Bago ang araw ng libreng klinika, medyo kabado si Avigail.Pagkatapos ng hapunan, pumasok siya sa study upang repasuhin ang mga impormasyong inihanda niya sa mga nakaraang araw.Di-nagtagal, may kumatok sa pintuan ng study.Inalis ni Avigail ang mata mula sa screen ng computer at sumagot ng malumanay, "Pumasok."Pagkabanggit niya ng mga salitang iyon, nakita niya ang dalawang maliliit na bata na nagbukas ng pinto at pumasok na may ngiti sa mga labi.Hawak ni Chao Chao ang isang tasa ng tsaa at hawak naman ni Dane ang isang piraso ng cake."Salamat, mga baby." Habang inilalagay ng mga bata ang mga dala nilang bagay sa tabi niya, ngumiti si Avigail at hinaplos ang mga ulo ng mga ito.Ang mga bata ay ngumiti ng masunurin at tiningnan nang mabuti ang mga impormasyon sa computer ni Avigail.Noong nasa ibang bansa sila, halos lumaki na ang mga bata sa research institute, kaya't sa tagal ng panahon na inilagi nila roon, nagkaroon na sila ng konting kaalaman sa mga materyales at alam kung ano
Matapos magpaalam sa mga bata, nagmaneho si Avigail papunta sa libreng klinika ng Hermosa’s Family.Ang libreng klinika ay magsisimula ng alas-diyes ng umaga, kaya’t nagtakda si Avigail na umalis mula sa bahay ng alas-otso ng umaga upang hindi malate.Pagbabalik niya sa bansa, madalas siyang manatili sa siyudad kaya't hindi siya gaanong pamilyar sa mga kalsada. Bagamat gumagamit siya ng navigation, nagkakaroon pa rin siya ng ilang paglihis sa daan.Pagdating niya sa pintuan ng ampunan, marami nang sasakyan ang naka-park sa harap.Tila nahuli pa siya ng kaunti.Pinakunot ni Avigail ang noo sa inis, kinuha ang sulat ng rekomendasyon, agad na lumabas ng sasakyan, at mabilis na naglakad patungo sa pinto.May pila sa harap, mga doktor mula sa iba't ibang parte ng bansa na dumating upang lumahok sa libreng klinika gamit ang kanilang mga sulat ng rekomendasyon. Karamihan sa kanila ay mga kalalakihan at medyo matanda na.Nang dumating ang turno ni Avigail, tinitigan siya ng receptionist at na
Pagdating nila sa pintuan ng opisina ng direktor sa itaas, palabas na si Daven. Pagkakita niya kay Avigail, ngumiti ito at binati siya."Kararating mo lang?" tanong ni Daven.Tumango si Avigail. Naalala niya ang nakakatawang hindi pagkakaunawaan kanina, ngunit wala siyang oras para ikuwento iyon ngayon."Nasa loob si Mr. Hermosa. Pumasok ka na. Mukhang kakaunti lang ang mga ipinakilala ng mga aristokratikong pamilya ngayong taon. Baka tayo lang dalawa," dagdag ni Daven.Nagtaka si Avigail kung ano ang kinalaman ng usapan sa mga aristokratikong pamilya. Ngunit bago pa siya makapagtanong, kumatok na ang staff sa pinto, at kinailangan niyang ayusin ang kanyang ekspresyon at sumunod papasok.Pagkapasok niya, agad niyang nakita ang isang binatang may payat na pangangatawan. Dahil siguro sa kapayatan nito, mas lalong naging matalim ang mga guhit ng mukha ng lalaki."Mr. Hermosa, ito po si Doktora Suarez na inirekomenda ng pamilya Lee," mahinang sabi ng staff.Tiningnan siya ng lalaki at itin
Noong panahong iyon, malubha ang kalagayan ni Mr. Lee. Bagama’t marami na ring ipinadala ang Pamilya Hermosa upang alagaan ang kaniyang katawan, labis na mahina ang matanda kaya’t hindi sila makapagbigay ng masyadong matapang na gamot.Ayon sa kuwento ng matanda, iniligtas siya ng isang babae sa pamamagitan ng paglalagay ng mga karayom sa mga maselang bahagi ng kaniyang katawan.Ngayon, habang pinapakinggan ni Ricky Hermosa ang paliwanag ni Avigail, hindi nito napigilang magtanong, “Ano ang naging basehan mo para gamutin ang matanda gamit ang acupuncture sa ganoong paraan?”Natigilan si Avigail. Naalala niyang nagbakasakali rin siya noon, at maaaring hindi paniwalaan ni Ricky Hermosa ang kaniyang sagot.Sa totoo lang, masyadong mapanganib ang paraan na ginamit niya.Sa wakas, matapos mag-alinlangan, ipinaliwanag niya, “Nakita ko ito sa isang libro tungkol sa medisina. Ang kalagayan ng matanda noon ay tugmang-tugma sa nakasulat sa libro, kaya naisipan kong subukan.”Tumango si Ricky He
Mabilis na pumasok si Avigail sa kaniyang cubicle. May isang doktor nang naroon, ngunit dahil sa kabataan at pagiging babae niya, agad siyang inisip na isa lamang siyang ipinakilala ng isang aristokratikong pamilya para lamang mapalakas ang pangalan nito. Hindi siya pinansin ng doktor.Sumunod namang dumating si Daven.Ang bawat cubicle ay may dalawa o tatlong doktor at isang miyembro ng Pamilya Hermosa upang tulungan ang operasyon.Ang cubicle nila Avigail ang pinakamainam ang kagamitan kumpara sa iba—dalawang doktor na inirekomenda ng mga kilalang pamilya, isang bihasang doktor ng tradisyunal na medisina, at mismong si Ricky Hermosa na kasama rin nila.Pagpasok ni Daven, nagbago ang ekspresyon ng doktor. Agad itong ngumiti at bumati, "Mr. Cruz, matagal na po tayong hindi nagkikita."Bahagyang tumango si Daven nang may lamig, "Doctor Chavez, matagal na nga."Ang ngiti ni Garry Chavez ay tila naging mas masigasig. Sumunod ito kay Daven, nagpakita ng labis na paggalang, ngunit tuluyang
Matapos ang mahabang paliwanag at tahimik na muli ang kuwarto, lumapit si Garry Chavez kay Ricky Hermosa nang kalmado, "Mr. Hermosa, kailan po magsisimula ang libreng klinika?"Tiningnan ni Ricky Hermosa ang oras at sinagot ito nang may mababang boses, "Malapit na. Sandali na lang, ginagawa na ang mga paghahanda sa labas."Tumango si Garry Chavez, ngunit hindi maiwasang tingnan si Avigail nang may kakaibang tingin. Pagkatapos, muling bumaling kay Ricky Hermosa, "Mukhang mabigat ang responsibilidad natin dito. Ano sa palagay niyo? Marahil ay maaari tayong kumuha ng isa o dalawang doktor mula sa ibang kuwarto."Napatingin sa kanya nang may pagtataka si Avigail at ang iba pang naroon, nagtataka kung bakit niya iminungkahi iyon.Direktang tinanong ni Ricky Hermosa, "Bakit? Sa tingin mob a Dr. Chaver na, masyado kang abala?"Agad na itinanggi ni Garry Chavez habang iwinawagayway ang kanyang mga kamay, "Kung apat ang doktor dito, sapat na iyon. Pero sa ngayon... baka hindi ko mabigyang pans
Narinig ni Garry Chavez ang boses ni Daven. Napawi ang kanyang kayabangan at tahimik siyang umatras, bagamat hindi niya lubos na itinatago ang pagmamaliit niya kay Avigail.Sa loob-loob niya, iniisip niyang walang dahilan para kilalanin ang babaeng ito bilang kagalang-galang sa larangan ng tradisyunal na medisina. Isa siyang tanyag na doktor sa larangan ng tadisyunal medicine, at halos lahat ay nagbibigay-galang sa kanya maliban sa ilang piling pamilya. Ngunit sa babaeng ito, wala siyang narinig ni bahagya. Sigurado siyang kung wala itong suporta mula kina Cruz at Hermosa Family, hindi ito maglalakas-loob na harapin siya.Lumapit si Daven kay Avigail at tumango bilang tanda ng pag-alalay. Nagpasalamat naman si Avigail nang may paggalang, "Salamat po, senior. Huwag kayong mag-alala, maayos naman ang pakiramdam ko ngayon."Bagamat medyo kinakabahan siya kanina, napalitan na ito ng galit dahil sa ginawa ni Garry Chavez. Ang tanging nais niya ngayon ay patunayan ang sarili at mabago ang m
Ang ibang mga bata ay nasa parehong kalagayan. Ginawa rin ni Avigail ang parehong bagay—isa-isa niyang inakay ang mga bata papunta sa kanilang mga kama at sinuri ang kanilang kalusugan.Karamihan sa mga bata ay nasa maayos na kondisyon. Masaya nilang tinanggap ang mga kendi mula kay Avigail at lumabas nang may ngiti.Ngunit ang ilan na may congenital na sakit ay nagtago sa mga sulok at tahimik na umiiyak. Nang muli silang sinuri, nagtipon-tipon ang mga bata at tumangging makipagtulungan.Simula pa lamang, iniwan na ang mga bata kaya hindi sila sanay umiyak nang malakas. Tila mga ibong takot sa bagyo, patuloy lamang silang sumisinghot habang pilit pinipigil ang kanilang mga luha.Sa ilang sandali, bumigat ang hangin sa paligid.Napatingin si Avigail sa mga bata at ramdam ang bigat sa kanyang dibdib. Nilabanan niya ang lungkot at lumapit upang aliwin sila."’Wag kayong umiyak, matapang tayo, ‘di ba? Konting sakit lang ‘to, hindi naman malala. Andito sina Tito at Tita para tulungan kayo.
Makalipas ang isang linggo, kinausap ni Avigail ang kambal at pinakiusapang ipagpatuloy na nila ang kanilang kindergarten schooling. Ngunit matigas ang tanggi ng dalawa. Masyado na raw silang advanced kumpara sa mga kaklase nila, at wala rin naman silang gana pumasok, lalo na't palaging si Skylie ang laman ng kanilang isipan.Alam ni Avigail kung gaano kaapektado ang kambal sa mga pangyayari. Kaya kahit masakit, naging matatag siya. Ayaw niyang malugmok sila sa lungkot—ayaw niyang hayaang lamunin ng kawalang-kasiguraduhan ang murang isipan ng kaniyang mga anak.Sa halip, itinutuon niya ang oras sa isa pang matagal nang sugat—ang sariling pamilya. Ang pamilyang minsang ipinagpalit siya sa pera."Wow! Mukhang galante at sobrang yaman mo na ngayon, Avigail," pang-uuyam ng kaniyang ina, si Trina, habang nakataas ang kilay. "Akala ko noon, sa kangkungan ka na lang pupulutin matapos mong layasan ang mayamang pamilyang pinakasal namin sa’yo. Sa totoo lang, kinabahan kami no'n... baka bawiin p
Nang masikaso na ni Angel si Avigail at magkausap na sila ng mga anak, agad ding umalis si Angel sa bahay ng mga ito. Alam niyang kailangan ni Avigail at ng kambal na mag-usap ng maayos, at hindi siya ang tamang tao na maging saksi sa lahat ng ito.Tahimik na lumabas si Angel, at nang makaalis na siya, lalo pang bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay. Ang mga mata ng kambal ay puno ng takot at pangamba. Hindi nila kailanman nakita ang kanilang ina na ganoon — parang hindi nila kilala. Si Avigail na laging matatag at maligaya, ngayon ay tila nawala ang sigla sa mata, at ang pagkabagabag sa bawat galaw nito ay hindi nila maikaila.Habang ang kambal ay tahimik na naghihintay, takot na takot, naglakad si Avigail patungo sa kusina. Lumipas ang ilang saglit bago siya bumuntong hininga, tila umaasa na sana’y magbabalik ang lahat sa normal. Tumayo siya sa harap ng kalan at nagsimula magluto ng tanghalian. Ang tanging ingay na naririnig ay ang tunog ng kawali at mga palayok sa kanyang paligid,
