CASSIE POV "TRISTAN!" Nabigla ako nang pagpasok pa lang namin sa k'warto ay kaagad na akong sinibasib ng halik ni Tristan. Isinara niya ang pinto gamit ang paa dahil ang mga kamay nito'y abala na sa aking katawan. "Tristan, wait!" pigil ko sabay hawak nang mahigpit sa kamay niya. Sinasabi ko na nga ba, hindi pahinga ang gagawin namin kaya maaga siyang nagpaalam sa parents ko na magpapahinga na raw dahil pagod. Mukhang tototohanin niya ang banta kaninang umaga na parurusahan ako at tataniman. "Tris--, sandali!" "What?" aniya habang patuloy na hinahalikan ang leeg ko. Napaungol ako. Ramdam ko na malapit na akong madarang sa kapusukan ni Tristan kaya kaagad ko siyang itinulak. "Tristan, sandali lang." "Why?" Tila naiinis na tanong niya. "May sasabihi--" "Makakapaghintay naman siguro ang sasabihin mo, Hon. Pero ako hindi na. I want you so bad. Right now, right here," aniya sa paos na boses. Naramdaman ko ang kamay niya na ilalim ng damit na suot ko. At nilaro-laro ang dunggot k
CASSIE POV"NAKS! Pakanta-kanta ka na naman, ah. Mukhang sagana na naman sa dilig, ah." Napaiktad ako ng bahagya sabay lingon nang marinig ang boses ni Lalaine sa bungad ng kusina. "Nandiyan ka na pala." "Medyo kanina pa, hindi mo lang ako napansin dahil mas'yado kang abala sa paghahanda ng meryenda ni Boss." Sinalubong ko siya at kinuha rito ang pinakuha kong pinya. "Iba talaga kapag palaging may dilig, araw-araw paganda nang paganda." Napahagikhik ako nang pabiro niyang sundutin ang tagiliran ko. "Grabe ka, hindi ba puwedeng masaya lang ako?" "Ay sus! Ako pa ba ang paglilihiman mo, eh kulang na lang kagatin ng hantik ang singit ko sa sobrang ka-sweet an ninyong mag-asawa." Nanunuksong sinundot uli ni Lalaine ang tagiliran ko. "Sira ka talaga." "Totoo naman. Sana nga palagi na lang kayong masaya ni Boss." "Oo naman. Wala naman nang rason para hindi kami maging masaya. At totoong masaya ako sa naging desisyon ko na magpaiwan dito." Yes, totoo 'yon. Hindi ako nagsisisi na pin
CASSIE POVMAAGA akong bumangon ng araw na 'yon dahil nagising ako na may gustong kainin. Para akong nalalaway na hindi ko maintindihan. Dahil tulog pa si Tristan at medyo masama ang loob ko sa kanya kaya umalis ako nang walang paalam at nagtungo sa taniman ng mga mangga. Pagdating ko roon ay kaagad akong namitas ng mga manibalang pa lang at kinain ang mga 'yon. Takam na takam ako sa mangga at nakarami na ako. Napadighay ako matapos kong maubos ang pang-anim na mangga. Busog na rin ako pero gusto ko pa. Lumipat ako sa ibang puno at doon kumuha ng mga bunga. Mabababa kasi ang puno kaya walang kahirap-hirap kong makuha ang gusto ko. Umupo ako sa tapat ng isang puno at muling kumain. Nang hindi na talaga kaya ng tyan ko ay nagpasya na akong bumalik sa bahay. Kandong ang mga mangga ay naglakad na ako pauwi. Hindi pa man ako nangangalahati na nilalakad ko nang tila bumaliktad ang sikmura ko. Napatigil ako at ibinaba muna ang mga mangga na kandong-kandong ko. Sumuka ako. Kinikilabutan a
CASSIE POV"KAILAN mo balak sabihin kay Tito ang tungkol dito?" Tanong ni Mia habang patuloy na hinahagod ang likod ko. Ilang araw na siyang palaging ganito, nakaalalay sa akin sa tuwing magsusuka ako. Hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako sa pakikitungo niya sa akin. At aaminin ko na minsan ang hirap pa ring paniwalaan, pero iniisip ko na lang na baka natauhan na siya at totoong na-realize na hindi naman niya ako kaaway. Ngunit sa ilang araw na 'yon ay wala pa yatang nakakaalam na maayos na kaming dalawa. Bukod sa hindi lumalapit sa akin si Mia kapag may ibang nakakakita, hindi rin niya ako kinikibo lalo na kapag si Emmanuel ang kasama niya. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko rin maiwasang hindi mapaisip kung bakit ganoon. Kung bakit kapag kaming dalawa lang saka siya ganito sa akin. Hindi ko naman magawang itanong dahil tinitimbang ko pa ang sitwasyon. "Matutuwa si Tito kapag nalaman niya na buntis ka kaya dapat sabihin mo na sa kaniya." Patuloy niyang hinagod ang likod ko. At a
CASSIE POV"AYAW mo talagang sumama sa akin?" Napangiti ako nang marinig ang tanong na 'yon ni Tristan. Pang-ilang tanong na niya iyon kung sigurado raw ba ako na hindi ako sasama sa kaniya paluwas ng Maynila. "Hindi nga." "Why?" Nang-aarok niya akong tiningnan. "Natatamad akong magbyahe. Tapos babalik ka rin naman agad, mapapagod lang ako." Pagdadahilan ko pero bukod doon ay gusto kong humanap ng tiyempo na makausap si Mia. Gusto kong bumalik kami sa dati, 'yong kinakausap na niya ako. Kung gaano kasi kabilis naayos ang samahan namin ni Tristan ay ganoon naman kahirap sa amin ni Mia. Yes, dahil pagkatapos ng nangyari noong nakaraang araw, naging distant na naman siya sa akin. Hindi ko muna siya kinausap dahil alam kong mainit pa at baka hindi siya maniwala sa paliwanag ko. Pero ngayon ay buo na ang desisyon ko na kausapin siya dahil hindi ko gusto ang maya't mayang pagsulpot ni Emmanuel dito sa bahay, lalo na sa tuwing wala si Tristan. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang wa
CASSIE POVISANG puting kuwarto ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko. Makailang ulit kong ibinukas-sara ang mga mata ko at pagkuwa'y kinusot-kusot upang tiyakin na tama ang nakikita ko. Si Tristan, nakatayo sa gilid ng kamang kinahihigaan ko habang nanlilisik ang mga matang nakatunghay sa akin. "H-Hon..." Bigla akong natakot sa kaniya. Ngayon lang niya ako tiningnan nang ganito, punong-puno ng pang-aakusa ang kaniyang mga mata. "Mabuti nama't gising ka na." Puno ng kalamigang sabi niya. "Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina." Napaigik ako nang mariin niyang hawakan ang panga ko. Pinilit kong makawala ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya."T-Tristan, ano bang sinasabi mo? Wala akong kasalanan--""Liar!" Halos matulig ako sa lakas ng sigaw niya kasabay ng pagbaon ng daliri niya sa pisngi ko. "Huwag ka nang magsinungaling dahil alam ko na ang totoo." Akusa niya. "Hindi ako sinungaling, Tristan. Maniwala ka sa akin, wala ak
CASSIE POV"ANAK, puwede bang huwag nang matigas ang ulo mo? Sumama ka na lang sa amin ng Mama mo pabalik ng Maynila." Halata ang tinitimping inis sa tinig ni Papa nang sabihin 'yon. Dalawang araw na nila akong kinukulit at pinipilit na sumama pabalik ng Maynila pero nagmatigas ako. Hindi ako sasama sa kanila hangga't hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lang akong papaalisin ni Tristan dito. Lalo pa't alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan. "Anak, makinig ka muna sa amin," segunda ni Mama. Marahas akong umiling. "Tulad ho ng paulit-ulit na sinasabi ko, Ma, hindi po ako sasama hangga't hindi kami nagkakausap ni Tristan. Kailangan ko hong malaman kung anong tumatakbo sa isip niya. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa inyo at ibalik ng Maynila? May nagawa ba akong mali? Galit ba siya? Pinagbibintangan ba niya ako na ako ang gumawa niyon kay Mia?" Bahagya akong tumingala upang pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. It hurts. Naiisip ko pa lang na '
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul