"Mahihinang nilalang. I thought I'm gonna die of boredom," pagmamalaki ni Lake. Pawis na pawis siya habang umiinom ng tubig. Nakasabit lang ang tuwalya sa balikat niya. Nakaupo siya habang nasa iisang direksyon ang paningin niya.
The game ended and Lake's team won. Hindi naman ako nanood. Nagtigil lang ako sa cafeteria habang nagbabasa ng codal. Si Canary ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-text lang si Via kaya nalaman kong tapos na ang game. As for Canary, mabilis yata ang radar niya dahil kasunod ko lang siya. Kanino kaya siya nakikibalita?
Tahimik kami na naglilikom ng mga bote at kalat. Tinanggap ko na ang ganitong gawain kaysa naman mawalan kami ng scholarship. Kaunti lang naman dahil dito lang kami sa bench ng mga players naka-assign. Hindi naman ito nakakapagod pero nakakaubos ng oras.
Nakauwi na ang mga manonood at mga players ng Ochado University maliban kay Lake. Mukhang hindi siya uuwi hangga't hindi niya nakakausap si Canary. Kanina pa siya parang bulate na umaaligid-aligid sa amin.
"Bakit nagpa-palpitate ka?" Via asked while holding Lake's wrist. "Okay ka lang ba? Mag-iisang oras nang tapos ang game."
Pinitik ni Lake ang noo ni Via. "Umuwi ka na nga. Ang dami mong tanong."
"Sasabay ka na ba kay Lake, Via?"
Kinalma ko ang sarili ko nang muling marinig ang boses ni Leif. Kagagaling niya lang sa men's shower room. Naka-puting t-shirt na siya at naka-jersey short. Basa ang bagsak niyang buhok. Mukhang kakatapos niya lang maligo. I could help myself to steal glances from him. Mabuti na lang at napipigilan ko ang sarili ko na matulala sa kanya.
"May sasakyan ako, Kuya Leif," sagot ni Via. "Wala akong maisasabay sa kanila. Opposite direction ang dorm ni Alice. As for Canary, hindi ko siya kayang ihatid sa Pluto."
Natawa ako dahil hanggang ngayon, hindi namin alam kung saan siya nakatira. Kinuha ni Via sa loob ng bag ang favorite perfume niya at umalingasaw iyon sa paligid.
Tumikhim si Lake bago nagsalita. "Uhm. . . ihahatid na lang kita," aniya. Hindi niya mabanggit-banggit nang diretso ang pangalan ni Canary kaya mukhang hindi ito ang kausap niya.
Tila wala naman narinig si Canary. Tinapos lang namin ang paglilikom. Muli niyang isinukbit ang bag. Inayos niya lang nang bahagya ang bangs niya bago nagpaalam sa akin. "May gagawin pa ako." 'Yon lang at nagsimula na siyang maglakad palayo.
"W-wait!" pigil ni Lake. Halos madapa siya sa pagtayo nang mabilis at paghabol kay Canary. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanila. Naghihintay kung paano na naman siya bibiguin nito.
Canary turned to him wearing poker face. "May papasagutan ka ba?"
Marahang umiling si Lake. "I-I. . . just want to thank you for saving me back then."
Ngumiti si Canary pero wala iyong emosyon. Bakas na bakas sa mata niya ang pagod. "Kanina ka pa nagpapasalamat. Ilan ba ang kahulugan ng thank you mo?"
Napahawak si Lake sa batok niya. "Puwede ba kitang yayain mag-dinner ngayon?"
Napasipol si Via sa tabi ko. "First time 'yan ha. 'Yung last na babaeng nabaliw sa kanya nagpa-reserve ng buong restaurant sa Makati. Hindi niya sinipot."
"Alice," biglang tawag sa akin ni Canary. "Hindi ka pa nagdi-dinner, 'di ba?"
Itinuro ko ang sarili ko. "A-ako? Oo?" nalilito kong sagot.
"May kasama ka nang mag-dinner," Canary said to Lake. "Wala akong oras na puwedeng aksayahin para lang sa thank you mo." Iyon lang at tuluyan na siyang naglakad paalis.
Naiwan si Lake na bahagyang napanganga. Nakatanaw lang siya kay Canary. I wondered if Via already told him what we knew. Pero sa asta niya ay tila wala siyang alam. Kung sabagay, Via and I promised no one will know what we discovered about her.
Tila bumalik sa reyalidad si Lake. Tipid siyang ngumiti habang naglalakad palapit sa amin. "You know what, Via? Ikaw ang malas. Halika nga dito!" ani Lake na parang nanggigigil sa pinsan. "Kukurutin kita."
"D-don't you dare," nahihintakutang ani Via at nagsimula siyang maglakad paatras. "Isusumbong kita kay Mommy."
