Chapter 2
Dream Adelone CortesISANG BAGSAK para sa kahihiyan ng nurse na palihim ang pagharot. Oh my gosh! Nakakahiya talaga! Sa sobrang kahihiyan ay nilaklak ko ang alak na isinalin ni dad sa isang basong nasa harapan nya saka ako tumayo at dire-diretsong lumabas ng bahay.
Sumakay ako sa kotse ko at iniuntog sa manibela ang ulo ko.
Nakakahiya ka, Dream! Nakakahiya ka!
Tok tok tok
“Ay butiki!” napaigtad ako nang may kumatok sa bintana sa gilid ko.
Suminghap ako at sunod-sunod na lumunok nang makitang si Blast Villacorta 'yon.
Mariin akong napapikit. Bakit nya pa ako sinundan? Pahiyang-pahiya na nga ako kanina e. Ano ba! Aasarin ba ako ng lalaking 'to?
Diretso ang tingin na binuksan ko ang bintana ng kotse. “B-Bakit?”
“Can we talk?” napapikit ako dahil sa boses nyang lalaking lalaki at gwapo pero syemre, mas gwapo pa rin ang boses ni Blaze.
Argh! Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba!
“Kung iniisip mo na ako ang pakakasalan mo, nagkakamali ka. Kay Blaze ka nila ipapa-engage.”
Mabilis akong napalingon sa kanya. “Ano?!”
Ngumisi sya saka umatras ng isang beses at sinenyasan akong bumaba sa kotse. Kagat labi naman akong bumaba habang iniisip ang sinabi nya.
Totoo ba 'yon? Totoo bang kay Blaze ako ieengage?
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Iniisip ko palang kinikilig na ako. Paano pa kaya kapag totong ma-engage na kami.
“Kinikilig ka?”
Agad kong pinigilan ang nagbabadya kong pagtili saka pokerfaced na tiningnan si Blast Villacorta. “Hindi ah!”
Tumawa sya ng mahina saka naupo sa hood ng kotse ko. Isinilid nya ang mga kamay nya sa loob ng bulsa ng pantalon nya. Sumandal naman ako sa gilid ng pinto ng kotse. “A-Anong pag-uusapan natin?”
Tinisod-tisod ko ang mga maliliit na bato sa simento. Ang awkward. Kung bakit kasi sinundan nya pa ako matapos kong mapahiya.
“Wala naman. Sinabi ko lang 'yon para lumabas ka ng kotse.”
Nalukot ang mukha ko at nilingon sya. Humalakhak sya matapos makita ang hitsura ko. Hala sya! Wala naman palang sasabihin pinababa pa ako. Ngumuso ako at kumuha ng lollipop sa bulsa ko saka binuksan. Agad ko itong isinubo at kumuha pa ng isa para alukin sya. “Gusto mo?”
Ngumiti sya at umiling. “I don't like sweets.”
Nagkibit-balikat lang ako saka ibinalik sa bulsa ko ang lollipop.
Akala ko, masungit ang isang 'to. May alam din palang kalokohan. Teka, playboy din kaya sya? Siguro. Itong hitsura ba naman nya na 'to, saka malabong hindi sya maakit sa mga babaeng mahuhumaling sa kanya.
“Mamayang gabi pa ang uwi ni Blaze. Gusto mong salubungin natin?”
Nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Sabihin ng kapatid mo, fc ako.”
Natawa nanaman sya saka umiling. “Para kang s'ya.”
Nangunot ang noo ko. “Sinong sya?”
Umiling sya. “Wala.”
Hindi na ako nagsalita. Hindi ko maintindihan ang isang 'to. Kanina parang may gusto syang sabihin pero hindi naman nya itinuloy tapos ngayon hindi naman nya sinagot ang tanong ko. Nacucurious tuloy ako. Sinong s'ya? Kanino nya ako ikinumpara?
Umayos ako ng tayo. “Alis na 'ko.”
Umalis sya sa pagkakaupo sa hood ng kotse saka tumango sa'kin.
Bumalik ako sa loob ng kotse saka ibinaba ang bintana sa gilid ko. Kinawayan ko sya. Ngumiti at mapagbiro pa syang sumaludo sa akin. “Ingat, sister-in-law.”
Tumango lang ako at ibinaba ang bintana. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa kung anong biglang kumiliti sa kalooban ko. Sister-in-law. Ang sarap-sarap no'n sa pandinig.
Maingat akong nagmaneho at dumiretso sa apartment ko. Agad akong humilata sa sofa at naalala nanaman ang kahihiyang nangyari kanina. Grabe! Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at nagsalita ako ng gano'n. Mabuti nalang wala doon si Blaze dahil kung nagkataon na naroon din sya, naku, baka hindi na ako magpakita ulit sa kanya dahil sa labis na kahihiyan.
***
MALAKAS ANG HALAKHAK nina Kit at Yannie matapos kong ikuwento sa kanila ang nangyari kagabi. Nandito kaming tatlo sa nurse station at talaga namang abot yata ang halakhak nila hanggang sa kabilang building.
Iyong katangahan ko palang naman ang naikukwento ko pero grabe na ang halakhak nila. Paano kung binanggit ko rin ang tungkol sa kung sino ang pakakasalan ko?
“Sigurado akong magbaback out na ang mapapangasawa mo. Kahit ako, hindi ako magpapa engage sa loka-loka.” ngising-ngisi na sabi ni Kit.
“Sino nga palang mapapangasawa mo, Dream?” tanong ni Yannie.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka mahina at kinikilig na sumagot. “Si Blaze Villacorta.
Humalakhak nanaman ng napakalakas sina Yannie at Kit pero agad rin silang tumigil.
“Nangarap ka nanaman ba ng gising?” seryosong tanong ni Kit.
Winagayway naman ni Yannie ang kamay nya sa mukha ko. “Nagshashabu ka na ba ngayon?”
“Eh! Totoo kasi!” inis na singhal ko sa kanilang dalawa.
Tinitigan nila ako at nang mapagtantong seryoso ang sinasabi ko ay nanlaki ang mga mata nila.
“Oh my gosh, ano 'to movie? Ang swerte mo, girl!” tuwang-tuwa na sabi ni Kit at tumili pa.
Malakas na inalog-alog naman ni Yannie ang balikat ko. “Seryoso ba 'yan? Walang halong joke? Totoong-totoo?”
Nakangiti akong tumango. “Si Blast Villacorta mismo ang nagsabi sakin na si Blaze ang ipapa-engage sakin.”
“Oh my gosh! Sana all!” tili ni Yannie
“Pero tanga ka pa rin.” biglang sabi ni Kit kaya umirap ako. Nakalimutan na nila e, ibinalik pa.
Humalakhak nanaman silang dalawa kaya napabuga nalang ako ng hangin at hinintay na mangalay ang mga panga nila sa katatawa.
“Ang laki talaga ng eng-eng mo, Dream! Sayang wala ako do'n, naivideo ko sana ang eksena mo, siguradong sisikat ka kaagad.” tumatawa pa ring sabi ni Yannie.
“Ang epic, girl. Mukha ka sigurong timang do'n.” segunda naman ni Kit.
Sinamaan ko ng tingin ang dalawa. “Talagang 'yung katangahan ko ang pinansin nyo 'no? Hello, ipapa-engage ako ng daddy ko sa long time crush ko!”
Ngumiti si Kit at tumango-tango. “I'm happy for you.”
Ngumiti ako ng malaki. Mabuti nalang talaga dito ako naassign sa Emergency Room. Nakakuha ako ng mga tunay na kaibigan.
Tinapik ni Yannie ang balikat ko. “Masaya rin ako para sayo. Iseduce mo kaagad para hindi ka na pakawalan. Turuan kita ng mga tekniks saka ng posisyon.”
Nangunot ang noo ko. “Anong posisyon?”
“Sex position para masarap ang pag toot.”
Naasiwa kong pinalo ang braso nya. “Ang halay talaga ng bunganga mo!”
“Naku, 'te, hindi ka papasa sa standards ni Blaze Villacorta kung masyado kang inosente. Wild ang playboy na 'yon, jusko, baka wala pang isang buwan icancel na nya ang engagement.”
Napalabi ako. “Talaga?”
“Oo, girl!” patiling sagot ni Yannie saka ako inakbayan. “H'wag kang mag-alala, akong bahala sa lessons mo basta palayasin mo ang espiritu ni Maria Clara na sumapi sayo. Nakakaano ka, girl, ang conservative mo.”
“E gano'n ako e, anong magagawa ko?”
Hinampas ako sa noo ni Kit ng ballpen na hawak nya. “Iyang paniniwala mo, panahon pa ng hukbalahap. Sa panahon ngayon, kapag hindi ka humarot, hindi ka magkakajowa!”
“Hoy bakla ka, sinasabi mo bang maharot ako ha?” naniningkit ang matang tanong ni Yannie kay Kit.
“Ay bakit, hindi ba?” nakataas ang kilay na tanong ng bakla.
Humalakhak si Yannie. “Konti lang naman.”
Natawa nalang ako sa kanila. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi habang iniisip ang mga sinabi nina Kit at Yannie. Tama kaya sila? Kailangan ko ba talagang iseduce si Blaze para hindi sya tumutol sa engagement? Paano ko gagawin 'yon e ni hindi pa nga kami ulit nagkikita. Ni hindi ko nga alam kung natatandaan nya pa ako.
***
UMUWI ULIT ako kinagabihan sa bahay ni dad dahil sa text nya nanaman na kailangan daw naming mag-usap. Tinawagan ko pa sya at siniguradong wala doon ang ni isa sa Villacorta bago ako pumayag na umuwi. Mabuti nalang at pang umaga na ang duty ko kaya nagkakaroon kami ng time ni dad na magkita. Sa umaga kasi ay busy rin sya sa isa pang branch ng Cortes Medical Hospital kaya hindi talaga kami nagkikita noong pang gabi pa ang duty ko.
“Dad.” bati ko kay dad na nakaupo sa single couch. Tumingin ako sa paligid, sinisiguradong walang ibang tao dito sa bahay.
“Ano bang hinahanap mo, Dream Adelone? Maupo ka nga.” saway sa akin ni dad.
Napanguso ako saka umupo. “Ano ho bang pag-uusapan natin, dad?”
Sumandal sya at nag cross legs. “Pumayag si Blaze Villacorta sa engagement nyo na gaganapin sa isang linggo—”
“Agad-agad? Bakit?” gulat kong tanong. Mas excited pa yata sakin si dad. Bakit sa isang linggo na kaagad?
“Dahil gusto ko. Maaga kang makakasal, mas maaga akong magkakaapo.”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Kung ano-ano kasing sinasabi ni dad, naiimagine ko tuloy.
“Sa October, gusto kong makasal na kayo.”
Nanlaki ang mga mata ko. October? “Dad, next month na 'yon!”
“Oh, ano naman?” pagsusungit nya.
Suminghap ako. Oh my gosh! Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni dad. Talaga bang anak ang tingin nya sakin? Bakit feeling ko isa akong tuta sa paningin nya?
“Dad—”
Mabilis nya akong pinutol. “Dream Adelone, alam kong gustong-gusto mo nang malaya ka pero gusto ko rin na mapabuti ang buhay mo at magiging panatag lamang ako kung maikakasal ka sa lalaking pinili ko para sayo.”
Bumuntong-hininga ako. All my life, he was controlling me. Gusto nyang magdoktor ako, mabuti nalang at may hilig ako sa medisina, 'yon nga lang, mas pinili kong maging nurse na natanggap naman nya. Sinubukan kong mag-apply sa ibang hospital kaso hinarang nya at pinagpilitan sakin na sa Cortes ako magtrabaho. Nang maassign naman ako sa ER dahil sa kagustuhan ko, muntik na nyang sisantehin ang head nurse ng Cortes, mabuti na lamang at napigilan ko sya.
At ngayon, sya nanaman ang nagdedesisyon para sa akin. Sa huli ay pumapabor din naman sakin ang mga desisyon nya kaya okay lang pero kasi...ang lagay e, parang wala akong kayang gawin kapag wala sya.
“Blaze wants to see you. Susunduin ka raw n'ya bukas ng gabi sa apartment mo.”
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni dad. Bukas? Napalunok ako. Wala pa man ay parang hihimatayin na ako sa kilig. Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon na pangangarap ko, magkikita na ulit kami.
Teka, kailangan kong paghandaan ang pagkikita namin bukas.
Tumayo ako. Hinabol ako ni dad ng tingin habang nakakunot ang noo. “Hindi pa tayo tapos mag-usap, Dream Adelone.”
“Hindi pa ba?”
Itinuro nya ang upuan. “Sit down. I want you to listen to me very carefully, Dream Adelone.”
Naupo ako saka tumango. “Basta magugustuhan ko ang sasabihin mo, dad.”
Nailing sya dahil sa sagot ko. “Unang-una sa lahat, h'wag na h'wag mong ibibigay ang puri mo sa kanya hangga't hindi pa kayo nakakasal.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Dad!”
Sinenyasan nya ako na manahimik. “Ayokong malalaman na nabuntis ka bago pa kayo makasal, Dream Adelone.”
“Hindi naman ako gano'ng babae, dad.” agad na depensa ko sa sarili ko.
