“May problema ba?” Nag-alala niyang tanong kay Greig. Nag-iwas ng tingin si Greig, nang makitang wala siyang makukuhang sagot ay napalunok na lamang siya at dahan-dahan na naupo sa tapat ng lalaki. Binalot sila ng katahimikan, dahilan para kabahan lalo si Ysabela. “Greig, may problema ba?” Maingat niyang tanong. Nagsalin muli ng wine si Greig sa wineglass at ininom iyon. Isang lagok lamang ay naubos na agad ang laman no'n. Ramdam niya ang tensyon, ngunit hindi niya matukoy kung saan ito nagmumula at kung ano ang dahilan. “Greig.” “Are you pregnant?” Malamig nitong tanong nang maibaba ang wine glass. Natigilan siya. Umawang ang kaniyang labi, hindi inaasahan na magtatanong ng ganoon kadirekta si Greig. “Are you pregnant, Ysabela?” Ulit nito. “Greig…” nangapa siya ng sasabihin. Bakit? Bakit ito nagtatanong? Ngayon niya naman talaga sasabihin kay Greig ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis, ngunit hindi niya naisip na magtatanong ang lalaki. Iba ang kaniyang iniisip na magiging t
Nagising si Ysabela na dahan-dahan siyang ibinabababa sa stretcher at inilipat sa isang kama. Mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata ngunit pinilit niya ang sarili na magmulat para tingnan kung ano ang nangyayari. Natanaw niya ang babaeng nakasuot ng puting terno. Nakapungos ang buhok nito at may kausap na isa pang babae. “Nahimatay Dra. Velasco, galing pa po sila sa isla.” Rinig niyang sabi nito. “Sinong kasama? May bantay ba?” “Nasa labas po ang asawa ng pasyente Doc, kinakausap ang iba pa nilang kasama. Nagtatanong si Mr. Ramos kung pwede po ba natin kuhanan ng blood sample ang kaniyang asawa, buntis po ito at gusto sanang ipa-DNA test ang bata.” Napasinghap ang doktora. “DNA test? Si Greig Ramos ba ang tinutukoy mo, Dina?” “Oo, Dra. Velasco.” Ipinikit niya ang mga mata nang makitang palapit sa kaniya ang doktor. Naramdaman niyang inilapat nito ang stethoscope sa kaniyang dibdib. “Sa blood sample ay makakakuha tayo, pero kung gustong magpa-DNA test ni Greig, dalawang kla
Madaling araw nang dalhin nila Mang Carding ang kanilang mga gamit dahil iyon ang bilin ni Greig. Nasa sasakyan na ang kanilang mga gamit, nakahanda na si Greig na bumalik ng Manila, at dahil kilala naman ang lalaki, kahit walang tao sa cashier ay nakapagbayad pa rin ito ng discharge f*e niya. Malaki ang kahungkagan sa dibdib ni Ysabela nang sumakay siya sa sasakyan. Pareho silang tahimik ni Greig at ayaw kumibo. Nasa likod sila ng sasakyan samantalang si Mang Carding naman ang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik din si Mang Carding, halatang nakikiramdam lamang sa kanilang dalawa. Ramdam niyang desidido si Greig na bumalik ng Manila, hindi na mahalaga kung ano ang kalagayan niya. Kahit medyo nahihilo pa ay napilitan siyang sumama na lamang. Kung ito ang ikakatahimik ni Greig ay ibibigay niya. Hindi na nito binanggit ang tungkol sa pagpapa-DNA test pero ramdam niyang iyon pa rin ang plano nito. Isa’t kalahating oras bago nila marating ang airport kaya pinilit niya ang sarili na makai
Hinila siya ng pandak na lalaki. Pumiksi siya sa hawak nito ngunit mas lalo lamang na humigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.“Huwag kang maarte!”“Hindi mo naman ako kailangan hilahin!” Reklamo niya nang halos kaladkarin na siya nito papasok sa lumang bahay.Kanina pa siya naglalakad at namamaga na ang kaniyang mga paa dahil sa ilang beses na pagkatalisod. Mabuti na lamang at inalis na ang takip sa kaniyang mata kung hindi ay baka humandusay na siya sa lupa.Matatayog ang mga punong nakapalibot sa kanila at parang nasa gitna sila ng kawalan. Sa tuwing lumilingon siya kung saan sila galing, hinihila agad ng lalaki ang kaniyang braso.Binuksan ng isa pang lalaki ang pinto ng lumang bahay. Gumawa iyon ng kakaibang ingay na nagpalukot sa mukha ni Ysabela.Parang matagal na ang bahay na ito, iba’t ibang kalamidad na ang kinaharap at isang ihip nalang ng malakas na hangin ay babagsak na.Itinulak siya ng lalaki papasok ng bahay. Nakita niya kung gaano kadumi ang sahig. Nagkalat ang mga
“Nasa amin ang asawa mo.” Malalim na boses ang ginamit ng babae. Natahimik ang kabilang linya. “Kung gusto mo pang makita ng buhay ang asawa mo, kailangan mong makipagkasundo sa amin, Mr. Ramos.” “Who’s this?” Sinenyasan ni Tere ang lalaking nasa pinto. Pumasok ito. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga, matubos mo ang asawa mo. Kaonti lang ang hihilingin namin. Dalawang milyon kapalit ng asawa mo.” Muling natahimik sa kabilang linya. “Huwag mo rin susubukan na magreport sa pulisya, Mr. Ramos. Hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin sa asawa mo.” Pagbabanta nito. Lumapit ang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na dumaloy ang dugo sa kaniyang katawan nang makitang siya ang pakay nito. “Anong gagawin— bitiwan mo ‘ko!” Marahas siya nitong itinulak sa pader. Nasagi sa upuan ang kaniyang paa dahilan para kumirot iyon kasabay ng pamamanhid ng kaniyang likod. Hinuli nito ang kaniyang kamay at itinaas iyon sa kaniyang uluhan. “Bitiwan mo ‘ko!” Natataranta niya
Madilim ang anyo ni Greig habang tinitingnan ang computer ng IT expert na nagtra-track down sa GPS ng cellphone ni Ysabela.“Maaring naka-off na ang cellphone ni Mrs. Ramos, hindi na nasasagap ng satellite ang location ng kaniyang GPS.” Saad ng pulis nang hindi na bumalik ang pulang marka sa mapa.“What else can we do?”“May mga pulis at sundalo nang naka-standby sa checkpoint ng mga kalsadang maaaring daanan ng sasakyan ng mga kidnapper. Sa ngayon, hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos para sa kaligtasan ng iyong asawa. Hintayin nating tumawag muli ang numero.”“What the h*ck?!” Frustrated na naihilamos ni Greig ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.“That’s the best thing that we can do now? My wife’s in danger, at gusto niyong maghintay lang ako rito?”“Sir.” Lumapit ang mas matandang pulis sa kaniya.“My lead na kami, hindi ang mga malalaking sindikato ang sangkot sa pagkakadukot ng asawa mo. Maliit ang dalawang milyon para sa hinihingi nila bilang ransom, kaya may posibilidad na iil
Lumubog na ang araw. Nasa sala na si Greig at naghihintay pa rin ng mensahe mula sa babae na kaniyang nakausap. Ngunit wala siyang natanggap. Dalawang pulis lamang ang kaniyang kasama para hindi mahalata na may mga kasama siya sa hotel room. Ayaw niyang malaman ng mga kidnapper na tumutulong sa kaniya ang pulisya. Napaahon siya mula sa sofa. Kanina pa malakas ang tambol ng kaniyang dibdib. Hindi siya mapakali, sa tuwing sinusulyapan niya ang kaniyang relo ay mas lalo lamang siyang nababalisa. Kailan ba siya tatawagan ng kidnapper?! Lumipas pa ang ilang oras, wala pa rin siyang natatanggap. Nakapaghapunan na ang kaniyang mga kasama pero wala pa rin tawag o mensahe lamang na pumapasok sa kaniyang notification. “Sh*t.” Hanggang sa maghating-gabi, wala pa rin tumatawag. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay ngunit wala pa rin nangyayari. Tumayo ang kasama nilang pulis, nakita niyang may itinitipa ito sa cellphone. “May natagpuan na bangkay sa kalsada na papunta sa airport.” Balita
Madilim ang buong mansyon nang pumasok siya. Nakapatay ang ilaw sa baba, ngunit bukas ang ilaw sa dalawang mas mataas na palapag.Naningkit ang kaniyang mga mata habang binabaybay ang pasilyo paakyat ng marmol na hagdan. Tila alam na niya kung ano ang sasalubong sa kaniya pagpasok niya ng mansyon.Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hinanda ang sarili, pinanatili niya ang inosinteng ekspresyon ng mukha.Nang makapasok siya, bumukas ang mga ilaw at nagsigawan ang mga tao.“Surprise!” Sabay-sabay nilang sigaw.Kahit na alam naman niya ang mangyayari, nagulat pa rin siya nang makita ang mga taong naghihintay sa kaniya.Sumabog ang mga confetti dahilan para maghiyawan muli ang mga kasambahay.“Happy birthday!” Sigaw nila.Mabilis na umangat ang sulok ng kaniyang labi at nanubig ang kaniyang mga mata.“Grazie mille!” Hinawakan niya ang kaniyang dibdib para ipakita na nagpapasalamat siya ng buong puso sa inihandang surpresa para sa kaniya.“Happy birthday, Bella.” Lumapit si Alhaj sa k
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila.Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya.Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya.Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya?Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom.T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin.Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw.Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapaan sa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring