Kumunot ang noo ni Christoff. Hindi niya alam kung susundan si Ysabela o hindi. Pumasok siya sa loob ng silid para tingnan ang nangyayari pero mabilis din siyang natigilan nang makita si Greig at Natasha. Nakayakap ang babae kay Greig habang inilalayo naman ng lalaki ang una. “Christoff.” Tawag sa kaniya ni Greig nang makita siya. “Find someone to send Natasha back.” Namutla ang mukha ni Natasha nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya pa gustong umalis. Gusto niyang manatili at yakapin si Greig pero pinigilan na siya ng lalaki. “Sinabi ko na sa iyo, Nat. Kailangan mo nang bumalik.” “A-ayaw ko, Greig. Dito lang ako—” “Christoff.” Hindi na pinansin ni Greig ang kaniyang sinasabi. “Please send her off.” Puno ng lungkot at hinanakit ang mukha ni Natasha habang tinitingnan si Greig. Ngunit hindi na ito tumingin sa kaniya. Bagkus ay malamig nitong tiningnan si Christoff na hanggang ngayon ay nanatiling nakatayo at naguguluhan sa nangyayari. “What are you still standing there fo
Hindi na maipaliwanag ni Natasha ang kaniyang nararamdaman. Parang tuluyan siyang pinagsakluban ng langit.Tinawag siya ni Greig na Miss Entrata. Ngayon pa lang ay sinusubukan na nitong maging pormal sa pagtawag sa kaniya. Ayaw niya no’n!Hindi niya kayang tanggapin.“Greig.” Umiling siya, parang nanghihina ang kaniyang sistema.Gusto niya lang naman na balikan siya ni Greig. Gusto lang niyang makuha ang dati ay sa kaniya. Bakit ngayon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa at habang buhay nang magiging miserable?That b*tch! What did she do to my Greig?Nagtagis ang kaniyang bagang.Kilala niya si Greig. Hindi siya nito matitiis. Pero dahil kay Ysabela, ipinagtatabuyan na siya nito! Kasalanan ni Ysabela ang lahat ng ‘to!Determinado si Greig na putulin na ang kung anumang namamagitan sa kanila. Determinado na itong kalimutan ang nakaraan nila.Naglakad palapit si Christoff kay Natasha.“Miss Entrata, we have to go. Could you walk by yourself?”Binalingan niya ng tingin si Chistof
“At ikaw, sino ka sa tingin mo? Asawa ka lang sa papel. Wala naman nararamdaman para sa iyo si Greig. He’s just using you to satisfy his needs. You’re nothing but a toy for him to use. I feel sorry for you, ang taas ng tingin mo sa sarili mo samantalang wala ka namang pinagkaiba sa mga babaeng handang itapon ang sarili para lang paglingkuran si Greig!” Nagpupuyos sa galit si Natasha. Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Ysabela. “You really know those things, huh? Iyong kayang itapon ang sarili para lang paglingkuran si Greig. Hindi ba ganoon ka naman? You would throw yourself to him, ang pagkakaiba lang… mukhang hindi ka niya tinanggap ngayon.” Nanlaki ang mga mata ni Natasha. Tama nga siya. Halata sa mga mata nito ang pag-iyak. Sigurado siyang tinanggihan ito ni Greig. O pinalis ni Greig. Nang makita ang gulat sa mukha nito ay mas lalo niyang nakumpirma. “How dare you?” Natasha breathlessly said. “And one more thing, Natasha. You should thank me, I was able to sati
“AHHH!” Malakas na sumigaw si Natasha kasabay ng pag-umpog niya ng kaniyang ulo sa pader. Pinaghahampas niya ang kaniyang braso ng malakas at muling sinampal ang kaniyang sarili. Tumayo siya, nanginginig ang kaniyang tuhod at naramdaman na nahihilo siya dahil sa pagkakauntog. Halos patakbo siyang lumapit kay Ysabela at naabutan ito. Hinawakan niya ang braso ni Ysabela at wala sa sariling napangiti bago humandusay sa sahig. Isang nurse ang kakalabas lang ng nurse station at saktong nakita ang paghandusay ng babae. “Ma’am!” Dali-dali itong lumapit at tiningnan si Natasha, nanlaki ang mga mata nito nang makita ang dumudugong noo. “Arcy!” Sigaw ng babaeng nurse. “Arcy!” Lumabas mula sa nurse station ang isa pang nurse. Mabilis itong lumapit para tingnan ang nangyayari. Kumunot ang noo ni Ysabela habang tinatanaw si Natasha na chini-check ng mga nurse. Nakapikit ito at may dugong tumutulo sa noo. “Doc Patrick!” Sigaw ni Arcy. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi nam
Naupo si Alhaj sa upuang nasa gilid ng hallway. Bumagal na ang tibok ng kaniyang puso at kumunot naman ang kaniyang noo. Pangalawang pagkakataon na ito na dinala niya si Ysabela sa ospital. Palagi itong nawawalan ng malay at kung minsan ay dinudugo pa. Ilang minuto lang ang lumipas nang lumabas ang doktor at iba pang kasama nito. Tumayo siya agad at sinalubong ito. “Doc…” “We’ve already made a thorough check up, ligtas na ang mag-ina mo.” Inalis ng doktor ang suot nitong mask at ngumiti. “The patient will be brought to a room, babalikan kita mamaya. May kailangan lang kaming tingnan.” Saad nito. Hindi na siya nakapagsalita. Umalis ang doktor kasama ang iba pa, siya naman ay nag-ugat na sa kaniyang kinatatayuan. May kung anong sumisibol sa kaniyang dibdib. Bakit kaysa ma-offend na napagkakamalan siyang asawa ni Ysabela… ay parang natutuwa pa siya? Inilabas sa emergency room si Ysabela at dinala sa isang private room. Sumunod siya habang tinatawagan ang kaniyang sekretaryo. “Mr
Ilang oras din na walang malay si Ysabela, nang magising naman siya, ang puting kisame ng ospital ang bumati sa kaniya. Noong una, iniisip niyang nasa clinic pa rin siya ni Patrick. Kaya muli niyang ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang sarili at hinaplos ang kaniyang tiyan. “Ysabela?” Nang buksan niyang muli ang mga mata, ang nag-aalalang mukha ni Alhaj ang bumungad sa kaniya. Tiningnan niya ng matagal ang lalaki. Nakalimutan na niyang kumurap, kung hindi lang kumilos si Alhaj at hinaplos ang kaniyang buhok, baka naisip na niyang kathang-isip lang ito. Napabangon siya sa gulat. Inilibot niya ang tingin at napansin na hindi siya pamilyar sa silid. “Alhaj?” Nang makita ang kaniyang naging reaksyon, hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay para kalmahin siya. “Hey,” he said softly. “N-nasaan ako?” Medyo kumunot ang noo ng lalaki habang tinitingnan siya ng mataman. “Nasa ospital ka. Hindi mo maalala?” Dahan-dahan siyang umiling. Huli niyang naaalala… ay ang pagtakbo pa
Tahimik na pinagmasdan ni Greig ang paglalagay ng benda sa ulo ni Natasha. Pinalitan na nito ang kaninang benda dahil may bahid na iyon ng dugo. Pinapahiran ulit ng ointment ang mga sugat at pasa nito. Tahimik din ang mga nurse habang ginagawa iyon, tila alam na may namumuong tensyon. Nang matapos, saka lamang lumabas ang dalawang babae. Gabi na at saka pa lamang nagising si Natasha. Kanina pa siya nagbabantay at naghihintay na magising ito. Si Patrick ay umuwi na para magpahinga kaya hindi na nito nagamot ang sugat ni Natasha, ang mga nurse na lamang ang gumawa. Mas pabor iyon kay Natasha, ayaw niyang si Patrick ang tumingin sa kaniya lalo na’t magaling ito pagdating sa pagtingin ng mga sugat at pasa. Baka mamaya ay mabuko siya ng lalaki. Ayaw niyang mangyari iyon. Umayos siya ng upo at hindi matingnan si Greig. Nakatayo ito malapit sa pinto at tinitingnan siya. Hindi man lang kumilos para lapitan siya kahit na wala nang ibang tao kung hindi sila nalang dalawa. Simula kanina
Alam niyang imposible na sampahan ng kaso si Ysabela. Mahabang proseso pa iyon at malalagay lamang sa alanganin si Natasha kung sakali. Gusto niyang mabilis na makuha ni Natasha ang hustisya na para sa kaniya. “In my opinion, at least Ysabela should be slapped by Natasha, kung ilang beses niya iyon ginawa ay iyon din ang igaganti ni Natasha, so they’d be even.” Suhestyon niya. Napaawang ang labi ni Natasha. Hindi niya naisip na matapang nitong sasabihin kay Greig ang ganoong bagay. Ngunit hindi siya nagsalita, kung iyon ang tanging paraan na makabawi siya kay Ysabela ay tatanggapin niya. Palagi siyang susuportahan ni Ada kaya hindi na siya dapat matakot kay Ysabela. “No.” Malamig na tugon ni Greig. Natigilan silang pareho ni Ada. Hindi inaasahan na iyon ang magiging tugon ni Greig. “A-ano?” Utal na saad ni Ada. Maging siya ay hindi napigilan ang pagguhit ng gulat sa kaniyang mukha. Tinitigan niya ang madilim na anyo ni Greig, kita niya ang pagtutol sa mukha nito. Hi
Patrick.Kumurap siyang muli.Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki.Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon?Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon.Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao.Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim.“Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak.Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata.Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na siya, pero
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy