungkol sa recognition at reward."Inaayos na lang. Kamusta ang exam?" balik tanong ko. Malalim ang mga mata niya pero mukha namang nakakahinga pa siya ng ayos.Ngumiti si Via. Pagkatapos ay unti unting tumawa. "Guess what? Ang dami kong sure na tamang sagot! The trick Canary suggested worked!"Ngayon ko lang napansin na hindi nga siya amoy vanilla. S
"The final question is, how do you know you deserve to be rewarded and how do you know you deserve the recognition," pahayag ni Leif.Ito na ang huli naming pagkikita. Sa limang araw na magkausap kami ay naging komportable na ako kasama siya. Alam kong marami ang nagtataas ng kilay sa amin pero hinahayaan ko na lang. Ang sabi naman ni Leif ay walang problema.Marami akong nalaman sa kanya at sa pamilya niya, lalo na sa Daddy niya na dating presidente. He is someone you can be proud of. At nakikita kong may mga bumabatikos man sa tatay niya noon ay nananatiling mataas ang pagtingin niya dito.The funniest part for the last four days was when he ordered food for the two of us. Um-order siya ng fried chicken, at hindi ako nahiyang sabihin na allergic ako doon. Nagulat siya dahil parehas d