Araw ng pahinga ni Loisa at kasalukuyan silang nanonood ng telebisyon ni Loyd sa may sala ng tumunog ang kanyang telepono. Dinampot niya iyon, nagtataka man kung sinong ang nagmamay-ari ng numerong tumatawag sa kanya ay hindi na rin siya nagdadalawang-isip na sagutin ito. “Hello po, magandang umaga,” bati ni Loisa. Tahimik sa kabilang linya. “Hello po,” ulit na sabi ni Loisa. Wala pa ring sumasagot. “Sino po sila?” Tanong niya na nasa kabilang-linya. Hindi man ito nagsasalita pero batid niyang naririnig siya nito. “Sino po ang hinahanap nila?” Patuloy pa ring wika ni Loisa. Limang segundo siyang naghintay nagbabasakaling sasagot na ang kausap. Ngunit wala pa rin, nag-uumpisa na siyang mairita dito kaya medyo napataas na rin siya ng boses sa inis. “Kung sino man po kayo, hindi po maganda ang biro n’yo, tatawag kayo tapos hindi naman kayo magsasalita,” inis na sabi ni Loisa. Agad niya na ring pinindot ang end call botton. “Makapanood na nga ng tv,” padabog niya pang sabi. “
Kinabukasan habang abala si Loisa sa kakatipa sa kanyang computer ay nakatanggap siya ng text message galing sa parehong numero na tumawag sa kanya kahapon. “Magkita tayo mamayang alas dose ng tanghali sa karenderya sa kanto,” ang text para kay Loisa. Biglang binalot naman si Loisa ng takot ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Ciara. Ayaw niya rin namang mag-alala pa sa kanya ang kanyang kasamahan. “Sino ka? Anong kailangan mo?” sagot niya sa text message. “Malalaman mo mamaya,” sagot naman ng ka text niya. “Huwag kang mag-alala hindi ako mang-gugulo,” huling mensaheng natanggap niya. Kinakabahan man at natatakot ay naglakas-loob na rin si Loisa na harapin kung sino man ang taong gusto siyang makaharap. Pinagdududahan niyang si Roy ang lalaking tumawag kahapon at nagbabakasali siya ngayon baka nga naman totoo ang kanyang kutob. Nasa harapan na siya ngayon ng karenderyang sinabi ng kanyang ka text. Mag-aalas dose pa lang naman, sinigurado niyang hindi siya mahuhuli sa kanil
“Mahabaging langit kahit masama ang lalaking ‘yon hindi naman nakakatuwa ang sinapit niya ngayon, Loisa,” sabi ni Aling Marie. Napa krus tuloy ang matada nang marinig ang sinabi ni Loisa tungkol sa kalagayan ni Roy. “Ano ang plano mo ngayon, iha?” Tanong pa ng matanda. Isang linggo na ang lumipas at ngayon pa lamang nagkalakas-loob si Loisa na ipagtapat sa itinuturing niyang pangalawang ina ang nangyaring pagkikita nila ni Roy. “Hindi ko nga din po alam nanay Marie,” sabi ni Loisa. Nasa balkonahe sila noon at nagpapahinga dahil katatapos lang nilang mananghalian. Samantala si Loyd naman ay nasa sala at abala sa panonood ng paborito nitong palabas sa telebisyon. “Ang totoo, iha nakakaawa naman ang kalagayan ni Roy ngayon pero sa palagay mo kaya ay kaya mo siyang pagbigyan?” Tanong ng matandang babae. “Nalilito po talaga ako nanay, hindi ko po alam kung tama po ang magiging desisiyon ko kung sakaling pagbigyan ko po ang kanyang hiling,”sabi ni Loisa. “Hindi ko rin po kasi tiyak
Lingid sa kaalaman ni Loisa ay pinasusundan na pala siya ng ina ng kanyang lalaking iniibig. Halos mag-iisang buwan na ang ina ni Steve sa Pilipinas ngunit walang kaalam-alam ang anak nito sa kanyang plano. Buong akala kasi ni Steve at ni Mr. Ramon Monteclaro ay sa Europe pupunta ang kanilang ilaw ng tahanan kasama si Crystal. “Magandang umaga po madam,” bati ng isang lalaki kay Mrs. Monteclaro. Nasa loob sila ngayon ng isa sa mga pinatayong restaurant nilang mag-asawa kung saan pinalago naman ni Steve Monteclaro. “Dala mo ba ang lahat na mga ebidensiya?” Seryosohong tanong nitong sa lalaki. “Opo madam,” sagot naman ng lalaki. Sabay lapag ng isang brown envelop sa lamesa. Suminyas si Mrs. Monteclaro sa kanyang assistant na buksan ang naturang envelop. Matapos mabuksan kinuha ng kanyang assistant ang mga larawan at ibinigay sa matandang Monteclaro. Nagngingitngit sa gali ang awra ng ina ni Steve ng makita ang mga sweet moments ng larawan ni Loisa at ang kasama nitong lalak
“Ano po ang ibig sabihin nito?” Takang tanong ni Loisa sa mayamang babae. “What do think asshole?” Galit na sabi ng matanda. “Huwag ka ng mag-maang-maangan pa, I heard that Steve is crazy about you but here you are hitting him on the head,” dagdag pa nitong sabi. “Anyway, let me tell this to you I can’t allow you to be part of our family,” sabi pa ni Mrs. Monteclaro na idiniin pa ang huling apat na salita. “Hindi ko po alam kung ano ang pinagsasabi ninyo ma’am,” nagtataka pa ring wika ni Loisa. Hindi maintindihan ni Loisa kung papaano napunta sa matanda ang mga larawan nila ni Roy. Ang ipinagtataka niya ay bakit kelangan siyang pasundan ng ginang. “Hindi kaya siya ang ina ni Steve?” Naguguluhang tanong ni sa sarili. Nang maalala ang sinabi ng matandang babae ang tungkol sa hindi nito gugustuhing maging parte siya ng kanilang pamilya ay agad na nagpaliwanag si Loisa tungkol sa larawan. “Ma’am pasensiya na po pero mali po ang iniisip ninyo tungkol sa mga larawang ito,” kinakabah
Nang makarating na sa kanilang tahanan ay sinalubong siya agad ni Aling Marie sa may tarangkahan. “Mahirap bang sumakay iha natagalan ka ‘ata?” Usisa sa kanya ni Nanay Marie. “Medyo po, nanay,” pasisinungaling niya dito. “E, bakit namamaga ang mga mata mo?”Pansin sa kanya ni Nanay Marie. “Wala po ‘to nanay,” sagot naman niya. “Nasaan nga po pala si Loyd ‘nay Marie?” Tanong pa ni Loisa nang pagpasok niya ng bahay ay hindi niya napansin ang bata. Hindi na muna nangulit pa si Aling Marie palagay niya ay hindi pa handa si Loisa na sabihin sa kanya kung ano ang totoong nangyari. “Naku nasa kwarto sinamahan ang kanyang ama, naglalaro ‘ata ang dalawang ‘yon” sabi naman ni Aling Marie. “Akin na nga ‘yang ibang dala mo, mukhang nabibigatan ka na ,e,” sabi ng matanda. “Salamat po ‘nay Marie,”sabi ni Loisa. “Ganon po ba, tutulunagn ko na lang po kayo nanay meron naman po palang kasama si Loyd,” sabi naman ni Loisa. “O, siya segi nang matapos tayo agad,” sabi ni Aling Marie. Makalipas
“Holy cow, nice to hear your voice again akala ko nakalimutan mo na ako,” gulat na sabi ni Abegail sa kabilang linya. Makalipas ang halos limang buwan ay ngayon pa lang nag-umpisang tumawag muli si Steve kay Abegail. Alam niya naman kasi na kahit ewan niya ang kumpanya sa pinsan kahit ilang buwan o umabot pa ng taon ay hinding-hindi ito pababayaan ng dalaga. “Of course not, masyado lang akong abala caz,” sagot naman ni Steve. “By the way how is she?” Sabi nito na ang tinutukoy ay si Loisa. “I’m sorry caz matagal ko na ring hindi nakakausap si Loisa, alam mo na panay ang biyahe ko to check some of our branches e,” sabi ni Abegail. “In fact kababalik ko lang from Cebu, almost a week din ako ‘don ha,” dagdag pa nito. “Hayaan mo mamaya tatawagan ko siya sa opisina niya. Ay teka bakit hindi na lang kaya ikaw ang dumeretsong tumawag sa kanya”sabi pa niya. “Alam mo namang ayokong nadi-distruct when it comes sa business, mamaya baka kapag narinig ko ang boses niya ay de-deretso ako ng
“Good morning Ma’am Abegail, kelan pa ko kayo dumating?” Bati ni Ciara sa among babae na nasa kabilang-linya. “Good morning too Ciara, kagabi lang,” sagot naman ni Abegail sa tauhan. “By the way kamusta na kayo diyan ni Loisa?” Tanong ni Abegail kay Ciara. “Mamaya before kayo mag lunch break dumaan muna kayo rito sa opisina ko,” sabi pa ng dalaga. “May dala akong pasalubong para sa inyo galing ng Cebu,” dagdag pa nitong sabi. Hindi malaman ni Ciara kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi sa among babae ang tungkol sa pagliban ni Loisa sa trabaho mahigit isang linggo na. “Hey, Ciara are you still there?” Takang tanong ni Abegail ng hindi agad sumagot ang sekretarya ng kanyang pinsan. “A, e yes ma’am sorry po, bababa lang po ako diyan sa office n’yo mamaya ma’am,” sabi ni Ciara. “Okay, iiwan ko lang dito sa table ko sabihan mo na lang si Kimberly ha,” sabi naman ng babae. “Opo ma’am,” sagot naman ni Ciara. “Naku buti na lang hindi napansin ni ma’am ang sagot ko,”sabi pa ni