Hindi napigilan si Lake. Nagtatakbo si Via palayo at mabilis niya itong sinundan. Natawa ako sa kanilang dalawa. Masarap din sa pakiramdam kung may kamag-anak ka sa university.
"How about you? I can't leave you here alone. I can drop you off. Same place, right?"
Unti-unting nawala ang tawa ko. Mabilis akong napalingon kay Leif. Parang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Hindi pa rin ako nagdi-dinner. May masarap bang resto malapit sa dorm ninyo?" tanong niya habang nakatingin sa akin. He then gave me an awkward smile. "Sorry. Forget it."
"Alice, may seatwork ako that I need to pass at four," ani Via habang abala siya sa cellphone. "Philippine history. Magbigay daw ng kinatatakutang lugar pero dapat na igalang."Abala ako sa pagco-compute at pagbabalanse habang walang tigil ang salita ng babaeng ito sa tapat ko. Bigla na lang siyang umupo at inilapag ang mamahaling bag sa table ko."Isang oras na lang! Kaya ko naman sana kaso gagawan siya ng fiction story, minimum of five hundred words. I'm not good with words!"Malapit na akong mainis sa kanya pero mas nagpopokus ako sa ginagawa ko."Busy si Canary. Ni hindi ko nga siya nakita ngayong araw. I called the hospital, wala naman siya doon," patuloy pa rin ni Via. "Natutuyo na ang utak ko."
Parang lumilipad ang kotse ni Via. She's a reckless and offensive driver, for sure. Mabuti na lang at hindi kami natitiyempuhan ng disgrasya. Naka-connect pa rin kay Pia ang Life360 app ni Troy. Fortunately, bukas din ang location nito. She said Troy is not as techy as her, mas gusto raw nito ang mga pisikalang gawain. Pia did not join us but she informed us everything about his addict ex-boyfriend.Nakarating kami sa compound na tinutukoy ni Pia. It was a kilometer from the university. Ang bungad nito ay malaking puting gate, at sa labas ay may karatulang nakalagay na "BEDSPACER". Wala itong guard doon.Hindi ito ang dorm ng Arturo University, isa ito sa mga dorm ng mga nag-aaral sa mga kalapit na public university."Papasok tayo dito?" tanong ni Via sa akin na tila nag-aalangan. Hind
"A-ano?" gulat na gulat kong tanong habang nakatitig kay Canary. "Fifty thousand?""W-why?" tanong ni Canary na halos pumiyok na dahil marahil sa kalasingan. "Do you have any other thing to offer?""No touch," ulit ni Troy at umupo siya sa sofa. Umalis ang lalakeng kaninang naroon. "We will just have a good time."Umiling ako. "Aalis na kami." Tiningnan ko ang buong paligid atsaka ulit nagsalita. "Is this a hide out for your sins? I'll assure you they will know about this."Napaupo si Canary sa sahig habang hawak ang ulo niya. Pero agad din siyang nakatayo. Sumandal siya sa pintuan.Malutong ang halakhak ni Troy. "Isusumbong mo kami? Sa admin ng Arturo?" Napahampas siya sa inuupuan n
Hindi na nakasagot si Leif. Napalingon kaming lahat nang magbukas ang pintuan ng clinic. Canary is wearing the usual bitch face. She has a cast on her right arm. The doctor explained na hindi niya ito puwedeng igalaw basta-basta. She has to go back every week for therapy.Nang umalis ang doktor at nurse at maiwan kaming lima sa labas ng clinic ay sandaling katahimikan ang namayani. Lake is just looking at Canary, na mukhang malalim ang iniisip.We are all waiting for her to talk or to curse us all because of what happened. Leif is just quiet on the side. Nakita ko kanina na sandali silang nagkatinginan ni Canary, na parang in-expect na niya na darating ito."I want to kill you but if I do, hindi ko mapapakinabangan ang pinsan mo," Canary finally muttered while looking at Lake. Pagkatap
A week has passed and everything is normally going on. Na-accomplished na namin parehas ni Via ang mga bilin ni Canary.Nakakapagod pala talaga ang sideline niyang yon. May mga deadline lahat ng ginawa ko at isa isa ko pa silang imimeet. Nagcap at facemask na lang ako para daw hindi masyadong halata na hindi si Canary ang katagpo nila.Ilang araw akong puyat. Bukod sa sangkaterbang reasearch ang ginawa ko na sabi ni canary ay madali lang, hindi pa agad ako makatulog dahil sumasagi sa isip ko ang eksena namin ni Leif tuwing duty namin sa computer lab.We dont work that much. Kadalasan tagacheck lang ng hardwares at tagarecord ng mga pumapasok at lumalabas. We seldom talk. Kapag lang may tanong ako at kailangan.Leif is a different pers
"Stop! Stop it! Stop!" halos mapaos si Via kakasigaw habang nagtatatakbo kami palapit kay Lake at Leif.Nagsusuntukan ang dalawang iyon. Parehas pa silang nakauniporme. May dalawang lalake sa gilid na sa palagay ko ay kaibigan ni Lake dahil pamilyar sila sa akin. Kasama sila sa soccer team. Marahil iyon ang tumawag kay Via gamit ang cellphone ng pinsan niya.Nakatayo lang kami sa gilid dahil hindi namin magawang pigilan sila. Sa estado nila ngayon mukhang hindi sila magpapaawat. Mabuti na lang at walang ibang tao dito pero isang estudyante lang ng Arturo ang mapadaan, dudumugin na kami ng mga estudyante.Mas lalo akong nag aalala sa mga puwedeng dumating at makakakita."Kuya, ano ba!" singhal ni Via. Mas napupuruhan si Leif dahil hala
Semestral break.Umuwi ako sa bahay namin para magbakasyon. Saktong sakto dahil magbi-birthday na si Mommy. Dalawang linggo ang bakasyon namin at ipinagpapasalamat ko na makakapasok pa rin ako next sem dahil wala akong bagsak.As for the almost friendship I built, nawala iyon sa isang iglap. Siguro, malas talaga ako pagdating sa pakikipagkaibigan. Wala naman akong ginawang masama kay Via pero iniwasan na rin niya ako, na parang hindi kami nagkakilala. Madalas na niyang kasama ang mga kaklase niya na sigurado naman akong nakikikabit lang sa kasikatan niya.I seldom see Canary. Kung makita ko man siya ay hindi ko na siya tinitingnan ulit. Ganoon pa rin ang awra niya. Tahimik, mailap at mabilis. But I'm glad na naalis na ang cast sa kanang braso niya. Mukhang okay na siya.
Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. Sampung minuto na pasado alas tres ng hapon. Si Jace ay abala sa pag-inom ng inorder niyang brewed coffee. Hindi ko naman magawang maubos ang iced tea ko.Via said to meet her here at three pm. Kailangan niya raw akong makausap. Hindi niya masabi sa phone ang pakay niya. Ayaw ko sanang patulan ang sinabi niya but she sounded so urgent.Wala pa rin akong text na na-re-receive galing sa kanya kung nasaan na ba siya. Bumiyahe pa kami ni Jace para makapag-meet kami halfway somewhere in QC."Si Via ba talaga 'yon? You said hindi kayo close. Baka scammer 'yon?" untag ni Jace. Mabuti na lang at may sasakyan siya at marunong naman siyang magmaneho. At lagi siyang on the go kapag nakikisuyo ako.I sighed.
Governor Gabriel Lopez, governor of Cebu, is charged guilty with the crime of plunder under Republic Act 7080.Former President Alexander Soldevilla is on fire following the case of Mr. Lopez, as one of the men behind the collapse of the Lung Hospital in Batangas two decades ago.Dr. Marina Lopez' hospital, FilCare Medical Center, is under investigation for numerous unexplained death of unfortunate patients.Arturo University suddenly removes scholarship programs.Governor Gabriel Lopez's only child dies at eighteen, found hanging from the ceiling of rented apartment."I can't believe this is happening!" Lila exclaimed. Hindi siya mapakali
"Mommy," halos pabulong kong tawag. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan, hindi ko na hinintay pa si Leif.Binuksan ko ang pintuan. They were sitting on the couch. Magkatabi si Canary at ang Daddy ni Leif, while Mom is on the opposite side. Napalingon sila sa akin nang magsalita ako, maliban kay Canary.Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. I could sense the tension inside the house. I feel like my chest is going to explode anytime soon. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ni ayaw kong makita ang mukha ni Canary."What are you doing here?" Mr. Soldevilla asked. Kasunod ko na si Leif. I looked at him. He doesn't look apologetic but rathet he looks so mad and confused."How about you? What are you doing here?" baliktanong ni Leif. Naka
Tahimik ang loob ng sasakyan habang nilalakbay namin ang daan papunta sa bahay namin. Walang makapagsalita sa amin ni Leif. He is probably thinking the facts I told him. We decided to meet my Mom because I know she's the only person who really knows the truth, aside from Leif's Dad.Leif telling me that he likes me, hit the rock bottom of my emotion. I've been feeling the same. Dahil ba iyon sa lukso ng dugo? Ngayon ko lang din na-realize na mas nakakabaliw ang katotohanang iyon. I've been admiring him since day one, and I'm sure it is not something brotherly."Does your Dad already know about Canary?" basag ko sa katahimikan. Dahil kung alam na iyon ng dating presidente, siguradong may kalinawan na ngayon ang lahat."I know he's been meeting someone secretly five years after my Mom di
Hindi ako mapakali habang hinihintay si Leif sa loob ng coffee shop. Ngayon na lang ulit kami magkikita, mula nang magkasagutan kami ni Canary sa lobby.Tuliro ang isip ko. Lalo akong hindi nakatulog. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Sa totoo lang ay nawawalan na rin ako ng gana kumain.Wala akong mapagsabihan ng mga tumatakbo sa isip ko. Wala akong mapili na puwedeng pagkatiwalaan. Hindi ko masabi kay Lila na ako ang nasa picture. Ilang beses kong pina-confirm sa kanya kung totoo ba ang sinasabi niya.If that is the case, then Leif is my brother? Pero kung totoo ang sinabi niya na si Canary ang nasa picture, sila ang magkapatid? Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla silang naging close?
"Daphne's father is a plunderer and her mother's a murderer," pahayag sa akin ng roommate kong si Lila habang nagbabasa ng maga news and comments sa social media.Lalong sumakit ang ulo ko. Hindi na ulit tumawag sa akin si Via mula nang i-cancel ko ang mga tawag niya. Hindi rin siya sumasagot sa text o sa chat. I hurt her and Canary hurt her. Sigurado akong galit na galit siya ngayon.Kalat na sa buong university ang balita sa tatay na iyon ni Via. Marami na ang nadadawit sa issue. Nauungkat na rin ang mga kasamaan ng mga nasa posisyon ngayon at dating administrasyon.But what shocked me most is the news about her Mom. Sila pala ang may-ari ng ospital kung saan naka-admit noon ang mama ni Canary. Kaya pala mabilis kaming nakakahagilap ng impormasyon. And that hospital is on fire becaus
Pagkatapos kong puntahan ang Psychology professor namin last sem ay tinext ko si Via kung nakita niya ba ang hinahanap ko. She called me and told me she's absent today because something happened.Nag-ikot ako sa mga parte ng university na madalas niyang tamabayan.Naabutan ko si Canary sa student lobby na abala sa pagsusulat. Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang takong ng sapatos ko pero agad din siyang tumungo at ipinagpatuloy ang ginagawa niya."Naiwan mo sa cafeteria," pahayag ko at inilapit sa mukha niya ang notebook na naiwan niya sa cafeteria.Hindi naman siya nagulat. Tiningnan niya ako at inabot ang notebook. Ilalagay na sana niya iyon sa bag niya nang tila natigilan siya habang pinagmamasdan ito.
I can't control my legs from shaking while my mind is going up and down. Umuwi ako ng weekend nang hindi nagpapaalam kay Mommy. This is the first time I did this. Sembreak lang ako umuuwi pero dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na kayang patagalin pa ang mga tanong sa isip ko. Mom has not arrived yet. Nasa kusina ako mula pa nang dumating ako kaninang lunch time. Ang sabi niya kahapon ay may pupuntahan siya at ngayon ang uwi niya. Si Canary.... Bakit mayroon siyang picture na katulad ng sa 'kin? Did she sneak in my locker? Stalking my life? Before I could meet her? And why the hell she has a paper with my name na may penmanship na katulad na katulad ng sa akin? Parang umiikot a
"How's your project going?" tanong ni Via sa akin.Kakatapos lang ng prelims kaya hindi kami masyadong nagkikita. Pareparehas kaming busy. Binigyan naman kami ng deadline ni Canary. Tapos na naman kami ni Leif, aayusin na lang niya.Sa totoo lang ay parang slam book ang pinasagutan ni Canary, yun nga lang ay related lahat sa view ng tao tungkol sa recognition at reward."Inaayos na lang. Kamusta ang exam?" balik tanong ko. Malalim ang mga mata niya pero mukha namang nakakahinga pa siya ng ayos.Ngumiti si Via. Pagkatapos ay unti unting tumawa. "Guess what? Ang dami kong sure na tamang sagot! The trick Canary suggested worked!"Ngayon ko lang napansin na hindi nga siya amoy vanilla. S
"The final question is, how do you know you deserve to be rewarded and how do you know you deserve the recognition," pahayag ni Leif.Ito na ang huli naming pagkikita. Sa limang araw na magkausap kami ay naging komportable na ako kasama siya. Alam kong marami ang nagtataas ng kilay sa amin pero hinahayaan ko na lang. Ang sabi naman ni Leif ay walang problema.Marami akong nalaman sa kanya at sa pamilya niya, lalo na sa Daddy niya na dating presidente. He is someone you can be proud of. At nakikita kong may mga bumabatikos man sa tatay niya noon ay nananatiling mataas ang pagtingin niya dito.The funniest part for the last four days was when he ordered food for the two of us. Um-order siya ng fried chicken, at hindi ako nahiyang sabihin na allergic ako doon. Nagulat siya dahil parehas d