Asper Reign Dahlia’s PovIsang kagulat-gulat na bagay talaga ang malaman na mahuhulog ang loob ng isang Hector Raydeen Azaria sa isang babae. Kilala siyang walang respeto sa kahit na sino, lalo na sa isang babae.Ang tingin niya kasi sa mga tulad namin ay isang bagay lang na magagamit niya kahit kailan niya gusto. Papalit-palit din siya ng mga babaeng ikinakama halos araw-araw. At kahit ang mga nagtatrabaho sa palasyo ay hindi nakakaligtas sa kanya. Hindi din siya nagdadalawang-isip na saktan ang mga ito ng pisikal kapag tumanggi sa kanya.Kaya hindi na nakakapagtaka na nahimatay si Miracle matapos kong sabihin na in love ang lalaking ito.“I am not,” tanggi ni Hector at agad na nag-iwas ng tingin. “I am not.”“It sounds like you are convincing yourself,” sabi ko. “Anyway, gusto pa talaga kitang sapakin dahil sa mga ginagawa mo nitong nakaraan pero hindi ako kasing sama mo kaya ititigil ko na.”Masakit pa din ang puso ko dahil wala na naman akong magagawa sa sitwasyon namin ni Jyn kun
Asper Reign Dahila’s PovKunot ang noo ni Hector nang makita akong pumasok sa opisina niya. “Akala ko sa isang linggo ka pa babalik dito.” Tumayo siya at sinalubong ako. “Anong—fuck!” Napaluhod siya sa harap ko habang sapo ang kanyang sikmura dahil sinalubong ko lang naman siya ng matinding suntok. “W-what the hell, Asper? Ano na namang ginawa ko para maging deserving sa suntok mong ito? Hindi pa ba sapat iyong kahapon?”“Didn’t you watch the news yesterday?” Tinaasan ko siya ng kilay. At akma niyang tatayo pero agad kong tinapakan ang ulo niya dahilan para sumubsob siya sa sahig. “Hindi ba’t ikaw lang ang may alam na gamit ko ang sasakyan mo? Yet someone still tried to kill me.”“W-what?”“You seem surprised about that,” I said. “Someone chased me yesterday while I was at home. And hit my car until it fell in the river.”“Shit! It wasn’t me!” sigaw niya. Pero hindi naman siya pumipiglas sa pagkakatapak ko sa ulo niya. “I swear, it wasn’t me! And why would I try to kill you? Galit na
Asper Reign Dahlia’s Pov Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago hinawakan ang sedura ng pinto ng bahay ko dito sa Yain City. Madilim na nang dumating kami dito at tulad ng inaasahan ko, muli na naman akong binalot ng matinding takot. Bigla ko kasing naalala ang nangyari sa akin nang gabing iyon, isang taon na ang nakakalipas. Pero isinawalang-bahala ko ang takot na iyon at paulit-ulit na binubulong sa sarili ko na hindi na ako nag-iisa dito. May mga bodyguard akong kasama. Tapos na ang problema ko kay Hector dahil nagdesisyon na siyang gumamit ng ibang paraan para manatili siya bilang crown prince ng bansang ito. At wala na din akong koneksyon kay Jyn kaya wala na ding rason para manganib ang buhay ko. Tapos ko nang harapin ang bangungot sa buhay ko. At sigurado naman na hindi na iyon babalik pa. Muli akong huminga ng malalim at tuluyan nang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malinis na sala ng bahay. Ang alam ko ay hindi din pinabayaan ni Pruska ang bahay kong
Asper Reign Dahlia’s PovTatlong araw na ang lumipas nang maisipan kong manatili muna dito sa Yain City. And so far, hindi naman sumusugod dito ang mga kapatid ko.Nakakapagtaka iyon dahil kilala ko ang mga kapatid kong iyon kaya nagtanong na ako kay Lucky at sinabi niyang pinagbawalan ang mga ito ni Daddy na puntahan ako.Sinabi din ni Daddy na mas makakabuti sa akin ang umalis muna ng Ilore dahil umiinit lalo at sitwasyon sa palasyo. Maraming pagbabago ang nagaganap at ayaw niyang madamay na naman ako doon kaya pabor na din sa kanya ang paglayo ko.We are communicating through Lucky because up until now, I still don’t want to own any phone. It is inconvenient for me and for my family but I hope they will understand me. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para maiwasang kontakin si Jyn.Lalo na’t gabi-gabi akong nagpapakalunod sa alak para lang makalimot sa sakit na nararamdaman ko ngayon.Well, hindi ko naman planong maging miserable na lang habang buhay. I just wanted to drown m
