RIZAFTER dinner, nagkuwentuhan pa kami sa living room. My two friends finished the whole bottle of wine samantalang ako ay gatas ang hawak. Kahit nasa resort kami, hindi ko kinaliligtaan ang fresh milk para maging matibay ang buto ni Baby.Nang makatulog sina Reysa at Matet ay nagtungo na rin ako sa kuwarto pero hindi ako mapakali kaya bumangon ako uli. Dinala ko ang cell phone ko at nagtungo ako sa labas. Naupo ako sa isang duyan. I was very careful dahil ayaw kong mahulog. Wala pa rin missed call. Wala rin message.Ang ihip ng hangin, ugoy ng duyan, idagdag pa ang maliliit na bombilya ng ilaw ay nakadagdag sa antok na namumuo sa akin. So I let myself fall asleep. Mas masarap pa rin ang fresh air kaysa sa air-con.Nakarinig ako ng yabag at naramdaman kong may nakatitig sa akin. I opened my eyes at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.“Did I wake you?” tanong niya sa akin. Si Justin.“How did you know where to find me?” Ngumiti ang asawa ko. “Kanina ka pa?” I tried to get up
RIZHINDI namin naituloy ni Justin ang pag-uusap dahil matapos ang tawag niya sa telepono ay nagising na rin ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay kaming kumain ng agahan at pagkatapos ay nag-check out na with a promise from my husband that we will spend a night here again.Matet and Reysa drove back together habang ako naman ay kasabay ni Justin sa sasakyan niya. As soon as we got home, Reysa’s mother called and asked her to go home. Sumabay na si Matet sa kaniya at nakapagsolo na kaming muli ni Justin. Ni hindi na sila nag-stay para sa tanghalian at sinabing magda-drive-thru na lang sa isang fast-food kung magutom sila along the way.As I watched their car drive away, inakbayan ako ni Justin at iginiya papunta sa garden. Naupo kami sa patio at nagpadala siya ng tsaa kay Manang.“Anong pinag-awayan n’yo ng mother mo?” Hindi ako umimik. “Is she asking you for help again?”Tumango ako. “I also told her that I’m pregnant and I . . . got married.” By now, siguradong alam na ni Dad na nagpakas
RIZNATULOY ang date namin at para kaming mga teenager na nagtatawanan habang naghihintay ng jeep. Hindi alam ni Justin kung magkano ang pamasahe kaya inabutan niya ng limandaang piso ang driver at sinabing keep the change.“You’re crazy. Wala ka palang barya, hindi ka pa nanghiram kay Manang kanina. Kulang na lang arkilahin mo itong jeep.”He grinned at me. “Akala ko nga kulang pa, para kakalungin ki— Uhmp!” Tinakluban ko ng kamay ang bibig niya habang pinandidilatan siya ng mga mata. Tinanggal niya ang kamay ko at pinagsalikop sa kaniya.May ilan kaming kasabay sa jeep at iyong babae na hindi katandaan sa harap namin ay hindi napigilan na matawa.“Nakakatuwa naman kayong dalawa. Sana hindi magbago ang pagtingin n’yo sa isa’t isa.” Nahihiya akong ngumiti kay Manang. “Alam mo kasi, ang mga kabataan ngayon, akala mo gunaw na ang mundo kapag hindi sila nagkatuluyan ng boyfriend o girlfriend nila. Ang hindi nila alam, sa bawat ngiti, may kaakibat na sakit. Matagal na ba kayong dalawa?”
JUSTINKAAGAD kong nahila si Riz nang makitang gumewang ang kotse. Natigalgal siya sa bilis ng pangyayari. Luckily, hindi siya nasaktan. Sa galit ko ay dumampot ako ng bato at pinukol ang sasakyan para huminto. Basag ang salamin n’on sa likod sa lakas ng tama ng bato. Malakas din ang pagkakabato ko as I used to pitch when I was younger.“Justin!” saway sa akin ni Riz pagkabato ko. Bakas ang gulat at hindi siguro niya inakala na magagawa ko iyon. Hindi ko siya pinansin at hinintay na lumabas ang driver ng kotse.When the door on the driver’s side opened, sumusuray ang binatilyo at nang tingnan ang damage ng kotse ay para siyang nahulasan.Fuck! How old is he? 16? Ni hindi siya umabot sa balikat ko. I don’t think he has a driver’s license. Worse, it’s either itinakas niya lang ang kotse o hiniram niya.“What the fuck?! Bakit mo binato ang kotse?” Panay ang sapo niya sa ulo at kamot sa leeg, tense na tense at mukhang kaunti na lang ay iiyak na.“Do you even know what happened earlier?” g
RIZHINDI ko kilala ang sakay ng sasakyan but when Justin asked me to go inside so he can talk to the visitor, it seems that he knew this person.Our date was almost perfect, kung hindi lang sa aberya kanina doon sa teenager na muntik makabundol sa akin. Justin kept his cool pero hindi rin nakapagpigil nang sumagot nang pabalang ang bata. I don’t believe that he is a bad person. Baka may pinagdadaanan lang. Ang sabi ni Justin ay isang sikat na boxer daw ang ama nito noon na ngayon ay retired na at tahimik na namumuhay kasama ang kaniyang pamilya.Nanlalagkit ako kaya nagdesisyon akong mag-shower muna habang naghihintay kay Justin. I still have to pack a little bag for our trip tomorrow. Hindi ko alam kung babalik din kami sa hapon o doon matutulog sa penthouse.When I was done with my shower, ang isinuot ko ay ang malaking T-shirt ng asawa ko. Abot iyon hanggang taas ng tuhod but I didn’t care as long as I’m comfortable. Natapos ako sa pag-aayos ng gamit at nakainom na ako ng vitamins
JUSTIN“SHE wants to meet with me. Are you going to let me?” tanong ko sa kaniya. Wala akong alam na dapat naming pag-usapan, pero mas mabuti na ipaalam ko kay Riz para wala kaming pag-awayan.Hindi kaagad siya nakasagot at naiintindihan ko iyon. Sino bang asawa ang gustong magkita ang asawa niya at ex nito? If I was in her place, baka hindi ko siya payagan.“You can see her if you want.” Labas sa ilong ang pagkakasabi niya kaya hindi ko mapigilan ang mapatawa. “At nakakatawa ka pa? Nami-miss mo siya?”Halos mag-isang linya ang mga kilay niya at halatang naiinis. I wonder what Riz is like when she is not pregnant? Selosa kaya siya?“Hindi ako makikipagkita kung hindi mo ’ko papayagan. Ikaw ang asawa ko. At hindi ko siya nami-miss.” I tapped her nose lightly pero mukhang hindi iyon effective dahil nakanguso pa rin siya.Madalas sabihin sa pelikula iyong tulak ng bibig, kabig ng dibdib. And that’s what Riz is doing right now. Pareho lang kaming nangangapa sa pagsasama namin but I think
JUSTIN NANG makarating ako sa penthouse, ang asawa ko ang bumungad sa akin. May suot siyang apron at bahagyang umiindak sa saliw ng isang malamyos na kanta. She probably didn’t hear me come in dahil abala siya sa ginagawa. Saglit ko siyang pinagmasdan. Kung anuman ang nangyari kanina sa opisina ay saglit ko iyong kinalimutan. Right now, I’m in heaven. Humakbang ako palapit sa kaniya at naupo sa barstool. I was going to give her a kiss pero may hawak siyang kutsilyo and the last thing I want ay magulat siya at masaksak ako. That would be terrible for both of us. Sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya nang makita ako. Binitiwan niya ang kutsilyo, nagpunas ng kamay sa apron, at saka lumapit sa akin. “Hi!” She kissed my cheek at bahagyang umagwat. Riz remained in close proximity. “Hi, what are you doing?” “Making us a simple lunch.” Bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka. I thought we were going out for lunch pero mukhang nagbago ang isip ng buntis. Napakamot siya sa leeg
RIZJUSTIN and I had a good lunch. Nagustuhan niya ang inihanda ko at halos maubos namin ang kanin. Wala si Manang kaya malaya akong magligpit ng pinagkainan namin. I took our dirty dishes in the sink at binalikan ang mga baso. Justin was checking his messages at the moment kaya sinamantala ko iyon para simulan ang paghuhugas. So far, nag-e-enjoy naman ako sa buhay may-asawa namin. Kahit for convenience lang kami nagsimula, we are trying our best to work on it.Muntik ko nang mabitiwan ang plato nang may humalik sa batok ko.“Can I have my dessert now?” bulong niya sa akin. Nagtindigan yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa sinabi niya.“Naghuhugas ako ng plato, kung ano-ano’ng naiisip mo. Kapag nagkaroon tayo ng appendicitis— Hah!” He cupped my buttock at pinanggigilan iyon. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya saka pinag-igihan ang panlalandi sa akin. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas sa lahat ng gusto niyang gawin sa buhay. And yes, sex is fun pero nakapapagod rin
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot
JUSTIN“ARAY!”Tinaliman niya ako ng mga mata. Akma niya akong kukurutin pero inunahan ko na siya at umaray na kaagad ako habang tumatawa. I know Dad’s plan wasn’t the best. ’Yong mga ipinakita kong panlalamig kay Riz nang dumating siya ay sarili ko nang plano. It did work though: buntis na siya ngayon at hindi pa siya bumabalik sa States.“Pasalamat ka talaga at mahal kita, kung hindi ipapakulam kita.” Pinandilatan niya ako ng mga mata at humalukipkip.“Wala ka namang kilalang mangkukulam.” Binigyan ko siya ng maliliit na halik sa pisngi, sa noo, sa panga, at sa kung saan pa na puwede.“Pag-aaralan ko at ako na lang ang gagawa. Nakakainis ka! Mabuti na lang at pareho kayo ng kuwento ni Nina. Kung hindi, iisipin ko talagang may gusto ka sa kaniya.”“I never liked her more than a sister. She’s like Ryleigh to me.”“I know. I just . . . It’s just a little hard to believe that men like you still exist. Abstinence isn’t easy— Bakit ka tumatawa?”“Paano mo alam na wala nga?” Okay, that was
JUSTINNAALIMPUNGATAN ako nang lumundo ang kama at makita ang asawa ko na ngayon pa lang mahihiga. Napasarap siguro ang kuwentuhan nila ni Nina. Pumihit ako paharap sa kaniya at yumakap. I didn’t want to leave them at the living room earlier pero mukhang may gusto silang pag-usapan na hindi ko puwedeng marinig. And when it comes to women, I know how much privacy means to them. Bata pa lang ako ay palagi na ’yong ipinapaalala ni Nanay sa akin.“What time is it?” tanong ko sa kaniya.“Late.”“Baby, bawal sa ’yo ang mapuyat,” paalala ko sa kaniya. “Umuwi ba si Nina o napilit mong matulog sa guest room?”“Nagpilit umuwi, e. Kaya hindi ko na pinigilan.” Humalik ako sa sentido niya at saka ipinikit ang mga mata ko. I should have known na wala siyang planong pabalikin ako sa tulog kaagad. “How did you meet her again?”“Gusto mo talagang mapuyat?” I lightly tapped the tip of her nose.“Ten minutes and I will go to sleep. Magkuwento ka na.”Ipinaalala pa niya sa akin na hindi raw dapat sumasam
RIZSA pagod ko, maaga akong nakatulog. I woke up the next morning that Justin was no longer in bed. Hinagip ko ang roba ko sa gilid at saka isinuot. Ipinusod ko ang buhok ko at saka naglakad palabas.“Good morning, baby,” bati niya sa akin habang nagsasangag ng kanin.I felt queasy in an instant. I loved the smell of fried rice but today, sobrang baho nito na hindi ko kayang amuyin. Nagtatakbo ako papunta sa powder room at doon sumuka pero wala naman akong inilabas. Puro laway lang at sobrang sakit ng ulo ko.“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“Ang kalan?” Napangiwi siya dahil hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Ang isip ko ay nasa niluluto niya dahil baka masunog.“Nasusuka ka pero ’yong kalan pa ang inaalala mo?” Napahilamos siya sa kaniyang mukha. “Masakit ba ang ulo mo?” Tumango ako. “Dizzy?” Tumango ako uli. “I’m taking you to the hospital. Baka kung ano na ’yan. Kahapon pa masakit ang ulo mo. Mas mabuti na ’yong malaman natin para maagapan kung tumor.”I rolled