Sa hallway pa lamang ng ospital ay nagkasabay na sila ni Ada, lumabas saglit ang babae para dalhin ang bagong gamot ni Natasha sa nurse station.“Mabuti naman bumisita ka na, Greig.” Ngumiti ito sa kaniya.Hindi niya nasuklian ang ngiti nito. Lalo pa't hindi maganda ang mood niya. Binuksan ni Ada ang pinto ng silid ni Natasha at agad niyang natanaw na nakahiga ito sa hospital bed pero dilat na dilat ang mga mata.Lumingon sa kanila si Natasha at nang makita siya ay agad na nanlaki ang mga mata.“Greig.” Napapaos nitong saad.Naglakad siya palapit sa babae samantalang pilit naman itong bumangon. Inalalayan ni Ada si Natasha dahil nahihirapan itong makaupo.“You're here.” Malungkot nitong sabi, pilit ang ngiti.“Do you need water, Natasha?” Tanong ni Ada.Tumango ng marahan ang babae. Ibinigay ni Ada ang isang basong tubig at pinangalahatian naman iyon ng huli.“T-thank you, Ada.”“How do you feel now?” Tanong niya sa babae.Nanatili ang pilit na ngiti nito at pagkaraan ay bumaling kay
“Nat, huminahon ka.” Lumapit si Ada at hinawakan ang kaniyang balikat.Tiningnan niya ng masama ang babae. Mabilis naman nitong itinikom ang bibig.“How can I calm down, Ada?! He just walk away like that. Hindi pa nga siya nag-iisang oras ay umalis na agad!”Huminga ng malalim ang babae.“Hindi ba babalik din naman siya? Iyon ang sabi ni Greig.”“Shut up!” She fired back.“May pakiramdam akong hindi na babalik si Greig. Aalis na iyon.”Umiling si Ada, pilit siyang kinukumbinsi.“Calm down, okay? Baka mamaya ay biglang bumalik si Greig at makita ka sa ganiyang disposisyon.”Natigilan siya dahil sa sinabi nito. Totoong galit siya at mahirap siyang mapakalma, pero dahil sa sinabi nito'y parang nahimasmasan siya.Kinagat niya ang ibabang labi at nanubig ang gilid ng kaniyang mga mata.“I feel so tired, Ada.” Naiiyak niyang sabi.Ang totoo'y mas lalo siyang nagiging emosyonal dahil sa ilang gamot na iniinom kahit wala naman siyang karamdaman. Alang-alang kay Greig ay tinitiis niya ang peke
Pagkatapos nang gabing iyon ay hindi na sila halos magkita ni Greig. Palagi na mag-isa siyang kumain sa hapagkainan at pagkatapos ay maghapon na siyang nagkukulong sa kuwarto.Noong nakaraan ay bumisita si Gretchen, isinima siya sa mall para mag-shopping ng ilang oras.At kagaya ng sabi nito, puno ng pananabik ang puso nito sa anak na babae kaya naman kahit na pagod na ang kaniyang katawan magsa-shopping ay pinakita niya pa rin na ayos lang.“This looks good on you, Ysa.”Itinaas ni Gretchen ang isang puting signature bag.Umiling siya.“Mom, tatlo na ang nabili nating bag.” Nahihiya niyang sabi.Hindi niya itatanggi na magaganda ang mga pinipili nitong bag, pero hindi bababa sa kalahating milyon ang mga presyo no’n.Hiyang-hiya na siya na mas marami ang dala niyang paperbag kaysa sa babae.Ngumiti ito sa kaniya ng masuyo, hindi pa rin ibinabalik ang hawak na bag.“You don't have enough bags on your closet.” Sabi nito.Natawa siya ng bahagya at lumapit sa babae.“Hindi ko naman po iyo
Tahimik sila buong byahe. Nasa magkabilang dulo silang dalawa at parang may pader na nakapagitan sa kanila.Ngunit napapapikit siya sa tuwing nanunuot sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango ni Greig.It was still so good, she thought.Ngunit sa tuwing nadadala ang kaniyang emosyon ay mabilis niyang kinukurot ang sarili.Parang pabango lang! Nababaliw na talaga siya.Ilang minuto ang lumipas at nakarating din sila sa wakas.Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto. Lumabas siya at agad napansin na hindi pamilyar sa kaniya ang lugar.Maliit na clinic lamang iyon katabi ng ilan pang establishmento.Naglakad si Greig papunta roon at sumunod naman siya. Nasa likod siya nito nang tumigil ang lalaki dahil nagvibrate ang cellphone nito.He fished it out. Hindi sinasadyang nasulyapan niya ang screen ng cellphone at nakita ang pangalan ng tumatawag.Nakaregister ang pangalang “Snow” sa screen.Saglit na parang tinusok ang kaniyang puso sa nakita. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at
Syempre at hindi iyon isinapuso ni Ysabela. Alam niyang binibiro lamang siya ni Patrick kaya hindi niya ito sinagot.Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ng doktor at ikiniling pa bahagya ang ulo.“If you don't say anything I'll take that as a yes.”Nagsalubong ang kanilang tingin. Hindi napapawi ang ngiti nito kaya naman sasagot na dapat siya nang maunahan siya ni Greig.“Why don't you just do your job and stop messing around?” Malamig na saad ni Greig.Tumawa ang lalaki at pagkaraan ay tumango-tango ito.“Of course, I'll treat Ysabela now.” Masaya nitong sabi.Hindi na niya magawang sulyapan si Greig, pero nararamdaman niya ang paninitig nito sa kaniya.Inalis ni Patrick ang kaniyang benda at nakita nito ang sugat. Medyo natigilan pa ang lalaki at pagkaraan ay natahimik.“These would still hurt.” Saad nito.Namutla ang kaniyang mukha.Mababa ang kaniyang pain-tolerance iyon ang alam niya. Makakita lamang siya ng karayom ay parang mahihimatay na siya.At alam niyang alam din iyon ni Gr
Paglabas ni Ysabela ay naabutan niya si Greig sa hallway. Nakapamulsa ito at ang mukhang irita. Nakabusangot ang mukha at hindi maipinta.Kumunot ang kaniyang noo. Hindi naman siya nagtagal masyado para mabagot ito.“Are you done?” Tanong nito nang makita siya.Marahan siyang tumango.“Come on, let's go.”Hawak niya sa isang kamay ang ibinigay na mga gamot ng nurse. Kinuha iyon ni Greig at saka hinawakan ang kaniyang kamay para hilahin paalis.“W-wait, hindi ba tayo mag-papaalam kay Patrick?”Napaka-weird bigla ng lalaki.Mas lalong bumilis ang paglalakad ni Greig.Nagmamadali ba ito?Biglang umasim ang kaniyang sikmura nang maalala na kanina ay tumatawag si Natasha, siguro'y tumawag na naman ito at hinahanap ang lalaki.Dahilan para kaladkarin na siya paalis ni Greig.Malapit na sila sa receptionist nang malingunan niya ang opisina ni Patrick. Lumabas ang lalaki, natanaw silang paalis.“Ysabela!” Sigaw nito.She doesn't want to be rude.Tumigil siya sa paglalakad dahilan para mapilit
“Is t-that true?” Natasha asked.“Greig? Are you going to file the divorce already?” Umaasa nitong tanong.“Let's talk later.”Hindi niya inaasahan na ibababa ni Greig ang tawag.Pinatay nito ang cellphone at humarap sa kaniya. Madilim ang anyo nito.“What's that?” Galit nitong tanong.Kumunot ang kaniyang noo.“What?”“Why would you answer her that?”Nagkasalubong ang kaniyang kilay dahil sa naging reaksyon ng lalaki.“Bakit? Ano ba dapat ang sasa—”“I didn't tell you to answer her!” Pagalit nitong sabi.Nabigla siya sa pagsigaw ni Greig.Yes, it's a phone etiquette to never answer a call that is not yours nor a question that is not intended for you. Pero ano pa bang sasabihin ko? Na magkasama kami dahil sinamahan mo ako sa clinic?Ano nalang ang iisipin ni Natasha?Nag-iwas siya ng tingin sa sobrang inis kay Greig.Hindi na niya nasabi ang kaniyang nasa isip dahil mas gusto niyang ignorahin na lamang ito at matapos na.Samantalang mas lalong lumaki ang galit ni Greig sa kaniyang sar
“I'm sorry, Tita. But I think... it's time for you to know the truth.” Sumeryoso ang mukha nito.“W-we really have to file a divorce.”Para siyang natutunaw sa tingin ni Gretchen. Nakaka-intimidate ito kapag seryoso ang mukha.Natahimik saglit ang ginang. Pagkaraan ay humawak ito sa puso.Naalala niyang mahina ang puso nito.“Tita?”She tried to reach Gretchen.Pumikit ito ng ilang saglit at namumula ang matang napatingin sa kaniya.“Where's Greig? Napag-usapan niyo ba ito ng maayos?”Lumapit ang mayordoma nang makita ang hitsura ni Gretchen. May dala itong tubig.She helped Gretchen to drink.Nahahapo ito.Ngayon ay may kaonting pagsisisi sa kaniyang puso.Bakit nakalimutan niyang mahina ang puso nito?!“Tita, I'm sorry.” She guiltily said.Umiling ito pagkatapos uminom ng tubig.“Wala kang kasalanan, Ysabela.” Saad nito.“I'm sure Greig has something to do with this! Ano bang nangyayari sa kaniya? Pinapabayaan ka ba niya, Ysabela? O...”Napasinghap ito.“Walang hiya ang batang ‘yon
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a