Habang nasa himpapawid ang eroplanong sinasakyan nina Kiara at Aidan ay pinilit niyang makapagpahinga dahil pakiramdam niya ay latang lata sila sa pagkakatakas na iyon.Katabi ni Kiara si Aidan at nakapikit ang lalaki kaya naman malaya siyang napagmasdan ang mukha nito. 'Ang gwapo mo na nga eh maalalahanin pa at mabait. Bakit ba kasi ngayon lang kita nakilala edi sana pareho tayong hindi nasaktan ng mga maling taong minahal natin. Kung pwede lang turuan ang mga puso ay gagawin ko dahil ngayon palang masasabi ko ng napaka swerte ko at nakilala kita.' bulong ni Kiara sa sarili at saka ipinikit ang kanyang mga mata.Nagising si Aidan at bahagya pang nag unat unat saka sinulyapan ang natutulog na si Kiara. Pinagmasdan niya ang kabuuhan ngukha nito.Maganda at maliit ang hugis pusong mukha, matangos ang manipis na ilong, manipis at natural na mapupula ang mga labi, perpekto ang hugis ng mga mata na binagayan ng makapal at malalantik na pilik mata. Maganda rin ang kilay nito hindi makapal
Sa sinabi ni Kiara ay bahagyang tumibok ng malakas ang dibdib ni Aidan. Bagama't alam niyang biro iyon ng dalaga pero iba ang dating sa kanya.Dumulog sila sa hapagkainan kasabay sina Ace at David at isang lalaking di kilala ni Kiara."Kiara meet my cousin at the same time bestfriend, Jeofrey siya ng nag ayos ng mga kakailanganin natin para maikasal na tayo bukas. And this one is David and Ace, sila ang mga leader ng aking team." pakilala nito sa mga kasama sa hapag."Team?" nagtatakang tanong ni Kiara."Yeah. Ang mga bodyguards ko ay by team at sa lhat ng team na iyon silng dalawa ang humahawak." Paliwanag nito."Okay.. Hello sa inyo. Salamat ng marami ha malaking tulong ang nagagawa ninyo para sa akin." nakangiti naman pahayag ni Kiara sa tatlong lalaki."It's our pleasure ma'am." sagot ng tatlo na bahagya pang yumuko kay Kiara."Okay let's eat. Mamimili pa kami ng gamit walang masyadong dala si Kiara na mga damit dito sa U.S kaya kailangan namin mamili after lunch ay lalakad tayo p
Natapos makapamili si Kiara, hindi rin naman nagtagal at dumating narin sina Jeofrey at Aidan napakaraming dalang paper bag nung dalawa nilang kasamang tauhan. "Done?" tanong ni Aidan kay Kiara ngunit sa dala nina Ace at David nakatingin."Ah... yeah.. kayo tapos na ba?" nakangiting sagot ng dalaga."Yan lang ang pinamili mo?" mulingbtanong ni Aidan ng makita ang limang paper bags na dala ni Ace."Oo.. B-bakit?" nagtatakang tanong ni Kiara sa lalaki habang kunot na kunot ang noo."Come on!" yakag nito kay Kiara na inilahad ang kamay. Nahihiya man si Kiara ay tinanggap niya ang kamay ni Aida. Magkakasama silang lumabas ng boutique at hinila siya ni Aidan sa isa pang botique na pagpasok mo palamang ay makikita mo talagang puro pang kadalagahan ang damit kumbaga ay nasa uso. Ang pinanggalingan kasi nila ay puro lang opisina o sa madaling salita ay pang formal attire."Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ni Kiara.Binitiwan naman ni Aidan ang kamay ng dalaga at saka inilagay iyon s
Ala una na ng gabi ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Aidan nakatayo lamang siya sa terrace ng kanilang silid ni Kiara. Naninibago siya sa dalaga mula ng magyaya itong umuwi matapos nilang mamili. Pagpasok nito sa silid ay hindi na ito bumaba pa para sa hapunan pinadalhan niya ito ng gamot at pagkain ngunit hindi rin ito kumain at hindi rin ininom ang gamot. Nagiisip ng mabuti si Aidan kung may nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan pero wala siyang maisip. Ilang sandali pa ay nag ring ang cellphone niya at agad naman niyang sinagot iyon."Boss ayos na po lahat ng pinaayos ninyo nakausap na ni Atty.Shin ang mag asawang Tan at ayaw nilang tumanggap ng ano mang tulong mula kay Kiara. Ang sabi nila ay hindi mababayaran ang kahihiyan nila na sinira ng anak. At ang nararapat lamang daw na kabayaran ay ang magpakasal si Kiara kay Mr.Luiz ayaw na po nilang makipag usap kaya naman gumawa kami ng ibang plano. Binili namin ang shares ng tatlong kasosyo nila at dinoble namin ang halaga, k
Bahagyang nagmulat ng mata si Aidan ng makapa niyang wala na si Kiara sa kanyang tabi. Naligo siya ng mabilisan at saka may pagmamadali ring bumaba. Nasa kalaghatian siya ng hagdanan ng makarinig siya ng masayang tawanan sa dining room at rinig na rinig niya ang masayang tawa ni Kiara at hindi lamang basta tawa iyon dahil talagang humahalakhak pa ito. Mula ng makilala niya ang dalaga ay hindiboa niya ito naririnig humalakhak ng ganoon kalakas. Mababakas mo ang kasiyahan sa pagtawa nito. May kaunting inis siyang naramdaman kaya naman ng malapit na siya ay lumikha siya ng ingay."Ehhhemmm!" isang malakas na tikhim ang ginawa niya upang maagaw ang atensyon ng mga nasa mesa. At di naman siya nabigo dahil ang apat ay tumingin lahat sa kanya."Boss good morning!" masayang bati ni Ace."Manang makikigawa naman po ng coffee si Aidan." utos naman ni Jeof sa kasambahay na agad namang tumalima. "Good morning Master Aidan, maupo kana at mag almusal. Nauna na nakaming kumain dahil napaka sarap pa
Napakamot nalamang sa ulo ang mga tauhan sa inasal ni Aidan. "Alalayan na kita Kiara baka mahuli pa kayo sa kasal at mapatay kami ni Boss." biro ni Ace na kukunin sana ang kamay ng dalaga ngunit biglang naagaw ni Jeofrey."Ako na eepal ka pa eh!!!" Tumatawang sabi nito habang isinasabit ang kamay ni Kiara sa kanyang braso. "Lets go little sister, your groom is waiting out side." baling nito sa nangingiting si Kiara."Tara na nga!" sagot naman niya at sabay sabay silang lumabas. Inalalayan ni Jeofrey si Kiara upang makasakay sa sasakyan ni Aidan at ang iba naman ay sa kanya kanyang sasakyan na nagtungo. Tila naman naging parada ng kung ang convoy nila.Civil wedding lamang naman ang kanilang kasal at ang mga witnesses ay ang malalapit na tauhan ni Aidan. Habang tinatanong si Kiara ay ilang segundo din ang lumipas bago siya tuluyang nakasagot dahil sa sumagi sa isip niya na si Brandon ang kaharap at hindi si Aidan. Nang dumako naman sa kiss the bride, ay hinalikan ni Aidan si Kiara ng
Matapos makausap ni Aidan si Jeofrey ay agad siyang pumasok sa loob ng silid ipinatong niya ang cellphone sa kama at saka nagtungo sa banyo. Rinig na rinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower agad namang pumasok sa kanyang isip at parang nakikita niya ang kahubdan ni Kiara kaya naman isa isanrin niyang tinanggal ang mga kasuotan at saka marahang binuksan ang shower room kung saan nakatalikod si Kiara at nagsasabon ng katawan.Kinuha ni Aidan ang sabon na hawak nito bahagya panitong nagulat sakanyang pagpasok. Tinulungan niya si Kiara na sabunin ang likod nito at ang madampi palamang ang kanyang kamay sa balat ni Kiara ay tunay na nagpapagising na sa kanyang alaga at nagpapabuhay sa kanyang dugobat mga ugat. Walang kaimik imik si Kiara at nagpapaanod lamang sa daloy ng sitwasyon. Sabay silang naligo ni Aidan at ng makatapos na siya lalabas na sana ng shower room ngunit mabilis na naikawit ni Aidan ang malalakas na bisig sa beywang ng dalaga at sak siya nito pinakatitiga
