Just 1 chapter muna. Nabusy si Author sa paggawa ng PPT for my reports tomorrow.
Umihip ang hangin mula sa nakabukas na bintana. Kumalat ang amoy ng dugo sa buong silid, dahilan para maging mahirap para kay Archie ang huminga. Pababa ng hagdan, ramdam niya ang patuloy na pag-agos ng malagkit at mainit na dugo ni Yvonne sa kaniyang kamay at balikat. Ang pulang likido ay nag-iiwan ng marka sa kaniyang damit, ngunit hindi na niya naisip iyon. Bumalik siya dahil may nakalimutan siya, ngunit hindi niya inaasahan na maririnig niya ang sigawan sa ikalawang palapag, kaya umakyat siya para tingnan kung ano ang nangyayari. Nang makita niyang duguan si Yvonne, parang nablangko nang tuluyan ang kaniyang isip. She's bleeding! “Archie…” patakbong sumunod sa kaniya si Lindsy. Dali-dali itong humarang, namumutla ang mukha at bakas ang takot sa mga mata. Kagaya niya, halatang natataranta si Lindsy. “I… I didn't mean it. Nadala lang ako ng galit.” Sinubukan nitong magpaliwanag. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Archie. Wala siyang panahon para makinig sa paliwanag
“How’s the patient?” Agad na sinalubong ni Archie ang doktor nang lumabas ito sa operating room. Madilim pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Archie, ngunit hindi mawari ng doktor kung tunay ang pag-aalala nito para sa pasyenteng nasa loob. “Will she be okay?” Inalis ng doktor ang suot na mask. Saglit nitong sinulyapan ang maduming suit ni Archie, natuyo na ang mantsa ng dugo sa mamahalin at bago nitong damit. The doctor couldn't hide the contempt in her eyes. He looks like a powerful and abusive man. “We still have to check on the patient.” Pormal na sagot ng babaeng doktor. “She has injuries on the back and on her arms, ang fracture sa kaniyang paa ay mas lalong lumala. Bumalik ang pamamaga nito at baka hindi siya agad makapaglakad dahil sa nangyari. I already stitched the wound on her head, tumigil na ang pagdugo ng sugat, but it will likely leave some scars.” Masyadong malalim at malaki ang sugat kaya siguradong magiging peklat iyon kapag maghilom. “The patient also has a nee
Agatha learned about Yvonne’s situation. Hindi rin nakatiis ang doktor na gumamot kay Yvonne, nang makita niyang umalis si Mr. Garcia kasama ang isang babae, naisip niyang tawagan ang pamilya ni Yvonne Santiago. Hindi niya man maisuplong sa pulis ang mga pangyayari, mabuti pa rin na tawagan niya ang pamilya ni Miss Santiago upang ipaalam ang kalagayan nito.Napag-alaman ng doktor na nasa ospital rin ang Daddy ni Miss Santiago kaya hindi niya ito matatawagan, kaya sinubukan niyang alamin kung sino ang iba pang kamag-anak ang pwedeng bumisita sa pasyente.“Agatha Dixon-Galvez is Miss Santiago’s first cousin.” Imporma ng isang batang nurse na siyang naghahanap sa mga kamag-anak ni Yvonne sa computer nito.“Do we have her number? Can we call her, or at least inform her that Miss Santiago is in the hospital?”“I will try, Dra.” Sagot nito.Mabuti na lamang at nahanap nila ang numero ni Agatha, kaya nalaman nito na nasa ospital si Yvonne.Kaya nang gumabi at makabawi ng lakas si Yvonne, nau
Tahimik na ang pasilyo ng 4th floor. Walang mga pasyente sa labas, tanging mga nurse lamang ang dumadaan para bisitahin ang mga pasyente. Bawat nakakasalubong niya ay tumutungo at nag-iiwas ng tingin. May ilan na lumilingon, hindi mapigilan na hangaan siya saglit dahil sa lakas ng kaniyang karisma, ngunit nawawala rin ang paghanga sa tuwing naiisip na masama siyang tao. Tumigil si Archie sa paglalakad nang makita ang pamilyar na bulto ni Klaus Galvez sa parehong palapag. Naglalakad ito sa pasilyo, mabagal at tumitigil sa bawat pinto ng madadaanang ward. Tila may hinahanap itong eksatong silid. Lahat ng silid sa ikaapat na palapag ay private ward. Madalas, dito dinadala ang mga pasyente na may extreme cases upang ma-isolate. O ‘di kaya naman, mga pasyente na kayang magbayad ng mahal para masolo lamang ang buong ward. Muling kumunot ang noo ni Archie nang makitang tumigil si Klaus sa tapat ng silid ni Yvonne. Naisip niya kanina na baka may pamilya o kaibigan si Klaus Galvez na bibi
