Thank you so much sa pagsuporta ninyo sa aking 3rd novel sana po ay suportahan rin ninyo ang paapat na sa ngayon ay ginagawa ko pa. ( My Diary Unspoken Love) actually half of this story is hinango sa tunay na kwento hindi kayo paiinitin ngunit natitiyak ko na paiiyakin naman kayo ng kwento nina STANLEY AT SERENITY.....
"Sige papayag ako ipasusundo kita riyan at dideretso kayo sa doktor na kilala ko at siyang mag sasagawa ng paternity test." agad na tinapos ni Aidan ang tawag na iyon. Nanginginig sa inis ang mga kamay niya at tila gusto niyang mag wala. Kaya naman lumabas siya ng silid at nasalubong si Kiara ngunit nilampasan lamang niya ito. Nagtuloy siya sa ibaba at hinanap ang mga kaibigan upang yayaing mag inuman. Samantalang nagulat si Kiara dahil sa inasal ni Aidan hindi siya sanay sa ugali ng lalaking ito, ngunit alam niya at nararmdaman niya na may problema kaya nag iba nanaman ang mood nito. Hindi na lamang niya pinansin sa kadahilanang ayaw niyang mapagbuntunan ng galit o inis ni Aidan. Nangako siya sa sarili na hindi gagawa ng anumang ikaiinis nito sa kanya. "Hah! Bro, anong pumasok sa isip mo at pumayag ka sa gusto ni Athena?" tanong ni Jeofrey sa kanya habang nagsasalin ng alak sa baso. "Thats the only way para malaman ko kung anak ko nga ang bata at para narin sa sarili ko." huminga
Nawalan ng malay sa taas ng lagnat si Kiara kaya naman nagkagulo ang apat na lalaking kasalo niya sa pagkain. Mabuti na lamang at maagap si Aidan nang tumayo siya sa upuan ay agad siyang nasalo nito ng matumba dahil kung hindi baka tumama ang ulo niya sa kantuhan ng lamesa.Binuhat ni Aidan ang asawa patungo sa masters bed room kasunod ang tatlo at si Yaya Celly."Tumawag ka ng doctor Max pakibilisan." utos ni Aidan na tila mababaliw sa pag aalala. "Hindi na kailangan sir ako nalang po ang mag iintindi sa kanya." suhestyon ni yaya Celly at napatingin naman ng masama sa kanya si Aidan."Yaya kailangan niya ng doctor!" giit nito."Takot si Kiara sa turok ayaw na ayaw niyang tinuturukan at ayaw rin niya sa ospital kaya wala kayong magagawa kung hindi ang magtiwala sa akin. Ako ang nagpalaki at nag alaga sa batang ito, sa tuwing lalagnatin siya ay nawawalan ng walay dahil hindi kinakaya ng katawan niya ang sobrang init kaya mabuti pa ay ikuha ninyo ako ng planganita na may yelo at kaunti
Ilang araw inalagaan ni Aidan si Kiara at hindi ito umalis a tabi nito hanggat di ayos ang pakiramdam nito. Nang tuluyan na itong gumaling ay nagpasya na silang lumipat ng mansion agad silang naghakot ng mga gamit at nagtungo sa mansion na pag aari ni Aidan sa Maynila. "Yaya Celly, marami na pong kasambahay dito kaya huwag kayong masyadong magpagod. Duon narin ho kayo sa isang guest room tumuloy kayong dalawa ni Lupe." bilin ni Aidan."Aba eh bakit naman sir, nakakahiya naman iyon at hindi ba masyadong unfair yun sa mga katrabaho namin rito?" takang tanong ni yaya Celly."Pamilya po ang turing sa inyo ni Kiara ng asawa ko kaya pamilya narin kayo para sa akin, si Kiara lamang po ang tutukan ninyo ng pansin masyado po siyang sakitin at ayaw kong mag alala sa kanya. Si Lupe at ikaw po ay tanging kay Kiara lamang mag iintindi, samahan ninyo siya upang hindi mainip baka po kasi mabinat siya alam ko naman po na saninyo lamang siya makikinig. Ang buong linggong ito po ay nakalaan sa pahing
