GUSTO niyang magbigay ng pasasalamat pero tila tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Ni hindi niya napuna nang lingunin ni Asunta ang lalaking nakabunggo sa kanya. Mula sa mesa nito ay agad itong tumayo at lumapit sa kanila.Ang tatlong service crew at ang kahera ay abala sa kani-kanilang normal na gawain. Sa mga mata ng iilang customer sa maliit na coffee shop na iyon ay wala namang kakaibang nangyayari. lyon ay kung may nakapuna man lang sa kanilang tatlo. Nakatayo pa rin nang tuwid si Helaena at marahang humahakbang patungo sa exit habang nakaalalay si Asunta.Kung sakali mang nakahawak nang mahigpit sa kanya si Asunta ay hindi naman ito kapuna-puna. Tila magkaibigang magkaabrisete ang dalawa. Nakikipagusap sa kanya ang babae. Sa wari ay may itinatanong subalit hindi niya ito naiintindihan.Sa nanlalabo niyang paningin ay alam niyang nagsasalita ito at nakangiti pa. Pero tila kay layo ng pinanggagalingan ng tinig nito.Hindi rin makuhang tumanggi ni Helaena nang kunin ng babae ang bag ni
NAKAABOT pa sa pandinig niya ang mga yabag ng tatlo pababa ng hagdan. llang sandali ang hinintay niya bago siya tumayo. Subalit muli rin siyang napaupo dahil hindi pa halos nagbalik ang huwisyo niya. Tila siya may hangover. Napakasakit ng ulo niya at tuyongtuyo ang lalamunan.Pero alam niyang hindi siya dapat mag-aksaya ng panahon. Babalik ang lalaki at natitiyak na niya kung ano ang sasapitin niya mula sa mga kamay nito bago siya patayin.Agad niyang tinakpan ang bibig upang hindi mapahagulhol ng iyak. Pagkatapos ay hinawakan ang tiyan. Lalo na niyang gustong bumulalas ng iyak. Kung mamamatay siya ay mawawalan ng pagkakataong mabuhay ang anak niya.Hindi na niya maisisilang ito. Ni hindi malalaman ni David na nasundan nila si Vince pagkatapos nang halos pitong taon nilang pagsasama. Kapagkuwa'y kinalma niya ang sarili at inilibot ang tingin sa buong silid. Maliit lamang iyon. Tipikal sa mga kubo sa probinsiya.Ang silid na iyon ay yari sa hinabing kawayan. Mula sa kinaroroonan niya a
NAKAPITONG ring ang telepono bago may sumagot doon. Nagpupuyos ang dibdib niya pero kailangan niyang magpakahinahon. Kailangan niya ng diplomasya sa sasabihin niya sa uncle niya. Hindi niya kailangang ipahalata ang matinding katuwaang nararamdaman.Kanina pa siya nagtatatalon sa tuwa. Subalitkailangan niyang magkunwari."H-hello," wika ng nasa kabilang linya sa nanginginig na tinig."Tito asunta..." aniya at sinadyang tumikhim nang ilang beses bago muling nagsalita sa pinalungkot na tinig. "May... masamang balita—""A-anong masamang balita?" agad nitong sabi, nasa tinig ang panic at takot. "May... may mga pulis bang nakatunton dito? Sabihin mo kung kailangan na naming umalis ngayon din! Pancho, ihanda mo ang sasakyan!"Sa ibang pagkakataon at kung ibang tao ang kausap niya ay baka sumigaw siya sa matinding galak sa ibabalita niya. Pero kailangan niyang pigilin ang sarili at iparamdam kay Asuncion na nalulungkot siya nang labis."Tiya, huwag kayong magpa-panic. Walang mga pulis na naka
PRESENT"KINUKULAYAN na ba ng araw ang dagat, Kris?"Kris's smile was poignant. Pinisil niya ang kamay ni Philip na nakahawak sa kamay niya. Nitong nakalipas na tatlong buwan ay walangdapit-hapong hindi sila naroroon sa baybayin kahit napakalayo ng dagat mula sa bahay nila. Kahit sampung minutong biyahe iyon mula sa kanila.Nais ni Philip na naririnig ang mga along humahalik sa baybayin. Nais nitong sabihin niya ang kulay ng dagat tuwing dapit-hapon." Kahel, pula, ginto..." sagot niya sa nagsisikip na dibdib. Hindi niya mapigil ang pagkawala ng mga luha."Umiiyak ka..." anito na narinig ang paghikbi niya. Itinaas ang kabilang kamay at pinahid ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. "Dapat ko bang isiping mahal mo na rin ako sa dulong bahagi ng aking buhay?""Mahal kita, Philip," aniya. "Alam kong alam mo iyan. At sana'y hindi mo laging binabanggit sa akin ang tungkol sa—""Sa buhay kong malapit nang magwakas?" dugtong nito. Wala sa tinig nito ang pait. O takot sa kamatayan. Ang
BINASAG ni Philip ang katahimikan sa pagitan nila."Sa loob ng mahigit na labing-apat na taon ay hindi ka umaalis sa bayang ito, Kris. Ikinulong mo ang sarili mo sa niyugan. Sa sulok na bahagi ng puso ko ay kinasasaya ko iyon dahil natatakot akong makaalala ka. Na baka makakita ka ng mga bagay na magpapaalala sa iyo. Na baka isang araw paggising ko ay wala ka na sa tabi ko.""Subalit ang kabilang bahagi ng puso ko ay nag-uudyok na hanapin mo ang iyong nakaraan. Dahil alam kong hindi ka maligaya sa kalagayan mo. Lalo na nang maramdaman kong unti-unti na akong iginugupo ng aking sakit..."Kris bit her lip to keep from crying."Kapag wala na ako ay nais kong bumiyahe ka. Baka sakaling may makakilala sa iyo... baka sakaling may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng nakaraan mo..."Hindi siya sumagot. Hindi niya gustong tanggaping mawawala sa kanila si Philip. Noong hindi pa ito iginugupo ng sakit ay hindi miminsang sinabi nito sa kanya na mamasyal naman sila. Magtungo sa kalapitbayan at siy
'HAVE we met?"This time Zion chuckled. "Don't you think that is an old line? And since I am young, gasgas na ang linyang iyan. Anyway, my name's Zion."' Itinaas niya ang kanang kamay rito."Don't be silly," anito, ignoring his hand. "You know, there's something familiar about you. "Hindi ko rin alam kung ano, baka mga ngiti mo?"And before Zion could utter another smart retort, umangat ang isang kamay ng babae patungo sa kanya. Sa wari ay hahawakan nito ang ulo niya. Subalit bago pa man makalapat ang kamay nito sa buhok niya ay nasa likuran na niya Sina Gillian at Caleb."Hey, Zion." Possessively, ikinapit nito ang braso sa kanya at bahagyang hinila paatras. Ang kamay ng babae ay bumagsak sa tagiliran nito. "Tara sa likod nitong ferry. Mas maganda ang view roon.""Magandang hapon, Vince," bati ni Caleb.The man blinked. Mula kay Zion ay ibinaling nito ang tingin sa binatilyong tinawag ito sa pangalan. "I'm sorry but I don't think we've met, young woman.""Apo po ako ni Mang Hilarion
DAVID cleared his throat. "Don't you think it is high time to talk of remarrying?""At si Nicole ang naisip mong pakakasalan?"David shrugged. "She comes to mind. ""She's older than Mommy!" he snapped. "I have respect for Mrs. Bartolome's loyalty and efficiency, Daddy. Pero iyon lang iyon. She will never take my mother's place in your heart andyou will not give your name to another woman!" There were tears in Vince's voice but he refused to shed them."What do you have against Nicole, hija?""Nothing, Daddy. " Kumalma nang bahagya ang anyo nito at nagbaba ng tinig. "She's perfect. Politically or otherwise. Statuesque and handsome. Very efficient. Efficient enough para matukso kang i-maintain siya, " he said with obvious sarcasm that David almost laugh rather than be angry at his son. "And she has always been very loyal to her Dad, to you, and to the company... ""l can hear the 'but,' sweetheart. "Muling tumigas ang mukha ni Vince. "Give her an award, Daddy! A plaque as huge as Texa
"WHAT?" singhal ni David sa sekretarya."Tiyakin mong mahalaga ang sasabihin mo kaya tinawagan mo ako sa numerong ito, Sebastian.""Sorry, sir. Tumawag po si Doña Bea at nagpapasundo sa airport bukas nang madaling-araw. They took the redeye, sir. Pulos daw po voice prompt ang sumasagot sa isang cellphone ninyo.""Naiwala ko ang cell phone ko." Bumaba ang tinig niya. "Hindi ko pa napapalitan. 'Akala ko ba'y sa isang buwan pa balak umuwi sa Pilipinas Sina Papa at Tiya Bea?""Aagahan na raw po nila. Tutal fiesta naman daw po sa Santo Cristo sa makalawa. Isa pa, gusto rin po daw nilang makilala ang asawa ni Mr. Vibce, sir."lyon mismo ang dahilan. Matagal nang ipinahayag ni Franco at Beatriz ang plano na umuwi sa Alta Tierra at doon na mamirmihan. Natitiyak niyang dahil sa magasawang Leandro at Vince ang sanhi ng mas maagang pag-uwi ng mga magulang. His parents had really never got the chance to talk to Leandro.Kinukuwestiyon din siya ng mga magulang sa biglaang pagpapakasal ni Vibce at