Nanatili sa ospital si Yvonne ng isang linggo. Her head was badly injured. Madalas siyang mahilo at masuka, kaya hindi siya makaalis sa ospital dahil natatakot si Agatha na madehydrate siya. Yvonne badly wants to go home and see her mother. Walang kaalam-alam ang kaniyang Mommy sa nangyayari sa kaniya, buong akala nito, nasa Batangas siya para sa isang importanteng event na dadaluhan ng executives ng kanilang kompanya. Nagawang papaniwalain ni Archie ang lahat ng tao na maayos lamang siya sa ilang araw niyang pagkawala. Kaya pala hindi siya hinanap ng kaniyang pamilya, dahil akala ng lahat ay abala lamang siya sa pag-aayos sa problema ng kanilang kompanya. “Do you need some water?” Marahan na tanong ni Agatha. Dahan-dahan siyang bumangon. Inayos niya ang pagkakasandal sa headboard ng ospital. Mahina pa ang kaniyang katawan, pero mas maayos na ang kaniyang kondisyon kumpara noong mga nagdaang araw. “Yes, please.” She said hoarsely. Si Agatha ang tumatayong executive consultant ng
Dalawang araw pa bago tuluyang pumayag si Dra. Meffor na lumabas siya ng ospital. Tumigil na ang kaniyang pagsusuka at hindi na siya gaanong nahihilo, pero kailangan pa rin na gamutin at palitan ng benda ang sugat sa kaniyang ulo kadaaraw.“I will take care of myself, Doc.” Ngumiti si Yvonne sa babaeng doktor.Tumitig si Dra. Meffor kay Yvonne, medyo nagtagal ang tingin nito, at pagkaraan ay tumikhim.“Can you go back here after one week? We’ll run another test if possible.”Tumango si Yvonne, kahit na hindi siya sigurado sa kaniyang sagot. Gusto niya lamang na payagan na siya nitong umuwi, kaya para matapos na ang usapan nila ay tumatango na lamang siya.“Sure, Doc.”Si Agatha ang kaniyang kasama nang lumabas sa ospital. Nakasakay siya sa wheelchair at itinutulak iyon ng isang hospital staff hanggang sa parking lot.Agatha’s wearing her usual office attire. Galing pa ito sa kompanya, pumunta lamang ito ng ospital nang balitaan niyang pumayag na ang doktor na e-discharge siya ngayong
Nang sumunod na araw, maagang umalis si Agatha para pumasok sa kompanya. Naiwan sa condo si Yvonne. Nag-uwi ng mga files si Agatha kagabi kaya iyon na lamang ang pinagkaabalahan niyang basahin at tingnan.Madalas pa rin na matulala si Yvonne, lumilitaw lagi sa kaniyang alaala ang pahirap na naranasan sa mga kamay ni Lindsy at Archie.Dahil sa nangyari, alam na niya ngayon na mas mahirap pa na yugto ang kaniyang kahaharapin.Lindsy is a war freak. Sa tuwing magkikita sila, sigurado siyang gagawa palagi ng paraan ang babaeng iyon na hiyain siya kahit na sa harap ng maraming tao. Kapag maabutan siya nitong kasama si Archie, kahit na aksidente man o hindi, asahan na niyang pagbubuhatan siya nito ng kamay.Maybe that’s what scares me the most. I don’t want Lindsy to find out my secret. Hindi ko ginusto na maging babae ni Archie. Hindi ko ginusto na maging parausan at laruan ng g*g*ng iyon! Sigaw ng kaniyang isip.Napuno ng matinding frustrasyon ang isip ni Yvonne. Ibinaba niya ang mga pape
Kahit na nasa condo lang si Yvonne, nabalitaan niya pa rin ang paglipat ng araw ng kasal ni Archie at Lindsy.Naisip niyang baka naapektuhan ang schedule ni Archie dahil sa paglahok nito sa pandaigdigang kalakalan ng langis. Ang orihinal na araw ng kasal ay ngayong katapusan ng buwan, ngunit binago iyon.16th day of April. Tatlong linggo mula ngayon.Sa bagay. Kung hindi siya nagkakamali, kaarawan din iyon ni Lindsy. Isasabay ang kasal sa kaarawan ng babae upang mas maging engrande at espesyal ang araw na iyon.“Von?”Dalawang katok ang pumukaw sa kaniya. Narinig niyang bumukas ang pinto at sumunod ang mga yabag ni Agatha.“Von?”Lumundo ang kama nang maupo sa gilid si Agatha. Inalis nito ang kaniyang kumot at inilapat ang palad sa kaniyang noo. Dalawang araw na siyang nilalagnat.Sa umaga, medyo nahihilo siya at naduduwal pero hindi naman sumusuka. Sa tanghali, nagiging normal ang temperatura ng kaniyang katawan at nagiging maayos ang kaniyang pakiramdam. Samantalang sa gabi ay nilal
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F