Share

Chapter 45

Author: Raven Sanz
last update Huling Na-update: 2023-04-14 01:41:46
JUSTIN

NANG makarating ako sa penthouse, ang asawa ko ang bumungad sa akin. May suot siyang apron at bahagyang umiindak sa saliw ng isang malamyos na kanta. She probably didn’t hear me come in dahil abala siya sa ginagawa. Saglit ko siyang pinagmasdan. Kung anuman ang nangyari kanina sa opisina ay saglit ko iyong kinalimutan. Right now, I’m in heaven.

Humakbang ako palapit sa kaniya at naupo sa barstool. I was going to give her a kiss pero may hawak siyang kutsilyo and the last thing I want ay magulat siya at masaksak ako. That would be terrible for both of us.

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya nang makita ako. Binitiwan niya ang kutsilyo, nagpunas ng kamay sa apron, at saka lumapit sa akin.

“Hi!” She kissed my cheek at bahagyang umagwat. Riz remained in close proximity.

“Hi, what are you doing?”

“Making us a simple lunch.” Bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka. I thought we were going out for lunch pero mukhang nagbago ang isip ng buntis. Napakamot siya sa leeg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gerlyn Lumongsod
very nice...ty
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Fake to Forever   Chapter 46

    RIZJUSTIN and I had a good lunch. Nagustuhan niya ang inihanda ko at halos maubos namin ang kanin. Wala si Manang kaya malaya akong magligpit ng pinagkainan namin. I took our dirty dishes in the sink at binalikan ang mga baso. Justin was checking his messages at the moment kaya sinamantala ko iyon para simulan ang paghuhugas. So far, nag-e-enjoy naman ako sa buhay may-asawa namin. Kahit for convenience lang kami nagsimula, we are trying our best to work on it.Muntik ko nang mabitiwan ang plato nang may humalik sa batok ko.“Can I have my dessert now?” bulong niya sa akin. Nagtindigan yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya.“Naghuhugas ako ng plato, kung ano-ano’ng naiisip mo. Kapag nagkaroon tayo ng appendicitis— Hah!” He cupped my buttock at pinanggigilan iyon. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya saka pinag-igihan ang panlalandi sa akin. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. And yes, sex is fun pero nakapapagod rin

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 47

    RIZSA akin ba talaga nanggaling ang mga katagang iyon? We were standing and he’s still inside me. I thought he stopped breathing while I want the floor to open up and swallow me whole. God! Of all the things I could have said, iyon pa talaga? Puwede namang ang sarap niya . . . scratch that. Dapat talaga itinikom ko na lang ang bibig ko.“Did you just say—”“Wala akong sinabi.” I was pushing him but our bodies are still fused together at parang bakal ang katawan ni Justin—hindi matinag sa pagkakatayo. At sa liit ko, wala akong panama sa kaniya.“Say it again.” His voice was low at halos hindi ko maririnig iyon kung hindi siya ganito kalapit.Napatakip ako sa aking mukha sa hiya. Damn it. It’s too early. Kahit ako ay parang babaliktad ang sikmura. Masyadong mabilis ang lahat but the damn attraction is too strong. Ang hindi ko napaghandaan ay bubukadkad iyon sa pagmamahal. Or maybe it’s the fact that I am carrying his child? Or is it because he takes care of me when no one wanted to? Ma

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 48

    RIZI COULDN’T breathe. Ganito pala ang pakiramdam ng pinahahalagahan. Buong buhay ko, hintay ako ng hintay na mahalin rin ako ng mga magulang ko.Iyong walang kondisyon.Iyong hindi kailangan dahil anak nila ako.Hindi ko alam kung darating pa ang araw na ’yon, but right now, I feel like I’m up in the clouds. Mahal ako ni Justin hindi dahil dinadala ko ang anak niya. Mahal niya ako nang walang dahilan. I still can’t believe it kaya naman kahit tuloy ang kuwento ni Matet sa akin tungkol sa kanila ni Ryan ngayon ay halos wala akong maintindihan. All I can think about is my husband and his love for me.“Hoy, nakikinig ka ba? Pambihira.” Matet rolled her eyes at me in annoyance. Si Reysa ay susunod na lang sa amin dito sa mall mamaya. She had an errand to run.“Sorry. May iniisip lang.” Ngumiti ako sa kaniya. “Gusto ko ng buko shake. Bili tayo.”“Masusunod ang kagustuhan ng buntis.” She smiled at me at iniangkla ang kaniyang braso sa akin saka kami naglakad papunta sa buko stand. “Sana k

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 49

    RIZI was checking out other blouses on the rack when I heard a chuckle near me. Of all people, I have to see her here. I was hoping to mark this day for Justin and me, pero mukhang may masamang alaala na sisingit, and there’s no stopping it by the look of things.“Well, what do we have here? Are you lost, dear? Hindi ba dapat sa palengke ka o sa ukay-ukay namimili ng damit?” patuya niyang tanong sa akin.“Riri, tara na. Balikan na lang natin ’yong damit mamaya.” May pag-aalala sa tinig ni Matet. Kilala niya ang madrasta ko.Alam kong masama ang ugali niya, pero alam ko rin na hindi siya mag-eeskandalo sa pampublikong lugar. Her claws come out when we’re alone at home. Doon siya nagrereyna-reynahan sa harap ng mga kasambahay na alam niyang hindi pipiyok dahil sa takot na matanggal sa trabaho.“Madam.” Tipid akong ngumiti sa kaniya at tinapik nang bahagya ang kamay ni Matet para pakalmahin siya.“You’ve gained weight.” Umismid siya. “Hindi ka pa bumabalik sa bahay. That means hindi mo

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 50

    RIZI WOKE UP with a familiar smell. Katabi ko sa kama si Justin at nakasuot pa ng pang-opisina. Nakayakap ang isang braso niya sa akin at nakasubsob ako sa dibdib niya. I managed to look up at his face. Nakapikit siya at mukhang pagod sa trabaho. I traced his eyebrow down to his jaw with my finger when he stirred from his sleep.“Hey,” pagas niyang bati sa akin. He cleared his throat and gave me a kiss on my hair. “Kanina ka pa gising? I saw you napping, nainggit ako kaya tumabi ’ko sa ’yo.” Bahagya siyang tumawa. Sumiksik ako sa kaniya. I love the feel of his warm body. Tinatamad na tuloy akong mag-dinner sa labas. “Wala ka bang ikukuwento sa ’kin?”“Wala naman. Okay naman ang araw ko,” sagot ko sa kaniya. I don’t want to stress him even more. Kagagaling lang niya sa trabaho at ayaw kong gawing appetizer ang nangyari sa amin ni Madam kanina.“Then care to explain the bruise on your right arm?”Alam ko, pinipigilan niya lang ang sariling magalit. His heart was beating fast.Sinulyapa

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 51

    JUSTINI put my arm around her at pinatakan siya ng halik sa ulo. Little things make her happy. I don’t understand her parents. How can they disregard their daughter like she doesn’t matter? Making mistakes is a part of life. Her parents had a fair share too, and no one is perfect. Pero kung husgahan nila si Riz ay ganoon na lang. My wife is not only beautiful, but she has the kindest heart too.“I’ll have the IT set up your online shop. Is that okay?” I know she’s new in the business and she’s going to need all the help that she can get. Tumango si Riz. “And I will be your first customer. I will order a box for each employee to take home.”Nagulat si Riz. “Ang dami!” Tumawa ako. “Ang sabi mo, may limit ako kada araw? E, ang dami mong empleyado.”Oo nga pala. Nakalimutan ko ’yon. Mas excited pa yata ako sa kaniya kaya hindi ko naisip na siya nga lang pala ang magluluto.“Right, sorry. I got carried away.” Hinuli ko ang kamay niyang mangungurot sa akin. “How about twelve dozen? Ipalala

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 52

    RIZIT was the longest forty-five minutes of my life. We were trying not to make out in the car so we both settled for quick kisses pero lalo lang iyong nagpasabik sa aming dalawa. Ramdam ko ang gigil ni Justin nang pisilin niya ang hita ko. At nang huminto ang sasakyan sa harap ng lobby ay gusto na niya akong pasanin sa inip.“Remind me again why the penthouse has to be on the top floor?” Niluluwagan niya ang necktie at mukhang hindi makahinga habang hinihintay na makarating kami sa taas.Hindi ko na napigilan ang paghalakhak. “So no one can hear us, baby,” sagot ko sa kaniya. I lightly bit his ear and I heard him groan.“Fuck it.” Justin was trying so hard to control himself and he lost it. My husband kissed me hungrily and I encouraged him even more by cupping the bulge in his pants.He picked me up when the elevator doors opened. Takot din sigurong madapa kami kaya kahit namumungay na ang mga mata ay tinigilan niya ang paghalik sa akin at deretso ang tingin while I on the other ha

    Huling Na-update : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 53

    RIZI WAS eating breakfast when my phone beeped. It was a message from my mother. Nanghihingi na naman ito ng pera at mapapalayas na raw sila sa apartment. Noong una, naisip kong huwag mag-reply. Pero nagbago rin ang isip ko. I composed a message and apologized. I told her I have no money and whatever I have left is for my baby’s arrival.From: NanayUunahin mo pa talaga ’yan? Hindi ka pa naman manganganak! Pero kami, wala nang matitirhan! Ipinangutang ko na ang matrikula ng mga kapatid mo at ipinangako ko sa katapusan. Padalhan mo ako ng sampung libo sa a-30.Mahaba na ang lista namin sa tindahan ni Mameng. Hindi na kami pinautang kahapon at wala pa kaming pansaing ngayong gabi. Magkano ang pera mo diyan ngayon?Wala na uli trabaho ang t’yong mo. Nasisante at kinukursunada raw ng boss niya. Hay naku! Punyetang buhay talaga!Wala na akong ni-reply-an sa kaniyang mga mensahe. I wanted so badly to text her and asked why she won’t look for a job kung ganoon na kahirap ang sitwasyon nila

    Huling Na-update : 2023-04-14

Pinakabagong kabanata

  • Fake to Forever   Special Chapter

    JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi

  • Fake to Forever   Finale

    RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N

  • Fake to Forever   Chapter 99

    RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong

  • Fake to Forever   Chapter 98

    RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub

  • Fake to Forever   Chapter 97

    JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng

  • Fake to Forever   Chapter 96

    JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot

  • Fake to Forever   Chapter 95

    JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was

  • Fake to Forever   Chapter 94

    JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam

  • Fake to Forever   Chapter 93

    RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled

DMCA.com Protection Status