JUSTINNATAHIMIK ako nang mamutawi ang mga salitang iyon sa mga labi niya. Nang utusan ko si Tony para alamin ang ilang bagay sa pagkatao ni Riz ay kasama iyon sa mga natuklasan ko. I just want to hear everything straight from her kaya tinanong ko siya. I want it to be a casual conversation between us. Kahit saang anggulo tingnan ay kasal na kami. The least we can do right now is get to know each other.“Hindi ideal ang pamilyang pinanggalingan ko. Nabuntis si Nanay at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ayon kay Dad ay ayaw ni Nanay ng isang simpleng kasal sa huwes lang. Gusto niya ng kasal sa simbahan at maraming imbitado kaya hindi sila nakasal agad. I think it’s a blessing that they never got married and did not end up together. Kung hindi ay parehong impiyerno ang buhay nilang dalawa.” Riz scoffed, bakas ang sama ng loob. Hindi ko masabi kung sa kaniyang ina o ama. Maaari din na pareho.Sinong anak ang may gusto na hindi magkasama ang mga magulang niya? Everyone I’ve met in my life
JUSTINHindi ako kaagad nakaimik at tinimbang ang mga sinabi niya. She is right. Kahit naman sinong ikinasal ay walang guarantee na habambuhay silang magsasama. It’s just a piece of paper. Nasa dalawang tao na nagsasama iyon kung paano nila paninindigan ang sinumpaan nila. Trust, respect, and love, at saka dapat ay naroon ang commitment. Riz and I are working on it at the moment.“Who called you again?”“Si Nanay nga.” Halatang inis na inis siya pero gusto kong malaman kung sino ang nanggugulo sa kaniya.“Why?” Baka nalaman na nito na buntis ang anak niya.“She needs help. Nawalan daw ng trabaho ang asawa niya. And then the usual, walang makain, walang pang-tuition ang kapatid ko, at due na ang renta.”Naalala ko tuloy iyong mga kamag-anak ni Nanay na walang itinulong sa amin kahit pagbabantay sa akin kapag nasa trabaho siya. Pero nang pakasalan ni Papa si Nanay at umalwan ang buhay namin ay bigla silang naging mabait at kung ano-ano ang papuri na sinasabi. Not only that, bigla silang
RIZTHERE is no way I’m admitting he is my type. Pride na nga lang ang natitira sa akin, ipapahamak pa ako ng karupukan ko. Pero imbes na mainis si Justin ay bigla siyang bumunghalit ng tawa.“Good one, Riz. I like your sense of humor.” Tumayo si Justin habang may ngiti pa rin sa mga labi. “Ano daw ang gusto mong ulam sabi ni Manang?”Honestly, ngayon lang may nagtanong sa akin kung ano’ng gusto kong ulamin. Sa bahay ni Madam, lahat ng gusto niya ang nasusunod. Kahit gusto ko ng tuyo ay hindi puwedeng magluto dahil mangangamoy raw ang buong bahay. Isa pa, bawal daw ang pagkaing mahirap doon. Napaiiling na lang ako noon. Hindi ko ugaling magkomento lalo na sa mga kasambahay namin. Their loyalty is with Madam. Kung ano’ng gawin o sabihin ko ay makararating sa kaniya.“Hindi naman ako mapili. Kahit ano lang.”“Wala kang cravings?” Umiling ako. “Ayaw mo ng spaghetti na may ice cream?” tudyo niya sa akin.“Actually, ang gusto kong kainin ngayon ay tuyong pusit. ’Tapos may ginayat na kamati
RIZMALALIM na ang gabi ay hindi pa rin ako makatulog. I had a long nap at isa pa ay busog na busog ako sa kinain naming hapunan. Kahit may mga pangungulit si Justin ay hindi naman siya katulad ng dati sa penthouse. I find him sweet simula nang makasal kami. Kahit madalas siyang mang-asar, alam kong sensitibo lang ako masyado.We are two people who do not know each other living under the same roof. Being pregnant with raging hormones, mahirap sabayan ang mood swings ko. Sinulyapan ko ang likod niya. Nakatagilid siyang matulog at ako na ang nagpatay ng ilaw sa gilid niya. He was reading a book at nang damputin ko iyon ay tungkol iyon sa pagbubuntis. Hindi ko alam na iyon pala ang binili niya kanina sa bookstore nang dumaan kami roon.Nakaramdam ako ng paglundo ng kama. Justin was now facing in my direction pero tulog na tulog pa rin siya. I was about to get up para kumuha ng malamig na tubig dahil nauuhaw na ako nang dumantay ang isang braso niya sa may tiyan ko na impis pa rin. Mainga
RIZKULANG ang salitang puyat para i-describe ang nangyari kagabi. I am blaming it this time on Justin’s foot massage. Kung hindi siya nangulit ay hindi kami mauuwi sa mainit na tagpong iyon. He was so gentle and I enjoyed it, pero ngayong umaga ay pagod na pagod ako. Kung hindi ko lang alam na darating ang mga kaibigan ko ay gusto kong magtigil sa kama buong araw. Mabuti na lang at nakaluto na si Manang. At least we have something to eat at hindi ko na kailangang mag-prepare. I just don’t have the energy to do it this morning.We were in the middle of eating breakfast if you could still call it that when my friends came. Halos alas-onse na ng umaga nang may mag-doorbell.“Ako na ang magbubukas ng gate. Kumain na kayo,” sabi sa amin ni Manang.When she returned, alam kong narito na ang mga kaibigan ko sa boses pa lang ni Matet. Una kong nakilala si Matet kaysa kay Reysa. Akalain mo, pumasok sa klase nang walang ball pen at wala pang papel. Needless to say, ipina-Xerox niya ang notes k
JUSTINHEARING Matet’s testimony made me want to remember faster. Why I would ask for my wife’s name is something I would never do, lalo na sa club. Hell, I don’t even know why I was there in the first place. Gusto kong sabihin sa akin ni Matet ang lahat ng naaalala niya at bakasakaling may maalala rin ako.“Really? Tell me more about that night.” Naupo ako sa arm rest ng sofa dahil si Riz ay sa isang single chair napiling umupo.“Wala kang naaalala?” Nakakunot ang noo ni Matet hanggang sa umiling ako.Dumating si Manang na may dalang tray ng malamig na tubig, juice saka sandwiches.“Magmeryenda muna kayo,” anyaya ni Manang. “Egg itong sa kaliwa at chicken itong nasa kanan.”“Salamat po, manang.” Magalang ang mga kaibigan ni Riz at naroon ang respeto sa kausap. I like them already.Tumango si Manang at naglakad na pabalik sa kusina. Simula nang ikasal si Nanay kay Papa ay mabait na siya sa amin. Maasikaso at kapamilya ang turing kay Manang kaya dito ko gustong manatili si Riz hanggang
JUSTINKUNG may isang tao man na hindi masaya sa pagpapakasal ni Papa kay Nanay, that’s Tommy. He’s a classic brat na walang alam kung hindi ang magbulakbol sa eskuwela at gumastos nang walang patumangga. Bar dito, bar doon. He doesn’t live with us, at may sarili siyang pad. Mas matanda siya sa akin nang anim na taon pero magkasabay lang kaming nagtapos sa kolehiyo. Inabot ko siya dahil wala siyang ipinapasang subject. Ang ipinagtataka ko lang, nanatiling Reynoso ang apelyido niya at hindi Calderon. I know he doesn’t like me personally pero kapag kaharap si Papa ay maayos siyang nakikipag-usap. Sa unibersidad naman ay hindi ko siya madalas makita dahil palagi siyang nakaliban. When Papa died from the accident, I didn’t expect to receive anything. Para sa akin, sapat na ang minahal niya ako na parang anak niya, binihisan, pinakain, at pinag-aral. For me that was enough. Kaya nagulat ako nang ipamana niya sa akin ang lahat, much to Tommy’s dismay. He went ballistic at itinumba pa ang
JUSTINNang mawala siya sa paningin ko ay nakahinga ako nang maluwag. Kapag nakikita ko siya ay parang nagiging crowded ang paligid. Hindi ko nais na ipahiya siya pero pinilit niya ako. I already ended things and I hate it kapag ipinipilit sa akin ang sarili nila. And where the fuck is Tommy? Kanina pa ako nilulumot dito sa club. Kung hindi lang dahil doon sa cute na babaeng nasa kabilang table ay kanina pa ako umalis. I like looking at her kahit pa hindi siya ang tipo ko. There’s something about her that brings me peace. Maybe because I’ve seen that look before on my mother kapag malungkot siya at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang pasayahin siya. Nang tumingin siya sa akin ay kinindatan ko siya, pero sa halip na ngumiti at kiligin ay kumunot ang noo niya at inirapan ako. Is that a challenge?She’s cute. Kahit ano’ng inis ko kanina kay Veronica ay napangiti pa rin ako ng babaeng iyon. I was waiting for her to get up and go to the washroom but instead, iyong kasama niya a
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled