CASSIEBIGO kaming mahanap si Tristan kaya pagkatapos ng ilang sandaling paghahanap ay niyaya ko nang umuwi sa bahay si Lalaine. Bukod sa napapagod na ako sa kakasunod sa kaniya, rinding-rindi na rin ako sa kakatalak nito sa unahan ko. Taka rin ako sa daldal nito, parang hindi yata ito marunong mapagod sa kakadaldal. Pasalampak akong umupo sa sofa pagkadating namin sa bahay. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan, saka pumikit. "Matulog ka na," sabi ko rito habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. "Sabi ko, matulog ka na." "Ikaw rin, matulog na. H'wag ka ng mag-alala kay Boss, nariyan lang 'yon sa tabi-tabi. Ikaw kasi, nilandi mo, ayan tuloy nahulog na siya tapos hindi mo naman sinalo," pasaring nito na ikinasimangot ko."Totoo naman. Kandungan mo ba naman at gilingan, 'pag 'di naman nahulog iyon, ewan ko na lang." Hindi ko ito pinansin. Tumayo na ako at iniwan ito sa sala. Masakit na ang tainga ko sa kakapakinig sa sermon nito sa akin. Bumalik ako sa kama at
CASSIESOBRANG saya ko habang nakatingin sa entablado, isa-isang binigyan ng award ang grupo nina Abegail at ang kanilang mga magulang. Kitang-kita ko ang pagmamalaki sa mukha ng kanilang mga magulang. Iyong simpleng award lang pero para sa mga taong nagsusumikap at nagtitiis sa ilalim ng tirik na araw at malakas na ulan ay sobrang laking bagay na ng award na iyon. Ang sarap makitang puno sila ng pag-asa sa buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan araw-araw. Bigla kong naalala ang mga magulang ko at bigla rin akong nahiya sa sarili ko dahil kung kailan ako tumanda ay saka ko pa sila nabigyan ng problema. Sunod-sunod na kurap ang ginawa ko nang may pumisil sa kamay ko. Ang titig na titig na mga mata ni Tristan ang nalingunan ko. "Are you okay?" tanong nito. Tumango naman ako ngunit parang hindi ito kumbinsido. "Are you sure?""O-Oo naman." Hawak pa rin nito ang kamay ko. Laking pasalamat ko nang hindi na niya ako kulitin, sa halip ay niyaya na ako nitong tumayo nang bumaba na
TRISTANHABANG nakikipag-inuman sa mga tauhan ko, kay Cassie lang nakatutok ang mga mata ko. Napapangiti ako habang nakatingin sa kanya dahil mabilis itong nag-iiwas ng tingin sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay binibigyan ko siya nang pamatay na kindat sabay tingin ng makahulugan. At iyong warning ko sa kanya kanina bago magsimulang mag-inom ay totoo. Hindi ko na maipapangako na kaya ko pang magtimpi kapag inakit na naman niya ako. Wala eh, tuluyan na akong nahulog sa pang-aakit niya at kung saan man ako dalhin ng nararamdaman kong ito para sa kanya ay handa akong sumugal. Wala mang katiyakan kung may nararamdaman din siya sa akin pero gusto kong umasa. At hindi ko nga mapigilang hindi makaramdam ng pag-asa na baka gusto na rin niya ako dahil nararamdaman kong nagseselos siya kay Emmanuel, sa kababata ko. At nitong mga nakaraang araw nga lang ay wala naman talaga akong planong pagselosan siya o ano man. Nagkataon lang na bag
TRISTAN POV"T-TRISTAN, please, bitawan mo muna ako. N-Nalilito pa ako." "Saan ka nalilito? Hmm?" Nanatili ako sa ibabaw nito habang magkasiklop ang aming mga palad. Nasa bandang ulunan nito iyon. "N-Nalilito ako. H-Hindi ko alam kung tama ba 'to, wala tayong relasyon--""Be my wife then." Putol ko sa ano mang sasabihin nito. Hindi ko gusto ang pag-aalinlangang nakalarawan sa maganda nitong mukha. "T-Tristan.." Namumungay ang mga mata nito marahil dala ng sobrang kalasingan.Inalis ko ang pagkakasiklop ng aming mga palad at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Nakatuon ang mga siko ko sa magkabilang gilid nito upang hindi ko siya madaganan ng buong bigat ko. "Hayaan mong tulungan kitang alisin ang pagkalito mo, Cassie. Hayaan mong tulungan kitang aminin na mahal mo na rin ako. Na may nararamdaman ka na rin sa akin kagaya ng nararamdaman ko para sa iyo." Saka dahan-dahang pinagdikit ko ang aming mga noo habang hindi naghihiwalay ang mga mata namin. "Tristan..." Nanulak ang mga p
TRISTANNANANAKIT ang balakang at ulo ko nang magising. Nag-inat-inat ako nang may brasong yumakap sa tiyan ko. Mabilis akong bumaling sa kanan ko at sunod-sunod na kurap ang ginawa ko nang makita ang babaeng natutulog sa tabi ko. "Babe..." Mahinang sambit ko habang titig na titig sa mukha nito. Hahaplusin ko sana ang mukha nito nang impit akong mapadaing. "Ouch!" Mariin akong napapikit dahil sa sakit. Pabigla-bigla kasing gumalaw si Cassie para dantayan ako ngunit tinamaan ng tuhod nito ang gising na gising kong pagkalalaki. Paggising ko pa lamang ay naninigas na iyon kaya sobrang sakit nang tamaan iyon ng tuhod ni Cassie. "Kagabi sinampal mo ako, ngayon naman tinuhod mo ang pagkalalaki ko. Sadista ka ba talaga?" Naiiling na sabi ko, saka mabagal na inalis ang braso nitong nakayakap sa akin.Nang maalis ko iyon, bahagya akong bumangon para alisin naman ang hita nitong nakadantay sa akin. Ngunit nang maalis ko iyon ay muling yumakap sa akin ang braso nito dahilan para muli akong m
CASSIE POVANG pang-aakit na plano ko sana kay Tristan ay nauwi na nga sa mas malalim na damdamin. Matapos kong aminin sa sarili ko na nahuhulog na ako rito ay hinayaan ko na ang sarili ko na tuluyang mapamahal sa kanya. Nag-enjoy ko ang mga sandaling lumilipas sa piling ni Tristan. Sa sobrang pag-i-enjoy ay hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw at linggo.Isa lang ang sigurado ko, masaya na ako at kontente sa buhay na mayroon ako ngayon. Hindi pa namin napag-uusapan ang kung anong tawag sa relasyon namin ni Tristan. Basta masaya kami sa piling ng isa't isa. Na tipong ayaw ko na yatang umalis sa piling niya. Kasalukuyang nakikigulo ako sa pag-aalis ng mga damo sa taniman nang may biglang umupo sa tabi ko. Amoy pa lamang nito ay kilalang-kilala ko na siya. Si Tristan. "I missed you." Nanindig ang mga balahibo ko sa ginawa nitong pagbulong sa may tainga ko. "Kailan ka pa dumating?" Sa halip ay tanong ko. "I missed you." Ulit nito na waring naghihintay ng katuguna
CASSIE POVKINABUKASAN, nagising ako na wala na si Tristan sa tabi ko. Babangon na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang maliit na papel. Dinampot ko iyon at binasa. Awtomatikong napangiti ako nang makitang sulat kamay ni Tristan iyon. Hi, babe! Alam kong pagod ka kaya magpahinga ka lang dito sa bahay natin, ha? See you later. I love you! Iyon ang laman ng sulat nito. Napapangiting itinabi ko iyon sa drawer ng bedside table sa may ulunan ko. Magaan ang pakiramdam na bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Kaagad nag-init ang pisngi ko nang maalala kung paano kami nag-make love ni Tristan kagabi. Hindi lang isang beses kung 'di dalawang beses. Saksi ang bawat sulok ng banyo kung paano ako paungulin sa sarap ni Tristan. Kung nakapagsasalita nga lang ang mga tiles at tubig, malamang nagreklamo na sila sa sobrang wild namin ni Tristan kagabi. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit mahapdi ang pagkababae ko dahil halos kagatin na Tristan iyon sa sobrang gigil. He's a great lov
CASSIE POV"TRISTAN…" mahinang sambit ko sa pangalan nito nang pakawalan ako. Sinapo nito ang magkabilang pisngi ko at masuyong hinalikan ang aking noo, at kapagkuwa'y muli akong tinitigan. Nasa mga mata nito ang lungkot at ang nagbabadyang mga luha. Gusto kong alisin ang lungkot sa mga mata niya pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil ako mismo ay nasasaktan dahil tinanggihan ko siya. "Tristan…" Kumurap-kurap ito at tumikhim, tila nag-alis ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "Aalis lang ako sandali, ha? Babalik ako." Kumunot ang noo ko. "Saan ka pupunta?" Pilit niya akong nginitian at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Hihinga lang ako sandali, ha? Hindi ako lalayo, diyan lang ako sa malapit, ha?" "Tristan, I'm sorry—""Sshh!" Maagap nitong hinaharangan ang bibig ko para patigiling magsalita. "It's okay. I'll be okay, Cassie. Babalik din ako, hihinga lang ako sandali pero tama na ang kakahingi mo ng sorry, okay? Mas nasasaktan ako." Bahagya ko na lamang narinig
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul