Share

FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART
FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART
Author: Diosa Mei

SIMULA NANG PAGKABIGO

Author: Diosa Mei
last update Last Updated: 2023-05-06 13:21:06

Kung sana lang ay pinakinggan niya ang instinct niya kanina ay sana magkasama pa sila ni Via at masaya… 

Kung sana lang ay pinilit niya itong sumama sa kanya ay hindi mangyayari ang kinatatakutan niyang mangyari . . .

Kung sana lang . . .

****

“Ang tagal mo naman! Parang ang tagal mong mawawala, ah!” singhal ni Chino sa kanya. 

Sininghalan niya lang ito at sumakay na siya sa Van. Nasa loob na ang kanyang Ate at ang iba pang school staff na tutulong sa kanila para mag-ayos ng mga kailangan nila. 

“Habang nasa biyahe tayo ay puwede niyong balikan na muna ang mga pinag-aralan niyo. Aabutin ng isang oras ang biyahe natin,” sabi ng kanyang Ate. 

“Si Russell ang mas kailangan mag-review dahil masyado siyang distracted nitong mga nakaraang araw,” kantiyaw ni Lloyd sa kanya. 

“Parang hindi ka rin distracted, ah,” singhal niya rito. 

“Hindi kasing distracted mo.” Nakangising pang-iinis nito sa kanya. 

Napailing siya at hindi na nakipagtalo pa rito. Kinuha niya ang notes niya at inabala ana lang ang sarili sa pagre-review. Hindi nila hawak ang kanilang mga cellphone ngayon dahil sobrang nakakaabala iyon sa kanila at mawawala ang lahat ng pinag-aralan nila kapag hawak nila ang mga aparatu. 

Noong una ay hindi iyon problema kay Russell pero ngayon parang gusto niyang pakiusapan ang kanyang Ate at kuning ang cellphone niya. Alam niyang hindi rin siya papayagan nito kahit ano pang sabihin niya, isa pa nangako siya kay Via na iuuwi niya ang pinakamalaking tropeyo kaya kailangan niya munang magtiis. 

“Kumusta na si Via? Hindi ba siya nahihirapan, i-handale ka?” tanong ni Dyke sa kanya. 

Kunot-noo niya itong tiningnan. “Anong ibig mong sabihin?” 

“Iyong sitwasyon niyong dalawa,” sabi nito. 

“Okay naman kami,” sagot niya. 

Nahuli niyang napatingin sa kanya ang kanyang Ate ngunit hindi niya ito pinansin at itinuon na lang sa pagbabasa ang atensiyon para hindi na siya kausapin pa ng mga kaibigan niya. 

Masaya silang magkasama ni Via, kahit na araw-araw ay nangangamba siya nab aka bigla na lang sumulpot ang kanyang mga magulang o si Molly para manggulo. Nakahanda naman silang dalawa ni Via at alam niyang hindi siya iiwan ng dalaga. Ramdam niya ang pagmamahal nito at sabay nilang malalampasan ang lahat nang pagsubok na darating. 

Sa loob ng mahigit na isang oras nilang biyahe ay nakarating na sila sa University na pagdadausan ng Quiz Bee. Lumapit siya sa kanyang Ate para hiramin saglit ang cellphone niya nang makita niya itong tila binagsakan ng langit ang mukha. 

“Ate, may nangyari ba?” Kinakabahan niyang tanong dito. 

Nahuli niyang itinatago nito ang cellphone nito sa kanya, binundol ng kaba ang dibidb niya kaya mabilis niyang kinuha ang hawak nitong cellphone. Natulala siya dahil may nasa video ang kanyang mga magulang at si Via. Nagtatalo ang dalawa at kitang-kita niya kung paano maliitin at alipustahin ng kanyang Daddy si Via. 

Nagdilim ang paningin niya at nagtiim ang bagang. “R-Russell… calm down.” 

Hindi niya ito pinakinggan. “Give me the key, I’m going home,” sabi niya. 

“Dude, what’s happening?” tanong ni Chino na tila nakahalata sa pag-iiba ng mood niya. 

“Russell, hindi ka puwedeng umalis. Nakasalalay ang—” 

“Wala akong pakialam!” sigaw niya. “Give me the keys at uuwi ako! Kailangan ako ni Via at magtutuos kami nina Daddy!” 

“Anong nangyayari dito? Russell, bakit ka sumisigaw?” tanong ni Dyke na lumapit na rin sa kanila. 

“Miss Natty, inayos na po namin ang mga gamit—” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil kinuha ng kanyang Ate ang susing hawak nito. 

“Sasamahan kita, hindi ka puwedeng magmaneho na ganyan ang sitwasyon mo,” sabi nito at bumaling sa iba niyang kaibigan. “Saka na ako magpapaliwanag, magpokus muna kayo sa Quiz Bee, babalik agad ako once na mihatid ko si Russell. Please, huwag na muna kayong magtanong. Jessie, samahan mo muna sila at pasabi kay Miss Carpio siya na muna ang umaktong Head ng Sagesse,” bilin nito sa Staff. 

Sabay na silang sumakay sa kotse at agad niyang kinabit ang seatbelt niya. Kinuha niyang muli ang cellphone ng kanyang Ate at sinubukang tawagan si Via ngunit ring lang iyon ng ring. Mas lalo tuloy nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. 

“Kapag may nangyaring hindi maganda ngayon araw, Ate, isusumpa ko talaga ang mga magulang natin,” sagot niya habang nakatingin sa kalsada. Umaasa siyang nasa condo lang si Via at hindi nagpatinag sa mga sinabi ng kanyang Daddy. 

‘Tangina! Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nakita kong wala na si Via sa condo.’ 

“Russell, please calm down, kinakabahan ako sa ’yo baka kung mapaano tayo dito sa kalsada,” pakiusap ng kanyang Ate. 

Ipinikit niya ang mga mata niya at pilit kinalma ang sarili, tama ang kanyang Ate kailangan niyang maging kalmado dahil baka hindi siya makapagpigil at bigla na lang siyang bumaba ng sasakyan at takbuhn ang daan pauwi. 

**** 

“Via!” tawag niya agad sa katipan nang makapasok siya sa condo. 

Ngunit walang sumagot sa kanya. Nakasunod sa kanya ang kanyang Ate at tinawag din ang pangalan ni Via ngunit halos nalibot na niya ang maliit na espasyo ng kanyang Condo ay hindi niya nahanap si Via. 

Nanghihina siyang napaupo sa sahig at nagsimulang umiyak. 

“She left me . . .” mahinang saad niya at napahagulhol ng iyak. 

Mabilis siyang niyakap ng kanyang Ate at inalo, ngunit hindi iyon nakatulong sa kanya. “Pupuntahan ko siya sa bahay nila, baka nandoon lang si Via at nagpapa—” 

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang may kumatok sa pinto. Nabuhayan siya ng loob at mabilis na binuksan ang pinto ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita si Rosalie kasama ang mga kaibgan niya. 

“Alam niyo ba kung nasaan si Via?” tanong niya sa mga ito. 

Wala siyang nakuhang sagot sa kanila pero ramdam niyang may alam ang mga ito. 

“Please, kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat at gusto ko ring ipaalam na—” 

“R-Russell…” maagap na tawag ni Drea sa pangalan niya. 

Tumingin siya sa kanyang pinsan at naghintay ng sagot, ngunit nagdaan na ang ilang minute ay wala siyang nakuhang sagot mula rito. 

“Bakit hindi kayo magsalita?! Nasaan si Via? Wilmar! Rosalie! Steph! Zee!” pinangalanan niya silang lahat ngunit hindi siya sinagot ng mga ito. 

“R-Russell…” Napalingon siya nang tawagin ang pangalan niya ng kanyang kapatid. Nakita niya itong luhaan at pigil nito ang mapahikbi. 

Nanginginig ang kamay na iniabot nito sa kanya ang cellphone at nagimbal siya ang makita ang itsura ni Via. Namamaga ang pisngi nito at may pasa sa gilid ng labi. Tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin at mabilis na umalis sa kuwartong iyon. Isa lang ang tumatakbo sa utak niya at iyon ay ang mga magulang niya. 

“Russell, saan ka pupunta?” habol na tawag sa kanya ng kanyang Ate. 

Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng gusali. Mabilis siyang nagpara ng Taxi at nagpahatid sa bahay nila. Hawak niya pa ang cellphone ni Via, hindi niya alam kug sinadya bang iwan iyon ng dalaga o nakalimutan lang nitong dalhin. 

Binuksan niya ang video at narinig niya ang paos na boses ni Via. Halatang naubusan na ito ng boses ssa kakaiyak kasi kahit ang mga mata nito’y mugto na. 

