Kung ikukumpara sa paglalagay ng acupuncture, mas madali ang proseso ng pagtanggal ng mga karayom.Sa loob ng sampung minuto, natanggal na ang lahat ng karayom sa katawan ng matandang lalaki.Mabilis na sinuri ni Avigail ang pulso ng matanda at kalmadong nag-ayos ng kanyang mga kagamitan.Si Martin at May ay nakatayo sa tabi ng kama, halatang kinakabahan. Takot silang malaman na wala ng pag-asa ang kanilang lolo pero umaasa pa din sila.Maraming kilalang doktor na ang kanilang nilapitan noon, ngunit lahat ay nabigo.Ngayon, iniisip nila kung magigising ba si lolo...Sa ilalim ng mga matamang tingin ng dalawa, bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Mr. Lee.Ilang sandali pa, dahan-dahang iminulat ng matanda ang kanyang mga mata, nakakunot ang noo at mahina ang pag-ubo."Lolo!"Mabilis na umupo si Martin sa tabi at tinulungan ang matanda na kumalma, halatang nagulat at natutuwa. Inalalayan niya ito.Si May ay mas lalong nagulat at hindi makapagsalita. Hindi siya kailanman naniwala sa babae
Malinaw ang ibig sabihin ni Martin.Bagaman hindi nabanggit ni Avigail ang usapan tungkol sa suplay ng mga halamang gamot, malinaw ang kaniyang layunin at kusa pa siyang binigyan ng pagkakataon ni Martin upang makipag-usap tungkol dito.Nag-alinlangan si Avigail na tanggapin ang kabayaran nang wala pang ganap na kagalingan ang kaniyang pasyente.Pagkatapos ng lahat, ipinahayag ng pamilya Lee na ibebenta lamang nila ang mga halamang gamot sa kalahating presyo kapag lubos nang gumaling si Mr. LeeHindi muna siya nagsalita, at nanatili lang si Martin, nakangiti habang nakatingin sa kaniya.Dahil dito, napangiti rin si Avigail. "Sa totoo lang, nang pumunta ako rito upang gamutin si Mr. Lee, narinig ko mula sa aking mga kaibigan na ang pamilya Lee ay magbebenta ng mga halamang gamot sa kalahating presyo sa kung sino ang makakagaling kay Mr. Lee. Ngunit ngayon pa lamang nagising si Mr. Lee, at hindi pa tiyak ang kaniyang kondisyon. Sa tingin ko, hindi pa angkop na pag-usapan ang kabayaran s
Matapos makuha ang kanyang pangako, nakahinga nang maluwag si Martin at ngumiti, "Dahil sinabi mo na iyan, kampante na ako. Ihahanda ko ang kontrata bukas at pipirmahan na lang natin."Tumango si Avigail bilang pagsang-ayon.Matapos ang usapan tungkol sa kabayaran, personal na inihatid ni Martin si Avigail sa gate at pinanood itong umalis sakay ng kotse niya.Habang papalayo ang kotse ni Avigail, bumalik si Martin sa bahay at tinawagan si Dominic para ipaalam ang nangyari sa kanilang Lolo."Kumusta si Lolo?" Tanong ni Dominic sa oras na sinagot ni Martin ang tawag, may halong tunog ng umaagos na tubig.Ngumiti si Martin kahit hindi ito nakikita ng kaniyang kapatid. "Gising na siya ngayon. Talagang magaling si Dr. Suarez."Pagkatapos niyang sabihin iyon, naisip niya ang kakaibang asal ni Dominic kay Avigail kanina, kaya't nagtanong siya nang may pag-aalinlangan, "Kuya Dom, kilala mo na ba si Dr. Avigail Suarez? Parang kakaiba ang naging pakikitungo mo sa kanya, at hindi kita nakitang g
Nag-usap pa sandali ang dalawa, ngunit dahil gabi na, nagpaalam si Angel at umuwi.Parang dalawang maliit na buntot sina Dale at Dane na sunod-sunod kay Avigail sa loob ng bahay.Matapos mag-ayos nang kaunti, saka lamang naitanong niya kung kumusta sila. Palagi naman niyang kinakamusta ang kaniyang anak tuwing ito ay umuuwi at maabutang gising ang dalawa, iyon nga lang hindi natutulog ang mga ito ng wala siya.“Masaya ba kayo sa kindergarten ngayon? Wala naman bang nagiging problema sa inyo doon?” tanong niya.Nang maalala ng mga bata ang araw nila, masigla silang tumango. "Oo, masaya naman po. Pagkatapos ng klase, binigyan kami ng maraming snacks ng mga kaklase namin!"Napatawa si Avigail sa narinig, "Ganun ba kayo ka-popular? Baka naman maubusan sila ng sarili nilang baon"Tumango nang seryoso si Dane at, tumingin kay Dale, at sinabing, "Kanina may batang babae na nagsabi na gusto raw niyang pakasalan si Kuya paglaki niya.""Talaga?" Tanong ni Avigail, natatawa habang tinitingnan an
Nag-aalala si Avigail para sa kanyang matalik na kaibigan na tumulong sa kanya sa pag-aalaga sa mga bata sa loob ng dalawang araw.Nang matapos ang trabaho sa umaga, naglaan si Avigail ng oras para bumisita sa bahay ng mga Lee sa hapon, at iniisip niyang siya na ang susundo sa dalawang bata mamayang gabi.Pagdating sa bahay ng mga Lee, sinuri niya ang kalagayan ni Mr. Lee at nang masigurong walang naging aberya, itinuloy niya ang proseso ng paggamot at sinimulan ang pag-aacupuncture sa matanda.Habang naghihintay ng oras para tanggalin ang mga karayom, pumasok si Martin dala ang ilang dokumento at sinabi, "Doktora Suarez, narito ang napagkasunduang kontrata. Pakitingnan, at kung wala kayong nakikitang problema, maaari na natin itong pirmahan."Hindi na ito ikinagulat ni Avigail dahil napag-usapan na nila ito kagabi. Maingat niyang tiningnan ang kontrata at pinirmahan.Matapos mapirmahan ang kontrata, naging mas magiliw pa si Martin sa kanya. "Simula ngayon, mayroon na tayong Kasunduan
Binati ni Avegail ang teacher ng mga bata at umalis ng hindi nagsalita ng ibang detalye. Kinuha niya ang dalawang bata.Habang paalis na sana siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa maliit na batang babae. Kahit gusto niyang iwasan ang bata dahil sa tatay nito ay hindi pa din siya mapakali.Nang makita ni Sky na paaalis na silang tatlo, dali-dali siyang tumayo mula sa slide at tumingin nang diretso sa kanila. Tumakbo siya sa kaya niyang bilis. Hindi maiwasan na sundan siya ng teacher na nagbabantay.Nag-aalala ang guro sa gilid na baka siya matumba, kaya mabilis itong lumapit at inalalayan siya."Siya ay..."Nagdalawang-isip si Avegail ng sandali, ngunit hindi mapigilang magtanong nang may pag-aalala.Nahulaan na ng dalawang bata ang gusto niyang itanong, kaya agad silang sumagot, "Mommy, dito rin siya nag-aaral, at nasa iisang klase kami! Ngayon, hindi pa siya sinusundo ng mga magulang niya kaya naghihintay siya rito kasama namin!"Tumango si Avegail bilang pag-unawa, tumingin sa ma
"Naalala ko, ang sabi mo noong in-enroll mo ang kambal ay kababalik mo lang galing abroad. Siguradong sa ibang bansa lumaki ang dalawang gwapo mong kambal tama ba? Mabuti naman at madali mo silang naturuan magtagalog, napakagaling kasi ng dalawang bata magsalita ng lenggwahe natin." Puri ng teacher ng mga bata kay Avegail.Nakahanap ng dahilan ang teacher para makapag-usap sila at magtagal pa sandali para sa maliit na bata. Maganda ang performance ng kambal sa klase, kaya’t wala na siyang ibang masabi kundi ang puriin ang mga ito, saka napunta ang usapan sa maliliit na bagay.Napangiti naman si Avegail sa sinabi ng teacher at tumango, "Maraming Pilipino kaming kasama sa institute sa abroad, kaya naman hindi namin nakalimutang magsalita ng tagalog sa loob ng bahay namin."Hindi nagsalita ang dalawang bata, pero nakangiti sila at tumango sa bawat sinasabi ng kanilang mommy.Nang makita ng guro kung gaano sila kabait, hindi niya maiwasang mainggit, “Bukod sa tagalog at English, narinig k
Hindi napansin ni Dominic ang dalawang bata sa loob ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumababa dahil alam niyang late na siya sa pagsundo sa kaniyang anak. Mabilis siyang pumunta sa kaniyang anak na kasama ng teacher nito at isang babae.Nakita niya ang teacher ni Skylei, si Avegail at ang kaniyang anak na halos yumakap na sa bisig ni Avegail na malapit sa palaruan ng school.“Nandito na ang ama ni Skylei.” Sabi ng teacher kay Avegail at Agad na binate nito ang teacher sa magagalang na pananalita.Bahagyang tumango si Dominic, lumapit sa tatlong tao, sinulyapan ang kanyang anak, at pagkatapos ay tiningnan si Avigail nang malamig, "Bakit ka naririto?"Nararamdaman ang malamig na aura mula sa lalaki, hindi maiwasan ni Avigail na magkunot ng noo.Sa gilid, nagulat ang teacher sa kanila, "Kilala niyo... ang isa’t isa?"Akala niya hindi kilala ni Avegail ang batang si Skylie.Ngunit sa isip niya, hindi naman nakapagtataka dahil sa ipinakitang pagkakakapit ni Sky kay Avegail, tila may pagkaka