Ilang araw lang ang lumipas ng sumakabilang buhay na ang ama ni Loyd. Dahil sa kahilingan ng lalaki na walang matagalang lamay ay agaran na rin itong inilibing nina Loisa. Kahit hindi naging maganda ang pagsasama nilang magkapareha bilang magulang ni Loyd ay nalungkot rin naman siya ng ito ay pumanaw na. Dahil sa nangyari ay minabuti na lamang ni Loisa na ituloy ang desisyong magpakalayo-layo. “Kakanin kayo diyan! Kakanin po!” Sigaw ng mga tindera. “Nasa negros na po ba tayo, ‘Nay Marie,” usisa ni Loisa sa matanda. “Oo iha, ngunit sa bayan pa ito at sasakay pa tayo ng isa pang bus papunta nang sa amin,” sagot naman ni Nanay Marie. “Medyo malayo pala nanay,”nangingiting sabi ni Loisa. Buong akala niya kasi ‘pag baba nila ng barko ay ilang minuto lang nasa lugar na sila mismo ng itinuring niya na ring pangalawang ina. Hindi niya naman lubos-akalain na maraming bundok pa pala ang kanilang tatahakin maliban sa dagat. “Pasensiya ka na iha, malayo talaga itong sa amin ngunit sariwa
“Oh honey you’re here na bakit wala ka namang pasabi na pasundo ka sa airport?” Gulat na bati ni Mr. Monteclaro sa kanyang kabiyak. Nasa garden sina Mr. Monteclaro at Steve at kasalukuyang nagmemeryenda nang datnan ng ginang. “Ma, how’s your vacation?” Nakangiti namang tanong ni Steve sa ina sabay halik sa pisngi nito. Dumating ng mansiyon si Mrs. Monteclaro ng walang pasabi sa kanyang mag-ama. Sinadya niya ‘yon dahil kasama niyang bumalik ng Amerika si Crystal ngunit hindi na tumuloy pa ang babae sa kanilang mansiyon. “It’s okay honey, ayoko kayong abalahin e, andiyan naman si Matilda so nothing to worry,” nakangiti pang sabi ni Mrs. Monteclaro. Nanibago naman ang haligi ng tahanan sa ina-asal ngayon ng kanyang kabiyak. Kailanman hindi ito nagdedesisyong lumabas ng bansa na hindi siya kasama. Kung sakaling mag-bobonding itong kasama ang mga kaibigan hindi rin ito pumapayag na hindi sunduin. Gayunpaman ay nagkibit balikat na lamang siya. “O siya guys, pupunta muna ako ng room ko
“You must be kidding me, son,” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Monteclaro. “Of course not ‘Pa,” masayang sabi naman ni Stefano. “Is this for real,” sabi pa ni Ramon. “Do you know about this, Steve,” binalingan niya ng tanong ang isa pang anak na kambal. “Yeah, matagal na po,” nakangiti namang sagot ni Steve. “Well, if that so congratulations son,” sabi ng ama ng mataohan mula sa pagkabigla dala ng balita ni Stefano. “So, kelan n’yo planong magpakasal?” Usisa naman ng ama ng kambal. “Maybe next month po ‘Pa,” sagot ni Stefano. “That’s good anak at least nabagok na rin ang ulo mo at na-realized mo ng itigil ang pambabae mo,” natatawa pang sabi ng kanilang ama. “Pa naman, good boy naman po ako it so happened lang po na matagal kong nakita ang lady of my life,” nakangiting sabi naman ni Stefano. “O, siya kelan tayo mamanhikan?”Excited pa na sabi ng ama. “Perhaps next week Papa,” sabi ng kanyang anak. “Talaga nagmamadali ka, a takot ka bang mapag-iwanan ng magiging misis mo?
“Loisa, iha kabuwanan mo na ngayon ako na ang bahala rito,” sabi ni Aling Marie. Mabuti na lang at nakita siya ng matanda nang akma niyang bubuhatin ang mallit na karton upang pagsidlan sana ng nabiling paninda ng kanilang customer. “Oo nga naman ineng, hayaan mo na sina Marie at Nonoy ang mababalot niyan, naku ayan pala at kabuwanan mo na,” sabat naman ng suki nilang customer. “Segi po,” nahihiya namang sabi ni Loisa. Nahiya siya dahil alam niya ng kabuwaan na niya at heto’t binibigyan pa niya ng alalahanin ang mga matatanda. Mula kasi ng dumating sina Loisa at Loyd sa probinsiya nina Aling Marie ay naki-usap siya sa matanda na tutulong siya sa pang-araw-araw nila na gastuhin. Kahit ayaw ng matanda ay wala pa rin naman ito nagawa dahil mapilit talaga si Loisa. Mabuti na nga lang at may kakilala ang kapataid ni Aling Marie sa munisipyo kaya natulungan silang magkaroon ng pwesto sa may palengke. Isang maliit na pwesto ang sari-sari store nila gayunpaman dahil sa mga murang pres
“Segi misis eri pa po,” sabi ng doktor kay Loisa. “Kunti na lang po misis,” dagdag pa nitong sabi nang makita na ang ulo ng sanggol. Halos tatlong oras na naghintay si Aling Marie sa labas ng delivery room kung saan nanganak si Loisa. Kabadong-kabado siya, matagal na kasi para sa kanya ang tatlong oras ng paghihintay na wala man lang abeso mula sa loob ng kwarto. Hanggang sa makarinig siya ng iyak ng munting sanggol, agarang na pa krus si Aling Marie at nagpapasalamat sa Poong Maykapal sa pagpapapala ng kaligtasan sa mag-ina. Ngunit nagtaka siya ng meron pang isang huni ng iyak ng sanggol ang kanyang narinig. “Hindi kaya,” hindi na naituloy na sabi pa ng matanda ng biglang bumukas ang pinto. “Sino po rito ang mga magulang ni Miss Loisa Sanchez?” Tanong ng isang nurse na babae. “Ako po ma’am,” sagot agad ni Aling Marie. “Dala n’yo po ba ale ang mga damit ng kambal?”Tanong ng nurse kay Aling Marie. “Kambal po?” Balik-tanong naman ng matanda sa nurse. Hindi maitago ni Aling Ma
Isang buwan matapos ang panganganak ni Loisa ay napagdesisyonan niyang bumalik ng Manila. May natanggap kasi siyang mensahe mula kay Ysabelle nang minsan niyang gamitin ang kanyang lumang sim card. Nagbabakasali rin sana siyang makatanggap ng mensahe mula kay Steve. Ngunit sa kasamaang-palad ay mukhang hindi na siya naaalala ng lalaki.“Lois, kamusta ka na ba, nasaan ba kayo ng inaanak ko? Alam mo ikakasal na ako sa isang buwan. Sana bago pa man dumating ang araw ng kasal ko ay magkita na tayo. Ikaw ang magiging maid of honor ko at samantalang si Loyd naman ang magiging ring bearer namin,” mensahe ni Ysabelle.Naluluhang binasa ni Loisa ang mensaheng kanyang natanggap mula sa kaibigan.“Masaya akong ikakasal ka na Ysa, sana nga ay makarating kami ni Loyd sa iyong mahalagang araw,” naluluhang bulong ni Loisa sa sarili.“Ngunit pasensiya ka na hindi pa kasi napapanahon na magpakita ako sa iyo, sana maintindihan mo ako,” muling bulong niya sa sarili.Nasa loob siya ng simbahang nabanggi
“Loisa,” mahinang tawag ni Aling Marie. Nakailang katok na ang matandang babae ngunit hindi pa rin sumasagot si Loisa. Mag-aalas otso na ng umaga, kanina pa sana sila nag-aagahan ngunit tila hindi pinapansin ni Loisa ang kanyang tawag. “Loisa, anak buksan mo na itong pinto,” tawag ulit ni Aling Marie. “Lumabas na kayo ni Loyd iha nang makakain na tayo,” dagdag pang sabi ni Aling Marie. Isang linggo na ang nakakalipas nang makabalik si Loisa sa Negros. Mula nang dumating ang babae ay hindi pa ito nakakausap ng matino ni Aling Marie. Panay iyak lamang ang tanging sagot nito sa tuwing tinatanong niya. “Anak, magpakatatag ka kung anuman ang dinaranas mo ngayon, isipin mo kapapanganak mo pa lang sa mga kambal,”dagdag pang sabi ni Aling Marie. “Loisa,anak kawawa ang mga anak mo kung padadala ka sa problema mo. Narito lang ako anak tutulungan kita,” sabi pa ng matanda. Magsasalita pa sana si Aling Marie nang bumukas na ang pinto, iniluwa mula dito ang matamlay na mukha ni Loisa at
“Damn it! Ano ba talaga ang nangyari Abegail?” Galit na tanong ni Steve sa pinsan. “Hindi ko alam, caz tinanong ko si Ciara the moment I came back from Cebu,” mahinahon na sabi ni Abegail. “Doon ko pa nalaman na halos tatlong buwan na ngang hindi nagrereport si Loisa,” dagdag pa nitong sabi. “Bakit hindi n’yo sinabi agad sa akin, naki-usap ako sa iyo, Abegail na pakibantayan muna siya but what happened?” Muli tanong ni Steve sa pinsan. Nanginginig ang mga panga nito sa galit, at naiitindihan naman ‘yon ni Abegail. Kaya nga hanggang maari hindi niya papatulan ang init ng ulo nito. “Ipinapahanap ko na siya, huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Abegail. “Ilang buwan na ba ang paghahanap n’yo? Hanggang kelan n’yo siya hahanapin?” Magkahalong galit at pag-alala ang mababanaag sa mukha ngayon ni Steve. Isang linggo na ang lumipas mula ng ikinasal ang kanyang kambal na si Stefano. Kung hindi pa siya umuwi ng Pilipinas ay hindi niya pa malalaman na matagal na palang hindi pumapasok si Loi
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”
Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni
“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan