Nag-usap pa sandali ang dalawa, ngunit dahil gabi na, nagpaalam si Angel at umuwi.Parang dalawang maliit na buntot sina Dale at Dane na sunod-sunod kay Avigail sa loob ng bahay.Matapos mag-ayos nang kaunti, saka lamang naitanong niya kung kumusta sila. Palagi naman niyang kinakamusta ang kaniyang anak tuwing ito ay umuuwi at maabutang gising ang dalawa, iyon nga lang hindi natutulog ang mga ito ng wala siya.“Masaya ba kayo sa kindergarten ngayon? Wala naman bang nagiging problema sa inyo doon?” tanong niya.Nang maalala ng mga bata ang araw nila, masigla silang tumango. "Oo, masaya naman po. Pagkatapos ng klase, binigyan kami ng maraming snacks ng mga kaklase namin!"Napatawa si Avigail sa narinig, "Ganun ba kayo ka-popular? Baka naman maubusan sila ng sarili nilang baon"Tumango nang seryoso si Dane at, tumingin kay Dale, at sinabing, "Kanina may batang babae na nagsabi na gusto raw niyang pakasalan si Kuya paglaki niya.""Talaga?" Tanong ni Avigail, natatawa habang tinitingnan an
Nag-aalala si Avigail para sa kanyang matalik na kaibigan na tumulong sa kanya sa pag-aalaga sa mga bata sa loob ng dalawang araw.Nang matapos ang trabaho sa umaga, naglaan si Avigail ng oras para bumisita sa bahay ng mga Lee sa hapon, at iniisip niyang siya na ang susundo sa dalawang bata mamayang gabi.Pagdating sa bahay ng mga Lee, sinuri niya ang kalagayan ni Mr. Lee at nang masigurong walang naging aberya, itinuloy niya ang proseso ng paggamot at sinimulan ang pag-aacupuncture sa matanda.Habang naghihintay ng oras para tanggalin ang mga karayom, pumasok si Martin dala ang ilang dokumento at sinabi, "Doktora Suarez, narito ang napagkasunduang kontrata. Pakitingnan, at kung wala kayong nakikitang problema, maaari na natin itong pirmahan."Hindi na ito ikinagulat ni Avigail dahil napag-usapan na nila ito kagabi. Maingat niyang tiningnan ang kontrata at pinirmahan.Matapos mapirmahan ang kontrata, naging mas magiliw pa si Martin sa kanya. "Simula ngayon, mayroon na tayong Kasunduan
Binati ni Avegail ang teacher ng mga bata at umalis ng hindi nagsalita ng ibang detalye. Kinuha niya ang dalawang bata.Habang paalis na sana siya, hindi niya maiwasang mapatingin sa maliit na batang babae. Kahit gusto niyang iwasan ang bata dahil sa tatay nito ay hindi pa din siya mapakali.Nang makita ni Sky na paaalis na silang tatlo, dali-dali siyang tumayo mula sa slide at tumingin nang diretso sa kanila. Tumakbo siya sa kaya niyang bilis. Hindi maiwasan na sundan siya ng teacher na nagbabantay.Nag-aalala ang guro sa gilid na baka siya matumba, kaya mabilis itong lumapit at inalalayan siya."Siya ay..."Nagdalawang-isip si Avegail ng sandali, ngunit hindi mapigilang magtanong nang may pag-aalala.Nahulaan na ng dalawang bata ang gusto niyang itanong, kaya agad silang sumagot, "Mommy, dito rin siya nag-aaral, at nasa iisang klase kami! Ngayon, hindi pa siya sinusundo ng mga magulang niya kaya naghihintay siya rito kasama namin!"Tumango si Avegail bilang pag-unawa, tumingin sa ma
"Naalala ko, ang sabi mo noong in-enroll mo ang kambal ay kababalik mo lang galing abroad. Siguradong sa ibang bansa lumaki ang dalawang gwapo mong kambal tama ba? Mabuti naman at madali mo silang naturuan magtagalog, napakagaling kasi ng dalawang bata magsalita ng lenggwahe natin." Puri ng teacher ng mga bata kay Avegail.Nakahanap ng dahilan ang teacher para makapag-usap sila at magtagal pa sandali para sa maliit na bata. Maganda ang performance ng kambal sa klase, kaya’t wala na siyang ibang masabi kundi ang puriin ang mga ito, saka napunta ang usapan sa maliliit na bagay.Napangiti naman si Avegail sa sinabi ng teacher at tumango, "Maraming Pilipino kaming kasama sa institute sa abroad, kaya naman hindi namin nakalimutang magsalita ng tagalog sa loob ng bahay namin."Hindi nagsalita ang dalawang bata, pero nakangiti sila at tumango sa bawat sinasabi ng kanilang mommy.Nang makita ng guro kung gaano sila kabait, hindi niya maiwasang mainggit, “Bukod sa tagalog at English, narinig k
Hindi napansin ni Dominic ang dalawang bata sa loob ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumababa dahil alam niyang late na siya sa pagsundo sa kaniyang anak. Mabilis siyang pumunta sa kaniyang anak na kasama ng teacher nito at isang babae.Nakita niya ang teacher ni Skylei, si Avegail at ang kaniyang anak na halos yumakap na sa bisig ni Avegail na malapit sa palaruan ng school.“Nandito na ang ama ni Skylei.” Sabi ng teacher kay Avegail at Agad na binate nito ang teacher sa magagalang na pananalita.Bahagyang tumango si Dominic, lumapit sa tatlong tao, sinulyapan ang kanyang anak, at pagkatapos ay tiningnan si Avigail nang malamig, "Bakit ka naririto?"Nararamdaman ang malamig na aura mula sa lalaki, hindi maiwasan ni Avigail na magkunot ng noo.Sa gilid, nagulat ang teacher sa kanila, "Kilala niyo... ang isa’t isa?"Akala niya hindi kilala ni Avegail ang batang si Skylie.Ngunit sa isip niya, hindi naman nakapagtataka dahil sa ipinakitang pagkakakapit ni Sky kay Avegail, tila may pagkaka
Galit siya, ngunit natawa na lamang siya.Wala siyang karapatan.Sa mga mata niya, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatan...Ibinaba niya ang kanyang mga mata sa sarili niyang pang-iinsulto, at hindi na nagsalita pa. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ng bata na kumakapit sa dulo ng kanyang damit.Nais muling umabot ng bata, ngunit nahawakan lamang nito ang hangin."Sina Dale at dane ay naghihintay pa kay tita. Dapat kang sumama kay daddy. Si tita ay pupunta na sa kanila. Sige na Baby Girl"Hinaplos ni Avigail ang ulo ng bata, inilagay ang kamay sa kanyang tagiliran, at mabilis na bumati sa teacher bago mabilis na umalis nang hindi lumilingon.Pagpasok nila sa kotse, nakaupo nang tuwid ang dalawang bata. Nang makita nila siya na pumasok, nagtanong sila nang inosente, "Mommy, anong nangyari sa iyo?"Huminga ng malalim si Avegail at pilit na ngumiti, "Wala, tara na, umuwi na tayo."Pagkatapos no’n, pinaandar na niya ang kotse at umalis sa harap ng gate ng kindergarten. Sa kabil
Habang pauwi silang mag-ama. Galit pa din si Skylie, patuloy pa rin siyang nagtatampo.Hindi niya pinansin ang kanyang tatay na sumusunod sa kanya, at diretsong umakyat sa itaas, at sinarado ang pinto ng may galit.Nakatayo si Manag Susan sa pintuan, at nang makita ang maliit na babae na galit at ang kanyang young master na sumusunod sa kanya ng walang ekspresyon, alam niyang nag-aaway na naman ang dalawa."Young master, anong dahilan ng galit ng maliit prinsesa?"Nang marinig ang katok sa pinto sa itaas, tiningnan ni manang Susan si Dominic nang may pag-aalala.Iniisip ni Dominic kung bakit galit sa kanya ang maliit na anak niya. "Wala, nagtatampo lang siya sa akin, bantayan mo na lang siya ng mabuti." Sabi nito at lumakas paalis. "Opo." Nagmamadaling tumango ang manang dito.Hindi niya maintindihan kung bakit, pero dati naman ay bihira lang magtampo ang maliit na prinsesa, ngunit ngayon ay napapadalas na galit nito kay Dominic.Ang young master ay hindi naman ganoong klase ng tao n
Kinabukasan, weekend na at hindi na kailangang pumasok ng mga bata sa kindergarten.Plano ni Avegail na dalhin sila sa research institute.Habang papalabas siya, narinig niyang tumunog ang doorbell.Inisip ni Avegail na si Angel na ang dumating, kaya tumayo siya at binuksan ang pinto.Pagkakita niya sa taong nakatayo sa pinto, kumunot ang noo ni Avegail, "Princess Skylei? Bakit ka nandito?"Pagkasabi nun, kusang itinaas ni Avegail ang kanyang mata at tiningnan ang paligid, iniisip na baka si Dominic ay naghihintay malayo.Ngunit pagkatapos maghanap, wala siyang nakitang ibang tao sa pinto kundi si Skylie.Ibinalik ni Avegail ang kanyang tingin, lumuhod at tumingin sa mata ng batang babae, "Sabihin mo nga kay tita, paano ka nakarating dito? Pinapunta k aba ng tatay mo?"Ayon sa pag-uugali ni Dominic sa kanya sa kindergarten kahapon, maliit ang posibilidad na si Sky ay pupunta sa kanya.Ngunit yun lang ang maisip ni Avegail sa ngayon.Suot ni Skylie ang isang puting damit at may dala-da
Narinig ni May ang sagot ni Lera Gale at naguluhan siya.Puwede bang... may iba pa siyang plano?Sa pag-iisip na ito, nagtanong si May nang maingat, "Ate Lera, ibig mong sabihin, may ibang paraan pa bang pwedeng gawin laban kay Avigail?"Hindi na nakapagtimpi si Lera Gale. Iniisip niya na kahit may plano man, hindi na niya ito sasabihin kay May. Wala itong magandang idudulot, baka lalo pa magka-problema. Pero naisip din niyang magiging kapaki-pakinabang pa rin siya kay May sa hinaharap, kaya nagpakita siya ng pagpapalakas-loob."Don't worry, hindi ko hahayaan na manalo siya. Kung hindi siya dumating, hindi sana ikaw matutulungan ni Grandpa at ni Martin. Kahit para lang mapatanggal ang init ng ulo mo, hindi ko siya pababayaan!"Isang iglap, pinapawalan ni Lera Gale ang sisi kay Avigail sa nangyaring parusa kay May.Sumang-ayon si May at nagngalit, "Si Avigail! Simula nung makilala ko siya, palaging kinakalabit ako ng lolo ko at ng kuya ko. Ako pa nga ang pamilya nila, pero mas pinapabo
Hindi nagtagal, may kumatok sa pinto ng kwarto. Pumasok si May mula sa labas na may malungkot na mukha.“Ano'ng nangyari? Sino ang nanakit sa'yo?” tanong ni Lera Gale nang makita ang malungkot na hitsura ni May.Umupo si May sa tabi ng kama at walang gana na nagsimula magbalat ng mansanas. Inis na sinabi, “Si kuya at si lolo!”Nakita ni Lera Gale ang hindi makapaniwala na mukha ni May, kaya't kinuha niya ang mansanas at ang pambalat mula sa kanya. Hinanap niya ang dahilan, “Anong ginawa nila sa’yo?”“Alam nila na pinakiusapan ko si Manager Kian na huwag magbigay ng mga gamot kay Avigail!” Inis na sabi ni May habang tinitingnan si Lera Gale.Sa totoo lang, ang ideya ng pagpapahinto ng supply ng mga gamot kay Avigail ay galing kay Lera Gale. Kung hindi siya pinaalalahanan ni Lera Gale, hindi sana niya naisip na ang plano ni Luisa ay naglalayon laban kay Avigail. Nagkataon lang na hindi nila gusto si Avigail, kaya’t nagbigay ng suhestiyon si Lera Gale na sundan na lang ang galaw ng pamil
