“BRO!” malakas na tawag ni Arvin sa kanya. Kararating niya lang ng opisina at hindi niya akalaing maaga rin pala itong pumasok. “Totoo ba?”
Hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siyang naupo sa swivel chair matapos isampay ang suot niyang coat.
“Bro, grabe ka! Napakaswerte mo talaga! Akalain mo – “
“Ano ba ang tinutukoy mo? Just get straight to the point.”
Binuksan niya ang laptop upang magsimula ng magtrabaho. Wala siyang dapat na sayanging oras lalo pa at araw-araw ay may hinahabol silang deadline.
“Na-balitaan ko kasi na ikakasal ka na next month.” Bahagyang humina ang boses ni Arvin. “At sa isang Celine Locsin pa!”
Nakagat niya ang ibabang labi kasunod ng pag-iling. Kung minsan talaga hindi niya maintindihan si Arvin. Dinaig pa ang isang reporter kung makakalap ng balita.
“And who’s Celine Locsin you are talking about?”
“Bro, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo kilala ang Celine Locsin na tinutukoy ko. Siya nga ang mapapangasawa, hindi ba?”
“She’s not Celine, she’s Princess Locsin,” pagtatama niya.
“Ethan, mukha ngang wala kang alam pagdating sa kanya. Ang buong pangalan niya ay Princess Celine Locsin pero mas kilala siyang Celine Locsin bilang modelo. Sikat nga siya hindi lang dito sa Pilipinas eh, international pa!”
Princess Celine pala.
Nilingon niya si Arvin na tila naghihintay sa sasabihin niya. “Paparazzi ka ba? Ang dami mong alam eh. Saan mo naman nalaman na ikakasal na ako?”
“Siyempre kay Kaiden. Close ko yata ‘yung kapatid mong iyon.”
“Okay. Enough of this topic. Marami tayong dapat asikasuhin today kaya magtrabaho na tayo.”
“Invited ba ako sa kasal mo, bro? Baka naman makalimutan mo ako. Magtatampo talaga ako niyan. Siyempre, gusto ko rin magpa-picture sa sikat mong magiging misis. Bihira lang ang ganoong pagkakataon.”
Nilapitan siya nito saka marahang minasahe ang kanyang magkabilang balikat.
“Gusto ko rin siyang makilala ng personal, bro.”
“Oo na, Arvin. Pero kapag hindi natin natapos ang deadline sa araw na ito ay baka magdalawang-isip ako.”
Bigla itong nagbitiw sa kanya.
“Ito na nga oh. Magtatrabaho na nga ako.” Dali-dali itong umupo sa mesa nito na hindi kalayuan sa kanya.
“Ganyan dapat,” nakangiti niyang sabi.
“Pero matanong kita, Ethan. Ano ang feeling?” Nakakaloko pa itong ngumiti sa kanya.
“Ewan ko sa iyo. Magtrabaho ka na nga lang diyan,” naiiling niyang sabi saka saglit na tinapunan ng tingin ang tatawa-tawa niyang kaibigan.
“ETHAN, uminom ka muna ng tubig. Masyado ka namang nagpapakalugmok sa pagtatrabaho. Sige ka, tatanda ka niyan agad,” ani ni Arvin matapos siyang tapikin at ilapag ang hawak na bottled water sa mesa.
“Thanks.”
“Ethan, payong kaibigan lang ha? Huwag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo. Alalahanin mo na magkakaroon ka ng asawa na kailangan ding bigyan mo ng oras. Kapag ganyan baka i-divorce ka agad ni Princess Celine. Sige ka, marami pa namang nagkakandarapa sa napakagandang tulad niya.”
Nagsimula na naman siyang alaskahin ni Arvin.
“Shut up, Arvin. Hindi ka nakakatuwa.”
“Alam mo kasi – “
Natigil ito sa pagsasalita nang biglang may sunud-sunod na kumatok sa pinto. Mayamaya pa ay bumukas iyon at iniluwa ang isa sa staff sa information desk. Tumungo ito pagkakita sa kanila.
“Good afternoon po Sir Arvin at Sir Ethan,” bati nito saka agad siyang nilingon. “Sir Ethan, may bisita po kayo na naghihintay sa lobby.”
“Sino raw?” tanong ni Arvin.
“Siya raw po si Princess Celine Locsin.”
“Oh!” Tinapik-tapik siya sa balikat ng kaibigan. “Gusto mo bang ako na ang sumundo sa kanya?”
“No need, Arvin. Ako na.” Hinawi niya ang kamay nito na nasa balikat niya pa rin. “Thanks, Ren.”
“Wala pong ano man, Sir.” Tumalikod na ito saka lumabas na.
“Bro, pwede ba kitang samahan na salubungin siya? Gusto ko talaga siyang makita sa malapitan,” excited na sabi ni Arvin.
“Excited ka talaga na makita siya?” nakakunot noo na tanong niya. Tumango ito ng ilang beses. “Okay, samahan mo akong puntahan siya sa looby.”
“Yes! Magpapa-picture rin ako sa kanya.”
“Arvin – “
“I know, bro. Hindi naman nila malalaman. Secret lang natin ito.”
“Whatever.”
Hindi niya alam kung bakit may pagmamadali sa hakbang niya na tunguhin ang lobby. Kahit minsan ay hindi niya ugali na sunduin o salubungin ang sino mang bisita na naghahanap sa kanya ngunit dahil si Princess na mismo ang nagpunta ay hindi maaaring hindi niya ito puntahan. Siguradong makakarating sa Mom at Dad niya ang balitang ang soon to be wife niya ay binisita siya at kung anong dahilan ay hindi pa niya alam.
“Hello po, Sir!” bati sa kanya ng mga empleyado na madaanan nila. Si Arvin naman ang kumakaway at tumutugon sa mga ito. Kasunod niyon ay maririnig ang mahinang bungisngis ng mga ito.
“Ang gwapo talaga nila Sir no? Lalo na si Sir Ethan!” narinig pa nilang sabi ng isa sa mga ito.
“Grabe ka, bro! Lahat yata ng mga staff ditto ay ikaw ang gusto. Paano kaya kung malalaman nilang ikakasal ka na? I’m sure ako naman ang magiging pinakgwapo sa kanilang paningin.”
Hindi niya na lang pinansin ang sinasabi ni Arvin dahil natutok ang dalawa niyang mata sa babaeng prenteng nakaupo habang hawak ang mobile phone. Nakasuot ito ng jeans pants at puting t-shirt. May suot din itong sunglasses kaya marahil wala man lang nakakilala sa isang sikat na modelong kagaya nito.
Smart.
Luminga siya sa paligid. Wala siyang napansin na kahit sinong maaaring maging kasama nito.
“Hi,” aniya nang makalapit.Nanatili naman si Arvin sa kanyang likuran.
Marahan itong nag-angat ng tingin saka ngumiti. Muli na naman niyang nakita ang dimple nito sa gilid ng labi nito.
“Hi,” bati ni Arvin.
“Hello.” Dahan-dahan itong tumayo. “Let’s go?”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Let’s go? Where?”
“Hindi ba nasabi sa iyo ni Tita Kath?” malambing nitong tanong. Mayamaya pa ay narinig niyang tumikhim si Arvin dahil sa ilang segundong pagtitig ko kay Princess. “Tinawagan niya ako na samahan siyang manood ng basketball at sinabi niyang daanan daw kita dito.”
“Wait sa second.” Tumalikod siya saka mabilis na kinuha ang mobile phone mula sa kanyang bulsa. Alam niyang mahilig manood ng basketball ang Mom niya pero ang rami pa niyang trabahong tatapusin.
“Hello, Ethan?” sagot ng Mom niya matapos sagutin ang tawag niya.
Humakbang siya palayo sa dalaga na kausap na ng kanyang kaibigan. “Mom, bakit mo naman pinapunta pa si Princess dito?”
“Bakit? Masama ba? She is your soon to be wife.”
“I know. Pero bakit ninyo pa siya pinapunta rito? Marami akong trabaho ngayon. Hindi kita masasamahang manood ng basketball.”
“You have to. Ipinaalam na kita sa Dad mo. Let Arvin do your job for the meantime. I know, he’ll understand. Pwede mo nga rin siyang isama, mag-early out na lang kayo.”
“Mom – “
“Don’t challenge me, my son. Nag-effort na si Princess na sunduin ka riyan. Please, huwag mo naman akong ipahiya sa daughter in law ko.”
“She’s even not yet your daughter in law, Mom!”
“But she’s my soon to be daughter in law. Sige na, hihintayin ko kayo rito.”
Nawala na ito sa linya. Lihim siyang napamura. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Kahit kailan ay hindi siya mananalo sa kanyang magulang lalo na sa Mom niya.
Binalikan niya ang dalawang nag-eenjoy sa pag-uusap. Tumikhim siya upang maagaw ang pansin ng mga ito. Sabay pang lumingon ang dalawa.
“Arvin, can you get my coat?”
“Sure. Pwede ba akong sumama sa inyo? Matagal na rin akong hindi nakakapanood ng live ng basketball.”
“Sige.”
“The best ka talaga, bro!” Niyakap pa siya nito ng mahigpit. “I’ll be right back, Princess.”
Tumango ang dalaga saka siya muling napatitig sa mukha nito. Wala pa siyang tiningnan na kahit na sinong babae nang ganoon katagal. May kakaiba sa mukha nito na hindi niya kayang tiisin na titigan.
“Ma-may dumi ako sa mukha?” Napapitlag siya nang bigla itong magtanong.
“Wala. Iniisip ko lang kung bakit pumayag na puntahan ako rito.”
“Well, I think we have the same reason.”
Tumango-tango siya. “Okay. Excuse me lang,” aniya saka tinungo ang information desk.
“ETHAN! Princess!” malakas na sigaw ni Katherine. Malapit ng magsimula ang laro ng basketball kaya naman kanina pa siya silip ng silip sa mga taong pumapasok. Laking tuwa niya talaga nang makita ang dalawa kasama si Arvin. Kahiit paano ay success ang first bonding na nais niyang mangyari sa pagitan nina Ethan at Princess.“Hi, Mom,” bati ni Ethan kasunod ng paghalik nito sa pisngi. “Sinama ko na si Arvin.”“It’s okay! The more, the merrier!,” masayang tugon ni Katherine.“Hi, Tita,” nakangiting bati ni Princess. Nagmano siya saka hinagkan sa pisngi ang ginang.“I’m so happy na narito kayo ngayon. Akala ko ay hindi kayo aabot eh.”“Where’s Dad, Mom?” tanong ni Ethan. Nilinga-linga nito ang paligid. ‘Wala ka bang kasama?”“Kasama ko siya kanina kaya lang may biglaang lakad kaya hinayaan ko na lang. Tutal, darating naman kayo. Maupo na tayo! Magsisimula na ang laro!” excited na ani ni Katherine. “Arvin, halika! Tabi na tayo!”Biglang nakaramdam ng ilang si Princess ngunit hindi niya ipin
TAPOS na ang basketball game ngunit nakapagtatakang tahimik si Princess. Kung maaari lang sana ay umalis na siya at iwan na lang si Ethan ay ginawa na niya. Hindi niya lang kayang gawin dahil sa Mommy nito na malapit sa kanyang mga magulang. Mabuti na lang at nakasuot siya ng sunglasses dahil kung hindi ay malamang nakilala na siya ng tuluyan ng mga tao. Hindi namna niya inaasahan na tanyag siya subalit mainam na mag-ingat. Mawawalan siya ng privacy at iyon ang ayaw niyang mangyari. “Princess, okay ka lang ba?” tanong ni Katherine na nasa tabi niya habang naglalakad. Palabas na sila kasabay ng ibang tao habang nag-uusap naman sina Arvin at Ethan na nasa unahan nila. “Nabigla ka ba kanina?” “Ah, hi-hindi naman po, Tita. Hindi lang po ako sanay na maraming tao.” Pakiramdam niya kasi ay nahihirapan siyang huminga kapag napapalibutan siya ng maraming tao. “Masanay ka na, Princess. Hindi ka naman pababayaan ng aking si Ethan. Ganyan-ganyan lang ang pan
HINDI NA nagtagal si Ethan sa bahay nila Princess. Dahil wala naman ang parents ni Princess ay nagpaalam na ito sa kanya. Babalik pa raw ito ng opisina dahil tumawag si Arvin. May urgent itong dapat asikasuhin. Ihahatid pa sana niya ito sa labas ngunit nagbago ang isip niya. Hindi niya kasi alam kung paano ang tamang sasabihin. Hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin tuluyang kumakalma ang kanyang puso. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng gate. Isang tipid na ngiti naman ang tinugon niya. Nang mawala na ito sa paningin niya ay dumiretso na siya papasok ng kanyang silid. Hindi pa rin siya makapaniwala na isang iglap lang ay biglang magbabago ang kanyang buhay. Yes, she will be a Rodriguez soon. Hindi magtatagal ay ikakasal na siya, titira sa isang bahay na kasama si Ethan. Wala sa sarili na hinaplos niya ang kanyang labi. Ramdam pa niya ang labi ng lalaki sa kanya. Parang naipinta na roon. It’s her first kiss! Masyadong alig
“THANKS, Raphael.”Kumaway pa si Princess sa lalaki nang makababa ng sasakyan ng lalaki. Si Raphael ay isa rin sa mga modelo na nagtatrabaho sa modeling agency na pinagtatrabahuhan niya. Madalas itong nakangiti sa kanya na lalo pang nakadagdag ng kagwapuhan nito.“No problem, Princess. Anything for you,” sagot ng lalaki saka siya kinindatan.Nginitian niya lang ito saka kumaway ulit. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mommy ay hindi siya uuwi. Nagkaroon pa tuloy ng pagkakataon si Raphael na ihatid siya kahit pa magkaiba ang daan nila.Hinintay niyang makaalis ito bago humakbang patungo sa gate ng kanilang bahay. Agad siyang binati at pinagbuksan ng isa sa kasambahay nila.“Good evening din,” tugon niya. “Sina Mommy at Daddy?”“Nasa dining po. Hinihintay po kayo bago sila kumain.”“Okay. Thank you,” aniya.Saglit niyang ibinaba ang dalang bag sa sofa ng living room bago dumiretso sa dining. Hindi niya lang talaga matanggihan ang kanyang magulang kaya kahit na pagod na pagod siya
“SIGURO, nagtataka kayo dahil biglaan ang family dinner na ito,” pagsisimula ni Dominic. “I don’t know how to say this but we have a very special announcement to all of you.” Mabilis nitong tiningnan si Jameson na nakangiti lamang habang ito ay nagsasalita. “Honey, kailangan mo na bang i-announce o after ng dinner na lang?” tanong ni Katherine na asawa nito. “What do you think, Jade and Jameson?” Muli nitong nilinga ang mag-asawa na sabay pang ngumiti. “I think we should eat first,” si Jameson. “I think that’s a good idea,” pagsang-ayon nito. “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang espesyal na announcement.” “Come on, kids! Kumain lang kayo,” si Katherine. “Princess, huwag kang mahihiya ha? Para na tayong isang pamilya rito, hmn?” “Thanks, Tita.” “Oh, Princess! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon na nakita na kita sa personal. I’ve been looking forward to meet you for ages! Alam ko
[AMARA, are you still awake?] Pinadalhan ni Princess ng mensahe ang kanyang kaibigan nang sa wakas ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Nais niyang may makausap upang mahingan sa kalagayan niya. Ikakasal na siya at next na month na iyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating siya sa ganoong sitwasyon. Ikakasal siya sa lalaking hindi man lang niya kilala ng lubos. [Yes, babe. What’s up] Laking pasalamat niya talaga na may isang tao na laging handang makinig sa kanya. Kahit nasaan man ito ay hindi nito nakakalimutan siya ano mang oras. Kung bibigyan siya ng pagkakataong humiling, hihilingin niyang sana ay maging kapatid niya si Amara. Ganoon nila pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan. [I need you.] Iyon ang madalas niyang sabihin sa kaibigan at alam na nito ang ibig niyang sabihin. [Talk to me, babe.] Hindi nga siya nagkamali. Lagi itong may oras para sa kanya. [I’m getting mar

“BRO!” malakas na tawag ni Arvin sa kanya. Kararating niya lang ng opisina at hindi niya akalaing maaga rin pala itong pumasok. “Totoo ba?” Hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siyang naupo sa swivel chair matapos isampay ang suot niyang coat. “Bro, grabe ka! Napakaswerte mo talaga! Akalain mo – “ “Ano ba ang tinutukoy mo? Just get straight to the point.” Binuksan niya ang laptop upang magsimula ng magtrabaho. Wala siyang dapat na sayanging oras lalo pa at araw-araw ay may hinahabol silang deadline. “Na-balitaan ko kasi na ikakasal ka na next month.” Bahagyang humina ang boses ni Arvin. “At sa isang Celine Locsin pa!” Nakagat niya ang ibabang labi kasunod ng pag-iling. Kung minsan talaga hindi niya maintindihan si Arvin. Dinaig pa ang isang reporter kung makakalap ng balita. “And who’s Celine Locsin you are talking about?” “Bro, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo kilala ang Celine Locs