Princess
Ilang beses kaming nanuod ng sine.. may horror, thriller and romance, umalis lang kami sa sine noong nakaramdam ako ng gutom, kaya niyaya ko na siyang lumabas. "Anong kakainin natin ngayon?" tanong niya sa akin habang naglalakad. Sasagot na sana ako ng mapansin ko si Vina galit na pumunta sa banda ko.. napansin rin ito agad ni Mike kaya hinarangan niya agad ako para protektahan. Huminto si Vina sa harap ni Mike at galit na tinuro si Mike pero parang ako talaga yung tinuro niya dahil sa akin siya galit na kung tumingin. "What do you want?" malamig na tanong ni Mike dito. Tiningnan ni Vina si Mike. "Sinira niya ang relasyon namin ni Zey!" galit na sabi ni Vina kay Mike. Tumingin ako sa paligid, nakita kong maraming tumingin sa amin. Pag sinasagot ito ni Mike for sure marami na naman mag-uusap sa social media.. pulutan na naman kami. Hinila ko ang damit ni Mike kaya nilingon niya ako.. binulongan ko siya. "SJollibee"Ikaw parin ang princess nila and you're my queen now," seryosong sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya at hindi sumagot. Dati naiinis ako sa mga babae na lumalapit sa kanya, mga babaeng kinausap siya.. magiging bad mood ako buong araw pag nakita ko siyang may kinausap na babae dati.. hindi ko siya kakausapin buong araw, kaya inasar kaming dalawa nila Everett at Lee.Bata palang kami ganun na ang nangyari hayst.. ngayon ko lang din naman na realize na nagseselos pala ako sa mga babaeng lumalapit sa lanya kaya ganun nalang ang reaction ko.Noong umalis sila inasar ako ng mga kaklase ko dahil wala na daw yung mga lalaking ginawa akong princess, yung iba naman sinasabing sino na naman ang target kong mayaman noong lumipat na sila sa school. Inisip kasi nilang pera lang ang habol ko sa tatlo kaya ako lumapit sa kanila.Noong una gusto ko lang makisakay kay Mike pero naging close ako sa kanya at ganun rin kay Lee at Everett kaya hindi ko na in
Answer"There's one available VIP room here, so I booked that one room for us," sabi ni Everett habang tiningnan namin ang mga tao sa loob. May pa VIP room pala ang Jollibee na ito? ngayon ko lang nalaman.Nauna na ang dalawa at sumunod kami ni Mike.. binulongan ko si Mike."May VIP room pala, bakit nirentahan mo pa ito kanina?" bulong kong tanong sa kanya."I don't know," simpleng sagot niya. Puro mamahaling restaurant lang ata ito kumain kaya hindi niya alam."Ngayon ka lang ba kumain dito?" tanong ko ulit."No.. my lola brought me here when I graduated in grade six, but hindi kami sa VIP room," sagot niya. Low profile lang si lola, ngayon hindi na pwedeng makisalo pa sila sa mga tao dahil siguradong dumugin lang sila ng mga tao kahit hindi sila artista."Hindi ba kayo naghanda?" tanong ko na may pagtataka sa sinabi niya. Naghanda nga kami noon kahit wala kaming pera, maayos rin kami ni papa that time so matiwasay yung
Please"Why?" tanong ko at pilit inayos ang boses kahit nakaramdam ng mabigat sa dibdib.. feeling ko kasi alam ko na kung bakit sila umalis, hindi dahil sa magulang nila kundi may ibang rason, and while thinking about their reason, It's broke my heart cause I think they want me to stay away from them that time."Umalis kami dahil sayo," seryosong sabi ni Everett."Everett!" sabay na sigaw ni Lee at Mike kay Everett."Why? it's true," seryosong sabi ni Everett. Nasasaktan ko noong inisip ko na 'baka' ako ang dahilan kaya sila umalis but hearing those words from them, I don't know how much they broke my heart right now.Mali ako na inisip na gusto nila akong makita o makasama, mali akong inisip na close ko silang kaibigan dati.. akala ko lang pala iyun lahat. Iniwan nila ako, it means.. ayaw nila sa akin in the past, until now. Tumango ako at hindi na nagsalita.. I can't pretend anymore, I don't care if they saw me hurting right n
