Dahil sa pagsigaw pabalik ni Gretchen ay kuryusong napatingin ang ilang nurse na napapadaan.They're already attracting attention from the workers.Mas lalong naramdaman ni Natasha ang pagkapahiya, na kailanman hindi niya naranasan. Tanging si Gretchen lamang ang kayang gumawa nito sa kaniya.Namutla ang kaniyang mukha nang magbaba ng tingin sa kaniya ang ginang.“Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na!” Sigaw nito.Nanginig ang kaniyang mga labi.Kitang-kita niya ang disgusto sa mga mata nito.“Tita Gretchen, I know that you don't like me.” Nanginig ang kaniyang boses.“Pero hindi po ako pumunta rito para mag-eskandalo. Gusto ko lang pong makita si Lolo Gregory at matingnan kung ano na ang kalagayan niya. I don't mean any harm.”Nanubig ang kaniyang mga mata dahil sa takot. Kamukha ni Greig ang babae. This woman in front of her is the girl version of Greig. She could also be mean and ruthless.Malamig pa rin ang tingin nito sa kaniya.“Hindi mo ba ako narinig? I want you to leave! You'r
Pagkapasok ni Greig sa ward ay naabutan niyang inaayos ni Gretchen ang pinagkainan ni Señor Gregrory.Muli ay mahimbing na naman na natutulog ang matanda.Hindi siya agad nakabalik dahil ilang tawag ang pumasok sa kaniya, at kinailangan niya iyong sagutin.The meeting with the investors were put on hold again.Naglakad siya palapit. Lumingon sa kaniya ang kaniyang ina, nang makita siya nito'y mabilis na nalukot ang mukha.Inilibot niya ang tingin, ngunit hindi niya mahanap si Ysabela.“Where's Ysabela?” He asked.Parang hangin na hindi siya pinansin ni Gretchen. Naupo ang babae sa maliit na sofa sa gilid. Hindi siya nito sinagot.“Mom, where's Ysabela?” Sinubukan niyang muli.Nasa labas ang media, imposibleng pinaalis ng kaniyang ina ang babae.Huminga ng malalim si Gretchen at nag-angat ng tingin sa kaniya. Madilim ang mga mata nito.“Ano ngayon sa iyo kung nasaan si Ysabela?” Malamig nitong saad.He pressed his lips into thin line. Hindi pa rin ito kumakalma.“Bakit hinahanap mo? Yo
Pagod siyang umuwi sa villa nang hapong iyon. Hindi na sila halos sumakay ng elevator dahil sa fire exit sila dumaan para maiwasan ang mga reporter.Kahit sa parking lot ay naghihintay ang mga tao.At dahil naantala pa ang sasakyan dahil sa kumpulan ng mga tao, narinig niya ang ilan sa kanilang pag-uusap.“Nasa loob din si Natasha Entrata!” Masayang sabi ng isang babae.“Sure she's here. Nasa loob si Sir Gregrory at Greig, I'm sure she visited them.” Sagot ng isa pa.“Baka magpa-interview mamaya ang dalawa?” Umaasang dagdag ng naunang babae.Nag-iwas siya ng tingin, sakto namang nakaalis na sa kumpulan ng mga tao ang kanilang sasakyan. Si Simon na nasa harap katabi ng driver ay tahimik, pero sumusulyap sa kaniya.She wouldn't cry. Hindi niya hahayaan na iyakan ang bagay na ito.Ano ngayon kung alam na ng media ang tungkol sa engagement ni Greig at Natasha? It's only a matter of time, malalaman at malalaman din ng mga tao ang tungkol sa engagement.“Ysabela?” Sinalubong siya ni Manang
Señor Gregory was discharged the next morning. Naroon siya at si Gretchen nang sabihin ng doktor na maaaring nang umuwi ang matanda.Hindi umuwi kagabi si Greig, at wala rin ito sa ward ni Señor Gregory nang umaga. Kaya silang dalawa lamang ang umalalay sa matanda pauwi sa mansyon.Naisip niyang baka naroon ito kay Natasha.“Nagkausap kayo ni Greig?” Tanong ni Gretchen nang nasa sala na sila.Nasa kuwarto na si Señor Gregory at nagpapahinga.Marahan siyang umiling.“Hindi kayo nag-usap? Sinundan ka niya kahapon.” Saad nito.Baka iyong gabi na umuwi si Greig pero umalis din agad. Upang hindi na makadagdag ng problema, pinili niyang huwag nang sabihin kay Gretchen na hindi pa ulit sila nagkikita ni Greig.Inimbitahan siya ng ginang na magtsaa sa lanay. Pinagbigyan niya naman ito.“You should visit again tomorrow, Papa will surely be glad to have you here.”Ngumiti siya sa babae at tumango.“Greig's Dad will be home soon. I know he would like to meet you.”Natigilan siya sa sinabi nito.
“Who was it?” Nag-aalalang tanong ni Alhaj nang ibaba ni Yvonne ang tawag.She bit her lower lip. Ang babaeng iyon talaga! Kung ano-ano na lamang ang iniisip.Umiling siya.“Si Yvonne. Mukhang nakita tayong nag-uusap.”Tumango ng marahan si Alhaj.“May problema ba? You look flustered.” Puna nito.Hinawakan niya ang pisngi. Totoong mainit ang kaniyang pisngi.Namumula ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan.“W-wala ‘to.” She answered.Ngumiti naman si Alhaj at pagkaraan ay nagbuntong-hininga.“Mukhang alam ko na kung ano ang sinabi ni Yvonne.”Kumunot ang kaniyang noo.“Did she tease you again?”Mas lalong nag-init ang kaniyang pisngi. Palagi naman ganoon, kahit noong college pa lamang sila. Iniisip ng lahat na may kahulugan ang pagiging mabait ni Alhaj sa kaniya.Kaya siya na ang nahihiya para kay Yvonne.Idinaan niya sa tawa ang pagkailang.“She thought this was a date.” Aniya.“She really didn't change. Palagi naman niya akong inaasar.” Dagdag niya nang mapansin ang paninitig ni Alha
Hindi pa man nag-a-alas otso ay hinatak na siya ni Yvonne papunta sa club na tinutukoy nito.Mabilis ang patakbo nito hanggang sa makarating sa parking lot ng club.At dahil nakasuot siya ng puting tube top na pinaresan ng high waisted jeans at pinatungan ng itim na coat, kinailangan niyang ayosin ang sarili. Pinahubad ni Yvonne ang coat at tanging tube top na lamang ang natira.Halos lamigin siya nang maglakad sila papunta sa entrance ng club.“Kailangan ba na alisin ko ang coat?”Nagtaas ng kilay si Yvonne.“You look so formal with a coat on! Goodness, we're going to a club.”Hinila na siya nito papasok ng club.The bouncer even greeted her friend!Bagong-bago ang club pero mukhang kilala na si Yvonne ng mga staff rito.Hinila siya nito papunta sa bar counter. Naupo ang babae sa high stool kaya naman sumunod na rin siya.“Good evening, Miss.” Bati ng bartender kay Yvonne.Ngumiti ang kaniyang kaibigan at nag-order ng inumin. Hinatak niya ang kamay nito para makuha ang atensyon nito,
Nakahilig si Greig sa maliit na sofa nang pumasok ang doctor para tingnan si Natasha.Hindi niya maiwan ang babae dahil maya't maya ito kung maghysterical, kinailangan pang turukan ng tranquilizer para kumalma.“We couldn't inject more than the enough dosage, baka mamaya ay magising din agad ang pasyente.” Iyon ang saad ng doktor bago umalis.Ilang oras lang iyon na pampakalma kaya nanatili siya sa ward ni Natasha. Nasa labas din si Ada dahil may inaasikaso ito sa nurse station para sa bagong gamot ng pasyente.Kapag gumising ito'y baka kung ano na naman ang gawin sa sarili.Hinilot niya ang sintido at ipinikit ang mga mata. Nakatanggap siya ng mensahe kaninang umaga na umuwi na ang kaniyang Lolo sa mansyon.Hindi man lang niya nasamahan dahil naging abala siya kay Natasha.Nang buksan niya ang mga mata, natanaw niya agad na gising na ang babae.Tumayo siya't naglakad palapit, pero halos matigilan din nang makitang umiiyak na naman ito.“G-greig,” nanginig ang boses nito. “Akala ko in
He could be nice to her, but he would never touch her.Paano niya iyon matatanggap? Akala niya'y nahuhulog na sa kaniya si Greig.Akala niya'y magkukumahog ito para angkinin siya. Hindi iyon matanggap ng kaniyang ego.Kaya para maiwasan na mapahiya pa lalo, kinabukasan ay umalis siya at nag-ibang bansa.Ilang buwan lang ay sumunod din si Greig, akala niya iyon ay dahil sa na-realize na nito ang halaga niya.Ngunit hindi niya inaasahan na mabalitaan na lang bigla ang tungkol sa pagpapakasal nito.She was not in the Philippines when it happened! Pero dahil sa marami siyang bantay kay Greig, nalaman niya agad ang tungkol sa pagpapakasal nito.Why would he do that?Kung nais nitong maikasal, dapat siya ang nilapitan nito! Siya nalang dapat ang kinausap nito hindi na si Ysabela!Parang apoy na kumalat sa kaniyang sistema ang galit at selos.She wants the title of Mrs. Ramos. She wants to own him! To own Greig Ramos, and his heart.Nakita niyang tumalikod si Greig at balak na nitong umalis
“How’s Niccolò?” Agad na tanong ni Archie nang harapin niya si Greig.“Stable na ang anak ko.” Mababa ang boses na sagot ni Greig.“T*ng*n*. Buti nalang hindi gaanong malala ang nangyari kay Niccolò, kung hindi, babalatan ko ng buhay ang g*g*ng Jimenez na ‘yan!”“Ililipit na ba sa ward si Niccolò?”Tumango si Greig bilang tugon. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at pag-aalala. Hindi siya umalis sa pintuan ng emergency room hangga’t hindi lumabas ang doktor at sinabi sa kaniyang maayos naman kahit paano ang naging examination kay Niccoló.Walang major injury at wala rin internal bleeding. Iyon nga lang, dahil hindi pa kaya ng kaniyang katawan ang nangyari sa kaniya, nagcollapse ito nang hindi na kayang indahin ng bata. Pinipilit lang pala ni Niccolò na tiisin ang lahat ng kaniyang mga pasa at sakit ng katawan.Kanina pa nagdidilim ang kaniyang paningin, at ilang beses na niyang naisip na b*r*l*n si Jimenez. Paulanan ito ng bala sa katawan hanggang sa makuntento siya, pero hindi niya gi
“Ako na, Ysabela.” Pinigilan ni Patrick si Ysabela na bumaba pa ng kama para pulutin ang basong nahulog.“Pasensya na, ‘di ko sinasadya.” Hinging-paumanhin ni Ysabela sa lalaki.Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo at nabitiwan niya ang hawak na baso kaya nabasag tuloy nang tumama sa sahig.Umuklo si Patrick para pulutin ang kalat, sakto naman na pumasok si Athalia sa kuwarto, matamlay at medyo namumutla ang mukha ng kaniyang anak.“Athy?” Tawag niya, nag-aalala.“I don’t feel well, Mom.” Malungkot na imporma ng kaniyang anak habang lumalakad palapit.“Come here, baby.”Dahan-dahan lumapit si Athalia at umakyat sa kama. Tumingin ito kay Patrick na ngayon ay namumulot ng mga basag na parte ng baso.“What happened?” Kuryuso nitong tanong.Inilapat niya ang kaniyang palad sa noo ng kaniyang anak at pinakiramdaman, hindi naman ito mainit.“The glass slipped in my hand.” Paliwanag niya.“Patrick?” Tawag niya sa lalaki na ngayon ay dahan-dahan nag-angat sa kaniya ng tingin.“P-pwe
“Niccolò is in the police station.” Imporma ni Archie pagkatapos ng tawag galing sa isang tauhan.Nasa likod sila ng sasakyan kasunod ng van na sinasakyan ni Alhaj. Halos hindi niya nilulubayan ng tingin ang sasakyan nito, ngunit dahil sa sinabi ni Archie ay agad na napukaw ang kaniyang atensyon.Nilingon niya ang kaibigan. Nabuhayan siya ng loob.“Saan?”Binanggit ni Archie ang lokasyon ng police station. Agad niyang inutusan ang driver na magtungo roon.It only means one thing, Niccolò’s safe!Kanina pa nagmamatigas si Jimenez, ayaw sabihin sa kanila kung saan nito dinala si Niccolò. Mabuti na lamang ay may nagbalita sa kanila na isa sa kanilang mga tauhan kung nasaan ito.Inimporma ni Archie ang driver ng van na dumiretso sa stasyon ng mga pulis kung saan nakita si Niccolò. Dahil doon sila magtutungo.Ilang minuto ang lumipas ay tumigil din sa wakas ang sasakyan. Dali-daling bumaba si Greig, sumunod si Archie, at ang ilang tauhan.Patakbo siyang umakyat sa ilang baitang saka dumire
Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Sobrang lalim ng sugat sa kaniyang puso na hindi siguro titigil ang pagdurugo no’n.Maybe we could love each other more than friends… but we’re not meant to be lovers.Nagtagis ang kaniyang bagang at marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha.Ang hirap pa rin tanggapin, na kahit minahal siya ni Ysabela, hindi pa rin iyon umabot sa puntong higit sa pagkakaibigan.Ibinaba niya ang tawag at tinakpan ang kaniyang mukha. Umiyak siya hanggang sa pakiramdam niya’y wala na siya iiyak pa.Sobrang sakit.Mukhang wala na talaga. Hanggang dito lang; hanggang dito nalang.Tumayo siya, saka isinuot ang itim na sumbrebro. Nakaitim rin siyang t-shirt at itim na pantaloon. Kahit pa alam niyang wala na siyang pag-asa, susubukan niya pa rin na umalis ng bansang ito.Maaari siyang pumunta ng Guatemala.Pagkalabas niya ng kuwartong inuukupa, sinigurado niyang maayos ang kaniyang sumbrero at hindi makikita ng buo ang kaniyang mukha.Gamit ang taxing binook na ni
“Alj, it’s not too late.” Marahang saad ni Ysabela sa kabilang linya.Kung hindi pa siguro magulo ang isip niya, baka narinig niya nang malinaw ang pagsusumamo sa boses nito.“We can still do something about this.” Panghihikayat nito.Umiling siya.“Tama si Ale, ang sama ko. Ang sama-sama kong tao, Ysabela. Nabulag ako, naging makasarili, at nakipagsabwatan kay Natasha. Nalaman ko ang tungkol sa plano niya. S-sinubukan ko siyang pigilan, Ysa.”Kinagat niya ang ibabang labi habang inaalala ang mga pangyayari ng araw na iyon. Pareho silang nasa ospital ni Natasha, siya ay para makapagpacheck-up sa kaniyang mga sugat at pasa na natamo galing kay Greig nang sumugod ito sa resthouse.Samantalang si Natasha ay nasa ospital, tinitingnan ng mga doktor. Aksidente niyang narinig na may kausap ang assistant nito, si Ada. Nabanggit ang pangalan ni Ysabela kay mas lalo siyang nakuryuso.Nalaman niyang pinapabantayan si Ysabela dahil paniguradong babalik na ito sa Manila kasama si Greig. Iyon na an
“Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kama.“Your son? Bella’s son?” Tanong nito.“But according to the news, it was Greig Ramos’ son with Ysabela Ledesma! Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin—”“Ale, please. They’re trying to frame me up. Alam mong hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng masama. Umalis ako ng Sicily, kasama ko si Niccolò, dahil hindi kami tinitigilan ni Greig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabawi si Bella. Please, Ale. I really need help.” Pagsusumamo niya.Narinig niya ang buntong-hininga ni Alessandra sa kabilang linya. Sinundan iyon ng pagmumura.“I’m sorry, Alj. I’m sorry. Kuya Domingo wouldn't let me meddle with your problem with Greig and Archimedes. Maimpluwensya si Archimedes Garcia, kung malaman niya
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Pinadala mo ang mga litrato namin ni Ysabela kay Greig at Gregory Ramos. Pinalabas mong pinagtataksilan namin si Greig, at ako ang ama ng dinadala ni Ysabela para kahumuhian nila si Ysabela. You were really a cunning b*tch. You know your way around.”Noong una, hindi naman niya talaga gustong agawin si Ysabela sa isang magulong pamamaraan. Nang malaman niyang maghihiwalay na si Greig at Ysabela, nabuhayan siya ng loob, oo.Pero hindi siya umabot sa punto na papatay na siya ng tao para lang makuha ang babaeng gusto niya.Hindi kagaya ni Natasha.“I don’t care what you want to say to me, Alhaj. Pareho lang tayo. Ginusto mong makasama si Ysabela. Ginusto mo siyang itakas!”“Itinakas ko siya dahil alam kong hindi mo siya titigilan hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo! Ano? Naging masaya ka ba nang makuha mo si Greig? Minahal ka ba niya? Napalitan mo ba si Ysabela?”“Tama na!” Sigaw ni Natasha.“Tama na!”Biglang namatay ang tawag kaya naman mapait siyang
Maraming pulis ang nagkalat, may ilang checkpoint na din sa mga highway lalo pa’t namataan na ng mga tauhan ni Greig si Alhaj.Medyo kabado na rin si Alhaj dahil alam niya, binabantayan na rin lahat ng port, pier at station. Kaya kahit taxi ay nagdadalawang-isip na siyang sumakay, baka masita sila sa isang checkpoint at mahuli siya.T*ng*n* lang talaga.Itinapon niya ang cellphone na ginamit ni Niccolò, saka humanap ng store para bumili ng bago. Kabado siya, hindi alam kung saan pa pupunta dahil tila lumiliit na ang mundo para sa kaniya.Gamit ang bagong cellphone, sinubukan niyang tawagan si Natasha. Dalawang beses na niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot ng babae.“Niccolò.” Tawag niya sa bata, na kanina pa nakatungo at walang imik.“Nics.” Nag-squat siya sa harap ni Niccolò.Tiningnan siya nito, mugto pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.May kakaibang lungkot at sakit ang umukupa sa kaniyang puso nang makita ang takot at pagsisisi sa mga mata ni Niccolò.“I have to… I have to leave yo
“I have loved him with all my heart, Patrick. Siguro, siguro kaya hindi ko siya no’n maalala kasi takot na takot ‘yong isip ko na kapag maalala ko siya, maalala ng puso ko kung paano ko siya minahal. At kung paano ako nasaktan sa huli.”She smiled painfully.“Wala akong maalalang maganda kay Greig. Nang bumalik lahat ng alaala ko, for a moment, nagsisisi rin ako. Kasi naintindihan ko na ngayon kung bakit naging coping mechanism ko ang magbura ng masasakit na alaala. Kasi sobrang sakit pala. Para akong namamatay sa sakit, Patrick.”“I’m sorry, Ysabela.” Nagsisising saad ni Patrick.Hindi niya alam lahat ng sakit na naramdaman ni Ysabela, ang alam niya lang, naging magulo ang relasyon ni Greig at ng babae.Baka mali siya, sana pala ay hindi na siya nagsalita pa.“Pero kahit paano, natanggap ko na, na kailangan kong harapin ang katotohanan at hindi na dapat ‘yon takbuhan pa. Anak ni Greig ang mga anak ko, may karapatan siya, at hindi ko ‘yon ipagkakait sa kaniya. Kung mabawi niya si Nicc