“THANKS, Raphael.”
Kumaway pa si Princess sa lalaki nang makababa ng sasakyan ng lalaki. Si Raphael ay isa rin sa mga modelo na nagtatrabaho sa modeling agency na pinagtatrabahuhan niya. Madalas itong nakangiti sa kanya na lalo pang nakadagdag ng kagwapuhan nito.“No problem, Princess. Anything for you,” sagot ng lalaki saka siya kinindatan.Nginitian niya lang ito saka kumaway ulit. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mommy ay hindi siya uuwi. Nagkaroon pa tuloy ng pagkakataon si Raphael na ihatid siya kahit pa magkaiba ang daan nila.Hinintay niyang makaalis ito bago humakbang patungo sa gate ng kanilang bahay. Agad siyang binati at pinagbuksan ng isa sa kasambahay nila.“Good evening din,” tugon niya. “Sina Mommy at Daddy?”“Nasa dining po. Hinihintay po kayo bago sila kumain.”“Okay. Thank you,” aniya.Saglit niyang ibinaba ang dalang bag sa sofa ng living room bago dumiretso sa dining. Hindi niya lang talaga matanggihan ang kanyang magulang kaya kahit na pagod na pagod siya mula sa pictorial ay umuwi siya.Mayroon din kasi siyang condo na tinutuluyan na malapit lang sa kanyang agency. Kaya ang sarili niyang sasakyan ay nabulok na sa sariling bahay dahil ayaw niyang gamitin. Nahirapan tuloy siya sa biglaang pag-uwi.“Oh, Princess! You’re here!” Nakangiting tumayo ang kanyang Mommy mula sa pagkakaupo. “I really miss you, anak!” Mahigpit siyang niyakap nito.“Mommy, last month lang nang umuwi ako ah. Miss mo na ako agad?” tanong niya nang tugunin niya rin ito ng mahigpit na yakap.“Aba, siyempre naman! Kung pwede nga lang na dito ka na lang sa atin. Araw-araw ka pa naming makasama,” ani ng kanyang Mommy saka nilingon ang Daddy niyang seryoso ang mukha. “Hindi mo ba babatiin ang Daddy mo?”“Hi, Daddy! Bakit parang problemado ka?” Mabilis niya itong h******n sa pisngi saka niyakap na katabi lang ng kanyang Mommy. “Is there anything wrong?”“Nakakatampo ka naman, Princess, anak. Kung hindi ka pa namin pauwiin ay hindi ka talaga uuwi. Mukhang ayaw mo na kaming makasama,” anito na nakasimangot ang mukha.Daig pa nito ang nalugi sa lotto sa tuwing lukot ang mukha. Nag-iisa kasi siyang anak kaya naman alam niyang hindi naging madali para sa mga ito ang lumayo siya upang tahakin ang sarili niyang karera sa buhay.“Bakit kasi hindi na lang ang negosyo natin ang pag-aralan mong asikasuhin? Hindi ka sana malayo sa amin ng Mommy mo,” dagdag pa na sabi nito. Hindi pa rin ito ngumingiti at hindi man lang siya tapunan ng tingin.“Daddy, alam ninyo naman po na hindi ko linya ang pagnenegosyo.” Muli niyang niyakap ito ng mahigpit. Ramdam niya ang labis na tampo nito sa kanya. Ganoon siya kamahal ng kanyang Daddy.Isang tunay na prinsesa kung ituring siya nito. Lahat ng maibigan niya ay ibinibigay nito ng walang pag-aalinlangan. Sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay punung-puno ng bisita ang kanilang garden kung saan ito ginaganap.Ilang kasambahay ang nagbabantay sa kanya kapag umaalis ang kanyang Daddy na tila ba hindi siya maaaring magalusan man lang habang wala pa ito ng bahay. Napaka-protective nito dahil alam niyang mahal na mahal siya ng kanyang ama.“Paano na kapag matanda na kami? Hindi ka pa rin namin makakasama dahil sa trabaho mo?” Saglit siya nitong tinapunan ng tingin. “Ang negosyo naman natin ay hindi mahirap pag-aralan lalo pa at matalino ka naman. Wala naman ibang magmamana niyan kung hindi ikaw.”Napabuntunghinga siya ng malalim. Sa puntong iyon ay tila talo na siya. Puno ng hinanakit ang kanyang ama at isa lang ang ibig sabihin niyon. Kailangan na niyang mag-decide kung ano ang dapat niyang tahakin sa hinaharap.“Huwag mo munang pansinin ang Daddy mo, anak,” sabad ng Mommy niya. “Kumain na muna tayong lahat. Siguradong gutom ka dahil sa biyahe. Maupo ka na, anak.”“Okay po, Mommy.”“Excuse me po, Sir Jameson.” Napalingon sila nang biglang magsalita ang isa sa kasambahay nila. “Nasa telepono po si Sir Dominic.”Biglang tumayo ang Daddy niya pagkarinig niyon. “Sige na, kumain na kayo,” anito saka tumalikod na.“Kumusta ka naman, anak? Hindi ka naman ba nahihirapan sa trabaho mo?” ang Mommy niya. “Nag-commute ka ba pauwi dito sa atin?”“Hindi po, Mommy. Hinatid po ako ng isa sa katrabaho ko.”“Gamitin mo na kasi ang sasakyan na regalo sa iyo ng Daddy mo. Sayang naman iyon at nasa garahe lang.” Kinuha nito ang ulam at kusang nilagyan ang plato niya. “Gusto kong maranasan na kasama kang mag-shopping gamit ang sasakyan na iyon.”“Okay, Mom. Don’t worry po, gagamitin ko na.”Nginitian niya ang kanyang Mommy na halatang excited na makasama siya. Bigla siyang na-guilty.Once in a month lang siya kung umuwi sa kanila simula nang magtrabaho siya bilang isang modelo. Hindi siya umaabot ng isang linggo man lang sa kanila dahil masyadong demanding ang agency niya. Kahit ganoon ay masaya siyang hindi siya nawawalan ng trabaho. Ang sabi ng iba, in demand daw siya kaya halos ayaw siyang pagpahingahin.Balewala lang naman sa kanya ang ganoon dahil talagang nae-enjoy niya ang pagpo-pose. Maliit pa lamang siya ay iyon na talaga ang pangarap niya. Madalas kasi siyang nagbubuklat ng magazine kapag isinasama siya sa opisina ng kanyang Daddy.Sa mura niyang edad ay hindi nawala sa kanyang isipan ang mga napi-feature sa mga magazines. Lagi niyang sinasabi sa sarili na sa kanyang paglaki, makikita rin siya doon.Noong una ay tutol ang kanyang Daddy nang sabihin niya ang tungkol doon. Nasa college na siya noon ay nag-aaral ng Business Management. Sinunod niya ang nais ng kanyang ama dahil alam niyang magtatampo ito kapag ibang kurso ang kanyang kukunin.Tinulungan siya ng kanyang Mommy na makumbinsi ang Daddy niya na tanggapin ang alok ng isang modeling agency matapos niyang mag-aral sa college. Simula noon ay hindi na siya kinulit pa ng Daddy niya na pag-aralan na ang pamamahala sa kanilang family business.“Pwede bang mag-leave ka muna sa trabaho, Princess?” Ngumiti ito saka siya hinawakan sa isang kamay.“Mom – ““Princess, Jade.” Sabay silang napalingon na mag-ina sa pinagmulan ng boses. Nakangiti na ang kanyang Daddy. Tila mabilis na nagbago ang mood nito. “Magbihis kayo. Sa labas na tayo kakain.”Makahulugang napatingin siya sa Mommy niya na mariing nakatitig lamang sa kanyang ama.“It’s time to meet the Rodriguez family,” ani pa ng kanyang Daddy na lalo pang lumuwang ang pagkakangiti.“WHERE are you going, bro?” tanong ni Arvin. “May meeting pa tayo, hindi ba?”Kasalukuyan ng inaayos ni Ethan ang mga gamit niya sa mesa. Saglit niyang tiningnan ang kaibigang tila naguguluhan.“I need to go home. It’s a family dinner,” aniya saka nginitian ang kaibigang hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha.“So, paano ang meeting natin?”“You know what to do, Arvin. Ikaw na muna ang bahala. Maaga akong papasok bukas to check the meeting minutes.” Sinuot na niya ang coat na nakasampay sa swivel chair.“A-are you sure, Ethan? Alam mo naman na hahanapin ka nilang lahat sa akin.” Napakamot ito sa ulo.“I know. “ Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. “Kaya ka nga nariyan eh.” Muli niyang tinapik ito. “I’ll go ahead.” Humakbang na siya upang lumabas ng pinto.“Ethan! Baka nabibigla ka lang. Hoy!”Kinawayan na lamang niya si Arvin saka isinara ang pinto. Napailing siya kasabay ng pagngiti. Kabisado na niya ang kaibigan niyang iyon. Lagi na lang kinakabahan sa tuwing hindi siya kasama sa meeting. Karamihan kasi sa mga staff ng Marketing Department ay mga babae kaya naman medyo naiilang ito. Hindi sanay humarap sa babae.Kailangan mong masanay, bro.“Hi, Ethan!” malakas na tawag sa kanya mula sa kanyang likuran. Papasok na sana siya ng elevator.“Yes, Estella? What’s up?” Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang suot nitong humulma sa katawan nito.“Ah, kasi – yayayain sana kitang kumain sa labas. Alam ko kasi na magtatrabaho kayo ng overtime mamaya. Pwede natin isama si Arvin kung gusto mo.” Ngumiti ito saka bahagyang kinagat ang ibabang labi.“You can ask Arvin to have dinner with you, Estella.”“A-ayaw mo bang sumama?”Kitang-kita niya ang biglaang paglukot ng mukha ng dalaga. “I can’t join you. Kailangan ko ng umuwi.” Tumalikod na siya ngunit maagap na hinawakan nito ang braso niya.“Ma-may nangyari ba? Ba-baka makatulong ako sa iyo.”Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “Don’t worry, there’s nothing wrong. It’s just a family dinner.”“Ah, kaya pala. Sorry, Ethan. A-akala ko kasi – ““I have to go.”“Sige, ingat ka.”Alam niyang dismayado ang dalaga. Kung ilang beses na itong nag-aya ngunit sadyang wala siyang oras para pagbigyan ito. Nagtatrabaho rin ito sa kanilang kompanya kaya madalas itong makasalamuha.“Thanks,” aniya saka pumasok na sa elevator. Mayamaya pa ay bigla na namang tumunog ang mobile phone niya.“Mom.”“I just called to remind you – ““Yeah, Mom. Pauwi na po ako.” Narinig niya ang malalim na buntunghininga ng nasa kabilang linya.“Mabuti naman, anak. We’re all excited to see you. Ingat ka sa pagmamaneho, ha?”“Thanks, Mom. See you later.”Araw-araw naman siyang umuuwi sa kanilang bahay ngunit tila kakaiba ang family dinner na nais ng kanyang mga magulang. Kung ano man iyon ay hindi niya mawari. Isa ring palaisipan sa kanya ay ang maagang pag-uwi ng kanyang Dad.Madalas na sabay silang umuuwi dahil sa isang kompanya lang naman sila nagtatrabaho. Wala naman siyang maisip na espesyal na okasyon sa araw na iyon. Marahil may selebrasyon sa mansion na hindi niya lang maalala o di kaya naman mayroong isang sorpresa na ipapahayag ang kanyang magulang.Hindi niya lang talaga maaaring tanggihan ang ano mang nais o hiling ng kanyang magulang dahil bilang panganay, nais niyang maging modelo sa kanyang dalawa pang kapatid. Iyon ang lesson na hindi niya malimutan na itinuro sa kanya ng kanyang namayapang Lolo.Kailangan niyang maging masunurin sa mga magulang at kailangan niyang maging isang huwaran sa kanyang mga kapatid, Idagdag pa na siya ang mamamahala ng kanilang kompanya.Para sa kanya, sapat na ang maging Head of Marketing Department. Labis niyang nae-enjoy ang napaka-challenging na trabaho kasama ang kaibigang si Arvin at ang kanyang mga staff. Unti-unti niyang sinasanay si Arvin sa pasikut-sikot ng mga dapat gawin sa sa department nila dahil hindi magtatagal ay siya na ang hahalili sa kanyang ama.Inaasahan na niya na mangyari iyon. Bahagi na iyon ng kanyang responsibilidad bilang panganay na anak at maluwag niyang tatanggapin iyon sa tamang panahon. Pinanghahawakan niya ang pangakong binitiwan sa kanya ng Daddy niya na ibibigay lamang sa kanya ang posisyong iyon kapag sapat na ang kanyang kakayahan at i-manage ang kanilang kompanya.SINALUBONG siya ni Kaiden at Margo matapos niyang i-park ang dala niyang sasakyan. Napansin niyang may ibang sasakyan na naka-park din sa loob. Marahil ay may bisita ang kanyang magulang na siyang kasama nila sa family dinner.“Hi, Kuya!” bati ni Morga kasunod ng paghalik sa pisngi niya. “How’s your day?”“My day is always fine. Bakit kayo nandito sa labas?” tanong niya kasabay ng pagyakap sa nakababatang kapatid na si Kaiden.“Inutusan kami ni Mom na hintayin ka rito. Akala nga namin mamaya ka pa uuwi eh,” sagot ni Margo.“Actually, mamaya pa talaga ako dapat uuwi dahil may meeting ako with my staff. Tinawagan ako ni Mom na kailangan ko raw umuwi ng maaga kaya si Arvin na muna ang bahala sa meeting namin.”Nilingon niya si Kaiden. “Malalim yata ang iniisip mo?” sita niya sa kapatid.“Puyat lang ito Kuya.”“Ganoon ba? Baka naman babae iyan ha?”Natutop ni Margo ang bibig. Tila hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya.“I have no time about that, Kuya. Alam mo iyan,” depensa ni Kaiden.“Nagbibiro lang ako. Teka, bumili ba sina Mom at Dad ng bagong sasakyan? Kanina ‘yung – ““Kuya, may bisita sila Mom. Ipapakilala raw sa atin kapag dumating ka na,” si Margo.“Okay. So, tara na sa loob?”Sabay na tumango ang dalawa kasunod ng sabay-sabay nilang paghakbang papasok sa loob ng kanilang mansion.“Hello, son!” Agad na tumayo mula sa upuan ang kanyang Mommy nang makita siya. Niyakap siya nito saka sumunod ang kanyang Dad. “Oo nga pala, may bisita tayo. Malapit na kaibigan namin sila ng Dad ninyo. Meet your Tita Jade and Tito Jameson.”“Good evening po, Maam and Sir,” bati niya saka inilahad ang kamay na agad naman tinanggap ng mag-asawa.”“Siya ang panganay ko, Jade and Jameson. Ethan is his name. Sumunod naman sa kanya ang aking si Kaiden at ang bunso ko naman ay si Margo,” muling sabi ng kanyang Mom.“They really look like their parents,” nakangiting sabi ni Jade. “Mana sa kagwapuhan at kagandahan.”Nagtawanan ang lahat.“Thank you, Jade. Oo nga pala, nasaan unica hija ninyo? Akala ko ay kasama ninyo siya?” sabad na tanong ni Dominic.“Yeah, nagpunta lang saglit sa – ‘yan na pala siya!” si Jameson.Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa direksiyon na tiningnan nito. Napako ang tingin ni Ethan sa dalagang pamilyar ang mukha sa kanya. Simpleng dress lang ang suot nito subalit luntang na luting ang natural na ganda nito.“Hi,” anito saka malumanay na kumaway. Lumabas ang maliit na dimple nito na ikinalunok niya.“Children, meet your Tita Jade and Tito Jameson only child, Princess,” pahayag nng Mommy ni Ethan.“Hi, I’m Kaiden.” Inilahad nito ang kamay sa dalaga kasunod ng pagtanggap ni Princess.“I’m Margo, Ate Princess.” H******n nito ito sa pisngi.“My first child, why don’t you introduce yourself to the young lady?” ani ng Dad ni Ethan.Tila bigla siyang natauhan nang magsalita ang kanyang ama.“My apologies, I’m Ethan,” inilahad niya ang kanang kamay. “Nice to meet you, Princess.” Nagtama ang kanilang mga mata at hindi niya mabatid ang epekto sa kanyang dalaga sa kanilang unang pagkikita.“SIGURO, nagtataka kayo dahil biglaan ang family dinner na ito,” pagsisimula ni Dominic. “I don’t know how to say this but we have a very special announcement to all of you.” Mabilis nitong tiningnan si Jameson na nakangiti lamang habang ito ay nagsasalita. “Honey, kailangan mo na bang i-announce o after ng dinner na lang?” tanong ni Katherine na asawa nito. “What do you think, Jade and Jameson?” Muli nitong nilinga ang mag-asawa na sabay pang ngumiti. “I think we should eat first,” si Jameson. “I think that’s a good idea,” pagsang-ayon nito. “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang espesyal na announcement.” “Come on, kids! Kumain lang kayo,” si Katherine. “Princess, huwag kang mahihiya ha? Para na tayong isang pamilya rito, hmn?” “Thanks, Tita.” “Oh, Princess! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon na nakita na kita sa personal. I’ve been looking forward to meet you for ages! Alam ko
[AMARA, are you still awake?] Pinadalhan ni Princess ng mensahe ang kanyang kaibigan nang sa wakas ay nasa loob na siya ng kanyang silid. Nais niyang may makausap upang mahingan sa kalagayan niya. Ikakasal na siya at next na month na iyon. Kahit kailan ay hindi niya naisip na darating siya sa ganoong sitwasyon. Ikakasal siya sa lalaking hindi man lang niya kilala ng lubos. [Yes, babe. What’s up] Laking pasalamat niya talaga na may isang tao na laging handang makinig sa kanya. Kahit nasaan man ito ay hindi nito nakakalimutan siya ano mang oras. Kung bibigyan siya ng pagkakataong humiling, hihilingin niyang sana ay maging kapatid niya si Amara. Ganoon nila pinahahalagahan ang kanilang pagkakaibigan. [I need you.] Iyon ang madalas niyang sabihin sa kaibigan at alam na nito ang ibig niyang sabihin. [Talk to me, babe.] Hindi nga siya nagkamali. Lagi itong may oras para sa kanya. [I’m getting mar
“BRO!” malakas na tawag ni Arvin sa kanya. Kararating niya lang ng opisina at hindi niya akalaing maaga rin pala itong pumasok. “Totoo ba?” Hindi niya ito pinansin. Dire-diretso siyang naupo sa swivel chair matapos isampay ang suot niyang coat. “Bro, grabe ka! Napakaswerte mo talaga! Akalain mo – “ “Ano ba ang tinutukoy mo? Just get straight to the point.” Binuksan niya ang laptop upang magsimula ng magtrabaho. Wala siyang dapat na sayanging oras lalo pa at araw-araw ay may hinahabol silang deadline. “Na-balitaan ko kasi na ikakasal ka na next month.” Bahagyang humina ang boses ni Arvin. “At sa isang Celine Locsin pa!” Nakagat niya ang ibabang labi kasunod ng pag-iling. Kung minsan talaga hindi niya maintindihan si Arvin. Dinaig pa ang isang reporter kung makakalap ng balita. “And who’s Celine Locsin you are talking about?” “Bro, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo kilala ang Celine Locs
“ETHAN! Princess!” malakas na sigaw ni Katherine. Malapit ng magsimula ang laro ng basketball kaya naman kanina pa siya silip ng silip sa mga taong pumapasok. Laking tuwa niya talaga nang makita ang dalawa kasama si Arvin. Kahiit paano ay success ang first bonding na nais niyang mangyari sa pagitan nina Ethan at Princess.“Hi, Mom,” bati ni Ethan kasunod ng paghalik nito sa pisngi. “Sinama ko na si Arvin.”“It’s okay! The more, the merrier!,” masayang tugon ni Katherine.“Hi, Tita,” nakangiting bati ni Princess. Nagmano siya saka hinagkan sa pisngi ang ginang.“I’m so happy na narito kayo ngayon. Akala ko ay hindi kayo aabot eh.”“Where’s Dad, Mom?” tanong ni Ethan. Nilinga-linga nito ang paligid. ‘Wala ka bang kasama?”“Kasama ko siya kanina kaya lang may biglaang lakad kaya hinayaan ko na lang. Tutal, darating naman kayo. Maupo na tayo! Magsisimula na ang laro!” excited na ani ni Katherine. “Arvin, halika! Tabi na tayo!”Biglang nakaramdam ng ilang si Princess ngunit hindi niya ipin
TAPOS na ang basketball game ngunit nakapagtatakang tahimik si Princess. Kung maaari lang sana ay umalis na siya at iwan na lang si Ethan ay ginawa na niya. Hindi niya lang kayang gawin dahil sa Mommy nito na malapit sa kanyang mga magulang. Mabuti na lang at nakasuot siya ng sunglasses dahil kung hindi ay malamang nakilala na siya ng tuluyan ng mga tao. Hindi namna niya inaasahan na tanyag siya subalit mainam na mag-ingat. Mawawalan siya ng privacy at iyon ang ayaw niyang mangyari. “Princess, okay ka lang ba?” tanong ni Katherine na nasa tabi niya habang naglalakad. Palabas na sila kasabay ng ibang tao habang nag-uusap naman sina Arvin at Ethan na nasa unahan nila. “Nabigla ka ba kanina?” “Ah, hi-hindi naman po, Tita. Hindi lang po ako sanay na maraming tao.” Pakiramdam niya kasi ay nahihirapan siyang huminga kapag napapalibutan siya ng maraming tao. “Masanay ka na, Princess. Hindi ka naman pababayaan ng aking si Ethan. Ganyan-ganyan lang ang pan
HINDI NA nagtagal si Ethan sa bahay nila Princess. Dahil wala naman ang parents ni Princess ay nagpaalam na ito sa kanya. Babalik pa raw ito ng opisina dahil tumawag si Arvin. May urgent itong dapat asikasuhin. Ihahatid pa sana niya ito sa labas ngunit nagbago ang isip niya. Hindi niya kasi alam kung paano ang tamang sasabihin. Hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin tuluyang kumakalma ang kanyang puso. Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng gate. Isang tipid na ngiti naman ang tinugon niya. Nang mawala na ito sa paningin niya ay dumiretso na siya papasok ng kanyang silid. Hindi pa rin siya makapaniwala na isang iglap lang ay biglang magbabago ang kanyang buhay. Yes, she will be a Rodriguez soon. Hindi magtatagal ay ikakasal na siya, titira sa isang bahay na kasama si Ethan. Wala sa sarili na hinaplos niya ang kanyang labi. Ramdam pa niya ang labi ng lalaki sa kanya. Parang naipinta na roon. It’s her first kiss! Masyadong alig

“SIGURO, nagtataka kayo dahil biglaan ang family dinner na ito,” pagsisimula ni Dominic. “I don’t know how to say this but we have a very special announcement to all of you.” Mabilis nitong tiningnan si Jameson na nakangiti lamang habang ito ay nagsasalita. “Honey, kailangan mo na bang i-announce o after ng dinner na lang?” tanong ni Katherine na asawa nito. “What do you think, Jade and Jameson?” Muli nitong nilinga ang mag-asawa na sabay pang ngumiti. “I think we should eat first,” si Jameson. “I think that’s a good idea,” pagsang-ayon nito. “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang espesyal na announcement.” “Come on, kids! Kumain lang kayo,” si Katherine. “Princess, huwag kang mahihiya ha? Para na tayong isang pamilya rito, hmn?” “Thanks, Tita.” “Oh, Princess! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon na nakita na kita sa personal. I’ve been looking forward to meet you for ages! Alam ko
“THANKS, Raphael.”Kumaway pa si Princess sa lalaki nang makababa ng sasakyan ng lalaki. Si Raphael ay isa rin sa mga modelo na nagtatrabaho sa modeling agency na pinagtatrabahuhan niya. Madalas itong nakangiti sa kanya na lalo pang nakadagdag ng kagwapuhan nito.“No problem, Princess. Anything for you,” sagot ng lalaki saka siya kinindatan.Nginitian niya lang ito saka kumaway ulit. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mommy ay hindi siya uuwi. Nagkaroon pa tuloy ng pagkakataon si Raphael na ihatid siya kahit pa magkaiba ang daan nila.Hinintay niyang makaalis ito bago humakbang patungo sa gate ng kanilang bahay. Agad siyang binati at pinagbuksan ng isa sa kasambahay nila.“Good evening din,” tugon niya. “Sina Mommy at Daddy?”“Nasa dining po. Hinihintay po kayo bago sila kumain.”“Okay. Thank you,” aniya.Saglit niyang ibinaba ang dalang bag sa sofa ng living room bago dumiretso sa dining. Hindi niya lang talaga matanggihan ang kanyang magulang kaya kahit na pagod na pagod siya