Kahit na nasa condo lang si Yvonne, nabalitaan niya pa rin ang paglipat ng araw ng kasal ni Archie at Lindsy.Naisip niyang baka naapektuhan ang schedule ni Archie dahil sa paglahok nito sa pandaigdigang kalakalan ng langis. Ang orihinal na araw ng kasal ay ngayong katapusan ng buwan, ngunit binago iyon.16th day of April. Tatlong linggo mula ngayon.Sa bagay. Kung hindi siya nagkakamali, kaarawan din iyon ni Lindsy. Isasabay ang kasal sa kaarawan ng babae upang mas maging engrande at espesyal ang araw na iyon.“Von?”Dalawang katok ang pumukaw sa kaniya. Narinig niyang bumukas ang pinto at sumunod ang mga yabag ni Agatha.“Von?”Lumundo ang kama nang maupo sa gilid si Agatha. Inalis nito ang kaniyang kumot at inilapat ang palad sa kaniyang noo. Dalawang araw na siyang nilalagnat.Sa umaga, medyo nahihilo siya at naduduwal pero hindi naman sumusuka. Sa tanghali, nagiging normal ang temperatura ng kaniyang katawan at nagiging maayos ang kaniyang pakiramdam. Samantalang sa gabi ay nilal
Alas nuebe ng umaga nang nasa opisina na si Yvonne ni Dra. Meffor. Medyo natagalan ang doktor na makipagkita sa kaniya dahil binisita pa nito ang ibang pasyenteng nasa ospital. “I’m glad that you’re doing great now.” Nakangiting sabi ni Dra. Meffor nang makita na naghihilom na ang sugat sa gilid ng kaniyang ulo. “Sumasakit pa ba ang ulo mo, Miss Santiago?” Marahan siyang tumango. “Nitong nakalipas na dalawang araw, nahihilo ako kapag gigising sa umaga. Nawawala rin naman iyon kapag malapit nang magtanghali. Sa hapon naman hanggang gabi, malamig ang katawan ko at inaapoy ng lagnat. I don’t know if my wounds and broken bones were to blame for my nuisance and fever.” Tumitig si Dra. Meffor sa kaniya. Tumayo ito pagkaraan at lumapit. Inayos ng babae ang stethoscope at inilapat iyon sa kaniyang likod, pagkatapos ay sa kaniyang dibdib. Mabilis lamang nito na pinakinggan ang kaniyang pulso at tumango na. “Let me run some test first.” Nasa labas ng opisina si Agatha, naghihintay na mat
Mas mahirap pala ito kumpara sa kaniyang inaasahan. Siguro, mas naging payapa ang isip at puso ni Yvonne kung narinig niya kay Dra. Meffor na may malubha siyang sakit. Mas naging payapa sana ang kaluluwa ni Yvonne kung nalaman niyang may taning ang kaniyang buhay at hindi na siya magtatagal sa mundong ibabaw.Mas gugustuhin niya sanang marinig mula sa babaeng doktor ang isang masamang balita, kaysa marinig ang mga katagang binitawan nito kanina.“Yvonne?”Maingat na itinigil ni Agatha ang sasakyan sa gilid ng daan nang masulyapan niyang umiiyak si Yvonne.Tahimik ito, nakatulala lamang habang tumutulo ang mga luha sa maputla nitong pisngi. Para itong matigas na bato, walang kibo at hindi gumagalaw, ngunit ang tahimik nitong pagtangis ay nakakaalarma.The shock, fear, and disbelief were written all over her face, when the doctor delivered the news.Kahit si Agatha ay nagulat nang malaman niyang buntis si Yvonne. Ang alam niya, wala itong boyfriend. Wala itong kinikitang lalaki at walan
“I have to get rid of this. I h-have to abort it.” Dahan-dahan na lumayo si Yvonne sa kaniyang pinsan. Ang kaninang namumutlang mukha ay pulang-pula na ngayon. Basa ang kaniyang pisngi ng mga luha, mapula ang kaniyang ilong at mga mata. Ang kaniyang labi ay nanginginig sa takot. “I have to abort it, Agatha.” Sambit niya muli. Laglag ang panga ni Agatha. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin kay Yvonne. Nakikita niya ang desperasyon sa mukha ni Yvonne. Ang sakit sa mga mata nito’y sumusungaw. Nakita niya ang takot at pangamba. Ang pagkalito, ang pagtataka, ang panghihina— halo-halo ang emosyon na dumadaan sa mga mata ng kaniyang pinsan. “Von…” paos niyang tawag sa pangalan nito. “That’s a mortal sin.” Saglit na ipinikit ni Yvonne ang kaniyang mga mata. Parang may tumutusok sa kaniyang puso. There is guilt and hesitation. Ngunit ayaw niyang isipin pa iyon, dahil mas nangingibabaw ang galit at desperasyon sa kaniyang puso at isip. Bakit ganoon? Hindi ba’t binab
“Have you heard about the news?”Kakaahon pa lang ni Patrick mula sa pool. Naupo ito sa katabi niyang sun lounger saka nagpunas ng basang buhok.Sinulyapan ni Archie ang kaibigan, ngunit agad din na ibinalik ang tingin sa screen ng kaniyang laptop. Kahit na pumayag siya na magbakasyon ng dalawang araw, hindi niya pa rin maiwan ang kaniyang trabaho.“What news?” Walang gana niyang tanong.“The Redhanson Banker is going bankrupt, I think they’re planning to sell their real state company.”Tumigil si Archie sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop. Muli siyang nag-angat ng tingin kay Patrick. Nagsalubong ang kaniyang kilay.“Last year, they are the leading real state company in the Philippines, what happened to them?”Dahil sa bagong negosyo na pinasok niya, hindi na siya nangingialam sa mga isyung lokal kaya hindi na siya updated sa mga ganitong balita. Mas malaki ang nakukuha niyang pera sa pandaigdigang kalakalan, kaya mas pinagtutuunan niya sana iyon ng pansin.Pero isa siyang CEO n
Hindi sang-ayon si Patrick sa paraan ng paghihiganti ni Archie sa mga taong nagkasala sa pamilya nito. Hindi niya gusto na gumagamit ito ng dahas at karahasan. Ngunit hindi niya magawang hindi ikumpara ang pagpapahirap ni Archie sa ibang pamilyang siningil nito at sa pamilyang Santiago. Alam niyang nakikipagkita pa rin si Archie kay Yvonne, at kapalit ng serbisyo ng babae ay ang pabor ni Archie sa negosyo at sa kaligtasan ng mga magulang nito. “I know what I'm doing.” Matigas na saad ni Archie. Ngumiti pa rin si Patrick. Tumango siya. “Of course.” Nahiga si Patrick sa sun lounger. Maganda ang kalangitan ngayon. Maaliwalas at matingkad ang pagkaasul. Matanda na sila. Tama si Archie, alam na nito ang kung ano ang ginagawa nito sa buhay. Hindi na siya dapat nangingialam. “I’m curious now, sinong mauuna sa inyong ikasal ni Greig? Mukhang willing na rin naman si Ysabela na hiwalayan na si Greig. Kaya baka pakasalan din agad ni Greig si Natasha.” Bulong-bulong niya. Kumunot ang noo
Nanginginig ang kamay ni Yvonne nang e-click ang ‘confirm’ button sa kaniyang cellphone.Dalawang araw simula nang maging balisa siya sa paghahanap sa mga illegal website ay natagpuan niya rin ang kaniyang hinahanap na mga produkto.Alas tres na ng hapon, nakalimutan na niyang kumain ng tanghalian dahil abala siya sa paghahanap ng gamot sa website.Nang mag-pop up ang three dots sa messenger ng website ay mas lalong kumalabog ang puso ni Yvonne.Dealer: Good afternoon. We need your information, Ma’am. Kindly fill up the form I will send you.Pagkatapos nito’y nakatanggap siya ng isang link.Para siyang aatakehin sa puso habang pinagmamasdan ang link na pinadala sa kaniya ng dealer. Kinakalaban ng kaniyang konsensya ang kaniyang isip. Ayaw ng kaniyang konsensya na buksan ang link, samantalang inuutusan na siya ng kaniyang isip na buksan iyon at ilagay na ang mga impormasyon na kailangan para matapos na.Pikit ang mga matang inilapat niya ang daliri sa screen. Mabilis na idinirekta siy
Habang pabalik sa kaniyang unit ay tulala ulit si Yvonne. Mabilis na masakit ang tibok ng kaniyang puso. Malamig ang kaniyang mga kamay at ramdam niyang namumutla ang kaniyang mukha. Bumukas ang elevator kaya dali-dali siyang lumabas. She's commiting a crime now. But what else could she do? Sinisigaw ng isip niya na ito na lamang ang paraan para mailigtas niya ang kaniyang sarili mula sa mas malaking problema na pwedeng dumating. The last thing she wants to happen now is to get pregnant by the devil. Hindi lang naman sarili niya ang kaniyang inililigtas, pati na rin ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Alam niyang mali ang kaniyang gagawin, pero wala na siyang ibang naiisip na pwedeng maging solusyon. Magulo na ang kaniyang isip, wala na siyang ibang gusto kung hindi ang matapos na lamang ang paghihirap niya. Bago pa mahuli ang lahat, kailangan na niyang agapan ang bagay na ito. Hindi na kailangan na maghirap ang kaniyang dinadala. Hindi na nito kailangan na magdaan sa maramin
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F