Nagising si Aidan at bahagya pa siyang nagulat ng hindi maigalaw ang nagangalay na kamay. Pinagmasdan niya ang babaeng nakaunan rito. At saka siya napangiti. Nakaunan si Kiara sa kanyang bisig at parang batang nakasuksok ang mukha sa kanyang dibdib. Nanatili siya roon hanggang sa kusa itong magising at marahang nag angat ng paningin sa kanya."goodmorning!" nakangiti niyang bati kay Kiara."m--morning" sagot nito na unti unting inilalayo ang katawan sa kanya. Mabilis na hinila niya ng beywang nito at bahagyang inipit ng kanyang bisig ang leeg nitong nakaunan sa kanya upang hindi makalayo. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "Thanks for being here." bulong niya rito. Saka marahang bumangon at walang saplot na nagtungo sa banyo.Hindi naman makahuma ang tila nawala sa sariling si Kiara. Naghalo halo ang ang kanyang nararamdaman. Kaba, kilig at paghanga, tigagal siyang pinagmamasdan ang kahubdan ni Aidan na papalayo. Hanggang sa pumasok ito sa banyo ay hindi niya maalis ang paningin d
Dumaan ang isang linggo ngunit parang kay bilis at di naramdaman nina Aidan at Kiara. Nagmistulang tunay na mag asawa ang kanilang turingan. Laging namamasyal sa tabi ng dagat at minsan isang gabi ay napagkasunduan nilang duon matulog kaya nag camping sila. Masayang masaya ang dalawa walang sinumang makapagsasabi na sila ay nasa gitna ng pagkukunwari."Are you ready?" tanong ni Aidan sa nakatayong si Kiara at pinagmamasdan ang iiwanang kapaligiran."yeah!" simpleng sagot niya na hindi ito nilingon.Lumapit si Aidan at hinawakan ang magkabilang braso ni Kiara. "Salamat ha, dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan yung ganitong saya. At huwag kang mag alala kapag nagkaroon ulit ako ng time babalik tayo dito." at saka niya kinabig si Kiara papalapit sa dibdib niya. Niyakap niya ito ng mahigpit.Ganoon rin naman ang ginawa ni Kiara, gumanti siya ng yakap sa lalaking ayaw man niyang aminin ay minamahal na niya. "Lets go?" patanong na pagyayakag ni Kiara dito. At magkahawak kamay ng
Kinabahan si Aidan ng makita ang itsura ni Kiara ng buksan nito ang pinto ng banyo. Kaya naman hindi niya iniwan pa ito. Hindi rin ito masyadong kumakain kahit pa nga mga paborito nito ang binaon nila. Puro tulog lamang ang ginawa nito sa eroplano.'Hindi pa man kami nakababalik ay nagbabago na siya. Sana ay masama nga lamang ang pakiramdam niya.' bulong ng isip ni Aidan dahil nararamdaman niya ng tila malamig na pagtrato sa kanya ni Kiara.* * * FLASHBACK * *,*Nag camping sila sa tabing dagat, naglagay sila ng tent at habang nakatingala sa mga bituin ay nagkwentuhan sila patungkol sa mga nakaraan nilang dalawa."Para makilala natin ang isat isa mag tanungan tayo." suhestiyon ni Kiara habang naka tingin sa mga bituin."Sige ako ang mauuna. Pwede mo bang ikuwento kung paano ang relasyon ninyo ng ex mo." agad na bungad sakanya ng natatawang si Aidan."Masyado kang mapanakit Master ha! pero sige ikukwento ko basta mag kukwento ka rin ha." sagot niya rito."Oo nga promise." nakatawang pa