RefrigeratorNakarating kami sa bahay ni lola o sabihin na nating mansyon.. kung sa ibang pagkakataon pa ito kanina ko pa tinanong si Mike kung si lola lang ba mag-isa dito. Agad kaming sinalubong ng mga katulong ng nasa harap na kami sa pintuan."Where's lola?" walang ganang tanong ni Mike, hindi ko nalang ito pinansin. Hindi pa nakasagot ang tinanong niya lumabas si lola na parang gulat sa nakita. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.Sa panahong ganito wala akong makakampihan kundi si lola lang, wala akong kaibigan, wala rin si mama. Bigla kong namiss si mama pero natatakot lang akong bumisita dahil baka sasaktan ako ni papa, mapahamak lang ang baby ko. Tumawag rin naman minsan si mama sa akin at parang okay lang naman siyang naiwan doon kaya hindi ko na ginawang big deal lahat."Apo, bakit kayo nandito?" tanong ni lola, umalis ako sa pagkayakap sa kanya. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mukha habang tumingin sa akin at bum
LieKinabukasan kusa akong nagising pagkatapos ng mahabang tulog. May narinig pa akong maingay sa labas kaya lumapit ako sa pintuan para pakinggan ito."Saan ka pupunta?" tanong ni lola kay Mike. Siguro aalis ito ngayon. Ngumuso ako 'hindi man lang ako pinuntahan dito'."Work," tipid nitong sagot."Hindi ka ba magpaalam kay Lyra?" seryosong tanong ni lola.. nilapit ko pa ang sarili ko sa pintuan para marinig ang sagot niya."She's sleeping," nagdalawang isip niyang sagot. Sleeping your face! gigisingin mo nga ako dati, bakit ngayon hindi, tsk."Wag ka munang pumasok Mike, ayusin mo muna ang sa inyo ni Lyra," seryosong sabi ni lola."La baka mas lalo yan magagalit sa akin pag hindi ako papasok, ayaw niya pag aabsent ako," sabi ni Mike.Wala akong narinig kaya mas lalo kong nilapit ang sarili ko pero biglang bumukas ang pintuan kaya agad akong napaayos ng tayo at tinaasan ng kilay si Mike ng makita sumilip muna it
Mother"Whatever.. tapos na, we need to think about how to make her smile again," sabi ko sa kanila."Hayaan muna natin ngayon, papalamigin muna natin ang ulo niya." seryosong sabi ni Lee."She's beautiful," nakangising sabi ni Everett sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Narinig kong humahalakhak rin si Lee sa sinabi ni Everett."Sa ating tatlo, si Mike talaga ang gusto niya, kahit noon si Mike rin" nakangiting sabi ni Lee."Akala ko nga hindi siya susunod sa atin," natatawang sabi ni Everett. "Nagdalawang isip yan, pero mas pinili tayo kaysa sa minamahal niyang si Lyra," pang-aasar ni Everett."Bakit hindi ba kayo nagdalawang isip umalis dati?" tanong ko sa kanila."Nagdalawang isip rin naman, pero mas malala ka dahil hindi ka makakausap ng maayos dahil sa desisyon namin," sabi ni Lee na medyo natatawa pa.Ngayon binabalikan namin noong panahong umalis kami at naiwan si Lyra."Ayaw niyo pa kasing sabi
AskingMay nakita akong isang matanda na kapitbahay nila na nagwawalis sa labas kaya nilapitan ko ito."Hi po, pwede magtanong," magalang kong sabi nito. Umayos siya ng tayo at tumango sa akin. "Ano iyun hijo?" tanong nito at tiningnan ang kasamahan ko na sumunod rin pala sa akin para marinig ang sasabihin."Saan po ang nakatira sa bahay na iyan?" tanong ko sa kanya."Ah.. si Lyra, nag-asawa na sumama sa kanyang asawa kaya naiwan ang ina niya diyan kasama ang ama nito na palaging sinaktan ang asawa," panimula ng matanda. Nagkatinginan kaming tatlo at nakinig ulit. "Noong umalis si Lyra, araw-araw sinaktan ni Kris si Maricel dahil ayaw sabihin ni Maricel kung nasaan si Lyra.. ayaw rin sabihin ni Maricel dahil binantaan ni Kris na ipalaglag ang bata na nasa tiyan ni Lyra.. buntis kasi si Lyra," dagdag niya. Kris, is her father and Maricel is her mother. Nagkatinginan ulit kaming tatlo."Nasaan na po siya ngayon?" seryosong tanong
BalanceBumalik kami sa office at pareho kaming tatlo na nag-iisip. "Anong gagawin natin?" seryosong tanong ni Lee. Tahimik lang ako dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko."Hanapin natin ang mama niya before niya malaman ang nangyari," seryosong sabi ni Everett."Paano kung hindi natin mahanap?" seryosong tanong ko."One week Mike, sasabihin natin sa kanya para wala tayong tinago ulit sa kanya," sabi ni Everett."Kung sasabihin nalang kaya natin agad?" sabi ni Lee."Not now Lee, masasaktan iyun ng sobra at mag-alala.. baka mapano pa yun, gagawa tayo ng paraan para mahanap natin siya," sabi ni Everett. Tumango kami pareho sa kanyang sinabi."Kung mahanap natin siya?" tanong ni Lee ulit."Tingnan lang natin kong maayos ba ang lagay niya para kung sasabihin na natin kay Lyra, hindi siya mag-alala ng sobra pag sinabi nating ayos lang siya." Ako na ang sumagot kay Lee. Pareho rin silang tumango sa sinabi k
Nag bulongan ang lahat ng pumasok ang mama ni Lyra. Nanlaki ang mata ko at agad ko itong sinalubong. Binaba ko muna si Ville bago ko ito pinuntahan."Tita, okay lang ba kayo?" nag-alaang tanong ko. Natawa siya at tinapik ako sa balikat."Okay lang ako hijo. Nakatawang pakinggan mas malakas pa ang lola mo kaysa sa akin," biro niya. Ngumiti ako sa kanya."Malakas ka pa rin naman tita," nakangiting sabi ko. Tumango siya at sumulyap kay Ville ma lumapit sa amin."Hi lola," masayang bati nito sa kaharap ko. Binati naman ito ni tita at tumingin sa akin."Kailangan kong maging malakas para makasama ko pa ng matagal ang apo ko," nakangiting sabi niya habang hinaplos ang mukha ni Ville bago humarap sa maraming tao."Tita hindi ka ba natakot na baka makita ka ng asawa mo?" nag alinlangan kong tanong. Ngumiti siyang bumaling sa akin."Sa mga sinabi niyo kanina alam kong hindi na siya mang gugulo pa sa akin," mahinahong sabi niya. Taka naman akong tumingin sa kanya."Anong ibig mong sabihin tita?
Pagkatapos ni Ville magsalita nagulat ako ng pumasok rin si lola. Bakit sila nandito? nakatingin ako sa likod na lola para tingnan kong nadun ba si Lyra pero walang sumunod sa kanya. Ngayon si lola na ulit ang nagsalita sa harap ng maraming tao. "Siguro alam niyo na na ako ang dahilan kung bakit naging married ang status ng apo ko eight years ago," nakangiting sabi ni lola. Parang wala siyang pinagsisihan. Kahit ako wala akong pinagsisihan, except noong nasaktan ko si Lyra."Noong nalaman kong buntis ang babae na nakasama ng apo ko noong gabing yun agad ako gumawa ng paraan para makasal sila kahit pa na ayaw nilang dalawa." Huminto si lola at tumingin sa mga tao."Ayaw kong magaya ang anak ni Mike sa mga nangyari sa kanya at alam kong ayaw rin ni Mike yun pero hindi pa niya inisip yun dahil hindi pa niya kilala si Lyra. Inisip kong makilala niya niya rin si Lyra at mamahalin niya rin. Tama nga ang hinala ko.""Masaya ako dahil nakita kong masaya ang apo ko. Sa kabila ng binigay ko sa
"Dahil sa galit at sakit sa nalaman ko gumawa ako ng paraan para makita niya na hindi lang siya ang pwedeng magluko sa amin dalawa. Nakita niya na may babae akong dinala sa bahay namin kaya nakapag desisyon siyang umalis.""Noong isang taon na siya sa ibang bansa doon ko nalaman na may anak kami kaya mas lalo akong nagalit at gusto kong puntahan siya pero pinigilan nila ako dahil baka lalayo lalo si Lyra sa akin. Natakot rin ako na baka hindi ko na sila makita ulit. Nahihiya rin ako dahil pinaramdam ko kay Lyra na mahal ko siya dahil lang sa anak namin.""Noong isang araw bumalik siya at nabalitaan agad ito ng lahat. Maraming nagtaka dahil marami akong naging girlfriend pero iyung mga girlfriend ko palabas lang yun at alam nila iyun. Palabas lang dahil inisip ko baka mag selos pa si Lyra pag ginawa ko iyun at maisipang uuwi para makipagbalikan sa akin.""Yan ang buong kwento at ayaw ko ng makarinig ulit ng ibang salita tungkol sa mag-ina ko. Magkahiwalay kami ng walong taon at hindi k
Pagkatapos naming mag-usap ni lola umakyat ako para magbihis at bumaba rin agad para maghanda na ng hapunan. Marami akong tinagawan para sa gagawin kong announcement at sa pag compirma sa mga kumalat ngayon sa social media. Maraming bumalik sa video na kumalat dati kaya ngayon lilinawin ko na sa kanila lahat. KINABUKASANNaghanda na ako para sa press conference ko mamaya. Sasabihin ko na ang totoo. Kung dati hindi ko sinabi ang totoo, ngayon sasabihin ko na. Alam kong wala na silang magagawa lalo na't naging matatag na kami ni Lyra ngayon dahil sa nangyari.Gustong sumama sa akin si Ville pero hindi ko muna siya hinayaan baka kung anong mangyari sa kanila doon. Next time siguro, ipaliwanag ko muna sa kanila ang lahat. Nagulat lahat lalo na ang balita ay may anak ako sa asawa ko. Maraming nagtaka dahil maraming balita na may girlfriend ako. Hindi nila alam ang dahilan, ngayon ang oras para maghingi ako ng sorry sa lahat dahil sa pagsisinungaling ko.Pumasok ako kung saan maramibg came
"Yehey! you did it dad!" masayang sigaw niya. Natawa ako sa kanya. Tsaka naman lumapit sa amin si Lyra."Anong you did it?" taas kilay na tanong ni Lyra sa anak. Kunwari hindi alam ang sinabi ni Ville."You're engaged!" masayang sabi ni Ville."We've been married for many years Ville," nakangising sabi naman ni Lyra sa anak. Tumango naman ako sa anak namin. Kahit nagkalayo kami hindi mawala sa amin na kasal pa kami. Iyun ang pinaghawakan ko na hindi siya makahanap ng iba hanggat kasal pa kaming dalawa kahit nasa malayo kami.Aware ako na nakikinig ang empleyado ko sa pinag-usapan naming tatlo, alam kong may nagtaka, nagulat o mga nalito pero sasagutin ko ang mga taong nilang yan.. ibalita ko sa buong mundo na papakasalan ko ulit si Lyra.Ngayon umuwi na kaming tatlo sa mansyon ni lola, gusto ko sanang sa bahay na kami pero hindi pa kami nakapagpaalam ng maayos sa lola ko. Ayaw rin siyang iwan ni Ville."Lola, ikakasal ulit sila mommy at daddy!" masayang balita ni Ville. Nagulat naman
Nagulat ako ng may nilabas nga siyang singsing sa akin at nilagay niya iyun sa daliri ko."Set up ba to?" natatawang tanong ko. "Bakit?" nakangiting tanong niya."Handang handa ka eh," sabi ko at tiningnan ang pintuan. "Parang pinagusapan niyo na ito ng anak mo," natatawang dagdag ko."Gusto na niyang mag-kaayos tayo," mahinahong sabi niya."Pati ba yung babae planado rin?" taas kilay kong tanong. Umiling naman siya. So totoo talaga yung nangyari."Galit siya," seryosong sabi ko. Galit rin si Vina sa akin nun. "Natatakot ako na baka siya naman ang maging dahilan ng lahat," bulong ko na narinig niya naman."Hindi na ulit mangyayari yun sa atin.. alam ko dahil natuto na tayo sa unang pagkakamali natin," mahinahong sabi niya. "Hindi na rin ako papayag na may masamang mangyari sa inyo ng anak natin, hanggat kaya ko protektahan ko kayo," dagdag niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.Nasaktan na kami, nagkahiwalay kaya ngayong bumalik siya sa buhay ko alam kong hindi na ako gagawa ng bagay
Habang nakikinig ako sa kanya may isang tanong na nabuo sa isipan ko. Tatanungin ko siya pero hindi na niya kailangan sagutin talaga, gusto ko lang ilabas itong tanong na naisip ko para hindi na ako mag-isip pa ng kung ano."Bakit ka naniwala agad sa kanila?" seryosong tanong ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin at tumango tango. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin."Yun nga ang tanong ko sa sarili ko, bakit nga ba?" nasasaktan niyang tanong. Pati siya hindi alam kung anong nangyari sa kanya pero alam ko kong bakit. Naramdaman ko sa kanya."Dahil nasasaktan ka," ako na mismo ang sumagot sa tanong ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na naintindihan ko siya. "Nasasaktan ka hindi dahil sa narinig mo kundi dahil sa nalaman mo tungkol sa anak mo.. hindi mo na alam ang gagawin mo kaya noong narinig mo ang sinabi nila agad kang naniwala dahil pakiramdam mo pati ako iiwan ka."Yumuko siya sa sinabi ko."Alam mo ba kung ano ang kulang sa ating dalawa? pag-uusap. Ngayon lang nati
"I'm sorry Lyra kung nasaktan kita. I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako kong hindi na kita sasaktan ulit, I'm really sorry please forgive me," umiyak niyang sabi habang nakaluhod pa rin."Hindi kita patawarin kung hindi ka tatayo diyan," seryosong sabi ko. Bigla siyang napatingin sa akin galing sa pagkayuko at tumayo habang pinahid ang luha sa pisngi. Pati ako na iyak sa sitwasyon namin ngayon. Bakit nga ba kami nagkasakitan? saan nagsimula? bakit kami nagkalayo? anong dahilan? pwede naman namin ayusin kung nag-uusap kami."Lyra," umiyak niyang tawag sa akin at niyakap ako ng mahigpit."I'm sorry Mike," mahinahong sabi ko. Naramdaman kong natigilan siya habang nakayakap sa akin."Wala kang kasalanan," bulong niya. Hindi ako nakinig ang nagpatuloy sa sinabi."Nagsimula lahat nong tumakas ako sa mga bodyguard," nasasaktang sabi ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi kami maaayos kung hindi namin mapagusapan ang nakaraan."I'm sorry, dahil sa pagtakas ko nawala ang
Bumugtong hininga ako ng wala ng tao sa loob. Tumingin ako kay Ville na ngayon seryosong nakatingin na kay Mike ng seryoso."Sino yun daddy?" seryosong tanong ni Ville. "Do you have a girlfriend?" deritsong tanong niya. "Ville," awat ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat, seryoso pa rin ang tingin kay Mike."Wala," seryosong sagot rin ni Mime habang nakatingin sa anak. Para bang matanda na itong si Ville kung makapagusap sila ng seryoso."Then, sino yun?"Hindi nakasagot si Mike agad. Hindi niya rin ata alam ang isasagot niya sa anak, medyo nagulat pa siya sa paraan ng pagtanong ni Ville, nagulat nga ako akala ko okay na sa kanya noong lumabas na ang babae."Ville," mahinahong tawag ko sa kanyang pangalan at umupo para pumantay ng tingin sa kanya. "Hindi ganyan ang makipagusap sa daddy," mahinahong sabi ko."Sinigawan niya ako mommy," naiiyak niyang sabi kaya mabilis ko siyang niyakap. Kahit seryoso ang tingin niya kanina hindi pa rin mawawala ang pagiging bata niya, natatakot pa rin