Tumango. “Alam ko naman 'yon at alam ko ring magiging marupok ka sa kanya dahil gusto mo sya, hindi ba?”
Natameme ako. Nadali mo, dad! Teka, saan nanggaling ang palihim kong kadaldalan? Nahahawa na yata ako kina Kit at Yannie.
“Pangalawa, mas mahalin mo ang sarili mo kaysa sa kanya.”
Nangunot ang noo ko at agad na natigilan. “What do you mean, dad?”
“Nakikita kong mabuti syang tao kahit kaliwa't-kanan ang naging babae nya noon kaya pinili ko sya para sayo at dahil na rin sa pagkakaibigan namin ng ama nya pero...pero, Dream Adelone, sa oras na umiyak ka dahil sa lalaking 'yon, hindi ako magdadalawang isip na bawiin ka sa kanya.”
Para akong maluluha dahil sa sinabi ni dad. Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko sya magawang layasan sa kabila ng pagkontrol nya sa buhay ko, mahal na mahal nya ako at sobra nya akong pinahahalagahan.
“Dad...”
“Hindi ko sasantuhin ang kahit na sino kapag ikaw na ang nasaktan, Dream Adelone, kaya pakatandaan mo ang mga sinasabi ko sayo. Isa kang Cortes at ang mga Cortes ay hindi martyr at tanga.”
Napangiti ako. “Tatandaan ko, dad.”
Tumango sya. “Good. Kumain ka na ba?”
Ngumuso ako saka hinaplos ang tiyan ko. “Hindi pa nga, dad, e, i'm actually expecting a dinner. Kumakalam na ang sikmura ko.”
Natawa sya saka tumayo. “Magpapahanda na ako.”
Tumayo na rin ako at sabay kaming pumasok sa kusina habang nakaakbay sya sa akin at nakayakap ako sa baywang nya.
Sana maging maayos ang pag-uusapan namin ni Blaze bukas. Gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto kong makasal sa kanya at sana, mangyari ang engagement namin, lalong-lalo na ang kasal.
TO BE CONTINUED...
Chapter 3Dream Adelone CortesKINAKABAHAN ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakaharap ko na si Blaze Villacorta. Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti, o ano at wala akong maisip na dapat kong sabihin sa kaniya. Well, may dapat ba akong sabihin? Should i tell him that I like him from the very first time we met? Duda ako na naaalala niya pa ang araw na 'yon pero baka lang naman. Teka, kailangan ko bang sabihin na nagkita na kami noon?Ring ring“Ay kalabaw!” napatalon ako nang mag-ring ang cellphone ko. Kabado ko itong dinampot at agad na napasimangot nang makitang si Kit ang tumatawag.“Ano ba, bakla! Kinakabahan na nga 'ko dito e.” nag-iinarteng sabi niya sa kaibigang bakla.[Aba, kasalanan ko? Bruha 'to, magrelax ka nga. Ang sabi, gusto ka lang makita, hindi sinabing gusto kang ikama. Reaksyon mo para kang kakangkangin.]Napasinghap ako sa bulgar na pananalita ni Kit. Ang baklang '
Chapter 4Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung paano haharapin si Blaze kaya umaga na pero nakahiga pa rin ako at nakatulala sa kisame. Idagdag pang hindi ako naligo kagabi at gano'n pa rin ang suot ko. Wala rin akong toothbrush o mouthwash manlang.Nakakainis! Bakit kasi naiwan ko sa loob 'yung pouch ko. Masyado akong naexcite na makikita ko siya kaya naman hindi na ako makapasok sa sarili kong bahay.“Dream?”Napakislot ako at mabilis na bumangon nang kumatok si Blaze kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Lumunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi? Sasagot ba ako? Kapag sumagot ako malalaman niyang gising na ako at mapipilitan akong lumabas.“Gising ka na ba?”No! Hindi ko siya pwedeng hayaang magsalita riyan gayong gising na ako. Tumikhim ako. “G-Gising na ako.”“Okay. May banyo diyan. Sa loob ng cabinet may toothbrush na bago pa. Kung gusto kong maligo, pwede mong gamitin muna ang
