“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
“TULONGGG!” isang malakas na sigaw ni Natalia pagpasok nito sa pinakamalapit na hospital sa kanilang lugar. Hindi nito alam ang kaniyang gagawin. Ang alam lang nito’y kailangan niyang mailigtas ang kaniyang anak na dala-dala nito sa sinapupunan. Bahagyang bumigay ang tuhod nito ngunit agad naman siyang nasalo ng isang doktor na inalalayan siya.“Ano pong nangyari, Ma’am?” tanong ng doktor.“M-Manganganak na po ako!” nanginginig nitong sambit kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Ano hong pangalan nila?”“N-Natalia…” mahinang sambit nito. “Natalia Harring—! Mali… Natalia Castaleon ang pangalan ko.”Kahit alas-diyes na ng gabi ay tila maingay at maliwanag pa rin dahil sa rumaragasang bagyo sa kanilang lugar. Kasabay ng pagdagungdong ng kalangitan ay ang pag-sigaw ni Natalia upang humugot ng lakas para sa kaniyang panganganak.Mahirap. Masakit. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala ngunit pinilit pa rin niyang maging malakas para sa kaniyang anak. Halos kalahating oras na
7 YEARS LATER… Mahangin, maaliwalas ang kalangitan. Kagagaling lang sa mahingang pag-ulan kaya ang hangin ay presko pa. Binuksan ni Tristan ang bintana sa kaniyang silid upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi nito maipaliwanag kung bakit magaan ang kaniyang pakiramdam kapag naulan na animo’y hinehele siya nito.Kung gaano kagaan ang pakiramdam niya tuwing naulan, gano’n naman kabigat ang dinaraing niya sa pamamahay kung nasaan siya ngayon. Tristan Harrington, limang taong gulang na anak ni Maxwell Harrington at ang ikinasal lamang anim na taon ang nakalilipas na si Olivia Harrington. Nang makarinig ito ng mahinang pagkaluskos sa labas ng kaniyang kwarto ay agad nitong isinara ang bintana at nagtalukbong ng kumot.Dahan-dahan niyang inilapat ang kumot sa kaniyang mukha dahil ito’y bahagyang masakit pa. Kung titingnang maigi, kitang-kita ang kapulahan sa pisngi nito dala ng isang malakas na sampal.Na sa tingin niya’y kilala naman ng lahat kung sino ang may gawa. “Tristan, buksan
BOOM!Isang malakas na tunog sa labas ng mansion ang narinig. Sina Lucia at yaya na malapit sa hardin ay agad na narinig ang pagbagsak sa kanilang kinatatayuan. Hindi pa sila nakararating sa pinanggalingan ng tunog ay may nauna na pala sa kanila.Ang guard ng mansion ay tila nanginginig na nakatingin sa isang halaman, direkta sa ibaba ng bintana ng kwarto ni Tristan. “Masama ito! Nahulog si Tristan galing sa kwarto niya!”Galing sa ikalimang palapag?!Dali-daling tumakbo si Lucia at ang kasama nitong katulong patungo sa kinatatayuan ng guard. Sinalo ng isang mabulaklak na mga halaman si Tristan, pero duguan ito’t walang malay. Tumingin din sa taas si Lucia at nakita ang mga nagpakataling kumot na ginamit ata ni Tristan upang makatakas sa kwarto. Umabot ang tali hanggang ikalawang palapag at doon na yata nagtangkang tumalon si Tristan.“Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw ni Lucia habang nagpa-panic na inaalalayan si Tristan. Mabilis na tumakbo ang katulong at ang guard papasok ng mans
“Di ba sinabi ko na sayo, Joaquin, h’wag mo na ako tatawagin sa pangalang ‘yan?” Mariing sambit ni Natalia habang nakangiti sa doktor na ngayo’y nasa harap na niya. Kahit sino mang nakakakilala kay Natalia rito sa Pilipinas, siguradong lahat sila’y magtataka kung bakit bigla itong sumulpot pagkatapos ng pitong-taon na halos wala itong paramdam. Siguro ang mas tamang tanong ay… “Buhay pa pala ang isang Natalia Costaleon?”Walang nakakaalam ng pinagdaanan nito noong nakaraang mga taon. Pa-sikreto itong umalis ng bansa sa tulong ni Joaquin, na siyang naging kaibigan niya simula noong insidente sa ospital sa probinsya pitong-taon ang nakalilipas. Ngayong nasa Maynila na sila, magkasama pa rin ito sa iisang ospital ngayong naging doktor na rin si Natalia Costaleon.Ngunit kahit walang nagsasalita sa kanilang dalawa ngayon dahil busy magpalit ng damit si Natalia para mag-opera sa mga pasyente nito, bahagyang namamawis ang noo ni Joaquin dahil sa matagal na panahon ay muli silang nagkita ni
“Anong sabi mo?!” sigaw ni Maxwell na animo’y rinig na rinig sa buong ospital.Gustong mamagitan ni Joaquin sa tensyong nagaganap sa pagitan ni Natalia at Maxwell ngunit wala rin itong magawa dahil nakaharang ang dalawang bodyguard upang walang makalapit sa kanila. Kitang-kita nito na kalmado lamang si Natalia na taas-noong nakatingin kay Maxwell at hindi iniisip kung gaano kataas na tao ang nasa harap nito ngayon.Well, para kay Natalia ay isang mababang-uring nilalang lang itong nasa kaniyang harapan. Isang Harrington na wala namang pinagmalaki kundi puro kayabangan, pambababae, at pang-aalipusta lamang. Kahit pa itong si Maxwell ay matangkad, mestizo, matangos ang ilong, at maganda ang kulay-berde nitong mga mata ay wala siyang pakialam.Para kay Natalia, isa lamang siyang walang-kwentang asawa na pinilipi siyang lokohin gamit ang sarili pa niyang kapatid. Huminga ito nang malalim at sinagot muli ang tanong ni Maxwell.“Ang sabi ko, hindi ko gagawin ang operasyon kahit patayin mo p
“Nasaan si Tristan? Kumusta ang anak ko?”Dali-Daling pumasok si Maxwell sa operating room na tila hindi pansin si Natalia na nasa tabi lang ni Tristan. Dumiretso ito sa kaniyang anak at saka ito niyakap. Nagtagal ito ng ilang segundo kaya pinili na lang ni Natalia na tumayo at lumayo mula sa pwesto ng mag-ama.Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Natalia na kamukhang-kamukha ng bata ang itinatago niyang anak mula sa dati nitong asawa. Tila naninigas ang kaniyang katawan dahil sa pinaghalong takot, galit, at sakit habang pinanonood si Maxwell na niyayakap ang isang bata na kamukha ng anak niya. Pakiramdam nito'y nahuli na siya, kahit na ang totoo'y hindi pa dahil kamukha lang naman ang bata.Hindi maipaliwanag ni Natalia kung bakit, pero ilang mga salita ang lumabas sa kaniyang bibig kaya't napatingin sa kaniya si Maxwell. "A-Anak mo?"Kumalas mula sa pagkakayakap si Maxwell at umayos ng tindig bago harapin si Natalia. Kahit si Maxwell ay hindi rin makapaniwalang pagkatapos n
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik na lamang nakaupo si Liam sa tabi ni Tristan habang kinakain nito ang huling piraso ng pagkaing iniwan ni Lucia. Napansin ni Liam na kahit kumalma na ang mukha ni Tristan, halatang may natitirang lungkot at takot sa bata. Kaya’t naisip niyang libangin ang kaibigan upang kahit papaano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman nito."Alam mo, Tristan," sinimulan ni Liam habang kumukuha ng laruan mula sa kanyang bulsa, "may dala akong bagong laruan. Gusto mo ba makita?"Napatingin si Tristan at bahagyang nagliwanag ang kanyang mukha. “Ano yan?” tanong nito, tila nakakalimot sandali sa lungkot.Inilabas ni Liam ang maliit na puzzle cube at ipinakita ito kay Tristan. “Ito, kaya mo bang ayusin? Ang hirap nito nung una, pero kapag nakuha mo na ang diskarte, madali na lang.”Kinuha ni Tristan ang cube at sinubukang ayusin.Habang naglalaro, nagsimulang magkwento si Liam ng kung anu-ano—mga kwento tungkol sa eskuwela, mga bagong laro, at mga kalokohan na ginagaw
“At isa pa, Tristan, huwag na huwag kang magsusumbong sa kanya, ha? Ayaw kong masaktan ka. Naiintindihan mo ba ako?”Nang tuluyang maisara ni Lucia ang pinto at mawala ang yabag ng kanyang mga sapatos sa pasilyo, muling bumalik ang tahimik na kalungkutan sa silid ni Tristan. Nakayuko siya, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang luha niya ay tahimik na dumadaloy. Walang ibang narinig kundi ang mahihinang hikbi niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Hindi niya kayang kontrahin ang kanyang tiyahin, lalo na’t sa murang edad niya, naniniwala siyang may punto ito kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan sa kanya.Sa kabila ng lahat, tila nakalimutan na ni Tristan na may nagtatago pa sa kabinet—ang kaibigan niyang si Liam. Si Liam naman, na kanina pa pinipigilang huminga ng malakas dahil sa kaba, ay nanatiling nakikiramdam. Sinigurado niyang wala na si Lucia bago siya kumilos. Nang makumpirma niyang ligtas na, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kabinet at luma
“Alam mo ba, kung wala ako rito, hindi rin magigising ang mama mo!” ani Lucia, ang boses ay puno ng hinanakit. “Ako dapat ang kasama mo, Tristan! Hindi ang hunghang na doktor mo!”Napalunok si Tristan. Alam niyang hindi niya dapat kontrahin si Lucia, ngunit ang mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina ay nagbigay sa kanya ng sakit sa loob. Pilit niyang pinigilan ang sarili na tumutol, ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha na unti-unting pumatak mula sa kanyang mga mata.“Sorry po, Tita,” mahinang sagot niya habang nakayuko pa rin. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin upang mapatahimik si Lucia.“Sorry? ’Yan na naman ang sorry mo!” sigaw ni Lucia, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. “Pinili mo ang doktor mo kaysa sa akin, Tristan! Ako ang dapat nandito para alagaan ka! Ako ang nag-alaga sa’yo mula pagkabata! At ngayon, ipagpapalit mo ako sa isang estranghero?”Tahimik lang si Tristan. Gusto niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, pero natatakot siya na mas magalit pa si Lu
“Surprise!” ani Liam, ngiting-ngiti habang inilapag ang kanyang bag sa sahig. “Gusto kitang makita. Kamusta ka na?”Napatingin si Tristan, bahagyang nagulat ngunit nanatiling tahimik sandali bago bahagyang ngumiti. “Liam... anong ginagawa mo dito?” tanong niya, mabagal at parang nag-aalangan. Kahit may maputlang itsura, kumislap ang kanyang mga mata, pero parang may bahid ng lungkot sa kanyang tinig.“Miss na miss na kita, eh,” sagot ni Liam, na para bang walang pakialam sa kaba ng kaibigan. Umupo ito sa silyang malapit sa kama ni Tristan, maliksi at masigla. “Hindi mo ba ako namimiss?”“Namimiss kita, syempre,” tugon ni Tristan, ngayon ay may bahagyang ngiti, pero hindi kasing lapad ng kay Liam. Tila pigil ang saya niya, parang laging may bumabagabag. “Pero… paano ka nakapasok dito? Hindi ka ba nahirapan?”Umiling si Liam, walang pag-aalala. “Mabilis lang akong nakapasok. Ang dami-daming tao sa ospital, hindi nila ako napansin,” sagot niya na may maaliwalas na tono, parang isang laro
Maagang nagising si Liam sa araw na iyon. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa mga siwang ng kurtina, dumampi sa kanyang mukha, at ginising ang kanyang antok na isipan. Bumangon siya mula sa kama at unang napansin ang kanyang maliit na bag na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lalagyan ng damit. Bigla siyang kinabahan. Nakalimutan niya pala itong itago kagabi matapos niyang ayusin ang laman nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Mabuti na lang at hindi nakita ni Mama," mahina niyang bulong sa sarili. Naalala niya ang pagbisita ni Natalia sa kanyang kwarto kagabi upang tiyaking mahimbing na siyang natutulog. Swerte siyang hindi nito napansin ang bag, o baka naman inisip lang ng kanyang ina na ordinaryong gamit iyon.Pagkatapos mag-ayos ng kanyang kama, lumabas si Liam ng kanyang kwarto at bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Sa kanyang pagbaba, agad niyang naamoy ang masarap na halimuyak mula sa kusina—ang pabango ng bawang at sibuyas na niluluto, hinaluan ng bahagyan
Habang abala si Liam sa pag-iisip ng mga susunod niyang hakbang, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad niyang itinago ang calling card, hibla ng buhok, at ang kanyang mga ipon sa ilalim ng kama. Mabilis ang kilos ni Liam, at nang masiguradong maayos na ang kanyang pinagtataguan, binuksan niya ang pinto. Nakangiti si Natalia nang tumambad ito sa kanya, may dalang tambak ng malilinis na damit. “Anak, tutupi tayo ng mga damit mo. Ang dami na pala,” anito, sabay lakad papasok sa kwarto ng bata. Sanay na si Liam na mag-bonding sila ng kanyang mama sa ganitong paraan tuwing may pagkakataon. Bagaman pagod ang ina mula sa ospital, palaging may oras ito para sa kanya. Tumabi si Liam sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto habang inilapag ni Natalia ang tambak ng mga damit na katatapos lang labhan ni Yaya Tess.“Ang dami po pala, Mama,” komento ni Liam habang kinukuha ang isang pares ng pajama. “Parang ilang buwan yata akong hindi nagpalit ng damit?”Napatawa si Natalia. “Hay n
Habang kumakain silang mag-ina, hindi maiwasang mapansin ni Natalia na medyo tahimik si Liam. Hindi siya karaniwang ganito, lalo na’t si Liam ay madalas magtanong, magkwento, at maglaro ng masaya. Ngayon, para bang may mabigat na bagay na nagkukubli sa mata ng bata. Pero hindi rin ito gaanong halata, dahil nakangiti pa rin siya, kahit na may ilang sandali ng pananahimik.“Mama, may tula po akong gustong ipasa sa inyo!” sabi ni Liam, sabay abot ng papel na tinatayang hindi kasing haba ng ibang mga tula na ipinapasa sa kanilang klase. Ngunit kitang-kita kay Liam ang saya at excitement, kaya't tinanggap ito ni Natalia nang may ngiti.“Wow! Anong tula ba yan, baby?” tanong ni Natalia habang binabasa ang papel ng anak.“Siya po ‘yung tula na in-present ko sa online class namin!” sagot ni Liam, medyo nananabik na makita kung magugustuhan ito ng kanyang ina. “Tungkol po ito sa halaman at kung paano sila lumalaki.”Tumawa ng malumanay si Natalia habang binabasa ang tula. “Naku, ang galing mo
Sa ilalim ng malakas na liwanag ng araw, hawak ni Natalia ang manibela habang mahigpit na nakaipit ang cellphone sa kaniyang balikat. Sa bawat ikot ng gulong sa aspalto, tila umiikot din ang kanyang isip sa isang tanong na hindi niya matakasan: bakit muling bumalik si Maxwell sa kanyang buhay, at bakit ganoon na lamang ang lakas ng loob nitong pilitin siyang halikan?Pakiramdam niya, parang nag-iwan iyon ng hindi maalis-alis na bakas sa kaniyang isipan—isang pangyayaring hindi niya gustong balikan ngunit paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang alaala. Kahit anong pilit niyang itaboy ang ideya, parang nakabaon na ito sa kanyang isipan, bumibigat nang bumibigat habang nagpapatuloy ang biyahe."Salamat, ha. Pakisuyo na lang si Tristan. Siguraduhin mong busog siya at maayos ang pakiramdam niya bago kayo bumalik sa kwarto," wika ni Natalia sa kausap niyang nurse sa linya, pilit na pinapakalma ang sariling boses. Alam niyang hindi niya kayang bumalik sa ospital nang hindi buo ang kaniyang isip
Kahit pa gano'n ang nasa isip ni Anton, pinili niyang manahimik. Hindi na ito nag-usisa pa at iningatan ang kanyang mga iniisip. Ayaw niyang makaapekto ito sa kanyang trabaho, lalo pa’t may posisyon siyang pinanghahawakan sa piling ng mga Harrington. Bukod dito, hindi na niya hahayaang magkamali pang muli matapos niyang masangkot sa eskandalo noon. Ang eskandalo ay nagsimula noong nakita niya ang isang bata sa labas ng ospital na inakala niyang si Tristan. Malinaw pa sa kanya ang tagpo—ang bata’y kamukhang-kamukha ni Tristan, ngunit nang subukan niyang lapitan ito, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng mapanirang tsismis. Hindi rin iyon naging madali para kay Anton. Napilitan siyang magbigay ng paliwanag kay Maxwell. Ngunit sa pagkakataong iyon, si Natalia at ang kaniyang assistant na si Caroline ang nakialam. Ginawa nilang mas kapanipaniwala ang sitwasyon, sinabing nagkamali lang si Anton at nagbunga lamang iyon ng labis na pagod at stress sa trabaho. Lumabas ang balita na tila n