Nakaramdam ng habag si Aidan kay Kiara. Alam niyang tunay ang pagmamahalan nina Brandon at Kiara dahil kung hindi ay hindi rin sila magtatagal. At saludo siya sa pagpipigil ni Brandon talagang iginalang nito ang dalaga yun nga lamang hindi na ito nakapagpigil pa sa tukso. "Hindi mo dapat iniiyakan ang isang katulad niya. Ngunit bilang lalaki ay humahanga ako sa kanya." aniya sa seryosong tinig."Bakit naman, niloko na ako hinangaan mo pa." may himig nagtatampong sagot naman ni Kiara.Nagpakawala muna ng isang malalim na buntong hininga si Aidan bago muling nagsalita. "Alam mo bang napakahirap para sa aming mga lalaki ang magpigil na hawakan manlamang ang babae lalo na at mahal nila ito. Ngunit dahil sa paggalang at tiwala ay nagawa niyang hindi ka manlamang galawin sa loob ng anim na taon.""Kaya nga mahal na mahal ko siya kung walang nangyari sa atin ng gabing yun sa totoo lamang ay kaya ko pa siyang patawarin. Ngunit dahil marumi na ang tingin ko sa aking sarili ay mas pinili kong
Natulala at biglang dumaloy ang luha sa mga mata ni Kiara ng salubungin sila ng isang taong buong buhay niyang kaagapay.Nakabuka ang mga bisig at maluwang ang pagkakangiti ni Yaya Celly ng makita ang alagang halos tatlong linggo niyang hindi nakita. Agad nagyakap ang dalawa at nag iyakan habang nagkukumustahan."Yaya, paanong nangyari na narito ka?" tanong ni Kiara habang pinapahiran ni Yaya Celly ang luha niya."Iniligtas ako ni Sir Max, itinakas niya ako dahil binihag ako ni Marco. Takot na takot ako hija, akala ko ay mamamatay ako ng hindi ka nakikita." at muling nalaglag ang mga luha nito. "Kaya lubos na nagpapasalamat ako sa iyo Sir Aidan dahil kung hindi sa inyo hindi ko alam kung anong nangyari na sa akin." baling ni yaya kay Aidan.Agad naman nilingon ni Kiara si Aidan at saka malalaki ang hakbang na tinawid ang dalawang dipang layo nila sa isa't isa. Wala sa loob na niyakap niya ito ng mahigpit. "Salamat Aidan, salamat." lumuluhang bulong niya rito.Marahang iniangat ni Ai
"Paanong nangyari yun?" nagtatakang tanong ni Aidan."Boss naman ganoon naba kahina ang utak mo natural ginawa ninyong dalawa yun kaya nabuo." natatawang sagot ni Ace na binatukan nanaman ni Jeofrey."Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong mabuti pa ay tulungan mo sila sa kusina maghanda ng pagkain at gutom na kami." utos pa ng inis na inis na si Jeofrey.Agad na lumayas si Ace at nagtungobsa kusina. Siya ang pinaka bata sa lahat kaya naman medyo may pagkamabiro pa ang isang ito ngunit may sinasabi ito pagdating sa pakikipagbakbakan."Hindi yun maaaring mangyari dahil bukod sa umiinom siya ng contraceptives ay may ginagamit rin ako. Sa larangan ng kanyang trabaho ay ilang beses niyang ipinaintindi sa akin na ayaw niyang magkaanak ng hindi kami nakakasal." tiim bagang na salaysay ni Aidan sa mga ito kaya naman parang napaisip din sina Jeofrey, David at Max."Hindi natin masasabi agad Boss mag hintay muna tayo dahil maraming paraan para malaman kung iyo ang bata. Sa ngayon ay huwag ka
Walang ganang kumain si Aidan kaunti lamang ang naisubo nito. Samantalang si Kiara ay puro caldereta ang kinain ang dalawang kutsarang kanin ay hindi halos niya nagalaw."Hey, little sis balita ko eh maglalakad lakad ka daw sa labas?" tanong ni Jeofrey na sige lang sa pagnguya. "Oo sana eh." alin langan niyang tugon at tumingin siya kay Aidan. "G--gusto mo ba akong samahan?" biglang naitanong niya rito na ikinagulat naman nito at napatitig sa kanya."Marami akong gagawin ikaw nalang, huwag kang lalabas ng mag isa." Tanggi nito at biglang tumayo. "Sa study room na muna ako at pakiusap ayoko maabala." tuluyan silang tinalikuran ni Aidan."Hayaan mo na pagod lamang iyon at maraming isipin." singit ni David."Dahil ba buntis si Athena?" biglang tanong ni Kiara. Gulat at di makaimik ang apat nagtatapunan sila ng tingin at saka tumutok sa pagkain."Huwag na nating pag usapan baka marinig tayo ni Master malagot tayong lahat. Little sis, bilisan mo na kumain at sasamahan kitang maglakad kesa
Pinagmamasdan ni Aidan si Kiara habang nagtitingin tingin ito sa mga bulaklak na naroroon. Hindi niya maiwasang titigan ang kagandahan nito. Napaka inosente ng mga ngiti nito, yung tipong ayaw na niyang mawaglit sa kanyang paningin. Masyadong expresive ang mga mata ni Kiara mababasa mo kung nagsisinungaling ito, kung masaya ba o malungkot. Kaya naman pagnakita na ni Aidan ang mga mata nitong nangungusap pakiramdam niya ay hindi na siya makakahindi pa sa bawat hihingin o hihilingin nito. "Hey, its already 4:00PM, do you want to eat something?" tanong niya dito na agad naman siyang nilingon. Matamis na ngiti ang ibinigay nito kay Aidan bago lumapit ng tuluyan dito. "Busog pa ako eh, pwede naman kayong magmeryenda sa itaas dito lang ako promise. Hindi naman ako lalayo isa pa napakaraming tauhan mo ang nakakalat sa buong villa kaya imposibleng may mangyari sa akin." "Okay, sa terrace lang kami para natatanaw ka namin huwag kang lalayo ha." bilin ni Aidan sa kanya bago siya talikuran.
Puting kurtina, puting kisame at puting pintura...Kinabahan si Kiara ng makita ang kulay puting kapaligiran ng magmulat siya ng mata."Nasan ako?" agad niyang tanong."Gising ka na anak!" luhaang salubong ng kanyang ina na lubha niyang ikinagulat."Aidan hijo, gising na ang asawa mo!" halos maisigaw maman ng kanyang ama kung kayat lalo siyang nagtaka at inilibot ang paningin. Hindi siya maaaring magkamali ang kanyang mommy at daddy nakaupo sa tabi ng kanyang kama at ang kanyang yaya Celly at si Lupe na may dalang baby ay pawang nakangiti sa kanya."M--mga anak ko....." agad namutawi sa labi niyang tuyong tuyo. Umiiyak naman lumapit ang kanyang asawa na si Aidan at yinakap siya. Hindi nagtagal ay nakumpleto ang mga tauhang pibagkakatiwalaan nila dahil parang kapatid na ang turingan nila sa isat isa.Tuwang tuwa siya ng ilapit sa kanya ang kambal isang babae at isang lalaki. Halos maluha luha siya ng masilayan ang dalawang mumunting nilalang na akala niya ay wala ng pag asang makita
"Ahhhhh!!!" sigaw ni Kiara ng makaramdam ng biglaang sakit ng kanyang tiyan. "Mga anak pakiusap huwag muna kayong lalabas, hindi maaari dito. Hindi pwede ngayon pakiusao mga anak huwag muna ngayon." lumuluha nang nakikiusap si Kiara habang hinihimas ang kanyang tiyan. Hindibnaman tumigilbsa kakahanap si Yaya Celly sa kanyang alaga at sa di inaasahan ay nakabanggaan pa niya si Lupe na umiiyak. "Manang! manang nasaan na po si Ma'am Kiara? Hindi ko po siya makita eh natatakot po akonpara sa kanya at sa mga kambal!" "Huwag kang mag alala at makikita din natin siya halika hanapin na natin agad bak natatakot na ang alaga ko." hawak kamay na nag hanap ang dalawa ngunit ilang minuto lamang ay nawaln ng ilawbkung saan sila nag hahanap. "Manang mahihirapan tayo maghanap pag ganitong madilim." wika ni Lupe."Humanap tayo ng paraan parang may nakita akong emergency lights na mga nakakapit sa malapit sa cr halika bilisan mo!" Samantalang naka tanggap ng tawag si Aidan mula sa kanyang tauhan a
Naiinis na si Athena sa pambabalewala sa kanya ni Aidan kaya naman ng malaman niyang nakauwi na ang mga ito ay agad niyang kinatok ang pintuan ng silid ng mga ito. Wala na siyang pakialam kung anong masabi ng mga ito.Bumangon si Aidan at nag tapis ng towel sa kanyang beywang saka ito lumapit sa pintuan upang silipin ang kumakatok ngunit ng bahagya pa lamang niyang nabubuksan ay itinulak na kaagad ito ni Athena."H--heyyy ano ba? ano sa palagay mo ang ginagawa mo???" galit na tanong nito."Ikaw? ano bang palagay mo sa akin ha? bato? na kahit ipinakikita mo na wala na ako sa puso mo eh okay lang. kaya nilalampas lampasan mo lang ako!" sigaw ni Athena na tumutulo na ang luha. at sa kakatulak nito kay Aidan ay napapunta na sila sa may kama kung saan nakasandal sa headboard si Kiara na walang tabing sa katawan kundi ang kulay kremang kumot. Bahagya pa nitong ikiniling ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha ni Athena bago muling nahiga at ipinikit ang mga mata. "Hubby paalisin mo nga ang
Pumili ng makakain si Kiara at para sa kanila iyon ni Beverly nagutom talaga siya kaya naman masaya silang kumain na dalawa. Matapos nuon ay ipinahatid ni Kiara si Beverly sa kung saan niya ito sinundo at babalik na sana siya sa opisina ni Aidan ng bigla nalamang siyang hilahin ng kung sino kaya naman tiningala niya ito. "San kaba galing?" tanong ni Aidan sa asawa."Kumain nagutom ako eh." nakangiti niyang tugin saka nangunyapit sa braso ng asawa."Umuwi na tayo." anito na seryoso ang tinigbat agad ipinakuha ang mga gamit nila tila nagmamadali ito at halos makaladkad siya sa bilis nitong lumakad.Inaantay nila ang kotse nila na kinukuha ng tauhan ngunit laking pagtataka nila kung bakit napakatagal nitong dumating at hindi nga nagtagal ay may dumating na isang itim na van na tinutumbok ang kinaroroonan nila agad naman nagtakbuhan ang mga tauhan upang protektahan ang mag asawa. Agad silang naipasok sa loob ng building at saka ipinatawag ni Aidan ang lahat ng kanyang mga tauhan."Anong
Sa sinabi ni Kiara ay tila may kabang namuo sa dibdib ni Aidan. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng kaba o mas madaling sabihin na takot. Ayaw niyang isa isip iyon ngunit kusang umuukilkil sa kanyang isipan ang nararamdaman niya kung bakit ay hindi niya alam.Dumaan ang dalawang araw at lumabas na sa ospital si Athena saktong nasa sala ang mag-asawa nagbabasa ng libro si Aidan naka upo siya sa sofa at nakasandal habang naka unan sa kanyang mga hita si Kiara. Hindi inakala ni Athena na maykasama si Aidan dahil nakatalikod sa gawi ng pinang galingan niya ang kinaroroonan ng lalaki. Nagmamadali siyang lumapit sa likuran nito at niyakap ang leeg ng lalaki bago humalik sa pisngi."I'm home-----" bigla itong natigilang makitang kumibo ang nakahigang si Kiara tila nakatulog ito."Go to your room, tulog ang asawa ko kaya pakiusap huwag kang gumawa ng anumang ingay." makapangyarihan ang tinig nitong nag uutos."O--okay I'm sorry." nagmamadaling umalis si Athena sa kinaroroon ng m
"Anong nangyari???" muling tanong ni Kiara at isang buntong hininga lamang ang binitawan ni Jeofrey na nakapag pakaba sa kanya."M--mamaya n tayo mag usap Kiara may mga kailangan lamang akong unahin pasensya na." pagdadahilan nito ng biglang tapusin ang tawag naiyon. Lumabas naman ng cr si Aidan na nakapang bahay na suot lamang at saka lumapit kay Kiara. "Gusto ko sanang magpahinga, pero gusto ko katabi ka." bulong nito sa kanyang tainga at mula sa likuran niya ay niyakap siya nito.Marahang humarap si Kiara sa asawa at minasdan ang mukha nito. "Sige, tatabihan kita para makapagpahinga ka." aniya at saka inakay ang asawa pahiga sa malaking kama nila. Nahiga si Kiara sa bisig ng asawa at yumakap rito ng ubod ng higpit. Ganon rin naman ng ginawa ni Aidan hanggang sa nakatulog silang dalawa. Nagising si Kiara nang maramdamang kumukulo ang sikmura niya nagmamadali siyang bumangon at tumakbo sa CR duon ay nagduduwal siya hirap na hirap siya sa kanyang pagdadalang tao ngunit masaya pari
Bumalik si Max kina Jeofrey at Aidan, "Kumusta kayo? Wala bang nasaktan?" nag aalalang tanong niya na ang mata ay iniuuli sa paligid."Ace!!!!" "Ace!" Boses ng isa nilang kasamahan, kaya naman agad nilang hinanap si Ace at nahagip ito ng mga mata ni Jeofrey."Ace!!!" sigaw ni Jeofrey at tumakbo papalapit sa lalaki. Unti unti namang nagsisilabasan ang mga tao sa ospital upang mkaiusyoso. "Tumawag kayo ng tulong sa loob bilisan nyo!" sigaw ni Jeofrey na hindi na maintindihan ang gagawin dahil duguan si Ace at tila ba walang buhay na nakahiga sa tabi ng isang sasakyan.Agad namang lumabas ang ilang nurse at doktor, tinulungan sila ng mga ito, nangangatal ang mga kamay ni Aidan sa sobrang galit. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks. "Alamin mo kung sinong nagtangka sa buhay ko ngayon na." Agad niyang tinapos ang usapan at tumawag sa mansion. "Kahit anong mangyari huwag na huwag ninyong pababayaang umalis ang asawa ko ng bahay o kahit lumabas manlamang sa garden. Tawa
Dumating si Dra. Velasco at isang assistant nito agad naman silang sinalubong ni Aidan at ng mga tauhan nito. "Good day, dra. Velasco. Thank you for doing this, talagang ikaw lang po ang maasahan ko at mapagkakatiwalaan sa ganitong pagkakataon.""Para ito sa katahimikan ng isip ng pamangkin ko, nasan na ang babae mo at ng maumpisahan nanatin ang gagawin." Mataray na pagkakasabi nito kay Aidan."Nasa room po niya." mahinahon paring sagot ni Aidan."Sige, mag bibihis lang kami ng assistant ko at susunod na kami doon." sabi nito sabay lakad papalayo sa kinaroroonan nina Aidan."Wooooo.... grabe yun ah kinabahan ako ng sobra. Ang taray at ang lakas ng dating ni doc no..." singit ni Ace."Tara na masyado kang maingay." ani Max na binatukan pa si Ace bago inakbayan at sumunod sila sa daang tinahak ni Aidan.Nakahiga si Athena sa hospital bed ng dumating ang dalawang nurse na mag aassist sa kanya may kung ano anong tiningnan gaya ng temperature at blood pressure niya."S--sino kayo?" tanong
"Bakit ngayon kalang dumating? Hindi talaga kami importante sayo ng magiging baby natin, lagi nalamang si nKiara ang iniintindi mo ako itong buntis at delikado ang lagay pero siya parin ang inuuna mo." panunumbat sakanya ni Athena."Athena look buti nga at dinalaw pa kita rito gayong alam ko namang hindi totoo ang mga pangyayari kitang kita ko sa cctv footage ang ginawa mong pagkukunwaring nahimatay kaya naman huwag ka ng magpaka ipo*rita sa harapan ko dahil hindi na ako kasing b*bo ng inaakala mo. Ngayon din ay magpapa- paternity test tayo." "Nahihibang kanaba? Hindi ba't sinabi na ng doktor ko dati na delikado pa para sa baby ang nais nating mangyari. Ano ba talagang gusto mo? Ang mawala ang batang ito upang matahik kayo ng asawa mo at walang Athena na manghihimasok sa inyong dalawa." sigaw nito na galit na galit."Oo gusto ko ng matahimik kami ng asawa ko kaya nais na kitang dispatsahin kasama niyang anak mo!" inis na sigaw pabalik ni Aidan."Oh my God! para lamang sa babaeng iyo