TRISTAN's POVMULA nang makabalik ako galing Maynila ay hindi ko magawang patulan ang pang-aakit sa akin ni Cassie. Hindi sa hindi ako tinatablan ng mga pang-aakit niya kun'di dahil palaging si Mia ang laman ng isip ko. Ilang araw na akong wala sa mood dahil sa kaniya. Siya kasi ang dahilan nang pagluwas ko ng Maynila noong nakaraan. Naririndi na kasi ako sa pagsusumbong ni Marchelly maya't maya na umiiyak ang pamangkin ko dahil sa walang kuwenta nitong asawa. Buntis ang pamangkin ko at nag-aalala ako para sa kanilang mag-ina. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Kahit anong gawin ko sa lalaking iyon ay ginigiit nito sa akin na kailanman ay hindi nito magagawang mahalin ang pamangkin ko. Na kahit patayin ko pa siya ay hindi niyon mababago ang katotohanang ang ex-fiance pa rin nito ang mahal. Awang-awa na ako sa pamangkin ko dahil wala akong magawa para sa kaniya kun'di ang ilayo ang babaeng kinababaliwan ng asawa nito. Ito na lang ang paraang alam ko para hindi tuluy
TRISTAN's POVMALAPIT na kami sa bahay nang makita kami ni Lalaine, kasama nito ang iba ko pang mga tauhan. Humahangos silang lumapit sa amin. "Boss! Ano po ang nangyari kay Ma'am Cassie?" Usisa ni Rodolfo nang makalapit sa amin. Ang mga mata nila'y kay Cassie nakatutok. Buhat-buhat ko kasi ito na parang sako ng bigas, bahagyang nakasampay sa balikat ko ang katawan nito. Tumango ako nang magpaalam silang babalik na sa kani-kanilang tulugan. Nagpasalamat din ako bago muling naglakad papunta sa bahay. "Anyare sa babaeng iyan?" Usisa naman ni Lalaine at pumunta pa sa likuran ko para silipin ang mukha ni Cassie. "Saan napalaban 'yan, Boss?" tanong pa nito nang sabayan akong maglakad. Maliksi rin nitong binuksan ang pinto para makapasok ako sa loob ng bahay. Hingal na hingal na ibinaba ko sa sofa si Cassie dahil hindi rin naman basta ang timbang ng babaeng ito, lalo na't malayo rin ang nilakad ko habang buhat ang babaeng ito. Naiiling na pinagmasdan ko ito habang habol pa rin ang hin
Chapter 22Cassie's POVNAKAALIS na si Tristan ngunit hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. May munting kilig akong naramdaman dahil sa babe na itinawag nito sa akin. "Kumusta naman ang puday natin, Cassie?" tanong ni Lalaine sa akin. Medyo nagulat pa ako sa biglang pagsulpot nito. Umupo rin ito sa dining chair, sa tapat ko. Lasing ako kagabi pero wala naman akong natatandaan na may nangyari sa amin ni Tristan eh. Sa pagkakatanda ko natulog lang kami. Pero kaagad nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ang sinabi ni Tristan na ginawa ko raw stress ball ang itlog nito. Bigla kong naalala na nananaginip ako kagabi na inis na inis daw ako kay Tristan, at sa sobrang inis ay nilapirot ko raw ang itlog nito. Na hindi ko alam na totoo palang ginawa ko 'yon. "Hoy!" Napaiktad ako nang hampasin ni Lalaine ang mesa. "Ano ba?" Naiinis na sabi ko. Ngumisi lang naman ito sa akin habang nagtaas-baba ang kilay. "Kumusta ang puday?" "Puday pa rin." Lalong ngumisi ang gaga at dumu
NANG araw ding iyon ay nagsimula kaming mag-practice ng mga basic steps. Sa una, paa lang ang pinapagawa ko sa kanila para makabisa nila ang bawat galaw ng mga paa. Nang medyo makuha na nila ay sinunod ko naman ang mga kamay kasabay ang mga paa. Sasandali pa lang kaming nagpa-practice pero madami na kaming steps na nagawa. Hindi kasi sila mahirap turuan, marahil dahil gusto talaga nilang manalo o sadyang may talento na silang sumayaw. Kulang lang sa practice at magtuturo. Nang mapagod ako ay hinayaan ko muna silang mag-practice ng kanila. Umupo ako sa damuhan at pinanuod ang bawat galaw nila. Nakakatuwa dahil lahat sila ay marunong at nakakasabay. Wala pa silang ideya kung anong kanta ang gagamitin namin sa steps na itinuro ko sa kanila.At ngayon pa lang ay excited na ako kapag nilapatan na namin ng tugtog ang mga steps na itinuro ko sa kanila. "Okay, from the top, girls!" Sabi ko nang matapos nila ang isang pasada. May ngiti sa kanilang mga labi na muling kinabisa ang steps mula
TRISTANHINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos ko lang tawagan si Cassie at masayang-masaya akong marinig ang boses niya. Tatlong araw na ngayon na hindi ko siya nakikita at excited na akong umuwi bukas. Kaya ngayon pa lang inaayos ko na ang mga gamit ko dahil balak kong madaling araw umalis para hindi ako abutin ng tanghali sa daan. Hindi man niya sinabing miss na rin niya ako ay sapat na sa akin na marinig ang boses niya at malamang hindi siya umaalis kung saan ko siya iniwan. I miss her. I really do. Pag-amin ko sa sarili ko. At sa sobrang pagka-miss sa kan'ya ay hindi ko napigilang gumawa ng mga chessy moves. Umorder ako ng bulaklak para sa kan'ya at nilagyan ng sweet message. "Tito." Natigilan ako sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit ko nang marinig ko ang boses ng pamangkin ko. Mula sa ginagawa ko ay dahan-dahan akong humarap sa kan'ya. Na sana'y hindi ko na lang ginawa dahil nakita ko ang malungkot na mukha ng pamangkin ko.
CassieNANANAGINIP ako na umuwi na raw si Tristan at dala ng pagka-miss sa kaniya ay hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin ito. Maski nang halikan niya ako ay hindi ko napigilang hindi gumanti ng halik sa kan'ya. Ang mainit daw nitong labi ay marubdob akong hinalikan ngunit tila nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ko ang kamay nito sa dibdib ko. Pumisil iyon at damang-dama ko na totoo ang pisil na iyon dahilan para tuluyan na akong magising. At hindi pala panaginip ang halik na iyon dahil totoong nilalapa ni Tristan ang mga labi ko. Nang tuluyan na akong magising ay inawat ko siya, tangka rin akong aalis sa kama nito pero naging mitsa lamang iyon para ipagkanulo ako ng sarili ko. Nagawa kong aminin sa kaniya na na-miss ko siya at naiinis ako sa kan'ya dahil isang linggo siyang hindi umuwi. "I miss you too, babe.." Malambing na anas nito matapos kong sabihin na na-miss ko siya. Susumbatan ko pa sana ito ngunit naumid na ang dila ko nang muli niyang sakup
CASSIE NANG makaalis ang mga bata ay inayos ko na ang pinag-practice an namin. Nang bubuhatin ko ang amplifier ay inunahan ako ni Tristan. "Let me," anito at binuhat na iyon at ibinalik sa loob ng bahay nito. Napasunod na lamang ako ng tingin sa kan'ya. Nang makaramdam ng uhaw ay pumasok na rin ako sa loob at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator nito at uminom. Napapikit ako nang maginhawaan ang lalamunan ko dahil sa malamig na tubig. Gumuguhit ang lamig niyon sa lalamunan ko. Habang nakapikit ay naramdaman ko na parang may nakamasid sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata para lang mapasinghap nang makita si Tristan sa harap ko na titig na titig. "Tristan.." anas ko at sunod-sunod na napalunok. Nanunuot sa ilong ko ang suwabeng amoy ng pabango nito. Nang lumapit pa ito sa akin ay awtomatikong napaatras ang mga paa ko hanggang sa wala na akong maatrasan dahil bumangga na sa kitchen sink ang puwetan ko. "Tristan!" Mabilis kong itinukod ang
CASSIEBIGO kaming mahanap si Tristan kaya pagkatapos ng ilang sandaling paghahanap ay niyaya ko nang umuwi sa bahay si Lalaine. Bukod sa napapagod na ako sa kakasunod sa kaniya, rinding-rindi na rin ako sa kakatalak nito sa unahan ko. Taka rin ako sa daldal nito, parang hindi yata ito marunong mapagod sa kakadaldal. Pasalampak akong umupo sa sofa pagkadating namin sa bahay. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan, saka pumikit. "Matulog ka na," sabi ko rito habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. "Sabi ko, matulog ka na." "Ikaw rin, matulog na. H'wag ka ng mag-alala kay Boss, nariyan lang 'yon sa tabi-tabi. Ikaw kasi, nilandi mo, ayan tuloy nahulog na siya tapos hindi mo naman sinalo," pasaring nito na ikinasimangot ko."Totoo naman. Kandungan mo ba naman at gilingan, 'pag 'di naman nahulog iyon, ewan ko na lang." Hindi ko ito pinansin. Tumayo na ako at iniwan ito sa sala. Masakit na ang tainga ko sa kakapakinig sa sermon nito sa akin. Bumalik ako sa kama at
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul