Share

Chapter 74

Penulis: JV Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-21 10:30:08

Sa ilalim ng malakas na liwanag ng araw, hawak ni Natalia ang manibela habang mahigpit na nakaipit ang cellphone sa kaniyang balikat. Sa bawat ikot ng gulong sa aspalto, tila umiikot din ang kanyang isip sa isang tanong na hindi niya matakasan: bakit muling bumalik si Maxwell sa kanyang buhay, at bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob nitong pilitin siyang halikan?

Pakiramdam niya, parang nag-iwan iyon ng hindi maalis-alis na bakas sa kaniyang isipan—isang pangyayaring hindi niya gustong balikan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Kahit anong pilit niyang itaboy ang ideya, parang nakabaon na ito sa kanyang isipan, bumibigat nang bumibigat habang nagpapatuloy ang biyahe.

"Salamat, ha. Pakisuyo na lang si Tristan. Siguraduhin mong busog siya at maayos ang pakiramdam niya bago kayo bumalik sa kwarto," wika ni Natalia sa kausap niyang nurse sa linya, pilit na pinapakalma ang sariling boses. Alam niyang hindi niya kayang bumalik sa ospital nang hindi buo ang kaniyang isip
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 75

    Habang kumakain silang mag-ina, hindi maiwasang mapansin ni Natalia na medyo tahimik si Liam. Hindi siya karaniwang ganito, lalo na’t si Liam ay madalas magtanong, magkwento, at maglaro ng masaya. Ngayon, para bang may mabigat na bagay na nagkukubli sa mata ng bata. Pero hindi rin ito gaanong halata, dahil nakangiti pa rin siya, kahit na may ilang sandali ng pananahimik.“Mama, may tula po akong gustong ipasa sa inyo!” sabi ni Liam, sabay abot ng papel na tinatayang hindi kasing haba ng ibang mga tula na ipinapasa sa kanilang klase. Ngunit kitang-kita kay Liam ang saya at excitement, kaya't tinanggap ito ni Natalia nang may ngiti.“Wow! Anong tula ba yan, baby?” tanong ni Natalia habang binabasa ang papel ng anak.“Siya po ‘yung tula na in-present ko sa online class namin!” sagot ni Liam, medyo nananabik na makita kung magugustuhan ito ng kanyang ina. “Tungkol po ito sa halaman at kung paano sila lumalaki.”Tumawa ng malumanay si Natalia habang binabasa ang tula. “Naku, ang galing mo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-21
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 76

    Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-21
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 77

    Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-21
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 78

    “Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 79

    “Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 80

    “At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 81

    Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-22
  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 82

    Saktong pagkalabas ni Liam mula sa kwarto ni Tristan ay siya namang maingat na pagbukas ni Natalia ng pinto. Hindi siya kumatok o nagparinig bago pumasok, kaya’t halos mapatalon si Tristan nang makita ito. Agad siyang napaupo nang maayos sa kama, pilit na itinatago ang bakas ng pagkagulat at kaba sa kanyang mukha.Kung may konting kaba si Tristan, may pasasalamat din. Mabuti na lang at nakaalis na si Liam bago pa siya mahuli ni Natalia. Naalala niya ang paalala ng kaibigan: walang dapat makaalam, lalo na ang ina nito. Kung nahuli sila, siguradong lagot si Liam, at baka hindi na siya payagan nitong bumisita sa ospital.“Good morning, Tristan!” masiglang bati ni Natalia habang nakangiti at bitbit ang ilang supot ng pagkain. Tumigil ito sa pinto sandali, tila sinisigurado na maayos ang bata bago pumasok nang tuluyan.“Good morning po, Tita,” sagot ni Tristan, sabay yuko nang bahagya. Hindi niya makuhang tumingin nang diretso sa doktor, baka mahalata nito na may ginawang hindi dapat.Ngum

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-29

Bab terbaru

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 94

    Tahimik ang buong silid. Ang malamig na ihip ng aircon ang tanging naririnig sa pagitan nilang mag-ina. Si Liam, nakaupo sa gilid ng kama, nakatungo ang ulo at halatang hindi mapakali. Ang mga paa niya ay bahagyang nakalambitin sa sahig, na tila hindi alam kung saan dapat ilagay.Samantalang si Natalia, nakatayo pa rin malapit sa pintuan, nakasandal sa dingding na parang kailangan niyang suportahan ang sarili mula sa bigat ng emosyon na nararamdaman niya. Ang tingin ni Natalia ay nakatuon kay Liam, pero ang isip niya ay naglalakbay sa kung saan. Pilit niyang inuunawang mabuti ang sitwasyon habang pinipigilan ang nagbabadyang pagsabog ng kanyang galit at kaba. Ang lahat ng itinayo niyang pader para protektahan si Liam, ang mga sikreto at sakripisyong ginawa niya, parang nagkaroon ng malaking butas na hindi niya maayos sa isang iglap.Hindi siya makapaniwalang nandito ngayon ang kanyang anak sa ospital, ang lugar na pinilit niyang iwasan nito sa takot na matuklasan ng mga Harrington an

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 93

    Hindi makapaniwala si Lucia sa kanyang naririnig at nakikita. Ang batang nasa harap niya—si "Tristan" na tahimik at masunurin sa lahat ng pagkakataon—ngayon ay sigaw nang sigaw, umiiyak, at gumagawa ng eksenang hindi niya kailanman naisip na mangyayari. Napatitig siya sa sahig kung saan humandusay ang bata, nakakunot ang noo habang sinusubukang intindihin kung ano ang nangyayari."Tristan, ano bang ginagawa mo? Tumigil ka nga diyan!" galit ngunit halatang nagtatakang tanong ni Lucia habang inilalapit ang sarili sa bata, pilit na iniintindi ang sitwasyon.Ngunit si Liam, na sa isip niya’y kailangang maituloy ang pagpapanggap upang tuluyang mapaniwala ang lahat, ay mas lalong nagpakababa ng boses, nanginginig at tila nawawala sa katinuan. "Tama na po! Tama na po! Ayoko na po! Maawa kayo!" "Tristan, anong sinasabi mo?! Hindi kita sinaktan! Tumigil ka nga sa kalokohan mo!" sigaw ni Lucia, tila naubusan na ng pasensya ngunit hindi pa rin makapaniwala na ang bata ay nagpapakita ng ganitong

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 92

    Pagpasok ni Lucia sa kwarto, nakita niya ang inaakala niyang si Tristan na nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot mula ulo hanggang paa. Mataas ang kanyang kilay, at bakas sa mukha niya ang iritasyon. Inilapag niya ang dalang bag sa maliit na mesa malapit sa kama at marahang lumapit. Tumigil siya sa gilid ng kama at tinitigan ang kumot na mahigpit na nakabalot sa bata."Tristan," tawag niya nang mababa ngunit matalim ang tono, "alam kong gising ka. Tumigil ka na sa drama mo."Walang reaksyon mula sa ilalim ng kumot. Tumikhim si Lucia, pilit pinipigil ang iritasyon, at lumapit pa nang bahagya. Tinapik niya ang bata sa balikat, maingat ngunit may bahid ng paninita."Hoy, Tristan. Huwag mo akong lokohin. Alam kong hindi ka tulog," dagdag niya habang pinipilit ang sarili na maging kalmado. Ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, nanatili si Liam sa ilalim ng kumot, pilit pinapakalma ang sariling tumitibok nang mabilis ang puso.Napangiwi si Lucia, nawawalan na ng pasensya. "Talaga, ha? G

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 91

    Lumabas na sina Natalia at Tristan mula sa VIP ward kung saan sila pansamantalang nananatili. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa air-conditioning ay tila bumalot sa kanilang katawan habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng ospital. Sa labas ng kwarto, may mga nars na abala sa pag-aasikaso ng kanilang mga pasyente. Ang ilan ay nagmamadaling may dala-dalang mga clipboard, habang ang iba naman ay marahang tinutulak ang mga wheelchair ng mga nakangiting pasyente. Ang tunog ng rubber shoes na dumudulas sa makintab na tiles ng ospital ay naging background noise sa tila tahimik na umaga.Kahit tila abala ang lahat sa ospital, nananatili pa ring kalmado ang kapaligiran. Ang bawat hakbang nila Natalia at Tristan ay tila sinasalubong ng malamlam na liwanag mula sa mga fluorescent lights sa kisame. Hinawakan ni Natalia ang kamay ni Tristan, bahagyang iniakay ang bata habang maingat silang naglalakad patungo sa psych department.“Okay ka lang ba, Tristan?” tanong ni Natalia, bahagyang tumigil

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 90

    Mataas na ang araw nang magising si Maxwell. Ramdam niya ang init ng sinag ng araw na sumisilip sa manipis na puting kurtina, dahan-dahang pinupuno ang kwarto ng banayad na liwanag. Parang nagbibigay ito ng bagong simula, isang pagkakataon upang makapagpahinga mula sa mga problema ng kahapon. Ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon ay bumabalot sa buong silid, nagbibigay ng komportableng temperatura na tila sumasalungat sa init ng araw. Malinis at tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng banayad na hilik ni Tristan ang maririnig.Umupo si Maxwell sa gilid ng kama, hinihilot ang sariling batok at marahang umikot ang balikat upang alisin ang tensyon mula sa pagtulog sa hindi komportableng posisyon. Ang kanyang mga mata ay tumingin sa anak niyang mahimbing pang natutulog. Payapa ang mukha ni Tristan, tila wala itong anumang alalahanin. Ngunit para kay Maxwell, ang tahimik na sandaling ito ay puno ng pag-aalala. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nangyari sa bata nitong mg

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 89

    Paglabas ni Natalia mula sa banyo, dama ang malamig na hangin na sumalubong sa kanyang balat. Nakadamit na siya, suot ang isang simpleng ngunit elegante na cotton dress na hanggang tuhod ang haba. Ang kulay nitong mapusyaw na peach ay bumagay sa kanyang makinis na kutis, habang ang bahagyang v-neckline nito ay nagpakita ng kanyang collarbone nang walang labis na pagpapakita.Ang damit ay niyakap ang balingkinitang hubog ng kanyang katawan nang perpekto, sapat upang ipakita ang kanyang natural na ganda ngunit nanatiling disente. Ang kanyang buhok ay basa pa mula sa paliligo, at ang mga hibla nito ay kumikinang habang tumutulo ang tubig sa dulo. Nakayapak siya habang marahang naglakad palabas.Pagtingin niya sa kama, nakita niya si Maxwell na nakahiga nang komportable, ang ulo’y nakasandal sa unan habang may bahagyang ngisi sa kanyang labi. Nakasuot ito ng itim na sando, ang malalapad nitong balikat at ang defined na muscles sa braso ay litaw na litaw. Nakatingin ito kay Natalia, tila s

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 88

    Naririnig ang patak ng tubig mula sa shower habang nakapikit si Natalia, dinadama ang bawat agos ng maligamgam na tubig na dumadaloy sa makinis niyang balat. Kakaibang ginhawa ang hatid nito matapos ang mahabang araw.Sa loob ng banyo, ang marmol na dingding ay nagre-reflect ng ilaw mula sa soft-lit vanity lamp sa ibabaw ng salamin. Malinis ang paligid, tahimik maliban sa tunog ng tubig, na parang nag-iimbita ng pagkakataong magpahinga.Inabot ni Natalia ang bote ng lavender-scented shampoo at dahan-dahang nilagyan ang buhok. Habang hinahagod niya ito, napansin niya ang kanyang sariling repleksyon sa malapad na salamin sa harapan. Ang mahabang araw na pag-aalaga kay Tristan at ang dami ng emosyon na naramdaman niya ay tila nakaukit sa bawat linya ng kanyang mukha. Ngunit sa kabila nito, nandoon pa rin ang kakaibang tikas at alindog.Bilang isang doktor, alam niyang mahalaga ang pag-aalaga sa sarili, at makikita ito sa bawat aspeto ng kanyang anyo. Ang kanyang balat ay makinis at banay

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 87

    Tahimik ang gabi sa VIP ward kung saan naka-check-in si Tristan. Ang iilang tunog ng aircon at ang mahina't marahang paghinga ng bata ang tanging naririnig. Kakapatulog lang ni Natalia kay Tristan matapos itong magreklamo ng kaunting pananakit sa tiyan. Maingat niyang inayos ang kumot nito, sinisiguradong hindi maipit ang galaw ng bata habang natutulog. Sinilip pa niya ang noo nito upang tiyaking hindi na ito nilalagnat. Nang masiguradong maayos na ang lagay ni Tristan, bahagya siyang napabuntong-hininga.Ngunit kahit tapos na ang mga gawaing kailangan niyang asikasuhin para kay Tristan, tila hindi siya makaramdam ng ginhawa. Kahit pa malamig ang silid at wala namang ibang ingay bukod sa mahinang tunog ng aircon, ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. Siguro’y dahil na rin sa presensya ni Maxwell, na abala sa lamesa malapit sa kama ng bata. Hindi niya maiwasang mapansin ang tahimik ngunit mabuway na tensyon sa pagitan nilang dalawa, kahit wala silang direktang pag-uusap. Nakaupo s

  • Ex-Wife's Revenge: Hiding the Billionaire's Twins   Chapter 86

    "Anong sinasabi ng iba tungkol sa atin?"IYAN ANG tanong ni Maxwell, nakakunot ang noo habang nakatitig kay Natalia. Kita sa kaniyang mukha ang seryosong pag-aalala at bahagyang pagkabigla.Tumingin si Natalia sa pinto, tila nag-aalangan kung dapat ba niyang sabihin ang totoo. Ngunit alam niyang hindi na niya maiiwasan ang tanong na iyon. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Maxwell, palaging may mga mata at tainga dito sa ospital. May mga usap-usapan na... na baka may higit pa sa pagitan natin kaysa sa dapat. Alam mo naman kung gaano kabilis kumalat ang mga gano'ng bagay."Saglit na natahimik si Maxwell, ang tingin nito ay tila malayo. "Hindi ko inaasahan 'yan," aniya, halos pabulong. "Akala ko ayos lang ang lahat. Hindi ko alam na ganito na pala ang tingin nila sa'yo."Napabuntong-hininga si Natalia, pilit na pinipigilan ang sarili na maging emosyonal. "Hindi ko sinasabi 'to para sa'yo, Maxwell. Sinabi ko 'to dahil kailangan kong protektahan ang sarili ko... at si Tristan. Ayo

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status