"Sweetheart..." Nagising ako sa bahagyang pagyugyog at pagtawag ni Maui sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang paningin. Nandito ako sa kotse ni Maui. "You're having a nightmare, I think," aniya. Panaginip nga lang. Nakahinga ako nang maluwag. "P-pasensiya ka na. Sa pagod ko siguro dahil nag-overtime kami." "It's okay. Kaso mag-o-overtime ulit kayo bukas, 'di ba?" Inipit niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng mga buhok na tumabon sa mukha ko dahil sa pagtulong ko habang nagbi-biyahe. "Might as well take a rest on the weekend. Bumawi ka ng pahinga." Tumango ako at ngumiti habang nakatitig sa maamong mukha ni Maui. Ang mukha ng lalaking nagmamahal sa akin, nagsasakripisyo para sa akin. Tulad ngayon na pasado alas-diyes na ng gabi ako nag-out kasama ng mga kasamahan ko sa OVPEA, pero matiyaga niya akong hinintay para lang maihatid sa bahay. "Why?" Nakangiting tanong niya. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako ay nakatingin lang sa kanya. Walan
"Posible bang magkagusto ka sa ibang lalaki kahit may boyfriend ka na at mahal mo naman?" Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga kaibigan kong sila Luna, Ellie, Chanel, at Patti. Nasa unit kami ni Ellie isang Sabado ng umaga dahil may guesting siya kahapon sa isang TV show kaya narito siya sa Maynila. Doon na kasi siya talaga nakatira sa San Nicolas kung saan ay Mayor doon ang kanyang naging asawa. Itinampok sa TV show na iyon ang ilang maybahay ng mga pulitiko na tulad ni Ellie. Sinamantala na naming magkakaibigan na narito siya dahil bihira na rin kaming makumpleto. "Pucha, Floring, mukhang may pinagdadaanan tayo, ah." Pumalatak pa si Luna. "Patti, bili ka ngang Red Horse." "Lapag. Bente na sa 'kin." Pabagsak pang inilagay ni Patti sa mesa ang bente pesos na papel. "Sa'n makakarating 'yan?" Tawa nang tawa si Ellie. "Kulang pa 'yang pambili ng tube ice sa Mini Stop sa ibaba." "Hoy, hindi porket jusawa ka na ng yorme eh mamaliitin mo na 'tong etneb ko!" Tumuro pa si
"We're going to have a media launch by next month of our upcoming projects, Florence. Please make a comprehensive report about "Project Sapphire"." Walang ngiti sa mukha at seryoso ang aking boss na Ms. Vicky. Ganito talaga siya, at sa halos isang buwan kong pagta-trabaho sa ilalim ng superbisyon niya ay mukhang nasanay na rin ako. Hindi naman siya galit kapag ganiti, sadya lang talagang wala siyang emosyon-at hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa. Sa isang realty corporation pa rin ang aking bagong trabaho, sa Bermudez Builders. Mga higit limang taon pa lamang sila sa industriya kaya sunud-sunod ang mga proyektong naka-line up upang mas ma-build up nila ang kanilang pangalan sa larangan ng real estate development. Ang "Project Sapphire" ay ang proyektong naka-atang sa mga balikat ko bilang Project Manager. Isa itong low-cost condominium building na may dalawang tower, at sa inisyal na plano ay aabutin ito ng hanggang 30th floor. Partnership ito ng kumpanya sa isang Local
"Baka kamukha ko lang." Tumawa siya. "Alam mo naman 'tong fez ko, generic!" "B-baka nga." Tumawa na lang din ako ngunit sa loob-loob ko ay nagtataka pa rin. Grabeng kamukha naman iyon! Sinubukan ko na lang ibahin ang usapan. "Kumusta ka naman?" "Okay lang naman, pero real talk lang, mamsh, ang hirap palang mag-EA kay Sir Frank. Perfectionist! Ang daming demands sa trabaho." Ngumuso siya. "Pa'no ka nakatagal do'n?" Doon ako talagang natawa. "Unang tip ay aralin mo 'yong writing style niya sa mga memos at communications. Kalimutan mo 'yong nakasanayan mong style at i-adapt 'yong sa kanya base sa mga corrections niya sa drafts mo." Nang umalis kasi ako sa LDC ay si Kimverly ang inirekomenda ko kay Sir Frank na i-hire sa iniwan kong posisyon. Iniisip ko kasi na una, promotion iyon para sa kanya, given na ang tagal na niyang tengga sa posisyon niya sa OVPEA, nauna pa nga yata siya sa akin sa LDC mismo. Pangalawa, dahil nga matagal na siya sa kumpanya, alam kong siya ang pina
Nakatulog at nagising na lang ako ay nasa biyahe pa rin kami ni Maui. Kinusot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang kanyang mukha, habang siya ay seryosong nakatutok sa daan. Napaka-kinis, tinalo pa ako, seryoso. Ni hindi makita ang pores at walang bakas na tinubuan ng taghiyawat o anuman sa mukha. Dahil naka-side view siya mula sa puwesto ko, kitang-kita ko ang perpektong hugis ng kanyang matangos na ilong. "They say it's rude to stare. But if it's you, then go ahead and stare at me all day." Nagulat pa ako nang magsalita siya. Alam pala niyang pinagmamasdan ko siya. "Huli pero 'di kulong," biro ko na lang. Natawa siya. "I always hear that from the younger ones in the office." "Maka-younger ones parang ang tanda na nito." Natawa rin tuloy ako. Ngunit sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "But I hope you could still laugh if I tell you that were lost." "Lost?" Napatuwid ako ng upo. "Yup. Were supposed to be Urdaneta now but GPS here says Malasiqui.
"In all fairness, the food here is good," walang anu-ano'y nag-komento siya. "Tama ka nga." "Sabi sa 'yo, eh." Nag-thumbs up ako. Bagnet with garlic rice ang kanya at tapa flakes with garlic rice naman ang sa akin. "You know what, I've been a lot of places overseas, but I've never got the chance to explore our very own," pagbubukas niya ng panibagong usapan. "Siargao is surreal, and this place seems to have hidden treasures too. Ilocos for sure is a good destination also." "Oo. No'ng nagpunta kami dito ng mga kaibigan ko, do'n sa Luna, dito pa rin sa La Union, may falls do'n. Saka 'yong beach naman do'n, hindi katulad dito na sand, doon puro pebbles. Sa sobrang dami ng pebbles may Bahay na Bato na nga do'n," kuwento ko. "As in majority sa materyales ng bahay na 'yon, gawa sa bato. Tapos sa labas ng bahay may mga structures at statues na gawa din sa bato." "If only we have more time to explore this place." Napa-iling siya. "You seem to have enjoyed your stay here before.
"Hala ka, Sir," iyon lang ang tangi kong nasabi. Bumalik ang kaba na naramdaman ko nang makita ko siya sa lunch kanina. Hindi ko kayang pangalanan kung ano ito, o bakit ganito ang nararamdaman ko. "It's true. I missed working with you," aniya. Nakahinga ako nang maluwag. Working lang naman pala. Ngumiti ako. "Kahit naman ako, Sir. Medyo istrikto po 'yong boss ko ngayon do'n sa Bermudez." Natawa siya. "Am I not strict way back?" "Uhmm...strict din naman. Pero kasi po, 'yong pagka-istrikto niyo in terms of work lang, pero siya istrikto talaga hanggang sa ibang bagay. Hindi mabiro, tapos poker face lang po lagi." Pumasok tuloy sa isip ko ang mukha ni Ms. Vicky. "Lalaki ba?" tanong niya. "Babae, Sir. Mga nasa 40's na din po siguro ang edad, 'di ko po sure. Never po kami nag-usap ng tungkol sa mga personal na bagay," tugon ko. "That's chicken feed, Florence." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Si Maui nga napa-amo mo." Sasagot sana ako ngunit dumating na ang mg
Inabot na rin ng gabi ang reception na ginanap sa acoustic bar na nasa tabing-dagat, na sakop din ng resort, ngunit hanggang sa labas ay naglagay din ng mga mesa at upuan. Ang malapad na platform na gawa sa kahoy ay nabububungan ng telang puti na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang mga poste naman ay gawa sa punongkahoy na napalilibutan ng mga puting orchids at daisies, at mga luntiang dahon. Sa gitna ng platform ay naka-set up ang high chair ng mga bagong kasal na si Kathryn at Gino. Bukod sa liwanag ng buwan at mga bituin, may mga lantern din na nakapalibot sa platform upang makapagbigay ng dagdag na liwanag, at romantic vibes. Ang platform na iyon ay naka-set-up sa labas ng bar, ngunit ang mga bisita na mas piniling manatili sa loob ay makikita pa rin ang mga bagong kasal. Ang harapang bahagi kasi ng acoustic bar ay bukas at tanging barandilya ang nagsisilbing harang mula sa labas. Sa kanang gilid ng platform ay naroon ang host na si Louie at Kimverly, habang naka-set-u
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with
"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?" "Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya. "Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now." Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko. Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper. Life is short to live in fear. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay. "Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda na
"Bakit po tayo nandito?" Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders. "You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw. Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering. "G-good afternoon po," ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan. "Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat." Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpu
(This part of the story is told through Maui's perspective/point-of-view (POV).) "Ahh, M-maui, may ibibigay pala sana ako sa 'yo." May iniabot si Florence sa akin. It was wrapped in a parchment paper with a thin red ribbon to bind the wrapper. "What's this?" I asked while unwrapping what she gave me. It is an unfinished sketch of my face in charcoal pencil, enclosed in a wooden frame. I easily recognized that it was me despite the fact that some parts are not shaded yet. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan sa 1st anniversary natin," paliwanag niya. "Kaso.. k-kaso hindi na umabot. Kaya hindi ko na tinapos. Ayoko namang itapon, pero ayoko na ring itago. Kung.. kung gusto mong tapusin, o may kilala kang puwedeng magdugtong, ipagawa mo na lang siguro. O i-dispose mo na lang. Ang importante ay maibigay ko 'yan sa 'yo." "No, I won't dispose this, definitely. But I will keep it this way." I smiled. This will be a very good reminder of our relationship. Seems unfinished, yet there's