Ava:Nagpapagaling pa rin ako mula sa atake sa akin. Pagod na ako ng mental pati pisikal, at ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat ng ito. Sinubukan akong patayin ng tatlong beses. Tatlong beses akong nakaligtas. Hindi ko lang alam kung mauubos ang swerte ko dahil sa puntong ito, ang sinumang gusto akong patayin ay mukhang desidido talaga na hindi ko na makikita si Noah ulit.Kinilabutan ako nang maalala ko na muntik na akong namatay. Nandoon siya sa bahay ko. Plano niya akong gahasain bago niya ako patayin. Napuno ng luha ang mga mata ko at ginawa ko ang lahat para pigilan ang mga ito.Sapat na ang pag iyak ko sa nakalipas na mga araw. Pagod na ako dito, gusto ko lang maintindihan kung bakit. Bakit naman ako gustong patayin ng kahit sino? Wala naman akong ginawa sa kahit sino, maliban kay Emma. Kahit na siya ito, kasama niya na si Rowan ngayon, kaya wala na dapat akong sala. Hindi dapat ito nangyayari sa akin.Ang pinakamalaking takot ko ay ang magtagumpay sila. Ibig sabihin a
“Christine, ginawa mo ang lahat para alisin ako habang iniisip mo na papansinin ka ni Rowan. Kahit noong kinasal na kami, ginawa mo pa rin ang lahat para akitin siya, pero kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng interes sayo. Oo, hindi niya ako mahal, peroasawa niya ako habang ikaw ay isang secretary lang, isang secretary na hindi nakuha ang interes niya. So, itatanong ko rin ito sayo, ano ang pakiramdam na kahit kailan ay hindi ka magiging ang babae niya? Na habang buhay ay isang secretary ka lang para sa kanya. Ano ang pakiramdam na hindi ka niya itinuturing na sapat na babae? Na mas pinili niyang makipagtalik sa akin kahit na kinamumuhian niya ako kaysa tanggapin ka bilang kabit? At ano ang pakiramdam na malaman na wala kang chansa ngayon at bumalik na si Emma?” Ngumisi ako, masaya na nagsalita na rin ako sa wakas.“Walang hiya kang pangit ka!” Ang sigaw niya bago siya sa umugod sa akin.Nagawa kong umiwas at nadapa siya sa napakataas at mamahalin na high heels niya. Tumayo siya n
“Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Ava?” Ang tanong ni Letty ng nag aalala.Naghahanda na ako para sa school ni Noah. Ngayon ay ang parent/teacher meeting na magaganap annually, at dapat ako makipagkita kay Rowan doon.Tumawag si Letty para ipaalam sa akin kung pwede kaming mag bonding dahil matagal na kaming hindi nagkikita. Noong unang inatake ako, nasa Japan siya kasama si Travis para sa isang business deal. Bumalik siya sa araw bago ang kahapon.“Sigurado ako, sa tingin ko ay ito ang pinakamagandang paraan para makapag move on kay Rowan. Paano ako mahuhulog para sa iba kung hindi ako nakikipag-date?”Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa halikan namin ni Ethan. Sa nakaraang mga araw, mas naging madalas ito, ngunit hindi pa kami lumalampas dito.“Sige, pero hindi ba’t medyo mabilis ang pag move on mo… gaano katagal mo na siyang kilala?” Inaba niya ang pag iisip ko.“Higit sa tatlong buwan… sandali, bakit parang tutol ka sa kanya ngayon? Noong nakarang mga lingo, hinihikayat mo ako
Ano ang gusto ko? Ginagamit ko lang ba siya o gusto ko talaga siya? Ayaw kong maging magulo at nakakalito ang mga bagay. Determinado akong makapag-move on kay Rowan, pero tama ba ang paraan na ginagawa ko?Ayaw kong saktan si Ethan, lalo na kung interesado talaga siya sa pagkakaroon ng isang relasyon sa akin, pero may mga parte sa loob ko na natatakot na baka magkaroon ako ng hindi magandang attachment sa kanya.Nakalimutan ko si Rowan at ang pagmamahal ko sa kanya dahil kay Ethan. Natatakot ako na ito ang pangunahing rason kung bakit interesado ako kay Ethan.Kahit na mukhang masama ito, hindi ko mapigilan ispin, ganun ba talaga kasama? Lahat tayo ay may gusto sa iba para sa iba’t ibang rason. Mali ba na gusto ko si Ethan dahil nakakatulong siya na makalimutan ko ang sakit at heartbreak ko?Nabigla ako sa isang busina sa likod ko. Masyadong malalim ang pag iisip ko na hindi ko man lang napansin na nasa school na ako ni Noah.Nag drive ako papunta sa parking lot, pinatay ko ang ig
Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya, pero may libo-libong kilometro ang layo niya.“Pasensya na, mahal… Baka naging busy siya sa trabaho.”“Pero nangako po siya sa akin!” Sumigaw siya sa screen. “Sinabi niya po na hindi niya sisirain ang mga pangako niya, pero ginawa niya po ito.” Umiiyak na talaga siya at masakit ito para sa kain.Si nanay at si Joyce, ang nanay ni Rowan, ay pinagaan ang loob ni Noah. Gusto kong pumunta doon para patahanin si Noah, at masakit na hindi ito magawa.“Babawi siya sayo, mahal… tandaan mo na mahal ka niya at na kahit kailan ay hindi niya na-miss ang kahit anong mga event mo,” Sinubukan ko siyang patahanin.Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagtitig sa kawalan habang tahimik na tumulo ang luha sa kanyang mukha. Mukhang nalilito siya. Noong hindi siya kumibo o nagsalita, sinabi sa akin ni Joyce na aalagaan nila si Noah bago niya tinapos ang call.Lumabas ako ng school at dumiretso ako sa parking lot. Karamihan sa mga kotse ay wala na.
Rowan:Tumitig ako sa mga kamay niya. Nagsalita ng mahina ang nanay ko sa akin. “Patawad, Ro, pero ayaw ka niyang kausapin.”Hindi pa ako nasaktan ng ganito noon. Kahit noong nakipaghiwalay at iniwan ako ni Emma. Galit sa akin si Noah at ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko. Tama si Ava, si Noah dapat ang una, pero binigo ko siya.Nagdesisyon ako na dalhin si Emma sa yate ko. Ito ay para makapag usap kami ng pribado. Hindi siya masaya nang malaman niya na nagmamadali ko siyang iniwan para pumunta sa tabi ni Ava. Ito ang paraan ko para bumawi sa kanya. Sa kasamaang palad, hindi ko napansin ang oras at namatay ang battery ng phone ko.Hindi ko pa nakita ang ganito kalala na galit ni Ava, at tumingin siya ng gulat sa akin kahapon. Ipinagtanggol niya si Noah at pinagalitan niya ako sa ginawa ko, medyo naging proud ako sa kanya. May tapang para siya na gawin ito. Maganda ang makita ito.“Rowan?” Tinawag ako ng nanay ko. “Ibababa ko na ang call ngayon.”“Sandali, pakiusap, dalhin niyo
“Ito ba ay dahil hindi siya ang nanay mo?” Bakit may problema lang siya kay Emma dahil hindi ito ang nanay niya. Baka pakiramdam niya lang ay inaagaw ni Emma ang lugar ng nanay niya.“Hindi ko lang po ito gusto. Pati kapatid po siya ni mommy, mali po ito, dad.” Ang sabi niya sa akin. Nagkataon ba na parehong ayaw ni Noah si Emma na tulad ni Ava? Hindi kaya’t nilalason ni Ava ang utak ng anak namin laban kay Emma? Hindi ako magugulat kung ito ang kaso.“Makinig ka, Noah, magkasama na kami ni Emma at inaasahan ko na tratuhin mo siya ng may respeto. Balang araw, baka pakasalan ko siya at siya ang magiging stepmother mo. Kailangan mo masanay na makita siya.”Kailangan ko agad alisin ang anumang sama ng loob na namumuo sa kanya. Kailangan maintindihan ni Noah na hindi aalis si Emma.“Hindi.” Ang sigaw niya sa akin mula sa phone.“Noah…”“Kung gusto niyo po siya, okay. Pero hindi ko po siya tatanggapin. Kahit kailan ay hindi ko po siya tatanggapin bilang isang nanay.” Ang galit niyang
Ava:Masaya ako ngayong araw. Hindi lang sa naging maayos ang dinner date namin ni Ethan, babalik din ako sa trabaho bukas at ang araw pagkatapos nun ay ang birthday ko.Tulad ng inaasahan ko noong Sabado, natulungan ako ni Ethan na kumalimot. Makalipas ang ilang minuto pagkatapos kong dumating sa lugar niya, tumatawa na ako ng masaya.Nagluto siya, at hindi niya ako binigo. Ang pagkain ay masarap talaga. May bagay talaga sa isang lalaking kaya magluto at kaya kang patawanin. Sa huli ay naging masaya at maligaya ang gabi. Mas naging maganda ito noong umuwi ako at kinausap ko si Noah.Huminahon na siya ng konti. Marami kaming pinag usapan, bago siya nakatulog habang nasa phone pa rin. Ito ang highlight ng araw ko.Nagb-bake ako nang may taong kumatok sa pintuan ko. Gusto ko ng comfort food kaya nagdesisyon ako na gumawa ng cookies at chocolate cake.Pinunasan ko ang mga kamay ko gamit ang kitchen towel, pumunta ako at binuksan ang pinto. May parte sa akin na nagulat nang makaharap
"Kailan ka pa naging mature?" Pang aasar ko, binangga ang balikat ko sa balikat niya. "Ako ay mas matanda, dapat akong maging mas matalino.""Ang maturity ay may karanasan, alam mo." Nagkibit balikat siya at ngumiti. “Ang pag ibig ang nagtutulak sa atin na gawin ang pinakamabuti para sa ating mga anak. Kaya't hangga't ikaw ay hinihimok ng pag ibig, palagi mong gugustuhin kung ano ang pinakamahusay para sa iyong mga bata at gagawa ka ng mga desisyon batay doon."Natahimik kami saglit, natulala lang ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi ako ganoon kapalpak na alam na si Ava ay may pagdududa kung para sa akin siya ang isang halimbawa ng isang perpektong ina."Nasaan pala si Iris?" Nagtatanong ako sa paligid, napansin kong hindi ko pa nakikita ang maliit mula noong dumating ako."Nasa kwarto nila si Rowan, naglalaro ng tea party." Ang sagot niya na may kasamang ngisi.Hindi ko napigilan nang humagalpak ako ng tawa. “Si Rowan? Naglalaro ng tea party?"Parang kakaiba. So out of the n
Nagseselos ako. Nagseselos si Ava kay Noah. Mayroon din siyang malapit na relasyon kay Gunner. Bakit hindi ako nagising sa katangahan ko bago pa huli ang lahat? Ang tanging dasal ko lang ay kahit hindi kami maging close ni Gunner gaya nina Ava at Noah, atleast dadating kami sa point na hindi niya kinamumuhian ang loob ko."Hindi ko gagawin, pangako ko," Bulong ko kahit na nahuhuli ang boses ko.Binigyan niya ako ng masamang tingin bago siya lumingon."Noah," Tawag ko sa kanya bago siya umalis. Naninigas ang likod niya pero tinignan niya ako sa balikat. "Pasensya na. Sa pagtrato sa iyong mom ng masama at sinubukan na pumagitan sa iyong ama at sa kanya. I'm really sorry. .”Hindi ko inaasahan na may sasabihin siya pabalik at hindi. Sa halip, tumalikod siya at iniwan akong nakatayo sa may pintuan.Napabuntong hininga, iniisip ko kung dapat ba akong pumasok o hintayin na lang na dumating si Ava at salubungin ako. Ang pagtuturo ng aking ina ay nakatanim pa rin sa aking isipan ilang tao
Emma.Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang sinusubukan kong pakalmahin ang gulat na bumabalot sa loob ko.Kung tapat ako, aaminin ko na nag aalinlangan ako mula ng makipag usap kay Ava. Ang aking mga salita ay isang huwad na katapangan mula sa isang babae na, sa sandaling ito, ay may hindi pangkaraniwang pag akyat sa kumpyansa. Pagkaalis ni Ava, naglaho ang huwad na katapangan na iyon. Bumagsak ang kumpyansa ko at naiwan akong nagdududa sa desisyong ginawa ko.Pinaghirapan ko ito, iniisip kung tama ba ang ginagawa ko. Nagdududa ako sa mga aksyon na gusto kong gawin. Hindi ako sigurado kung magbubunga ito o kung papalalain ko ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtulak sa sarili ko sa kanila.Sa wakas, nagpasya akong itigil ang aking mga plano. Nagulat ako, sa totoo lang. Hindi naman ako ganyan dati. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang aking sarili o ang aking mga desisy
EmmaPumasok ako sa opisina ni Mia para sa isa pang therapy session. Gaya ng lagi naming ginagawa, hinubad ko muna ang sapatos ko bago umupo."Hi Emma," Nakangiting tanong ni Mia sa akin. Ang kanyang ngiti, tulad ng dati, ay nakakaakit at mainit. Ginagawa ka nitong kalmado at nakakarelaks."Hi Mia""Okay, alam mo kung ano ang una nating gagawin, di ba?"Tanong niya at tumango ako.Huminga ako ng malalim bago pumikit. Inayos ko ang mga iniisip ko. Hindi ko sila hinahawakan ng matagal o iniisip. Sa halip, hinayaan ko silang umalis nang hindi sinusubukang sumisid sa kanila.Itinutulak ko ang mga iniisip tungkol kay Calvin, Gunner, kapatid ko, nanay at Ava. Pinunasan ko ang ulo ko hanggang sa wala na. Hanggang sa mawalan na ng laman ang ulo ko at matahimik na ako.Ng matapos iyon, binuksan ko ang aking mga mata."Handa ka na bang magsimula tayo?" Tanong ni Mia na nakatingin sa akin.Tumango ako "Oo."“Noong huli tayong nag usap, sinabi mo sa akin na handa ka nang ibalik ang iyon
“Alam kong naguguluhan ka, pero ang dahilan kung bakit ko sinasabi ito sa iyo ay dahil gusto kong bigyan mo ng pagkakataon si Gabriel. Alam kong nanggugulo siya, pero sa pagtingin sa kanya ngayon, masasabi kong in love siya sayo. Ang aking mga anak na lalaki ay sumunod sa kanilang ama sa katangahan pagdating sa mga babaeng mahal nila. Kahit na bahagi ng katangahan ni Rowan ay dahil sa amin, bilang mga magulang—ako, si Antony at ang mga magulang ni Emma—ginulo namin siya.""Sarah..." Nagsisimula na akong magsalita pero pinutol niya ako.“Parang tumatakbo sa pamilya. Totoo nga yata ang kasabihang ‘ang mansanas ay hindi malayo sa puno’ dahil ang dalawang anak na lalaki ay nagawang saktan ang mga babaeng mahal nila, tulad ng ginawa sa akin ng kanilang ama. Ang hinihiling ko lang ay bigyan mo siya ng pagkakataon, dahil ang parehong kasabihan ay naaangkop sa positibong liwanag. Kapag nagmamahal ang mga Wood men, nagmamahal sila nang buong puso at nagmamahal sila ng matindi. Kung bibigyan m
"Handa na ba ang pagkain?" Tanong ko sa kasambahay namin sabay pasok sa kusina.Sumagot siya ng may magiliw na ngiti, "Hindi pa, pero ilang sandali na lang.""Okay, hayaan mo akong mag ayos ng mesa."Nakipagtalo siya, ngunit mabilis kong pinatigil ang argumentong iyon. Gusto kong tumulong. Dahil nagluluto siya, ito na lang ang magagawa ko.“Kailangan mo ba ng tulong?”Tumingala ako para hanapin ang mama ni Gabriel sa tapat ng hapag kainan. Nilapag ko ang plato na hawak ko at ngumiti sa kanya."Oo naman, pero malapit na akong matapos."Naglakad siya papunta sa akin at nagsimulang tumulong sa mga baso at kutsara."So, Harper, paano ka tinatrato ng anak ko?" Tanong niya out of nowhere.Hindi ako nakasagot agad. Nagisip ako ng sandali para lang pagisipan ang kanyang tanong, hindi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kundi dahil sa tono ng boses niya.Hindi lang siya humihiling na makipag-usap; gusto niyang malaman kung paano ako tinatrato ni Gabriel.Masyado sigurong nata
"Bakit ko hinayaan kayong dalawa na pagusapan ako na manatili?" frustration kong tanong habang nakatitig kay Gabriel at Lilly. "Ngayon late na tayo."Hindi man lang nag-apologetic ang dalawa. Nakangiti si Lilly, kumikinang ang mga mata sa kaligayahan, habang si Gabriel naman ay nakangisi. Pareho silang kuntento sa sarili nila.Napabuntong-hininga ako sa pagkatalo, iniisip kung ano ang gagawin ko sa dalawang ito. Kitang-kita ko ito. Ang mag-amang duo ay palaging magtutulungan upang madaig ako. Palagi nila akong inaaway.I mock-glare kay Lilly. "Nasaan ang katapatan?""Tanggapin mo na masaya, tama ba?" Sa halip ay sabi niya, inilagay ang kamay niya sa upuan ko at ni Gabriel.Napakasaya niya. Sa katunayan, mas naging masaya siya simula nang bumalik kami dito. Oo naman, masaya kami noon, pero hindi ganito kasaya.Si Lilly ay nagkaroon ng relasyon kay Liam, ngunit ito ay hindi katulad ng kung ano ang mayroon siya kay Gabriel. Siguro dahil siya ang tunay niyang ama. Siguro dahil marami
Umikot ikot ako, kumukuha lang ng gamit bago tuluyang humarap kay Gabriel, na bakas sa mukha niya ang pag asa."Ang laki nito, Gabriel." Masasabi kong marami pang silid, ngunit tuklasin ko ang mga ito mamaya. "Ilang kwarto mayroon ito?"Tinawid niya ang maikling distansya sa akin. "Walong silid tulugan at dalawang silid pambisita."Natigilan ako sa katahimikan habang nakatitig sa kanya. Oo naman, paglaki, mayroon kaming malaking bahay, ngunit ito ay isang limang silid tulugan na bahay. Iyon ay higit pa sa sapat."Sobra ang sampung kwarto, Gabriel," Kinakabahan akong tumawa. Ibig kong sabihin, ano ang gagawin natin sa natitirang bahagi ng silid?Humakbang siya papunta sa espasyo ko bago pumulupot ang braso niya sa bewang ko, hinila ako palapit sa kanya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib niya, ramdam ko ang tibok ng puso niya sa ilalim nito."Seryoso ako noong sinabi kong gusto ko ng higit pang mga bata, Harper." Nanlalaki ang mata niya sa mata ko. "Ito ay ako ang gumagawa ng m
Tinitigan ko siya, tulala. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko habang patuloy na lumilipat ang mga mata ko mula kay Gabriel papunta sa bahay."Ang ganda ng bahay na ito," Sigaw ni Lilly, kitang kita ang kanyang pananabik habang tumatalbog siya mula paa hanggang paa, halos parang namamatay siyang iwan kami at tuklasin ito. “Dito ba tayo tutuloy? Ito ba ang bago nating bahay?"Umalis ang mga mata ni Gabriel sa akin at lumipat sa aming anak na babae, na nakangiti mula tenga hanggang tenga. "Kung gusto ito ng iyong ina, oo, ito ang magiging bago nating tahanan."Ibinalik ko ang aking mga mata sa bahay, tinitigan ito nang may kaunting pagtataka.Maringal na nakatayo ang mansyon sa isang backdrop ng mga gumugulong na burol, kitang kita ang kadakilaan nito sa bawat anggulo. Ito ay magkatugmang kumbinasyon ng mga klasiko at modernong elemento, na nagtatampok ng malinis na puting marmol na panlabas na kumikinang sa sikat ng araw. Pinalamutian ng masalimuot na gawaing