“Love, kapag nakita mo ang video na ito sana maintindihan mo kung bakit ako umalis.” Napasinghap siya sa sobrang frustration. Hindi niya tinapos ang video dahil iyon lang ay sapat na para malaman ang gusto niyang malaman. 

Paghinto ng sasakyan ay inabutan niya ito ng isang libo at saka bumaba ng sasakyan. Tinatawag pa siya ng Taxi Driver pero hindi na siya lumingon pa. 

Pagpasok niya pa lang sa bahay nia ay galit niyang tinawag ang mga magulang. 

“Mom! Dad!” sigaw niya. “Where are you?!” 

May narinig siyang nagkakasiyahan sa bandang veranda nila kaya doon siya pumunta. Nakita niya ang mga magulang ni Molly. 

“Oh, Russell, bakit ka napauwi? Cancel ba ang—” 

“Anong ginawa niyo kay Via?” deretsang tanong niya sa kanyang Daddy. 

Nag-iba ang any ng kanyang ama pero pagkuwa’y ngumiti. “Nagsumbong ba sa ’yo ang abaeng iyon?” tanong nito sa kanya. “Nahhibang ka na ba?” 

“Oo! Nahihibang na ako, iyon ba ang gusto niyong marinig?!” singhal niya sa kanyang ama. 

“Russell!” pigil sa kanya ng kanyang Mommy. 

“I think, we better go, mukhang may kailangan kayong ayusin na hindi kami kasama,” sabi ng Daddy ni Molly at akmang tatayo ngunit mabilis niya itong pinigilan. 

“Mas maganda sigurong umupo muna kayo, Mr. Gener. I want to tell you something about your daughter,” sabi niya na walang emosyon ang mukha. 

“Oh, kasama ba rito ang anak ko?” tanong naman ng Mommy ni Molly. 

“Yes! At siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Kung anuman ang pinagsasasabi niya sa inyo ay walang katotohanan ang mga iyon,” sagot niya. 

“Russell, kailangan nating mag-usap at labas ang pamilya ni Molly dito,” nagbabanta ang boses na sabi ng kanyang ama. 

“Labas?” Mapakla siyang tumawa sa sinabi nito. “Kung tutuusin ay sila ang may kasalanan kung bakit nagkagulo ng ganito ang buhay ko! Kung hindi sa pangungunsinti nila sa anak nila ay walang ganitong gulong nangyayari!” 

“Russell! Tumigil ka na!” sabi ng kanyang ama na matalim na ang mga matang ipinupukol sa kanya. 

“Be careful, young man. Kung anuman ang pinagdadaanan ng pamilya mo ay labas na kami doon. Sinunod lang namin ang gusto ng anak namin at ikaw ang nagpapasaya sa kanya kaya—” 

“See? Nakukuha niyo ba ang ibig kong sabihin? Hinahayaan niyo ang anak niyong diktahan kayo sa mga gusto niyang gawin kahit alam niyo namang mali!” aniya. 

“Anong ibig mong sabihin?” Salubong ang kilay na tanong sa kanya ng ama ni Molly. 

“Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo dahil hawak namin ang—” 

“To hell with your businessshits! Magpayaman kayo kung iyon ang gusto niyo, magplastikan pa kayo, wala akong pakialam!” singhal niya rito. 

Susugurin sana siya ng kanyang ama ngunit mabilis siyang nakailag dito at nakalayo. Galit siya at kapag ganitong wala siya sa kanyang sarili ay hindi niya napipigilan ang sarili niya. 

“Iyang anak niyo, may ibang kinahuhumalingang lalaki and worst, adik pa! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng anak niyo at gusto pa akong guluhin gayong siya mismo ang hindi na nagpakita sa akin noon at nang-iwan! Alam niyo ba kung gaano kasakit iyon, ha? Iniwan ako ng anak niyo na para bang napakadali lang iyon sa kanya gayong ako—halos mabaliw at umiyak gabi-gabi dahil iniwan ako ng babaeng minahal ko! Tapos nang naka-move on na ako’t nakalimutan siya ay bigla siyang lilitaw para guluhin ako?!” 

Hindi kumibo ang mga ito at tila nagulat sa sinabi niya. 

“Kung gusto niyo ng patunay sa sinasabi ko hanapin niyo si Billy Menhano, siya ang kinakasama ng anak niyo ngayon. Nagsasama na sila sa iisang bubong at tinuturuan ng kahit na anong kalokohan ang anak niyo. Hindi niyo ba napapansin iyon sa anak niyo?” aniya. 

“We should get going,” sabi ng ama ni Molly at inalalayan ang asawa nito palabas ng bahay nila. “Siguraduhin mong tama ang sinasabi mo, Russell, dahil sa oras na mapatunayan kong mali ka, pagsisisihan mo ito.” 

“Kung tama ako, isa lang ang hiling na gusto kong mangyari. Ipull-out mo ang investment mo at ng mga kakilala mong investor sa bagong project ni Daddy. Kung hindi mo iyon gagawin, ipagkakalat ko ang lahat ng kalokohan ng anak mo.” Nakangising wika niya rito. 

“Russell!” Dumadagundong ang boses na sigaw ng kanyang ama ngunit hindi siya nagpatinag dito. 

“What? Masakit ba, ha, Daddy?” Nakangising wika niya rito. 

“Anong ginawa sa ’yo ng abaeng iyon at bigla kang nagging ganyan katarantado!” galit na singhal nito sa kanya.

  “Walang kasalanan ang babaeng tinutukoy mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagging tarantado! Mahal ko ang babaeng ipinahiya mo’t sinaktan! Ang babaeng tinutukoy mo ang dahilan kung bakit matino pa ako! Winasak mo ang buhay ko, Daddy, wawasakin ko rin ang letseng pangarap mong madagdagan ang milyones mo.” Tumalikod na siya rito at hindi na lumingon pa. nang nasa pinto na siya ay huminto siya at muling nagsalita.

“Simula ngayon ay hinding-hindi niyo na ako mapapapunta sa bahay na ito at ayaw ko na rin kayong makita. Magkanya-kanya na tayo.” 

Tuluyan na siyang umalis sa bahay na iyon at hindi siya lumingon kahit na nakailang tawag sa kanya ang kanyang Mommy. Galit siya at nasasaktan, wasak ang puso niya at hindi niya matanggap na iniwanan siya ni Via. 

Nangako sila sa isa’t isa at ilang ulit niyang narinig ang mga katagang HINDI KITA IIWAN mula sa kanyang bibig, ngunit anong nangyari? 

Napaupo siya sa gilid ng gutter at binuksan ulit ang video na ginawa ni Via para sa kanya. Napaluha siya nang muling makita ang pamamaga ng pisngi nito at ang kulay pulang pasa sa gilid ng bibig nito. Gusto niya sanang itapon ang cellphone na iyon at durugin pero iyon na lang ang mayroon siyang alaala kay Via. 

“Love, kapag nakita mo ang video na ito sana maintindihan mo kung bakit ako umalis. Akala ko kaya ko. Akala ko matitiis ko. Akala ko matibay ako at kaya ko silang harapin at ipaglaban ka, ngunit anong magagawa ng isang katulad ko sa mga magulang mo? Alam kong maling-mali ang gagawin ko dahil ngayon mo ako mas kailangan, ngayon mo kailangan nang mapaghihingahan ng sama ng loob… pero kasi… mahina rin ako Russell, eh. Ayokong makita mo akong mahina sa panahong kailangan mo ng lakas, baka mabigo akong ibigay iyon at bigla mo akong iwan.” Narinig niya ang paghagulhol nito at pakiramdam niya ay sumisikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga sa nakikitang paghihirap ni Via. 

“R-Russell, umalis ako dahil mahal kita. Gusto kong hanapin ang sarili ko para sa ’yo. Sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko—ang mga plano natin at ang sabay nating pagtanggap ng mga diploma natin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ninakaw ko pala si Mongbee, alam kong mahal na mahal mo ang asong ito kaya iingatan ko siiya at aalagaan ng maayos. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam, mahal ko.” 

Napahagulhol siya ng malakas ng tuluyang huminto ang video. Walang pakialam kung may makakita man sa kanya sa ganoong kalagayan niya. Para sa kanya tapos na ang buhay niya. Nawalan na ng saysay at wala ng direksyon. Kahit na puntahan niya at habulin ni si Via sa ibang bansa ay alam niyang wala rin iyong saysay dahil kailangan nito ng panahon para ayusin ang nadurog nitong puso. 

Pero naisip din ba nito na wasak din ang puso niya?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lorie Abalajen Baston
ouch.. how sad naman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   i. Umaasa Na Maging Manhid Ang Puso Ko

    i. Umaasa Na Maging Manhid Ang Puso Ko. Isang matigas na kamao ang tumama sa mukha ko na agad nagpatilapon sa akin papunta sa gilid ng boxing ring. Napakunot ako ng noo dahil sa biglang panlalabo ng paningin ko at pansamantalang pagkawala ng aking pandinig. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang suntok na ang natanggap ko simula kanina pag-akyat ko dsiya. Lima? Anim? Psiya? Hindi, sampu! Sampong suntok sa magkakabilang parte ng katawan ko! Putok na ang labi ko’t gilid ng mata at ang dahilan kung bakit nanlalabo na ang paningin ko ay dahil sa masaganang dugo na umaagos dahil sa mga sugat na natamo ko. In short, bugbog-sarado na ako at umaasa na maging manhid na ang buong pakiramdam ko dahil sa mga natamo ko. Pero bakit ganoon? Naroon pa rin ang hindi matatawarang sakit? Nagdurugo pa rin at patuloy na tila pinagsasasaksak ang pira-piraso ko ng puso! Hindi pa rin humuhupa ang sakit! Hindi pa rin tumitigil ang libu-libong punyal na ilang taon nang tumatarak sa puso ko. Wala na bang hang

    Last Updated : 2023-05-06
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   PANGALAWA 

    PANGALAWA Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kung saan dadalhin na naman ng kanyang isipan, minsan bigla na lang siyang titigil sa isang presinto para magpalipas doon ng buong gabi. Minsan naman ay sa sementeryo, isang parke o ‘di naman kaya sa rooftop ng dati niyang condo—mali dating condo nila ni Via. Sa condo na iyon kung saan punong-puno ng masasayang alaala at saksi sa nabuo nilang pagmamahalan. Naramdaman ulit ni Russell ang paninikip ng dibidb dahil sa pagkakaalala sa babaeng nagbigay kahulugan sa buhay niya noon. Mahigpit niyang pinihit ang grip ng motor at bigla itong umarangkada sa kalsada. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Molly sa kanyang beywang ngunit hindi ito sumigaw o nagpanic. Ilang oras silang sakay ng kanyang motor at huminto iyon sa tapat ng mataas na arkong gawa sa kawayan at mga artifiacial na halama’t bulaklak. Nasugbo, Batangas. Basa niya sa nakasulat na mga letra sa malaking arko. “Wow, you really made this far, huh?” namamanghang sabi ni

    Last Updated : 2023-05-06
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   IKATLONG KABANATA. TIME TO FACE HIM

    VIA “I’m done!” masayang turan ni Sally at nakangiting tumingin sa akin. “Uh, what are you doing?” kunot-noong tanong niya sa akin nang makitang tulala na naman ako.Marahas akong napabuntonghininga at ipinilig ang aking ulo. Parang hindi pa rin nagsi-sink sa isip ko ang pag-uusap na naganap sa pagitan namin ni Kuya Meynard.‘Kuya, I need to talk to you about some—‘ Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang seryoso niyang mukha habang may kausap sa kanyang cellphone.Sinulyapan niya ako at sinenyasan na umupo sa tabi niya, tahimik naman akong lumapit at inilagay niya sa loud speake ang phone niya ngunit sinenyasan niya akong huwag mag-ingay and I nooded.“Kuya, please, I’m begging you. Hindi na talaga namin siya makontrol!”Agad na bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ang boses ng pinsan ko. Matagal na ring panahon ang lumipas simula nang marinig ko ang boses niya—o nang mga kaibigan ko sa Pilipanas. It wasn’t easy for me but my brother insisted that not communicating w

    Last Updated : 2023-05-20
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   IKAAPAT: HOME, AGAIN!

    Via“Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Asia Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Rio, with First Officer Pimentel and the rest of the team, we thank you for choosing Asia Pacific, your airline of choice. We just landed at Ninoy Aquino International Airport. Welcome to Manila. On behalf of the flight crew, led by Captain Rio with the help of First Officer Pimentel, we are grateful for your continued patronage and for choosing Asia Pacific. Welcome.”Napakurap ako’t napatingin sa labas ng bintana. “I’m here . . . again.”Sari-saring masasaya at masasakit na alaala ang nanariwa sa isipan ko at halos lahat ng alaalang iyon ay sa amin ni Russell. Hindi ko maiwasang mapakat ng labi ng maalala ang napakasakit na pamamaalam na ginawa ko. Alam ko

    Last Updated : 2023-07-02
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   v. Reunited

    Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto ko.“Vee, are you awake already?” boses iyon ni Chino. Hindi ako sumagot, I was awake the whole night, hindi ako makatulog sa kakaisip kung paano haharap sa mga kaibigan ko.I know I have been bad and neglecting them so that’s why I don’t know how to face them. Malaking dagok ang iniwan ko sa kanila, malaki ang naging epekto niyon at kahit ako ay hindi natutuwa sa ginawa ko. Naging selfish ako at mas inuna ko ang sariling sakit ko at isinantabi ang mga feelings nila.“Vee,” tawag ulit ni Chino sabay katok ulit. “I know you’re awake, so get your ass up here already.”Napasinghal ako at sinamaan siya ng tingin. Wala man lang pinagbago ang gago kong pinsan! He’s still a bully! Nag-e-emote pa nga ako dito, eh! Inis akong bumangon at tumingin muna sa salamin bago binuksan ang pinto.“What the hell, you mo—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang may mga dumamba sa akin at halos mabingi ako sa mga sigaw nila

    Last Updated : 2023-08-23
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   vi. Stop-Over

    Dahil nga sa biglaan lang ang desisyon naming mag-camping sa Baguio ay napagpasyahan naming mag-stop over muna para kumain. Minabuti namin na sa SM City Clark na lang kumain.“Saan niyo gustong kumain?” tanong ni Lloyd na agad nakadikit kay Drea.“Samgyupsal tayo?” alok naman ni Wilmar.“Kaadikan mo sa samgyupsal, hanggang dito umaabot?” nakasimangot na turan ni Rosalie.“Awtsu~ parang siya, hindi!” ani Wilmar.“Huwag na kayong magtalo, baka kung saan na namn mauwi iyan. Nasa isang public place tayo, oh,” saway ni Zellea sa dalawa saka bumaling sa akin. “Saan mo gustong kumain, Vee?” nakangiting tanong niya.“Okay lang sa akin kung saan niyo gusto,” sagot ko.Nahihiyang nagtaas ng kamay si Sally. &

    Last Updated : 2023-08-30
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   vii. My Heart Aches and not ready to face her.

    | Via | Tiningan kong muli ang sarili ko sa salamin at nang makontento na sa itsura ko ay lumabas na ako ng CR. I need to hide the pain from them and the fact that I saw him. Siguro naman ay hindi nila nakitang pumasok si Russell kasama si Molly dahil kung hindi ay tiyak na magbabago na naman ang mood ng lahat. “Are you okay?” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Dyke mula sa likuran ko. Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko ang kaseryosohan sa mukha niya habang naka-cross ang mga balikat at nakasandal sa dingding ng CR. “Y-Yeah,” sagot ko at ngumiti pa sa kanya. “Kanina ka pa ba diyan?” Hindi siya sumagot at lumapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata, napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “I know you saw them,” mahinang usal niya. Natigilan ako at biglang lumakas ang

    Last Updated : 2023-09-06
  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   VIII. Biro ng Tadhana

    Sa loob ng biyahe nila Via papuntang Baguio ay walang sawang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya, lalo na nang banggitin ni Sally ang matindi nitong paghanga kay Dyke. Nang una ay nag-alala pa siya sa kung ano ang iisipan ni Zellea pero nang makita niyang walang pagbabago sa ekspresyon nito at game pa nga itong ireto si Sally kay Dyke ay lihim siyang nakahinga ng malalim."After ng camping natin, mag-e-enrol din ba kayo sa university?" tanong ni Drea sa kanya.Nagkatinginan sila ni Sally tsaka sabay na tumango. "My parents agreed for me to stay here for good. Okay din naman sa kanila na kasama ko si Kuya Mico at Vee, alam nilang hindi ako mapapahamak.""How about you, Vee? What course are you taking now?" tanong ni Stephanie sa kanya."I ended of taking a course for interior design and also studying in mural arts," nakangiting sagot niya."Oh my God, how good are you at mural arts?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Rosalie sa kanya."A little bit," nahihiyang turan niya.Narinig ni

    Last Updated : 2024-03-25

Latest chapter

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   XVI. Dance Rehearsal

    Pinayagan sila ni Ma’am Rita, ang organizer ng event na iyon na isama ang mga kaibigan nila sa gagawin nilang rehearsal. Maikilng dance cover lang naman ang hinihingi nito sa kanila at bibigyan sila ng tig-sampung libo ni Zellea bilang talent fee daw nila. Kapag naging maganda pa ang sayaw nila at nakahatak pa ng mas maraming tao ay madadagdagan pa iyon.“Dapat sumali na ako, sayang din ang sampung libo.” Naiiling na wika ni Wilmar habang nanood sa pagwa-warm up nila ni Zellea.Napailing siya. “Hindi ko alam na pati ikaw naghihirap na ngayon,” aniya.Sininghalan siya ni Wilmar at nakaingos na muling nagsalita. “Mas magandang may sarili kang pera, Bianx. Ang sarap niyon sa pakiramdam lalo na kapag may ide-date ka.”Napangisi siya. “May dine-date ka na ba?”“Ha! Huwag mo akong m

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   XIV. Have you ried to fall in love, again?

    XIV. Have you tried to fall in love again?Pagkatapos siyang bilinan ng doktor ay pinayagan na siyang umalis doon sa Clinic. Dahil sa nangyari ay minabuti nilang bumalik sa Las Palmas at doon na siya magpahinga hanggang sa pagdating ng kanyang Kuya.Sinamahan sila ni Liam at binigyan sila ng isang luxery suit para sama-sama pa rin sila.“Thank you, Liam,” sabi niya sa binata nang magpaalam na ito sa kanya. “And I’m sorry for the trouble.”Nakangiti itong umiling. “Don’t mention it. I’m at your service, ginawa ko lang ang trabaho ko. Take care of yourself, Via.”Tinanguan niya ang binata at tipid na ngumiti. “Pasabi na rin kina Ma’am Ei na salamat ulit sa lahat.”“Mm, I’ll tell them,” sabi naman ni Liam.

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   VIII. Biro ng Tadhana

    ------A/N: Humihingi po ako ng paumanhin kung ibabalik ko po sa THIRD POV ang mga susunod na kabanata. May balak po akong i-revised ang mga naunang kabanata para hindi kayo maguluhan sa pagbabasa. Enjoy reading!------Sa loob ng biyahe nila Via papuntang Baguio ay walang sawang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya, lalo na nang banggitin ni Sally ang matindi nitong paghanga kay Dyke. Nang una ay nag-alala pa siya sa kung ano ang iisipan ni Zellea pero nang makita niyang walang pagbabago sa ekspresyon nito at game pa nga itong ireto si Sally kay Dyke ay lihim siyang nakahinga ng malalim."After ng camping natin, mag-e-enrol din ba kayo sa university?"

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   XII. Skip a beat

    Pagdating nila sa Hotel ay dumiretso agad sila sa department store. Kanya-kanya na silang bumili ng susuotin nila mamaya at ilang perasong swimsuits para sa plano nilang swimming mamaya. Napagdesisyon nilang sa infinite pool mag-stay mamaya dahil sa nabanggit nina Liam na may fireworks after midnight. Nalaman din nila na pool party na gaganapin mamaya at may inimbitahang banda at ilang kilalang artista para mag-perform mamaya. Tamang-tama lang pala na nagkaayan sila na magpuntang Baguio ngayon dahil umaayon sa kanila ang pagkakataon.Nang makapamili ay isang luxury suit ang ibinigay sa kanila ng Manager ng bachelor Den nang makita ang kanyang gold card."Ah, this is life!" saad ni Stephany at pabagsak na naupo sa mahabang sofa. "Sinong mag-aakalang ganito kagara ang tutuluyan nating hotel.""This place is the center of the city, just look outside. It's amazing!" buong paghanga naman ni Sally na napayakap pa sa sarili dahil sa lamig. "No polluted air around," sabi pa nito at suminghap.

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   XI. True Friends

    “Leave me alone, Molly,” matabang na turan ni Russell nang harangan ni Molly ang dinadaanan niya.Matagal siya nitong tinitigan ngunit hindi niya iyon pinansin. Papasok siya sa Mines View park pero hindi siya makaabante dahil sa nakaharang na babae.“Tapatin mo nga ako, Russell. Kaya ka ba nandito dahil alam mong papunta dito ang mga kaibigan mo?” tanong nito.Sinulyapan niya lang ito at hindi sinagot, saka tinabig ang nakaharang nitong kamay sa daraanan niya. Tutuloy na sana siyang maglakad ngunit mabilis nitong hinawakan ang kamay niya kaya tumigil siya sa paglalakad at pumiksi para kumawala sa pagkakahawak nito.“Kung ayaw mo akong samahan, tantanan mo ako. Sino ba’ng nagsabing sumama ka?” mapaklang turan niya.Nakita niyang biglang naluha si Molly at bumakas sa mukha nito na n

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   X. Someone's being jealous

    "No way! For real?" namimilog ang mga matang bulalas ni Zellea. Mabilis nitong inagaw ang gold card sa kamay niya at siniyasat iyon mabuti. "Oh my God, totoo nga! We're gonna have some fun overnight!""Let me see it too," ani Rosalie na kinuha ang gold card kay Zellea. "Puwede ko ba'ng hiramin ito kapag naisipan kong bumalik dito?"Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. Maybe, maybe not? Walang sinabi si Liam tungkol diyan pero ang sabi ni Ma'am Eillaine, nakapangalan sa akin ang gold card na iyan.""Aw, sayang naman," ani Rosalie na biglang lumungkot."Tch. Sa yaman ng pamilya mo, bakit kailangan mong manghiram ng gold card? Why don't you ask your father about it?" ani Wilmar na sinamaan ng tingin si Rosalie.Inirapan ni Rosalie ang lalaki. "Kailangan ko munang makapagtapos ng kolehiyo bago ako makahawak ng ganyang card. Isa pa kahit na sabihing may pera ang mga magulang ko, I think kukulangin pa rin iyon para makakuha ng ganyang gold card. Look, it's a three star gold card! It's a

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   IX. Forever Be Yours

    Tahimik lang na nakatingin si Via sa hawak na papel. Gusto niyang sabihin sa sarili niya na nagkataon lang ang lahat at walang ibang kahulugan iyon pero bakit parang ang lakas ng tibok ng puso niya? Bakit may pakiramdam siyang para sa kanya talaga ang nakasulat na iyon.Nandito din ba si Russell? Posible kayang galing sa kanya ang papel na ito?Ipinilig niya ang kanyang ulo sa mga imposibleng sinasabi ng isip niya. It's just a wishful thinking."Vee . . ." nag-aalalang tawag sa kanya ni Zellea.Ngumiti siya. "I'm fine, sige Kuya, I'll do it.""Sure ka?" tanong ni Drea.

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   VIII. Biro ng Tadhana

    Sa loob ng biyahe nila Via papuntang Baguio ay walang sawang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya, lalo na nang banggitin ni Sally ang matindi nitong paghanga kay Dyke. Nang una ay nag-alala pa siya sa kung ano ang iisipan ni Zellea pero nang makita niyang walang pagbabago sa ekspresyon nito at game pa nga itong ireto si Sally kay Dyke ay lihim siyang nakahinga ng malalim."After ng camping natin, mag-e-enrol din ba kayo sa university?" tanong ni Drea sa kanya.Nagkatinginan sila ni Sally tsaka sabay na tumango. "My parents agreed for me to stay here for good. Okay din naman sa kanila na kasama ko si Kuya Mico at Vee, alam nilang hindi ako mapapahamak.""How about you, Vee? What course are you taking now?" tanong ni Stephanie sa kanya."I ended of taking a course for interior design and also studying in mural arts," nakangiting sagot niya."Oh my God, how good are you at mural arts?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Rosalie sa kanya."A little bit," nahihiyang turan niya.Narinig ni

  • FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART   vii. My Heart Aches and not ready to face her.

    | Via | Tiningan kong muli ang sarili ko sa salamin at nang makontento na sa itsura ko ay lumabas na ako ng CR. I need to hide the pain from them and the fact that I saw him. Siguro naman ay hindi nila nakitang pumasok si Russell kasama si Molly dahil kung hindi ay tiyak na magbabago na naman ang mood ng lahat. “Are you okay?” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Dyke mula sa likuran ko. Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko ang kaseryosohan sa mukha niya habang naka-cross ang mga balikat at nakasandal sa dingding ng CR. “Y-Yeah,” sagot ko at ngumiti pa sa kanya. “Kanina ka pa ba diyan?” Hindi siya sumagot at lumapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata, napalunok ako at nag-iwas ng tingin. “I know you saw them,” mahinang usal niya. Natigilan ako at biglang lumakas ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status