“Dominic, pasensya ka na, ha. Nabigla yata sila…” Mahinang sabi ni Avigail, halos pabulong habang tinatanaw sina Angel na inaakay palayo ang kambal.“Kakausapin ko muna sila.” Nilunok niya ang kaba sa lalamunan, dama ang kirot ng eksenang iyon bilang isang ina at isang babae.Tahimik lang si Dominic. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot, at nang magsalita siya, ramdam ang lungkot sa tinig niya.“Naiintindihan ko…” mahinahon niyang simula. “Pasensya na rin. Pero… gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob nila.” Bumuntong-hininga siya bago tumingin kay Avigail, sinserong sinisid ang mga mata nito.“Alam ba nila ang nangyari sa atin?” tanong niya, may halong kaba. “Mukha kasing alam nila… na hindi kita trinato ng tama.”Napalingon si Avigail sa direksyon ng kambal, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.“Matalino ang kambal,” wika niya sa wakas. “Madami silang tanong, Dominic. At mas pinili kong sagutin ‘yon kaysa magsinungaling. Hindi ko kayang itago sa kanila kung bakit w
“Mommy!!” sigaw ni Dale habang mabilis na lumapit kay Avigail. “Nakausap na namin si Skylie. Sabi ng doktor kay Ninang, limited time lang daw po kami puwedeng manatili sa loob. Kaya po lumabas na kami.”Nagulat si Avigail nang makita silang lumabas ng ICU. Hindi niya namalayang siya pala’y umiiyak na sa bisig ni Dominic. Agad siyang napahawak sa mukha, tinatago ang luha.“Iuuwi ko na sila. Sasamahan ko na lang—”“Ninang!” putol ni Dane habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ninang. “We want to stay here. Puwede po ba kaming maupo lang dito? Gusto lang po naming panoorin si Skylie.”Lumingon si Angel kay Dominic, saka kay Avigail, ngunit bago pa man siya makasagot, napatingin si Dominic sa kambal—at tila napako ang kaniyang tingin doon.Hindi siya makapaniwala.Ngayon lang niya lubos na pinagmasdan sina Dale at Dane, at parang unti-unting nabura ang mundo sa paligid niya. Para siyang nanonood ng lumang alaala—ng sarili niyang kabataan—nang bigla niyang mapansin: magkakamukha sila. Ang
Tahimik ang hallway ng ospital. Tanging ang mahihinang tunog mula sa ICU monitor sa loob ng silid ang maririnig, kasabay ng malamig na hum ng aircon. Nakaupo sa bench sina Dominic at Avigail—magkatabing tila magkalayo pa rin. Walang salitang binibitawan, tanging mga mata at buntong-hininga ang nagpapahiwatig ng bigat sa kanilang dibdib.Sa loob ng ICU, si Skylei ay nakaoxygen at bantay-sarado ng doktor. Kasama niya roon sina Dale at Dane, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kapatid. Nasa loob din si Angel, ang ninang nila, taimtim na nagdarasal sa isang sulok.Sa labas, sa isang sandaling may kapayapaan, biglang umalingawngaw ang matalim na sigaw mula sa may elevator.“Dominic Villafuerte! Anong ginagawa ng babae niyan dito?!”Napalingon agad ang mga nurse at bantay sa paligid. Mabilis na tumayo si Dominic habang si Avigail ay napaatras at bahagyang nataranta. Sa harap nila ay ang ina ni Dominic—si Mrs. Luisa Villafuerte, ang reyna ng pamilyang Villafuerte, an
“Sinasabi mo bang nanganak ka mag-isa sa tatlong bata?” tanong ni Dominic, puno ng gulat at lungkot ang boses.Tahimik lamang na tumango si Avigail.“Pero bakit nahiwalay si Skylei sa mga kapatid niya? Kung hindi ikaw ang may kagagawan, sino? Sino ang naghiwalay sa iyo kay Skylei?” Halata sa tono ni Dominic ang pagkalito, ang galit, at ang pagkabigo. “May sakit si Sky noon. Malala. Kung hindi namin naagapan… baka noon pa, wala na siya.”Napaluhod si Avigail sa harap ni Dominic. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol.“Patawarin mo ako...” nanginginig ang tinig niya. “Sinabi sa akin ng doktor na isa sa triplets ang mahina. Kaya nang sinabi nilang hindi na niya kinayang mabuhay pa kahit isang araw, tinanggap ko na lang. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong magpatuloy… kasi may dalawa pa akong anak na umaasa sa akin.”Umiiyak siyang napayuko, nanginginig ang balikat.“Pero kahit kailan… kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang bunso kong babae. Hindi ko siya inalis sa puso’t isip
"Kamusta si Skylei? May improvement na ba ang lagay niya?" tanong ni Avigail.Hindi siya nakatulog kagabi habang iniisip kung paano siya naging pabayang ina—kung paanong naniwala agad siyang patay na ang kanyang bunsong anak. Sa tulong ni Miguel Tan, ni Angel, at ni Dr. Daven Cruz, inalaman nilang lahat ang nangyari sa araw ng panganganak ni Avigail sa ibang bansa. Gustong-gusto ni Avigail na siya mismo ang gumawa ng hakbang, ngunit hindi katulad ng mga taong ito, wala siyang koneksyon—maliban na lang sa pagiging kilala niyang doktor sa traditional medicine."Akala ko hindi ka na babalik. Mabuti naman at nandito ka na," malungkot na sabi ni Dominic habang nakaupo sa bench sa labas ng ICU, at nakatingin sa bintana nito kung saan makikita si Skylei na nakahiga at maraming tubong nakakabit."Mommy! Tito!""Mom! Dad—I mean, Tito, hello po sa inyo.""Pasensya na. Iniwan mo sa akin ang mga bata para dalhin sa kindergarten. Nalaman ng teacher nila ang nangyari kay Sky, kaya binigyan sila ng p
"Avigail!! Heto na, nakakuha ako ng mabilis na proseso ng DNA testing sa hospital namin. Ang galing nga kasi pinadeliver pa nila!" sigaw ni Angel habang mabilis na pumasok sa bahay ni Avigail, hawak ang isang brown envelope na may seal ng ospital.Nagulat ang kambal na sina Dane at Dale sa biglang pagsulpot ng kanilang Ninang. Dahan-dahan pa itong lumapit, nahihiyang ngumiti sa kanila."Ninang! Kumain ka na po ba?" tanong ni Dane na laging concern sa mga bisita nila."Mom, Ninang… para saan po ba ang DNA test na iyan? May problema po ba?" tanong naman ni Dale habang hawak ang laruang robot.Tumingin si Avigail sa dalawang bata. Naisip niyang wala na siyang maitatago pa sa kanila. Limang taon pa lang ang kambal, pero sobrang talino na nila—mga batang marunong magbasa ng damdamin at sitwasyon."Oo… Sorry kung ginawa ito ni Mommy nang hindi kayo sinabihan. Naguguluhan na kasi ako. I can't give birth twice in a row. Alam niyo ‘yung ibig sabihin, di ba?""Opo, Mommy," sagot ni Dale. "Pero d
"Ano? Sinabi mo talaga 'yon kay Dominic? Gosh, Avigail!" Galit na ang tono ni Angel habang nakaupo sa tapat ng kaibigan. Halos malaglag ang hawak niyang baso sa narinig."Nagpakumbaba na siya. Inamin niya ang pagkukulang niya, halatang sobra na siyang nagsisisi—pero bakit hindi mo man lang binigyan ng kaunting puwang ang salita niya? Kahit hindi mo siya patawarin, sana hindi mo na lang nasabi ‘yon."Napatingin si Avigail, halatang pinipigilan ang luha."Galit ako nun, Angel. Sa tingin mo ba madali ‘yon? Iniisip niyang kaya kong itapon ang sarili kong anak? Anak ko!""Oo, gets ko ‘yon. Tama ang dahilan mo—may point ka, pero hindi pa rin tama ang naging sagot mo. Avigail, kung marinig ‘yon ni Sky, ano’ng mararamdaman niya? Na tinanggihan siya ng sariling ina?"Tumayo si Avigail at naglakad palayo sa sofa. "Pero hindi pa rin sigurado na anak ko siya, Angel! Pinipilit lang nilang paniwalaan ko ‘yon!""Pero paano kung totoo?" balik ni Angel, seryoso na rin ang tono. "Sinabi ng doktor na bu