Bumalik nga sa silid nilang mag asawa si Kiara at duon ay pabalikbalik na naglalakad. Napasukan siya ni Yaya Celly may dala itong juice sa baso at agad iniabit sa kanya."Inumin mo ito para kumalma ka." Utos nito ng nakangiti. Agad niyang tinanggap iyon at ininum ngunit ilang lagok palamang ay napatakbo na siya sa CR at saka isinuka roon ang laman ng kanyang sikmura. Agad siyang dinaluhan ni yaya Celly at hinimas ang likuran. Nang umayos ang pakiramdam niya at nakapag hilamos na siya ay inalalayan siya nitong pabalik sa kama."Yaya, iwan po muna ninyo ako gusto kong magpahinga." Wika niya dito at mahahalata ang panlalambot."Wala ka bang balak ipaalam ito sa asawa mo Kiara?" Biglang tanong ni yaya Celly na ikinagulat ni Kiara."Ang alin yaya?" Kunwaring tanong rin niya."Matanda na ako para paglihiman mo, papunta palang kayo ay pabalik na ako. Buntis ka at nararamdaman ko iyon bilang tumayong iyong ina sa loob ng maraming taon.""Yaya ang batang ito ay produkto ng isang gabing pagkaka
"G---good morning everyone!"paunang bati ni Jeofrey na isa isang tiningnan ang mga naroon bago nag patuloy. "First I want to introduce my self, I am Engr. Jeofrey Smith, cousin and adviser of Master Aidan Rafael Smith. This man in my right side is Atty. Reynaldo Legaspi one of our company lawyer and from my left is our big boss Master Aidan Rafael Smith, one of the most popular and successful in business world and I know that all of you know him as the King of the Century and of course before I forgot the beautiful lady on his side is his wife Madam Kiara Zoe Smith." nakangiti ngunit kabadong pagpapakilala ni Jeofrey sa mga kasama.After ma-introduce ni Jeofrey ang mga kasamahan ay marahang tinanggal ni Kiara ang suot na malapad na saklob nahalos tumaklob sa kanyang mukha. Kasunod nito ay inalis niya ang shades na nagtatago sa kanyang mapanuring mga mata. Sinalubong ng kanyang paningin ang maluha luhang titig ng kanyang ina at saka niya tinignan sa mata ang ang kanyang ama. Bakas sa
Nagising si Kiara at agad na iniuli ang paningin. Hindi siya makahuma ng makita ang tiyahin na isang OB at siyang nag aasikaso sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit na nakatitig lamang sa kanya.."Zoe, totoo ba na asawa mo na si Mr. Smith?" makapangyarihang tanong nito."Tita saka na natin pag usapan ito please ang gusto ko pong malaman ngayon ay ang lagay ko. Sobrang nanghihina po ako sa bawat araw na dumadaan pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng hininga." matamlay na sabi niya sa tiyahin. Ramdam na ramdam naman ng Dra. natotoo ang kanyang sinasabi napapailing nalamang ito. "You are ten weeks pregnant at mahina ang kapit ng bata kaya ka nagkaka ganyan.""Wait tita? sinabi mo ba sa asawa ko na magkamag anak tayo at nasabi mo po ba na buntis ako?" takit na tanong niya rito."Wala akong sinasabi sa kanya dahil ayaw ko siyang kausapin.""Thanks tita." tila nabunutan naman ng tinik sa lalamunan si Kiara.Nagtataka man ang tiyahin ay wala itong nagawa kung hindi ang maupo at kau
"Good Afternoon Mr. and Mrs. Smith this way please." salubong ng isang maganda at matangkad na babae sa kanila. Hindi binibitawan ni Aidan ang kamay ni Kiara kaya ramdam niya ang panlalamig nuon. Bago pumasok sa isang opisina ay hinila muna ni Aidan si Kiara sa gilid nito sa may kabilang pintuan. Gaya kanina ay napakaraming tauhan nanaman nila ang nakasunod at nakabantay sa kanila. "Kiara, look nararamdaman kong na i-stress ka na agad kahit hindi mo pa sila nakakarap. Pwede bang kumalma ka?" ani Aidan. "Don't worry about me okay, after this I promise magpapahinga ako ng bongga kahit ipatapon mo na ako sa America para magsama kayo ng Athena mo dito sa Pilipinas ay okay lang." gigil na sagot naman ni Kiara. "Hey! saan naman galing yung gusto kong makasama si Athena? tssk over thinker ka nga pala." napapailing pa si Aidan. "Okay let see after ng Paternity Test kung hindi ka mabaliw na ipagtulakan ako palayo, alam mo ngayon ko lang sasabihin ito at diko na uulitin. Huwag kang magkunwa
"Imposibleng mapalitan agad ako diyan sa puso mo Kiara, ang tagal nbg ating pinagsamahan nakapag tatakang sa isang iglap ay mapapalitan ng isang Aidan Rafael Smith! tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo sa aking hindi mo na ako mahal." halos pabulong nalamang ang tinig ni Brandon tila nanghihina na siya hindi dahil sa mga ari ariang mawawala sa kanya kung hindi dahil sa kaalamang kasal na ang babaeng patuloy parin niyng minamahal. Agad namagitan si Aleira at pilit hinihila si Brandon. "Brandon ano ba? Tumigil kana dahil nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo!" sigaw nito sa kanya. "Nasasaktan o nahihiya dahil pareho nating alam na hindi naman kita talaga minahal isa kalamang laruan para sa akin Aleira. Kaya wala kang karapatan na pigilan ako sa lahat ng sinasabi ko o ginagawa ko." baling naman ni Brandon dito kaya naman tuluyan ng lumaglag ang mga luha ni Aleira na kanina pa pinipigilan. Muling binalingan ni Brandon si Kiara, "Tumingin ka sa mga mata ko Kiara at ngayon din patunaya
Puting kurtina, puting kisame at puting pintura...Kinabahan si Kiara ng makita ang kulay puting kapaligiran ng magmulat siya ng mata."Nasan ako?" agad niyang tanong."Gising ka na anak!" luhaang salubong ng kanyang ina na lubha niyang ikinagulat."Aidan hijo, gising na ang asawa mo!" halos maisigaw maman ng kanyang ama kung kayat lalo siyang nagtaka at inilibot ang paningin. Hindi siya maaaring magkamali ang kanyang mommy at daddy nakaupo sa tabi ng kanyang kama at ang kanyang yaya Celly at si Lupe na may dalang baby ay pawang nakangiti sa kanya."M--mga anak ko....." agad namutawi sa labi niyang tuyong tuyo. Umiiyak naman lumapit ang kanyang asawa na si Aidan at yinakap siya. Hindi nagtagal ay nakumpleto ang mga tauhang pibagkakatiwalaan nila dahil parang kapatid na ang turingan nila sa isat isa.Tuwang tuwa siya ng ilapit sa kanya ang kambal isang babae at isang lalaki. Halos maluha luha siya ng masilayan ang dalawang mumunting nilalang na akala niya ay wala ng pag asang makita
"Ahhhhh!!!" sigaw ni Kiara ng makaramdam ng biglaang sakit ng kanyang tiyan. "Mga anak pakiusap huwag muna kayong lalabas, hindi maaari dito. Hindi pwede ngayon pakiusao mga anak huwag muna ngayon." lumuluha nang nakikiusap si Kiara habang hinihimas ang kanyang tiyan. Hindibnaman tumigilbsa kakahanap si Yaya Celly sa kanyang alaga at sa di inaasahan ay nakabanggaan pa niya si Lupe na umiiyak. "Manang! manang nasaan na po si Ma'am Kiara? Hindi ko po siya makita eh natatakot po akonpara sa kanya at sa mga kambal!" "Huwag kang mag alala at makikita din natin siya halika hanapin na natin agad bak natatakot na ang alaga ko." hawak kamay na nag hanap ang dalawa ngunit ilang minuto lamang ay nawaln ng ilawbkung saan sila nag hahanap. "Manang mahihirapan tayo maghanap pag ganitong madilim." wika ni Lupe."Humanap tayo ng paraan parang may nakita akong emergency lights na mga nakakapit sa malapit sa cr halika bilisan mo!" Samantalang naka tanggap ng tawag si Aidan mula sa kanyang tauhan a
Naiinis na si Athena sa pambabalewala sa kanya ni Aidan kaya naman ng malaman niyang nakauwi na ang mga ito ay agad niyang kinatok ang pintuan ng silid ng mga ito. Wala na siyang pakialam kung anong masabi ng mga ito.Bumangon si Aidan at nag tapis ng towel sa kanyang beywang saka ito lumapit sa pintuan upang silipin ang kumakatok ngunit ng bahagya pa lamang niyang nabubuksan ay itinulak na kaagad ito ni Athena."H--heyyy ano ba? ano sa palagay mo ang ginagawa mo???" galit na tanong nito."Ikaw? ano bang palagay mo sa akin ha? bato? na kahit ipinakikita mo na wala na ako sa puso mo eh okay lang. kaya nilalampas lampasan mo lang ako!" sigaw ni Athena na tumutulo na ang luha. at sa kakatulak nito kay Aidan ay napapunta na sila sa may kama kung saan nakasandal sa headboard si Kiara na walang tabing sa katawan kundi ang kulay kremang kumot. Bahagya pa nitong ikiniling ang ulo na tila ba sinisilip ang mukha ni Athena bago muling nahiga at ipinikit ang mga mata. "Hubby paalisin mo nga ang
Pumili ng makakain si Kiara at para sa kanila iyon ni Beverly nagutom talaga siya kaya naman masaya silang kumain na dalawa. Matapos nuon ay ipinahatid ni Kiara si Beverly sa kung saan niya ito sinundo at babalik na sana siya sa opisina ni Aidan ng bigla nalamang siyang hilahin ng kung sino kaya naman tiningala niya ito. "San kaba galing?" tanong ni Aidan sa asawa."Kumain nagutom ako eh." nakangiti niyang tugin saka nangunyapit sa braso ng asawa."Umuwi na tayo." anito na seryoso ang tinigbat agad ipinakuha ang mga gamit nila tila nagmamadali ito at halos makaladkad siya sa bilis nitong lumakad.Inaantay nila ang kotse nila na kinukuha ng tauhan ngunit laking pagtataka nila kung bakit napakatagal nitong dumating at hindi nga nagtagal ay may dumating na isang itim na van na tinutumbok ang kinaroroonan nila agad naman nagtakbuhan ang mga tauhan upang protektahan ang mag asawa. Agad silang naipasok sa loob ng building at saka ipinatawag ni Aidan ang lahat ng kanyang mga tauhan."Anong
Sa sinabi ni Kiara ay tila may kabang namuo sa dibdib ni Aidan. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoong klaseng kaba o mas madaling sabihin na takot. Ayaw niyang isa isip iyon ngunit kusang umuukilkil sa kanyang isipan ang nararamdaman niya kung bakit ay hindi niya alam.Dumaan ang dalawang araw at lumabas na sa ospital si Athena saktong nasa sala ang mag-asawa nagbabasa ng libro si Aidan naka upo siya sa sofa at nakasandal habang naka unan sa kanyang mga hita si Kiara. Hindi inakala ni Athena na maykasama si Aidan dahil nakatalikod sa gawi ng pinang galingan niya ang kinaroroonan ng lalaki. Nagmamadali siyang lumapit sa likuran nito at niyakap ang leeg ng lalaki bago humalik sa pisngi."I'm home-----" bigla itong natigilang makitang kumibo ang nakahigang si Kiara tila nakatulog ito."Go to your room, tulog ang asawa ko kaya pakiusap huwag kang gumawa ng anumang ingay." makapangyarihan ang tinig nitong nag uutos."O--okay I'm sorry." nagmamadaling umalis si Athena sa kinaroroon ng m
"Anong nangyari???" muling tanong ni Kiara at isang buntong hininga lamang ang binitawan ni Jeofrey na nakapag pakaba sa kanya."M--mamaya n tayo mag usap Kiara may mga kailangan lamang akong unahin pasensya na." pagdadahilan nito ng biglang tapusin ang tawag naiyon. Lumabas naman ng cr si Aidan na nakapang bahay na suot lamang at saka lumapit kay Kiara. "Gusto ko sanang magpahinga, pero gusto ko katabi ka." bulong nito sa kanyang tainga at mula sa likuran niya ay niyakap siya nito.Marahang humarap si Kiara sa asawa at minasdan ang mukha nito. "Sige, tatabihan kita para makapagpahinga ka." aniya at saka inakay ang asawa pahiga sa malaking kama nila. Nahiga si Kiara sa bisig ng asawa at yumakap rito ng ubod ng higpit. Ganon rin naman ng ginawa ni Aidan hanggang sa nakatulog silang dalawa. Nagising si Kiara nang maramdamang kumukulo ang sikmura niya nagmamadali siyang bumangon at tumakbo sa CR duon ay nagduduwal siya hirap na hirap siya sa kanyang pagdadalang tao ngunit masaya pari
Bumalik si Max kina Jeofrey at Aidan, "Kumusta kayo? Wala bang nasaktan?" nag aalalang tanong niya na ang mata ay iniuuli sa paligid."Ace!!!!" "Ace!" Boses ng isa nilang kasamahan, kaya naman agad nilang hinanap si Ace at nahagip ito ng mga mata ni Jeofrey."Ace!!!" sigaw ni Jeofrey at tumakbo papalapit sa lalaki. Unti unti namang nagsisilabasan ang mga tao sa ospital upang mkaiusyoso. "Tumawag kayo ng tulong sa loob bilisan nyo!" sigaw ni Jeofrey na hindi na maintindihan ang gagawin dahil duguan si Ace at tila ba walang buhay na nakahiga sa tabi ng isang sasakyan.Agad namang lumabas ang ilang nurse at doktor, tinulungan sila ng mga ito, nangangatal ang mga kamay ni Aidan sa sobrang galit. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks. "Alamin mo kung sinong nagtangka sa buhay ko ngayon na." Agad niyang tinapos ang usapan at tumawag sa mansion. "Kahit anong mangyari huwag na huwag ninyong pababayaang umalis ang asawa ko ng bahay o kahit lumabas manlamang sa garden. Tawa
Dumating si Dra. Velasco at isang assistant nito agad naman silang sinalubong ni Aidan at ng mga tauhan nito. "Good day, dra. Velasco. Thank you for doing this, talagang ikaw lang po ang maasahan ko at mapagkakatiwalaan sa ganitong pagkakataon.""Para ito sa katahimikan ng isip ng pamangkin ko, nasan na ang babae mo at ng maumpisahan nanatin ang gagawin." Mataray na pagkakasabi nito kay Aidan."Nasa room po niya." mahinahon paring sagot ni Aidan."Sige, mag bibihis lang kami ng assistant ko at susunod na kami doon." sabi nito sabay lakad papalayo sa kinaroroonan nina Aidan."Wooooo.... grabe yun ah kinabahan ako ng sobra. Ang taray at ang lakas ng dating ni doc no..." singit ni Ace."Tara na masyado kang maingay." ani Max na binatukan pa si Ace bago inakbayan at sumunod sila sa daang tinahak ni Aidan.Nakahiga si Athena sa hospital bed ng dumating ang dalawang nurse na mag aassist sa kanya may kung ano anong tiningnan gaya ng temperature at blood pressure niya."S--sino kayo?" tanong
"Bakit ngayon kalang dumating? Hindi talaga kami importante sayo ng magiging baby natin, lagi nalamang si nKiara ang iniintindi mo ako itong buntis at delikado ang lagay pero siya parin ang inuuna mo." panunumbat sakanya ni Athena."Athena look buti nga at dinalaw pa kita rito gayong alam ko namang hindi totoo ang mga pangyayari kitang kita ko sa cctv footage ang ginawa mong pagkukunwaring nahimatay kaya naman huwag ka ng magpaka ipo*rita sa harapan ko dahil hindi na ako kasing b*bo ng inaakala mo. Ngayon din ay magpapa- paternity test tayo." "Nahihibang kanaba? Hindi ba't sinabi na ng doktor ko dati na delikado pa para sa baby ang nais nating mangyari. Ano ba talagang gusto mo? Ang mawala ang batang ito upang matahik kayo ng asawa mo at walang Athena na manghihimasok sa inyong dalawa." sigaw nito na galit na galit."Oo gusto ko ng matahimik kami ng asawa ko kaya nais na kitang dispatsahin kasama niyang anak mo!" inis na sigaw pabalik ni Aidan."Oh my God! para lamang sa babaeng iyo