PUMARADA ang itim na Hummer sa harap ng isang kubo. Mula roon ay lumabas si Zion. Tinanguan nito ang driver. "Hintayin mo ako..." Lumakad ito patungo sa kubo at kumatok. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Zion smiled at her. Bumati ng magandang hapon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-thirties ang lalaking iyon. She was undeniably handsome. lyon ay sa kabila ng lumang kasuotan at buhok na mahigpit na nakatali sa likod. She had dark eyes. Makakapal na pilikmata na nakita niya kay Leo. Umangat ang paningin ng babae sa multimillion vehicle. Tiyak na iyon ang unang pagkakataong may nakitang ganoong sasakyan sa lugar na iyon. Zion didn't want to use the Hummer. It's like showing off unnecessarily. Pero nagpilit ang kanyang Lolo na si Franz Samonte dahil walang ibang sasakyang naroroon kundi ang sasakyan lang ng kanyang daddy. Ang fourwheel drive ng lolo niya naman ay gamit ng kanyang Lola Bea at Lola Leoncia niya na nagtungo sa kabisera. The two grandmas hit it off like house on f
Sl KENT ang nakipag-usap sa mga pulis sa ibaba. Ipinangakong tutungo sa presinto ang lahat sa kinabukasan upang magbigay ng statement. Ang medic ng hotel ay pumanhik upang tingnan ang sugat ni David sa noo.The gun only winged him, na sana'y tatama kay Zion kung hindi sa mabilis niyang pagtakbo sa anak. The distance was too close at tatama si Nicole kahit hindi ito sharpshooter. Ang paglitaw tiyak ni David ang sandaling nagpalito rito. Ayon sa medic ay talagang madugo ang sugat sa ulo. Gayunpaman ay ipinayong magtungo si David sa kalapit na ER.But David wouldn't hear of it. Kahit na nagpipilit ang pamilya nito. Tama na ang ginawang first aid ng medic at ang pagbenda sa ulo nito.Si Grant ay tulalang nakaupo sa isa sa mga naroroong stuffed chair. Hawak nito ang brasong tumama sa gilid ng dingding nang ibalandra ito ni Nicole.Sinakop ng mga bisig ni David si Helaena.Mariing hinagkan sa buhok. "I'm so sorry, baby. I am so sorry. Hindi ko kayang isipin kung nahuli ako ng isang segundo.
HINILA ni Helaena ang silya upang maupo nang marinig niya ang sliding door na bumukas. Baka ang isa sa mga waiter at may nalimutang dalhin. She craned her neck toward the living room. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala ang pumasok.Alaina met her yesterday. llang beses niyangsinikap na maalala ito subalit nabigo siya."Hello, Helaena. It's late for breakfast. Kunsabagay ay ganyan naman ang mga mayayaman, 'di ba?"Helaena frowned at the tone of her unwanted visitor's voice. Hindi tiyak naitulak pasara ng mga waiter ang gate nang bumaba ang mga ito sa eleventh floor. The gate would lock automatically.Umangat ang mga kilay ni Nicole, as if reading her thoughts. "Naabutan ko ang mga waiter, Helaena. Ang isa sa kanila ay malapad pang binuksan ang gate para sa akin. At kahit pa nakasara na ang gate, you would open it for me. Wouldn't you?"Hindi mapapasubalian ni Helaena ang sinabi nito. Pero hindi niya isinatinig ang nasa isip.Nicole looked around. Then her eyes went back to He
MAKAHAS nyang amampot ang cell pnone sa Ikaapat na ring nito. "Hello!" she snapped. Ang tiyahin niya ang nasa linya. "Tiyakin mong may maganda kang balita sa akin. Is Helaena dead? I hope hindi ninyo gaanong sinaktan si David.""N-nahuli si Pancho at ang mga tao niya," nanginginig ang tinig at puno ng takot na sabi ni Asunta."Ano!" Pahablot nitong inalis ang kumot na nakatabing sa katawan at bumangon. Kasabay ng matinding tambol sa dibdib niya. " Paanong nangyari?""N-nasa loob ako ng sasakyan sa kabilang bahagi ng kalye. Nakaparada ang van sa isang walang-taong bahay at naghihintay sa kanila. Nakita kong biglang nagliwanag ang buong kabahayan ng mga Samonte. Kinabahan na ako."Hindi lumalabas ng bahay Sina Pancho at dalawang kasama. Kalahating oras ang nakalipas nang may dumating na itim na sasakyan at kinuha mula sa loob Sina Pancho. At hindi ko matiyak kung si Pancho ang pinagtulungang buhatin ng mga lalaki!" Humagulhol na si Asunta.Hindi agad siya makapagsalita sa pinagsamang ka
"SA MARTES ng umaga ang uwi ni David at Helaena sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Helaena.Saktan mo si David pero huwag mong papatayin. "Palabasin mong pagnanakaw ang motibo.""Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan.""May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. David will leave the country with Helaena!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot."Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?""Sa Neopolitan ang bahay ni David. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay.lyong security guard sa bahay niya ay madali.Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si David na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang g
MAY PAKIRAMDAM si Helaena na inaasahan ni David na makikilala o maaalala niya ang pangalang binanggit nito. Tulad din ng banggitin nito ang pangalan nghuling tumawag."Should I know this Nicole Bartolome?""Kilala mo siya. She had been my father's kasosyo when we first met. A couple of years older than you."Something flickered in her eyes. Not recognition, but something akin to jealousy. Sa tinig ni David ay parang may kinalaman sa buhay nito ang pangalang binanggit.Tumayo siya. Self-consciously, itinapi sa katawan ang kumot. But not before David took a glimpse of his wife's nudity.Hindi kataasan si Helaena. But she was slim. Not modelslim though. But with curves at the right places. She was forty-three now but she still had the body of a goddess. The ugly scar on her arm and the one that was so prominent on her leg didn't even mar her beauty.Ipaaalala niya sa sariling aalukin niya ang asawa kung gugustuhin nitong ipa-plastic surgery ang malaki at malalim na Pilat sa braso at bin
WITH a smile, lumakad siya pabalik sa silid. Gising na si Helaena at nakangiti sa kanya, the white sheet wrapping around her body. His heart took an overdrive. It was the same smile he remembered of her always.A seductive, dazzling, morning-after smile that not even she was aware of it. The kind of smilethat drove a man crazy. And his wife drove him crazy that he wanted to be inside her again.For crying out loud, they were not young people anymore! But then, he found his intense desire for his wife a novelty after almost fifteen years. At namamangha siya sa sarili kung saan siya kumuha ng lakas.Nang matitigan nito ang kahubdan niya ay namula ang mga pisngi at bahagyang iniwas ang mga mata sa kanya. David had always loved her when she blushed."You'll caught pneumonia, David. It's too cold outside," naiilang nitong sabi"Labis ang init na naipon sa katawan ko mula pa kagabi, darling. And right now, I am so hot! Isn't it obvious?" he teased, niyuko ang ibabang katawan.Tuluyan nang p
TUNOG ng cell phone niya ang gumising kay David. Kinapa niya iyon sa sidetable at sinagot. "Hold on..." aniya sa mouthpiece without looking at the caller ID.Nilingon niya si Helaena na bahagyang umungol pero muli ring nagbalik sa pagtulog. He smiled softly, bent his head and planted a soft kiss on her slightly parted lips. Mag-uumaga na nang patulugin niya ang asawa. Nagpahinga lang siya nang sandali at pagkatapos ay muli itong inangkin.Hindi siya makapaniwalang inibig niya ito sa buong magdamag. More than twice. Para siyang bagong nagbibinata sa pananabik niya rito. Nagising siya sa kalagitnaan ng gabi at muli av inangkin niva ito. Helaena let down her guard last night. It was the same Helaena in bed fifteen years ago. Passionate. Almost wanton.At pagkalipas ng mga taon, sa ikalawang pagkakataon mula kagabi ay nakatulog siya nang mahimbing habang yakap ang asawa. Mahigpit na yakap na para bang natatakot siyang paggising niya sa kinabukasan ay maglaho itong parang bula.Tumayo siya
"HEY..."Mula sa pagkakatitig sa kadiliman sa labas ay lumingon si Helaena. Nakatayo sa entrada ng balkonahe si David. Nakasandal ito sa hamba ng French door. Tanging tuwalya ang tumatapi sa ibabang bahagi ng katawan nito.Helaena's heart stopped at the sight of his nakedness. Kapagkuwa'y muli ring nagsimulang tumibok, erratically this time. The man was incredibly gorgeous.David was in his late forties. But every inch of him finely chiseled muscle and flesh. Napanood na niya ang ilang video nilang dalawa noong bago silang kasal. Sa bawat kinunang larawan, bawat kuwadro ay nagpapahiwatig ng pag-ibig niya sa lalaking ito.Natitiyak niya ring walang babaeng hindi magnanais na mapansin nito ano man ang edad. He was truly handsome the rugged way. Ang mga hibla ng buhok na nagsisimula nang mamuti sa magkabilang sintido nito ay karagdagan lamang sa atraksiyon ni David.Humakbang si David at niyakap siya mula sa likuran at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya. Nalalanghap niya mula rito ang amoy