Asper Reign Dahlia’s Pov“Reina, pagod na ako kakahabol kay Cee,” sabi ko. “Hindi ba’t gusto niyang umalis ako sa buhay niya, then ibibigay ko sa kanya ang gusto niya.”Napasapo ng noo si Reina pagkuwa’y bumuntong hininga. “Ngayon mo pa talaga naisipang magpaka-stubborn.”“I have been fighting alone for our relationship, Reina,” sambit ko. “Willing na nga akong harapin ang bangungot na dala ng pagkatao niya kahit hindi iyon natural sa akin. Kabaliktaran iyon sa kung ano talaga ako. At ginawa ko ang lahat ng iyon para sa kanya. Kasi mahal na mahal ko siya.”“And you still love him, right?”“Yes,” mabilis kong sagot. “Mahal ko pa rin siya at alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay hindi ako makaka-move on sa nararamdaman kong ito. Pero na-realized ko lang, bakit palaging ako na lang ang nag-e-effort? Bakit kailangan na ako ang humarap sa takot para sa relasyon namin? Bakit hindi naman siya iyong humarap sa takot niya?”“You know him—”“Yes, I know him,” putol ko sa kanya. “And i
Asper Reign Dahlia’s PovReina almost lost consciousness because of what she learned from me so I had to bring her to the hospital. Siguro ay hindi niya kinaya ang stress nang malamang pinagbintangan ang isang taong wala naman talagang kinalaman sa pagkawala niya.At doon ko ang nalaman na wala siyang ibang kasama sa pagpunta dito kung hindi si Pruska lang kaya ito lang ang natawagan ko para ipaalam ang lagay nito.Sinabi naman ng doktor na walang dapat alalahanin. Maayos ang lagay nito at masyado lang na-stress kaya kailangan lang itong pagpahingahin.Pero para makasiguro ay ipinilit ko na magpalipas siya ng gabi dito sa ospital upang matutukan siya ng mga nurse. Ayaw ko na din siyang pabyahihen pabalik ng Ilore city kung nasaan ngayon ang pamilya niya dahil baka makasama lang iyon sa kanya.“Asper!”Nilingon ko si Pruska na kararating lang.“Sorry kung natagalan ako,” sabi niya nang tuluyan nang makalapit. “Na-traffic ako.”Ngumiti ako. “Okay lang,” sagot ko. “Hindi naman seryoso an
Asper Reign Dahlia’s Pov“Miracle!” Agad kong dinamba ng yakap si Miracle nang salubungin ako nito sa sala. “I missed you.”“I missed you too, Asper.” Hinaplos niya ang likod ko. “It must have been a stressful day for you, too.”Tumango ako. “Hindi ko naman kasi inaasahan na makakausap ko si Reina.”“Do you want to rest first?” tanong niya. “Doon na tayo sa kwarto mo mag-usap para makahiga ka.”Kumalas ako ng yakap sa kanya at muling tumango. “Okay.”Siya na ang humila sa akin paakyat ng kwarto at nang makarating doon ay agad kong binagsak ang sarili sa malambot na kama.”Rajiv told me everything.”Kunot-noo akong tumingin sa kanya. “About what Reina said that made her stressed?”Tumango siya at naupo sa tabi ko. “Walang kinalaman si Hector sa pagkakakidnap niya at ito lang ang napagbintangan dahil nandoon din ito nang gabing iyon.”“Iyan nga ang sinabi ni Reina,” sabi ko. “Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi man lang iyon itinama ni Hector at hinayaan niyang siya ang sisihin
Asper Reign Dahlia's PovJust like what I expect, si Pruska na din ang bumili sa natitirang fifty percent share ko sa SweetHeart. At dahil siya na ang nagmamay-ari ng buong shop, kailangan ko na ding ibigay sa kanya ang lahat ng recipe ng bawat product nito.At ang bahay? May nakausap na si Miracle na bibili nito pero next week pa ito makakapunta ng Yain City kaya sa kanya ko na pinaubaya ang lahat.Kailangan ko na din kasing bumalik ng Ilore City nang sa gayon ay maasikaso ko na ang pagpunta ko sa farm ni Lola na nasa Frox City.Kaya nauna na akong umalis ng Yain City habang. Hindi na ako nag-abalang bisitahin si Reina. Sigurado namang okay lang siya lalo na’t alam kong kasama niya si Jyn para alalayan siya. Kahit na maghihiwalay silang dalawa, hindi siya basta pababayaan ng lalaking iyon, lalo na ngayong maselan ang sitwasyon ng kanyang pagbubuntis.“Asper!” Nakapamewang akong sinalubong ni Kezia. Sa tabi niya ay ang kanyang boyfriend/live-in partner na si Ethan.“Not now, Kezia.” I
Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy
Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k
Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok
Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th
Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal
Asper Reign Dahlia’s PovMaayos na ang lahat ng kailangan ko para sa paglipat sa farm. Nandoon na din ang mga taong makakatulong sa akin sa panibagong yugto ng buhay na tatahakin ko.Though, alam ko naman na may mga pagkakataon na bibisita pa din ako dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit sobra naman yata kung makaiyak ang pamilya ko.“Seriously, guys?” Naiiling na lang ako sa kanila. Lalo na kay Kezia na sobra pa kung makayakap sa akin. “I am just three hours' drive away. Pwede kayong bumisita sa akin anytime. At bibisita pa din ako dito kapag may free time ako. You can also call me whenever you want. Hindi na ito tulad ng dati noong nasa Yain City ako na limitado lang ang communication natin.”“Iba pa rin ang nandito ka!” singhal sa akin ni Kezia. “Kung bakit ba naman kasi kailangan mo pang lumipat doon. You can manage the farm without staying there.”“I know.” Bumuntong hininga ako. “Pero ang farm ang primary source of income ko kaya kailangan kong tutukan iyon. Isa pa, kailang
Asper Reign Dahlia’s Pov“Give him time, Asper,” dagdag ni Miracle tsaka ibinagsak ang kanyang katawan sa kamang inuupuan. “He is not used to what is happening to him right now.”“I understand what is happening to him and I am trying my best not to become his burden while he is fixing everything around him,” paliwanag ko. “Kaya nga ako lalayo, hindi ba? Kaya ko pinili ang farm dahil doon, magagawa ko ang lahat ng paraan para protektahan ang sarili ko. Nang sa gayon, kapag ready na siyang balikan ako, hindi na siya mangangamba na muli akong mapapahamak.”“Ibig bang sabihin ba nito, kapag naayos na niya ang lahat at handa na siyang bumalik sayo, hindi ka magdadalawang-isip na tanggapin siya?”“Yup,” mabilis kong sagot na nagpabangon sa kanya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Moving on from him is not really part of my plan. I just want to give him space while he is working on his personal issue. And I am working on my life so I could live it the way I want without fearing for my safet
Asper Reign Dahlia’s PovPeople in the house were shocked by my decision to hire Hector and as I expected, Kuya Jasper and Kezia were against my decision. Though Dad didn’t say anything, I can see in his eyes that he is also on their side.Mom, Easter and Aasiyah were not really agreed but they respect what I want to do, just like what they kept doing for the past months.“He is changing,” giit ko sa kanila dahil paulit-ulit nilang sinasabi na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Hector at alam ko naman kung ano ang ugali nito noon. “Why don’t you give him a chance.”“Do you really believe that he is changing?” tanong ni Kuya Jasper. “Paano pala kung nagpapanggap lang siya para makuha ang simpatya mo at kapag panatag na ang loob mo ay tsaka niya babawiin ang mga binitawan at muli kang pilitin na magpakasal?”Pinanliitan ko siyang mata. “Are you hearing yourself, right now? Hector is incapable of pretension. Iyan ang isang bagay na maganda sa kanya dahil kahit anong pilit niya ay hindi niya