Sa kabilang banda, akala ni May na gumawa siya ng isang magandang bagay, ngunit pinuna siya ng kanyang kapatid at lolo, at pinagbawalan pa siyang makialam sa mga gawain ng pamilya Lee. Lalo siyang nainis habang iniisip ito.Habang nakita niyang umakyat si Mr. Lee at si Martin sa itaas, si May ay umupo sa sala ng matagal, paminsang pinapagalitan ang mga katulong.Ngunit hindi siya nakaramdam ng ginhawa, kaya tinawagan na niya si Lera Gale."Ate Lera, nasaan ka ngayon?"Si Lera Gale ay nakahiga sa ospital, at si Luisa ay nakaupo sa tabi niya. Nang matanggap ang tawag, lihim niyang binaba ang volume ng kanyang telepono. "Nasa ospital, anong nangyari?""Hindi ka pa ba nakakalabas?" nag-aalala si May.Alam din niya na nasugatan si Lera Gale at dinala sa ospital dahil sa pagliligtas kay Luisa. Madalas na siyang pumunta sa ospital nitong mga nakaraang araw, ngunit hindi niya inasahan na magiging malubha ang pagkakasugat nito.Pagkarinig nito, sinadyang tumingin si Lera Gale kay Luisa sa tabi
Pabalik sa itaas, napa-ubo si Mr. Lee, "Dapat mong bantayan si May sa mga susunod na araw. Masyado siyang padalus-dalos at natatakot akong magkamali siya ulit."Mabilis na tumango si Lee Martin, "Huwag po kayong mag-alala.""At saka, huwag mong isiping seryoso ang sinabi ni MAy. Ipapagpatuloy natin ang pag-supply ng mga gamot kay Dr. Avi. Kung may mga problema sa Villafuerte's, ako na ang bahala," wika ng matandang lalaki ng may kabigatan. "Ang Lee's ay laging tapat sa mga salita natin. Hindi namin pwedeng isakripisyo ang ating prinsipyo."Tumango si LMartin, "Tatawagan ko si Dr. Avi at ipapaliwanag ang sitwasyon."Tumango ang matandang lalaki at nagpatuloy, "Lumabas ka na, medyo pagod na rin ako. Gusto ko ng magpahinga."Dahil sa insidenteng pinagmulan ni May, labis na galit ang matandang lalaki ng araw na iyon. Nang maresolba ang isyu, nakaramdam siya ng pagkapagod sa katawan.Nag-antay si Martin na makapasok sa kwarto ang matandang lalaki bago siya tumayo at lumabas ng silid. Tinaw
Nararamdaman ni May na pilit siyang umiwas, ngunit patuloy niyang pinagtatanggol ang sarili, "Ano ang masama sa sinabi ko? Ang pamilya Lee ay itinataguyod na ng isang daang taon. Kung malalagay tayo sa panganib dahil sa pagtutol natin sa pamilya Villafuerte, magiging kalapastangan tayo sa pangalan ng pamilya Lee!"Nang marinig ito, ramdam ni Martin ang sakit sa ulo at nagngingitngit ang mga ngipin, "Alam mo ba kung anong batayan para magtagal ang pamilya Lee ng isang daang taon?"Tahimik na ibinaba ni May ang kanyang ulo at hindi nagsalita."Ang lahat ay tungkol sa reputasyon!" galit na sabi ni Martin habang tinitingnan siya ng may pagka-frustration, "Kung isusuko natin ang mga prinsipyo natin dahil sa kaunting personal na pagkakaibigan, anong karapatan ng Lee na manatili sa larangan ng medisina?!"Unti-unting kumupas ang kayabangan ni May at maingat niyang tiningnan ang matandang lalaki sa sofa. Bumisita siya sa tabi ng mga ito at nagpatuloy, "Kuya, ginagawa ko ito para sa kabutihan
Halos kalahating oras ang lumipas nang bumalik si May. Nang pumasok siya sa silid, medyo mayabang pa siya. Ngunit nang makita si Lolo Lee na nakaupo sa sofa, napilitan siyang magpakumbaba."Grandpa, nandito ka rin pala..." Nahulog ang mukha ni May na parang may konsensya, pero hindi siya masyadong nagpakita ng pagkabahala.Tinutok ni Lolo Lee ang tingin sa kanya, hindi masaya, at huminga ng malalim.Si May, na parang wala lang, ay naglakad nang dahan-dahan papunta sa kanila at nais sana magsiupo."Tumayo ka!" sigaw ni Lee Martin, galit na galit.Napahinto si May, punung-puno ng ayaw at pagsuway sa mukha, ngunit dahil nandiyan si Lolo Lee, napilitan siyang lumayo at tumayo sa kabilang gilid, hindi pa rin kuntento."Alam mo ba kung bakit kita pinatawag pabalik?" tanong ni Lee Martin, naguguluhan at medyo inis.Si May ay nagkurap ng mata at kunwaring hindi alam, "Hindi ko alam, naglalakad lang ako sa kalsada para mag-jogging nang bigla mo akong tinawag, tapos ang galit mo."Nagiging mala
"Sino ang nag-utos sayo na gawin ito? Sabihin mo sa akin para marinig ko rin. Sino ba sa pamilya Lee ang hindi ako tinatrato ng maayos?" galit na tanong ni Lolo Lee.Nang marinig ito ni Manager Kian, gusto niyang umiyak dahil sa hirap ng sitwasyon.Kung ibubunyag niya ang pangalan ng nag-utos, hindi ba't siya rin ang magiging kalaban ng matandang lalaki?Paano niya magagampanan iyon?Dahil sa tagal ng kanyang pananahimik, hindi nakatagal ang matandang lalaki at umungol ng hindi pagkakasundo, "Dahil hindi ka nagsasalita, ipagpapalagay ko na ikaw ang nag-isip ng lahat ng ito."Pagkatapos, tinitigan ni Lolo Lee si Lee Martin at nagsabi, "Kunin mo ang mga tao mo, ikaw na ang bahala."Hindi kayang tanggapin ni Manager Kian ang ganitong malaking paratang kaya mabilis siyang sumagot, "Hindi po, Lolo, paano ko magagawa iyon?""Edi sino?!?" galit na tanong ni Lee Martin, tumayo at lumapit sa kanya, ang galit sa kanyang paligid ay halatang-halata.Tumingala si Manager Kian at maingat na sumagot
“Bakit, kung hindi niya alam, ano ngayon? Lahat ng mga supplier ng gamot sa Bansa ay nakinig sa utos ni Tita Luisa Villafuerte at itinigil ang pakikipag-ugnayan kay Avigail. Kami sa pamilya Lee, sinunod lang ang kanyang utos.”Nang marinig ito, napatigil saglit ang kabilang linya bago sumagot ng may pagmamalaki.Dito, biglang lumubog ang pakiramdam ni Manager Kian, at naisip niyang niloko siya, pero huli na nang malaman ito.“Kung magtatanong si President Lee…” nag-aalangan niyang tanong sa lalaki.Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya bago sumagot ng malabo, “Sabihin mo na lang ang totoo. Hahanapin ka niya, huwag mo siyang papaniwalan na may kinalaman ang Villafuerte. Ipaliwanag mo nang malinaw.”Pagkasabi nito, hindi na naghihintay ng sagot, binaba na ng lalaki ang telepono.Nanlaki ang mata ni Manager Kian at nagsimulang magpawis ng malamig. Hindi man ito sinabi nang diretso, hindi siya tanga. Narinig niyang itinago ang lahat ng ito kay Martin.Kasama niya ngayon sa
Kasabay nito, sa bahay ng pamilya Lee.Pagkatapos umalis ni Avigail, ang mukha ni Mr. Lee ay naging malupit na.Dumating ang nars upang tulungan siyang mag-ehersisyo, ngunit agad siyang nagsabi, "Wala nang ehersisyo ngayon, umalis ka na at magtungo sa iyong dapat puntahan."Tumingin siya kay Lee Martin at nagpatuloy, "At ikaw, kung ikaw ang nag-akda ng kasunduan sa pakikipagtulungan sa research institute ni Dr. Avigail, bakit may problema ngayon? Hindi mo ba ito natukoy agad? Kailangang maghintay pa si Dr. Avigail na siya ang magpunta dito? Kung hindi siya dumating ngayon, talagang pababayaan na lang ba ng pamilya Lee ang pangako?"Ipinagpapalagay ni Lee Martin ang kanyang ulo at hinayaan na parusahan siya ng matanda. Nang maglaon, malumanay niyang inamin, "Lolo, ito po ay isang pagkukulang ko. Agad ko pong imbestigahan ito at bibigyan ko po ng paliwanag si Dr. Avigail. Hindi ko po hahayaang masira ang reputasyon ng pamilya Lee!"Binangga ni Mr. Lee ang kanyang tungkod sa sahig ng dal