Lumabas ng banyo si Aidan at nagtungo sa isang parte ng kabahayan ang mini bar. Dito ay puro mamahaling alak ang iyong makikita. Agad siyang kumuha ng isang boteng alak at saka tinungga iyon. Nang mangalahati na ang laman niyon ay kinuha niya ang cellphone niya at saka nagpipindot. Ngayon ang laban ni Athena sa last modeling competition na sinalihan nito. Ang usapan nila ay ito na ang huli dahil aasikasuhin na nila ang nalalapit nilang kasal, at pagkatapos ng kasal ay magpo-focus nalamang sana ito sa pagiging designer nito. Habang nakatingin sa picture nilang dalawa ng dating nobya ay untin unting pumatak ang luha niya sa kanyang mga mata. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kirot dahil sa tuwing maaalala niya ito ay bumabalik ang masakit na tagpong inabutan niya. Nagsampa ng kaso si Athena sa manager nito upang mapagtakpan sana ang kasalang nagawa nito sa kanya. Ngunit napawalang bisa iyon dahil sa dami ng kasamahan sa trabaho na nagpatunay na matagal na silang may relasyon. At ng
Puting kurtina, puting kisame at puting pintura...Kinabahan si Kiara ng makita ang kulay puting kapaligiran ng magmulat siya ng mata."Nasan ako?" agad niyang tanong."Gising ka na anak!" luhaang salubong ng kanyang ina na lubha niyang ikinagulat."Aidan hijo, gising na ang asawa mo!" halos maisigaw maman ng kanyang ama kung kayat lalo siyang nagtaka at inilibot ang paningin. Hindi siya maaaring magkamali ang kanyang mommy at daddy nakaupo sa tabi ng kanyang kama at ang kanyang yaya Celly at si Lupe na may dalang baby ay pawang nakangiti sa kanya."M--mga anak ko....." agad namutawi sa labi niyang tuyong tuyo. Umiiyak naman lumapit ang kanyang asawa na si Aidan at yinakap siya. Hindi nagtagal ay nakumpleto ang mga tauhang pibagkakatiwalaan nila dahil parang kapatid na ang turingan nila sa isat isa.Tuwang tuwa siya ng ilapit sa kanya ang kambal isang babae at isang lalaki. Halos maluha luha siya ng masilayan ang dalawang mumunting nilalang na akala niya ay wala ng pag asang makita
"Ahhhhh!!!" sigaw ni Kiara ng makaramdam ng biglaang sakit ng kanyang tiyan. "Mga anak pakiusap huwag muna kayong lalabas, hindi maaari dito. Hindi pwede ngayon pakiusao mga anak huwag muna ngayon." lumuluha nang nakikiusap si Kiara habang hinihimas ang kanyang tiyan. Hindibnaman tumigilbsa kakahanap si Yaya Celly sa kanyang alaga at sa di inaasahan ay nakabanggaan pa niya si Lupe na umiiyak. "Manang! manang nasaan na po si Ma'am Kiara? Hindi ko po siya makita eh natatakot po akonpara sa kanya at sa mga kambal!" "Huwag kang mag alala at makikita din natin siya halika hanapin na natin agad bak natatakot na ang alaga ko." hawak kamay na nag hanap ang dalawa ngunit ilang minuto lamang ay nawaln ng ilawbkung saan sila nag hahanap. "Manang mahihirapan tayo maghanap pag ganitong madilim." wika ni Lupe."Humanap tayo ng paraan parang may nakita akong emergency lights na mga nakakapit sa malapit sa cr halika bilisan mo!" Samantalang naka tanggap ng tawag si Aidan mula sa kanyang tauhan a
Naiinis na si Athena sa pambabalewala sa kanya ni Aidan kaya naman ng malaman niyang nakauwi na ang mga ito ay agad niyang kinatok ang pintuan ng silid ng mga ito. Wala na siyang pakialam kung anong masabi ng mga ito.Bumangon si Aidan at nag tapis ng towel sa kanyang beywang saka ito lumapit sa pintuan upang silipin ang kumakatok ngunit ng bahagya pa lamang niyang nabubuksan ay itinulak na kaagad ito ni Athena."H--heyyy ano ba? ano sa palagay mo ang ginagawa mo???" galit na tanong nito."Ikaw? ano bang palagay mo sa akin ha? bato? na kahit ipinakikita mo na wala na ako sa puso mo eh okay lang. kaya nilalampas lampasan mo lang ako!" sigaw ni Athena na tumutulo na ang luha. at sa kakatulak nito kay Aidan ay napapunta na sila sa may kama kung saan nakasandal sa headboard si Kiara na walang tabing sa katawan kundi ang kulay kremang kumot. Bahagya pa nitong ikiniling ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha ni Athena bago muling nahiga at ipinikit ang mga mata. "Hubby paalisin mo nga ang
Pumili ng makakain si Kiara at para sa kanila iyon ni Beverly nagutom talaga siya kaya naman masaya silang kumain na dalawa. Matapos nuon ay ipinahatid ni Kiara si Beverly sa kung saan niya ito sinundo at babalik na sana siya sa opisina ni Aidan ng bigla nalamang siyang hilahin ng kung sino kaya naman tiningala niya ito. "San kaba galing?" tanong ni Aidan sa asawa."Kumain nagutom ako eh." nakangiti niyang tugin saka nangunyapit sa braso ng asawa."Umuwi na tayo." anito na seryoso ang tinigbat agad ipinakuha ang mga gamit nila tila nagmamadali ito at halos makaladkad siya sa bilis nitong lumakad.Inaantay nila ang kotse nila na kinukuha ng tauhan ngunit laking pagtataka nila kung bakit napakatagal nitong dumating at hindi nga nagtagal ay may dumating na isang itim na van na tinutumbok ang kinaroroonan nila agad naman nagtakbuhan ang mga tauhan upang protektahan ang mag asawa. Agad silang naipasok sa loob ng building at saka ipinatawag ni Aidan ang lahat ng kanyang mga tauhan."Anong
Sa sinabi ni Kiara ay tila may kabang namuo sa dibdib ni Aidan. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng kaba o mas madaling sabihin na takot. Ayaw niyang isa isip iyon ngunit kusang umuukilkil sa kanyang isipan ang nararamdaman niya kung bakit ay hindi niya alam.Dumaan ang dalawang araw at lumabas na sa ospital si Athena saktong nasa sala ang mag-asawa nagbabasa ng libro si Aidan naka upo siya sa sofa at nakasandal habang naka unan sa kanyang mga hita si Kiara. Hindi inakala ni Athena na maykasama si Aidan dahil nakatalikod sa gawi ng pinang galingan niya ang kinaroroonan ng lalaki. Nagmamadali siyang lumapit sa likuran nito at niyakap ang leeg ng lalaki bago humalik sa pisngi."I'm home-----" bigla itong natigilang makitang kumibo ang nakahigang si Kiara tila nakatulog ito."Go to your room, tulog ang asawa ko kaya pakiusap huwag kang gumawa ng anumang ingay." makapangyarihan ang tinig nitong nag uutos."O--okay I'm sorry." nagmamadaling umalis si Athena sa kinaroroon ng m
"Anong nangyari???" muling tanong ni Kiara at isang buntong hininga lamang ang binitawan ni Jeofrey na nakapag pakaba sa kanya."M--mamaya n tayo mag usap Kiara may mga kailangan lamang akong unahin pasensya na." pagdadahilan nito ng biglang tapusin ang tawag naiyon. Lumabas naman ng cr si Aidan na nakapang bahay na suot lamang at saka lumapit kay Kiara. "Gusto ko sanang magpahinga, pero gusto ko katabi ka." bulong nito sa kanyang tainga at mula sa likuran niya ay niyakap siya nito.Marahang humarap si Kiara sa asawa at minasdan ang mukha nito. "Sige, tatabihan kita para makapagpahinga ka." aniya at saka inakay ang asawa pahiga sa malaking kama nila. Nahiga si Kiara sa bisig ng asawa at yumakap rito ng ubod ng higpit. Ganon rin naman ng ginawa ni Aidan hanggang sa nakatulog silang dalawa. Nagising si Kiara nang maramdamang kumukulo ang sikmura niya nagmamadali siyang bumangon at tumakbo sa CR duon ay nagduduwal siya hirap na hirap siya sa kanyang pagdadalang tao ngunit masaya pari
Bumalik si Max kina Jeofrey at Aidan, "Kumusta kayo? Wala bang nasaktan?" nag aalalang tanong niya na ang mata ay iniuuli sa paligid."Ace!!!!" "Ace!" Boses ng isa nilang kasamahan, kaya naman agad nilang hinanap si Ace at nahagip ito ng mga mata ni Jeofrey."Ace!!!" sigaw ni Jeofrey at tumakbo papalapit sa lalaki. Unti unti namang nagsisilabasan ang mga tao sa ospital upang mkaiusyoso. "Tumawag kayo ng tulong sa loob bilisan nyo!" sigaw ni Jeofrey na hindi na maintindihan ang gagawin dahil duguan si Ace at tila ba walang buhay na nakahiga sa tabi ng isang sasakyan.Agad namang lumabas ang ilang nurse at doktor, tinulungan sila ng mga ito, nangangatal ang mga kamay ni Aidan sa sobrang galit. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks. "Alamin mo kung sinong nagtangka sa buhay ko ngayon na." Agad niyang tinapos ang usapan at tumawag sa mansion. "Kahit anong mangyari huwag na huwag ninyong pababayaang umalis ang asawa ko ng bahay o kahit lumabas manlamang sa garden. Tawa
Dumating si Dra. Velasco at isang assistant nito agad naman silang sinalubong ni Aidan at ng mga tauhan nito. "Good day, dra. Velasco. Thank you for doing this, talagang ikaw lang po ang maasahan ko at mapagkakatiwalaan sa ganitong pagkakataon.""Para ito sa katahimikan ng isip ng pamangkin ko, nasan na ang babae mo at ng maumpisahan nanatin ang gagawin." Mataray na pagkakasabi nito kay Aidan."Nasa room po niya." mahinahon paring sagot ni Aidan."Sige, mag bibihis lang kami ng assistant ko at susunod na kami doon." sabi nito sabay lakad papalayo sa kinaroroonan nina Aidan."Wooooo.... grabe yun ah kinabahan ako ng sobra. Ang taray at ang lakas ng dating ni doc no..." singit ni Ace."Tara na masyado kang maingay." ani Max na binatukan pa si Ace bago inakbayan at sumunod sila sa daang tinahak ni Aidan.Nakahiga si Athena sa hospital bed ng dumating ang dalawang nurse na mag aassist sa kanya may kung ano anong tiningnan gaya ng temperature at blood pressure niya."S--sino kayo?" tanong
"Bakit ngayon kalang dumating? Hindi talaga kami importante sayo ng magiging baby natin, lagi nalamang si nKiara ang iniintindi mo ako itong buntis at delikado ang lagay pero siya parin ang inuuna mo." panunumbat sakanya ni Athena."Athena look buti nga at dinalaw pa kita rito gayong alam ko namang hindi totoo ang mga pangyayari kitang kita ko sa cctv footage ang ginawa mong pagkukunwaring nahimatay kaya naman huwag ka ng magpaka ipo*rita sa harapan ko dahil hindi na ako kasing b*bo ng inaakala mo. Ngayon din ay magpapa- paternity test tayo." "Nahihibang kanaba? Hindi ba't sinabi na ng doktor ko dati na delikado pa para sa baby ang nais nating mangyari. Ano ba talagang gusto mo? Ang mawala ang batang ito upang matahik kayo ng asawa mo at walang Athena na manghihimasok sa inyong dalawa." sigaw nito na galit na galit."Oo gusto ko ng matahimik kami ng asawa ko kaya nais na kitang dispatsahin kasama niyang anak mo!" inis na sigaw pabalik ni Aidan."Oh my God! para lamang sa babaeng iyo