Share

Chapter 33

Author: Raven Sanz
last update Last Updated: 2023-04-14 01:31:04

JUSTIN

Nang mawala siya sa paningin ko ay nakahinga ako nang maluwag. Kapag nakikita ko siya ay parang nagiging crowded ang paligid. Hindi ko nais na ipahiya siya pero pinilit niya ako. I already ended things and I hate it kapag ipinipilit sa akin ang sarili nila.

And where the fuck is Tommy? Kanina pa ako nilulumot dito sa club. Kung hindi lang dahil doon sa cute na babaeng nasa kabilang table ay kanina pa ako umalis. I like looking at her kahit pa hindi siya ang tipo ko. There’s something about her that brings me peace. Maybe because I’ve seen that look before on my mother kapag malungkot siya at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang pasayahin siya.

Nang tumingin siya sa akin ay kinindatan ko siya, pero sa halip na ngumiti at kiligin ay kumunot ang noo niya at inirapan ako. Is that a challenge?

She’s cute. Kahit ano’ng inis ko kanina kay Veronica ay napangiti pa rin ako ng babaeng iyon. I was waiting for her to get up and go to the washroom but instead, iyong kasama niya a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
kaya naman pala.inasawa ka agad Riz je je je kakakilig talaga
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Fake to Forever   Chapter 34

    JUSTINI ASKED Manang to show Matet and Reysa their rooms while I made a phone call. Pina-cancel ko na ang appointment ko sa doktor. Ngayon ay malinaw na ang lahat ng nangyari sa club at ang gabing may nangyari sa amin ni Riz up to the night I had an accident.Hinanap ko si Riz sa loob at wala siya sa kuwarto. Wala rin siya sa kusina kaya naisip ko na baka pinuntahan niya ang mga kaibigan niya. But I was wrong. I found her in the pantry at nagtitingin ng ingredients. She was busy looking around at hindi niya namalayan na naroon na ako. Sumandal ako sa hamba ng pinto at pinanood siya.How could Riz forget that she was the one who asked to take her as my wife? Kung hindi pa dumating ang mga kaibigan niya ay hindi ko maaalala ang lahat. She was a virgin that night and it was indeed her first time. Hindi siya nagsinungaling sa akin.Tahimik akong naglakad papunta sa kaniya at hinalikan siya sa buhok.“What are you doing here? Sabihin mo lang kay Manang kung ano’ng gusto mong ipaluto at si

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 35

    RIZ WE were on our way to the bedroom when Justin’s phone rang. Mukhang wala siyang balak sagutin ito pero nang huminto ang pagtunog ay nag-ring uli iyon. Inis na dinukot niya sa bulsa ang cell phone at sinagot habang kapit pa rin ang kamay ko. Hindi ko nakita kung sino ang tumatawag at hindi ko rin ugali ang tumingin sa cell phone ng iba. “What is it?” tanong niya sa kausap. “What do you mean? No, I didn’t. I’m on my way.” Hinarap niya ako at inakay papunta sa kuwarto. “I have to leave earlier than expected.” Narinig ko ang paglapat ng pinto nang makapasok kami. “May nangyari ba?” Tipid siyang ngumiti. “Just the usual business stuff. Don’t worry about it. Mai-stress ka lang. Do you still have the card I gave you?” “Oo, nasa wallet ko. Do you need it back? Kukunin—” Umiling siya. “No, keep it.” Inakay niya ako papunta sa closet. Binuksan niya iyon at may pinindot na kulay puti. Isang safe ang tumambad sa akin. “If you need cash, there’s money over here. I already changed the cod

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 36

    RIZIT has been three days since Justin left at hindi pa rin kami nagkakausap. Mabuti na lang at narito ang mga kaibigan ko. They keep me company kaya kahit paano ay nalilibang ako. Hindi ko sinunod si Justin sa sinabi niyang mag-overnight sa resort. Sa halip, nagpasya kaming mag-day tripping nina Reysa dala ang kotse niya. Kahit ano’ng pilit ni Manong na ipagmamaneho kami ay hindi ko na sila inabala. Isa pa, pagkakataon din niya iyon para makapahinga. May edad na rin siya katulad ni Manang.“Tingin ka nang tingin diyan sa cell phone mo. Malapit nang matunaw ’yan,” biro sa akin ni Matet. Ako ang nasa unahan at siya naman ang nasa likod. Reysa was driving habang kumakain ng chicharon.“Nag-check lang ng oras. Ikaw talaga.” The truth is, I have been waiting for Justin to send me a message or give me a call.Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala dahil hindi niya sinabi sa akin kung saan ang site na pupuntahan niya. I shouldn’t care. Dahil kahit paulit-ulit kong i-rewind sa isip ko, nagpak

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 37

    RIZJUSTIN promised me fidelity and that’s what I’m going to hold on to. Hindi ang isang katulad ni Veronica na salawahan ang sisira sa sinisimulan naming maayos na pagsasama. Kahit anong init ng hangin ngayon dito sa resort ay hindi iyon sapat para patulan ko ang patutsada ni Veronica.“Wives don’t just disappear when they speak to their husband’s demented exes, Veronica. So you just keep wishing wherever you are. Have a great day.” Disappear forever . . . neknek niya!Nang putulin ko ang tawag ay lumapit ako sa counter at inilabas ang black card ni Justin. “Hello! We are here for a day tour but we have a slight change of plans.” Lumapit sa akin sina Reysa at Matet at nakiusyoso.“Good morning po, ma’am. Would you like a suite?” tanong sa akin ng nasa reception.“No. I’d like to get a villa for me and my friends for a night.” Iniabot ko ang card sa kaniya at hindi na nag-usisa pa nang makita ang apelyido ni Justin.“Sure, ma’am. Let me do the paperwork and I’ll have the villa ready f