Chapter 5Dream Adelone CortesI TOLD Kit and Yannie about everything that happened. As usual, tawang-tawa nanaman sila sa kagagahan ko. Napanguso ako habang grabe nila akong tingnan.“Nakakahiya ka, bruha!” patiling sabi sakin ni Kit.Inismiran ko siya. Makapagsalita 'kala mo naman hindi niya nakalimutan sa loob ng kotse niya ang susi ng kotse niya. Tinulungan ko pa nga siyang basagin 'yung bintana dahil pa lambot-lambot siya tapos muntik pa akong arestuhin ng napadaang pulis dahil akala ay magnanakaw ako.“Shungaers ka talaga, Dream. Naku baka naman kapag kasal na kayo ay makalimutan mo ang duty mo gabi gabi.”Nangunot ang noo ko. “Duty gabi gabi? Paano ko makakalimutan e nakalagay na sa note ko ang duty ko—aray!” napaigtad ako nang katukin ni Kit ang ulo ko.Sinamaan ko siya ng tingin. Sa laki ng kamay niya, ang lakas niya kumutos. Sasakalin ko 'to e!“Tanga! Sexy time ang ibig n
Chapter 6Dream Adelone CortesMALAKAS ang pintig ng puso ko habang nakasakay sa loob ng kotse. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bouquet na nasa mga kamay ko. Kinakabahan ako. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung paano ako kakalma.Napatingin ako sa gilid nang biglang bumukas ang pinto. Nakatayo si dad at nakalahad ang kamay sa akin. He's smiling sweetly making me smile too.“Naghihintay na ang groom mo.”Napangiti ako ng mas malaki saka tumango. Dahan-Dahan akong bumaba ng kotse at inayos ang damit ko. Tinulungan naman ako ng ilang kasamahan ng event organizer habang nakikita kong sinasarhan ng ilang tao ang pinto ng simbahan.“Dream!”“Ay!” napatili ako at naihagis ng wala sa oras ang hawak kong bulaklak nang biglang tumili si Yannie at bumulaga sa gilid ko.Nanlaki ang mga mata ko habang na
Chapter 7Dream Adelone CortesMAHIGPIT kong hawak ang wedding gown ko. Nakaupo ako sa kama habang kanina pa lumulunok at kinakabahan. Nandito kami sa condo ni Blaze. Dito niya kami gustong tumira at ngayon ngang kasal na kami ay dito niya ako iniuwi.Napakagat ako ng labi. Nasa banyo ngayon si Blaze at naliligo. Sinadya ko siyang paunahin dahil balak kong magtagal sa banyo para paglabas ko mamaya ay tulog na siya.Hindi sinasadyang sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin nina Yannie at Kit kanina sa reception. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ko ang mga sinabi ni Yannie tungkol sa posisyon at ang mga sinabi ni Kit tungkol sa honeymoon.Napalunok ako. Gagawin kaya namin ni Blaze ngayon 'yon? Kinakabahan ako. Hindi ako marunong. Nakakaaduwa kasi kapag pinababasa ako ni Kit ng lovemaking ng romance book. Kapag naman nagkukwento si Yannie, napapangiwi ako kasi hindi ko talaga maimagine.“Dream.”“A
Chapter 8Dream Adelone CortesI WAS a moaning mess. He keeps on thrusting in me, slow but really really good. I don't know what to do. My heart felt so full and suffocated as he devoured my body. My throat is aching even if I wasn't screaming for I was muffling my moans and groans which I presumed, made him even more excited.Blaze's eyes bore to me as he groaned and bit his lips above me.“D*mn, babe, moan my name!” he groaned again and drove me even more crazy by thrusting hard and raw.This is our second time tonight, and my body already felt sore but I'm loving it. I love how he drive my sanity away, sending me to a heavenly feeling that I didn't know I could reach.My eyes dilated, the same time I found my release. He's still moving on top of me, not wanting to stop.It's too much! The pleasure is too much and it's blinding me.“Oh, Blaze!” I unconsciously moaned his name when he thrust for one
Chapter 9Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang lumipas mula noong ikinasal kami ni Blaze. Masaya ako dahil maalaga siya at hindi ko kailanman naramdaman na napilitan lang siyang pakasalan ako. Masaya ako, dahil kahit papaano ay nagagawa ko siyang mapangiti at gano'n din siya sa akin.“Hoy bruha, anong nginingisi-ngisi mo riyan? Masaya kang punuan ang emergency room? Ha?” pairap-irap na tanong sa 'kin ni Kit.Mahina lang akong humagikhik saka isinilid sa bulsa ng uniform ang mga kamay ko.Biglang tinapik ni Yannie ang mga braso ni Kit. “Bakla, hayaan mo 'yan at ngayon lang nakatikim ng kuwan. Baka ramdam pa niya ang katas ni pogi sa kinaangan niya.”Sumimangot ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi ni Yannie. Napakawalang pakundangan talaga ng bunganga ng isang 'to.“Ano nga bang nangyari sa honeymoon niyo, bruha ka? Kwento naman diyan.” pasundot-sundot sa tagiliran na sabi sa 'kin ni K
Chapter 10Dream Adelone Cortes SABAY-SABAY kaming lumabas nina Yannie at Kit sa hospital. Napahikab ako habang dinadama ang hangin sa labas. Sumasakit ang likod ko. Nang magkaemergency kasi kanina ay sunod-sunod na ang naging trabaho namin kaya sumasakit ang katawan ko. “Gustong-gusto ko nang matulog!” humihikab kong sabi. “Bruha, 'yong asawa mo palapit.” sabi ni Kit matapos akong sikuhin. Asawa ko? Si Blaze? Tumingin ako sa paligid at napasinghap nang mamataan ko si Blaze na naglalakad nga palapit sa amin. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sobrang gwapo niya lalo. Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt at cargo shorts na brown. Magulo ang kaniyang buhok at may bitbit pa siyang coke na nasa lata. Umawang ang labi ko nang ngumiti siya nang tuluyang makalapit. “Hey!” Tiningnan ko sina Yannie at Kit. Parehong ngising-ngisi ang dalawa. Nilingon ni Blaze ang dalawang kaibigan ko. “Hi, may lakad ba kayo?” Mabilis na um
Blaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa. Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata
Chapter 25Dream CortesHINDI ko iniimikan si Blaze, hindi rin naman niya ako kinikibo. Alam kong guilty siya pero dinadagdagan niya lang ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya. Hindi ba dapat nagsosorry siya at pinapangakuan ako na hindi na mauulit 'yon? Hindi na dapat inaamo niya ako at nilalambing dahil may kasalanan siya? Bakit hindi niya ginagawa 'yon? Bakit pakiramdam ko'y mas lumalayo kami sa isa't-isa?Hindi ko maintindihan. Normal lang bang manahimik ang taong guilty?“Dream, kumain ka pa.”Napatingin ako kay ate Jell. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil maagang umalis si Blaze. Hindi pa man ako nagigising ay umalis na siya—ayon kay ate Jell.Bumuntong-hininga ako. “Wala bang ibinilin si Blaze, ate Jell?”Naupo siya sa tabi ko saka pinakatitigan ako. “Nag-away ba kayo ng asawa mo?”Yumuko ako at umiling. “Wala po kaming pi
Chapter 24Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nina dad at Blaze pero nang bumalik sila ay ramdam kong may mali. Parang may kung anong nangyari dahil hindi makatingin ng diretso si Blaze kay dad. Ano kayang nangyari? Anong pinag-usapan nila?Tiningnan ko si dad nang lapitan niya ako. Ngumiti siya. “Sabi ng doktor pwede ka nang lumabas mamaya. Inextend ko na rin ang leave mo para makapagpahinga ka.”Tumango ako. Gusto kong sabihin kay dad na magkakaapo na siya pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko alam kung ano kaya minabuti kong h'wag nalang munang sabihin sa kaniya.“Dad.”“Hmm?” marahan niyang hinaplos ang buhok ko.“Anong pinag-usapan niyo ni Blaze?” napatingin sa akin si Blaze matapos kong itanong 'yon kay dad.Lumapit sa akin si Blaze at pumwesto sa kabilang bahagi ng kama. Pinaggitnaan nila akong dalawa ni dad. Hinawakan niya ang kamay ko
Chapter 23Dream Adelone CortesNAGISING ako sa isang malamig na silid at puting dingding. Awtomatiko akong napahawak sa puson ko nang maalala ang nangyari. Nangilid ang luha ko at nang bumaling ako sa kanan ko ay sinalubong ako ng halik ng isang pamilyar na labi.Tuluyan akong napaluha nang pakawalan ni Blaze ang mga labi ko.He smiled. “We have a b-baby. You're pregnant, my wife.”Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. “L-Ligtas...Ligtas ba siya?”Marahan siyang tumango. Mariin naman akong napapikit kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Masaya ako. Sobrang saya ko. Baka siya na ang susi para tuluyan akong mahalin ng daddy niya.Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Blaze. Naalala ko rin ang naabutan niya bago sila nag-away ni doc Reeve. Tinitigan ko siya sa mga mata. “H-Hindi ko alam kung bakit n-nagustuhan ako ni doc Reeve.”Bumuntong-hininga siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “Don't t