“Loisa,” mahinang tawag ni Aling Marie. Nakailang katok na ang matandang babae ngunit hindi pa rin sumasagot si Loisa. Mag-aalas otso na ng umaga, kanina pa sana sila nag-aagahan ngunit tila hindi pinapansin ni Loisa ang kanyang tawag. “Loisa, anak buksan mo na itong pinto,” tawag ulit ni Aling Marie. “Lumabas na kayo ni Loyd iha nang makakain na tayo,” dagdag pang sabi ni Aling Marie. Isang linggo na ang nakakalipas nang makabalik si Loisa sa Negros. Mula nang dumating ang babae ay hindi pa ito nakakausap ng matino ni Aling Marie. Panay iyak lamang ang tanging sagot nito sa tuwing tinatanong niya. “Anak, magpakatatag ka kung anuman ang dinaranas mo ngayon, isipin mo kapapanganak mo pa lang sa mga kambal,”dagdag pang sabi ni Aling Marie. “Loisa,anak kawawa ang mga anak mo kung padadala ka sa problema mo. Narito lang ako anak tutulungan kita,” sabi pa ng matanda. Magsasalita pa sana si Aling Marie nang bumukas na ang pinto, iniluwa mula dito ang matamlay na mukha ni Loisa at
“Damn it! Ano ba talaga ang nangyari Abegail?” Galit na tanong ni Steve sa pinsan. “Hindi ko alam, caz tinanong ko si Ciara the moment I came back from Cebu,” mahinahon na sabi ni Abegail. “Doon ko pa nalaman na halos tatlong buwan na ngang hindi nagrereport si Loisa,” dagdag pa nitong sabi. “Bakit hindi n’yo sinabi agad sa akin, naki-usap ako sa iyo, Abegail na pakibantayan muna siya but what happened?” Muli tanong ni Steve sa pinsan. Nanginginig ang mga panga nito sa galit, at naiitindihan naman ‘yon ni Abegail. Kaya nga hanggang maari hindi niya papatulan ang init ng ulo nito. “Ipinapahanap ko na siya, huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Abegail. “Ilang buwan na ba ang paghahanap n’yo? Hanggang kelan n’yo siya hahanapin?” Magkahalong galit at pag-alala ang mababanaag sa mukha ngayon ni Steve. Isang linggo na ang lumipas mula ng ikinasal ang kanyang kambal na si Stefano. Kung hindi pa siya umuwi ng Pilipinas ay hindi niya pa malalaman na matagal na palang hindi pumapasok si Loi
“Matapos pong mailibing si Roy ay nagdesisyon na po si Loisa na umalis ng Maynila Sir Steve, ang sabi po niya ay hindi niya na po gugustuhin pang mag-krus muli ang landas nila ng inyong mama,” sabi ni Ciara. “Noong tinanong ko po siya kung maaari ko bang malaman kung saan sila mananatili ni Loyd, kaso sir hindi niya po ipinaalam sa akin. Mabuti na raw pong wala akong alam para wala raw po akong maisabi sa inyo,” dagdag pang sabi ni Ciara. Kasalukuyang nasa eroplano ngayon sina Steve at ang kanyang anak na si Bianca Louise. Pabalik sila ng Amerika upang kumprontahin ang ina. Nakasandal ang malapad na likod sa malambot na upuan habang nakapikit ang mga mata at binabalik-balikan ang mga katagang sinabi ni Ciara na hindi maalis-alis sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip na darating ang panahon na kamumuhian ng babaeng iniibig ang kanyang ina. Hindi niya man aminin ngunit batid niyang nasasaktan siya sa isiping hindi na magpapakita sa kanya si Loisa. Hindi napansin ni Steve ang m
“Anak, hanggang kelan mo ba kayang tiisin ang iyong mama?” Tanong ng papa ni Steve. Nasa may lanai silang mag-ama at kasalukuyang nag-uusap tungkol sa kanilang mga negosyo nang biglang tanungin ni Mr. Monteclaro ang anak patungkol sa namamagitan nito sa kanyang mag-ina. “If she’s going to be honest with me, Papa,” matigas na sabi ni Steve. “Anak kung ano man ang ginawa ng mama mo, I’m pretty sure that was for your own good sake,” sabi naman ng ama nito. “For my own good sake, Papa?” Sarkastikong tanong ni Steve sa ama. “I don’t think so, Pa,” dagdag pa niya. “You know what? Mama did that selfish way just for her own sake and not for me,” galit pa niyang sabi. “Bakit ba ganoon kabigat ang galit mo sa mama mo, iho? Remember she is still your mother,” pa-alala ni Ramon sa anak. “I’d never forget that, Pa,” sabi ni Steve. “Let me ask you this question po, what if lola went to your beloved and told her to stop dreaming of my son, do you think it’s not painful, Papa?” Tanong ni
“Doc Raymond, how’s my mama?” Tanong ni Steve sa kaibigang doctor.Isa rin itong Pilipino ngunit sa America na nagpakabihasa sa kanyang propisyon ng pagiging doktor. Mabuti na nga lang nang dumating sila sa ospital matapos himatayin ang ina ni Steve ay ito ang naka-on-duty ng araw ding iyon. Kaya ang doktor na rin ang personal na nag-aalaga ngayon sa kanyang mama.Kasalukuyang nasa silid sila ng ina at katatapos lang itong i-check ng doktor.“I’m sorry Steve, but the condition of your Mama I must say it’s not good for now,” malungkot na wika ng doktor.“Damn! Kasalanan ko ‘tong lahat kung bakit nasa ganong sitwasyon ang mama,” galit na bulalas ni Steve.“Don’t blame yourself bro, may edad na rin naman si Tita Agnes. Kaya madali na ring manghina ang kanyang katawan,” sabi naman ni Raymond.“Isa pa pansamantala lang naman na nasa coma state si Tita, I do believe gagaling rin siya,” dagdag pang sabi ng doktor.“Sana nga bro magising na ang mama,” malungkot na wika ni Steve sa kaibigang
“Thanks God, your awake now love,” maluha-luhang sabi ni Mr. Moneclaro sa kabiyak. Makalipas ang halos isang buwan ay muling nagising na si Mrs. Monteclaro. Gayunpaman ay nagkaroon ito ng mild stroke sabi ng doktor nito ay gagaling pa naman ang sakit ng ginang, kilangan lang nitong inumin ang mga iniresetang gamot, samahan din ng disiplina sa pagkain at ehersiyo na naaayon sa kalusugan nito. Maging ang mag-kambal ay hindi rin napigilan ang pagluha. Lumapit si Steve sa ina at hinalikan ang noo nito sabay hingi ng tawad. “I’m really sorry mama,” sambit ni Steve sa ina sabay patak ng mga luha sa pisngi. Walang emosyong tumingin ang ginang kay Steve. Hindi pa man nagigising ang ginang batid na nina Steve kung ano ang maaaring kahinatnan pagkagising ng kanilang ina. Kaya kapwa na nilang inihanda ang kanilang mga sarili. Noong una ay hindi matanggap ni Mr. Monteclaro ang posibleng pagiging paralisado ng kanyang maybahay. Ngunit dahil sa tulong ni Stefano ay unti-unti na nitong niyaka
“Bro, ikaw na muna ang bahala kina Mama at Papa,” sabi ni Steve sa kanyang kambal. Nasa airport sila ng mga oras na na iyon, gusto kasi ng anak nito na ihatid sila ng kanyang tito Stepfano sa may paliparan. “Don’t worry about them bro ako na ang bahala sa kanila, anyway few weeks from now ay susunod na dito si Ysabelle,” nakangiting sabi nito sa kakambal na ang tinutukoy ay ang kanyang asawa. “Ok, update mo na lang ako lagi,” sabi ni Steve. “Sure bro,” sagot naman ni Stefano. “Say goodbye na kay tito Stefano baby,” utos ni Steve sa kanyang unica iha. “Bye, Tito,” nakangiting sabi naman ng bata. “Bye for now, our little princess be a good girl ha,” bilin nito sa pamangkin. “I will, po,” sagot naman ng bata. “Segi bro, alis na kami ingat kayo lagi dito ha,” sabi ni Steve. “Kayo rin bro, ingat sa biyahe,” pamama-alam din ni Stefano. Di nagtagal matapos na ihatid ni Stefano ang mag-ama sa airport ay lumisan na rin ang sinasakyan nitong eroplano pabalik ng Pilipinas. “Finally,
Hindi pa nga halos nakakapagpahinga mula sa biyahe galing ng Amerika heto ngayon at nakaupo na naman si Steve sa loob ng kanyang private plane.Kasama si Abegail ay magpapahatid sila sa isang branch ng hotel na pagmamay-ari rin ni Steve sa Negros.“Kailangan ba talagang pupuntahan natin today caz, kararating mo lang galing Amerika ah,” nagmamaktol namang sabi ni Abegail.Naiinis siya sa pinsan dahil may date sana sila ni Noel ng araw ding ‘yon.Mabuti na lang at mabait at maunawain naman ang nobyo. Naging kasintahan niya na rin ang lalaki matapos ang halos isang taong panliligaw nito.Sayang nga dahil hindi na nalaman ni Loisa ang pag-sagot niya sa lalaki. Ito kasi ang mga panahong hindi na sumisipot sa Monteclaro Corporation ang babae. “Don’t worry madali lang naman tayo doon, besides ipinagpa-alam na kita sa boyfriend mo,” sabi naman ni Steve.Inirapan niya na lang ang pinsan.Dahil kahit ano pang alibi ang sasabihin niya dito batid niya rin naman na hindi titigil ang pinsan hangga
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
“Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu
“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n
Bigla ay lumuwang ang pagkakahawak ni Loisa sa baywang ni Steve. Mabuti na lang ay maagap si Steve kung hindi malamang matutumba ang babae.Ang malapitang pagkabuwal ni Loisa ay epekto ng gamot na ibinigay sa kanya kanina ng nurse. Binuhat siya agad ni Steve at dinala sa bakanteng kwarto upang makapagpahinga.“Umamin ka nga, Miguel ginalaw mo ba si Loisa?” Seryosong tanong ni Abegail sa lalaki habang nasa labas sila ng kwarto ni Loisa.“Of course not, hindi si Loisa ang tipo ng babae na madaling ikama, Abe,” depensa naman ni Miguel.“Subukan mo nang paglamayan ka namin,” singit ni Steve.Nasa bungad na pala siya ng pinto ng marinig ang pag-uusap ng kaibigan at pinsan.“Bro, I’m sorry hindi ko talaga alam na si Loisa ang hinahanap mo,” hinging-paumanhin ni Miguel kay Steve.“Kaya pala caz, nong kausap ko si Miguel ay naulinigan ko ang boses na para bang boses ni Loisa iyon pala siya nga ang babaeng mahal mo,” sabi ni Abegail.“Kasi naman ikaw Miguel ilang beses kong sinabi sa’yo na gu
“Talaga bang nasundan mo ang address na nandito sa mensahe, caz?” Inis na sabi ni Abegail sa pinsan.Kanina pa sila paikot-ikot at pabalik-balik sa kanilang mga dinaanan. Dahil gabi na medyo nahirapan si Steve na malocate ang saktong daan base sa address na ibinigay. “Hindi ko nga maintindihan, caz kung bakit hindi ko matumbok ang exact location,” nakasimangot ang mukha na sagot ni Steve sa pinsan.“Tawagan mo nga ‘yang kilala mo baka mamaya pinaglalaruan tayo, sabihin mo sa kanya umayos siya kung ayaw niyang paglamayan siya bukas,” inis pa niyang sabi.“Heto na, kumalma ka na diyan,” sabi naman ni Abegail.Dahil sa kasalukuyang nangyayari batid niyang kayang tutuhanin ng pinsan ang mga pinagsasabi nito. Kaya dali-dali niya na ring tinawagan ang sarhento upang makakuha ng tamang guide kung nasaan ang kinaroroonan ni Loisa.Ilang minuto pa ay natunton na nina Steve ang kinaroroonan ng babae.Hindi pa nga naiparada ng maayos ni Steve ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba ng makita
“Loise, how’s the kids?” Natatarantang sabi ni Miguel pagkababa ng kotse. “Miguel tulungan mo kami, ang mga anak ko,” walang patid ang luha ng babae mula pa kaninang natangay ang mga anak nito.“Huwag kang mag-alala tinawagan na namin ang mga pulis, papunta na sila rito,” sabi naman ni Miguel.“Huwag, Miguel sinabihan ako ng kidnapper kapag tatawag ako ng pulis papatayin nila ang kambal ko,”lumuluha pa ring sumbong ni Loisa.“Miguel, hindi pa nila nakikita ang kanilang ama ikamamatay ko kung merong masamang mangyari sa kanila,” dagdag pa niyang sabi.Nagtaka si Miguel, tama ba ang narinig niya na hindi pa nakikita ng mga kambal ang kanilang ama? Ibig bang sabihin ay buhay pa ang ama ng dalawang bata? Bakit kaya inilihim ito ni Loisa? Mga katanungan gustong sabihin ni Miguel sa babae ngunit naisip niya ng hindi pa nanapanahong pag-usapan ang mga bagay na iyon.“Miguel, may balita na ba ang mga pulis kung nakita na nila ang mga apo ko?” Mangiyak-ngiyak rin tanong ni Aling Marie sa atto