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 38

    RIZI do not know what I did in my past life to deserve this. Akala ko nagbago na si Nanay nang mag-asawa siya. After all, it’s the same reason kung bakit sila nagkasira ni Dad. At ngayon, kaibigan ko pa ang nakakita sa kaniya na may kasamang iba.“Hindi ka na umimik diyan. Nabanggit ko lang iyon kasi nga nagulat din ako na may iba siyang kasama,” nahihiyang wika ni Reysa sa akin. “Dapat siguro, hindi ko na binanggit sa ’yo.”I shook my head. “I appreciate your honesty. Mas gusto ko pa na nalaman ko sa ’yo kaysa sa iba.”“Alam mo, Riri, minsan nagtataka ako kung anak ka ba talaga ng nanay mo o hindi. Kasi sa mga kuwento mo at treatment niya sa ’yo, she doesn’t care about you. Everything is in favor of her other kids. I mean, mga kapatid mo iyon at siyempre mahal mo sila kahit hindi kayo magkasamang lumaki. Pero iyong pamilya na binuo niya ang palagi niyang iniisip. How about you?” Ramdam ko ang malasakit ni Matet sa akin. “Magiging ina ka na rin, Riri. Kapag nanganak ka, your child is

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 39

    RIZAFTER dinner, nagkuwentuhan pa kami sa living room. My two friends finished the whole bottle of wine samantalang ako ay gatas ang hawak. Kahit nasa resort kami, hindi ko kinaliligtaan ang fresh milk para maging matibay ang buto ni Baby.Nang makatulog sina Reysa at Matet ay nagtungo na rin ako sa kuwarto pero hindi ako mapakali kaya bumangon ako uli. Dinala ko ang cell phone ko at nagtungo ako sa labas. Naupo ako sa isang duyan. I was very careful dahil ayaw kong mahulog. Wala pa rin missed call. Wala rin message.Ang ihip ng hangin, ugoy ng duyan, idagdag pa ang maliliit na bombilya ng ilaw ay nakadagdag sa antok na namumuo sa akin. So I let myself fall asleep. Mas masarap pa rin ang fresh air kaysa sa air-con.Nakarinig ako ng yabag at naramdaman kong may nakatitig sa akin. I opened my eyes at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.“Did I wake you?” tanong niya sa akin. Si Justin.“How did you know where to find me?” Ngumiti ang asawa ko. “Kanina ka pa?” I tried to get up

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 40

    RIZHINDI namin naituloy ni Justin ang pag-uusap dahil matapos ang tawag niya sa telepono ay nagising na rin ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan at pagkatapos ay nag-check out na with a promise from my husband that we will spend a night here again.Matet and Reysa drove back together habang ako naman ay kasabay ni Justin sa sasakyan niya. As soon as we got home, Reysa’s mother called and asked her to go home. Sumabay na si Matet sa kaniya at nakapagsolo na kaming muli ni Justin. Ni hindi na sila nag-stay para sa tanghalian at sinabing magda-drive-thru na lang sa isang fast-food kung magutom sila along the way.As I watched their car drive away, inakbayan ako ni Justin at iginiya papunta sa garden. Naupo kami sa patio at nagpadala siya ng tsaa kay Manang.“Anong pinag-awayan n’yo ng mother mo?” Hindi ako umimik. “Is she asking you for help again?”Tumango ako. “I also told her that I’m pregnant and I . . . got married.” By now, siguradong alam na ni Dad na nagpakas

    Last Updated : 2023-04-14
  • Fake to Forever   Chapter 41

    RIZNATULOY ang date namin at para kaming mga teenager na nagtatawanan habang naghihintay ng jeep. Hindi alam ni Justin kung magkano ang pamasahe kaya inabutan niya ng limandaang piso ang driver at sinabing keep the change.“You’re crazy. Wala ka palang barya, hindi ka pa nanghiram kay Manang kanina. Kulang na lang arkilahin mo itong jeep.”He grinned at me. “Akala ko nga kulang pa, para kakalungin ki— Uhmp!” Tinakluban ko ng kamay ang bibig niya habang pinandidilatan siya ng mga mata. Tinanggal niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kaniya.May ilan kaming kasabay sa jeep at iyong babae na hindi katandaan sa harap namin ay hindi napigilan na matawa.“Nakakatuwa naman kayong dalawa. Sana hindi magbago ang pagtingin n’yo sa isa’t isa.” Nahihiya akong ngumiti kay Manang. “Alam mo kasi, ang mga kabataan ngayon, akala mo gunaw na ang mundo kapag hindi sila nagkatuluyan ng boyfriend o girlfriend nila. Ang hindi nila alam, sa bawat ngiti, may kaakibat na sakit. Matagal na ba kayong dalawa?”

    Last Updated : 2023-04-14

Latest chapter

  • Fake to Forever   Special Chapter

    JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi

  • Fake to Forever   Finale

    RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N

  • Fake to Forever   Chapter 99

    RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong

  • Fake to Forever   Chapter 98

    RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub

  • Fake to Forever   Chapter 97

    JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng

  • Fake to Forever   Chapter 96

    JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot

  • Fake to Forever   Chapter 95

    JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was

  • Fake to Forever   Chapter 94

    JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam

  • Fake to Forever   Chapter 93

    RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled

DMCA.com Protection Status