Chapter 6
Dream Adelone CortesMALAKAS ang pintig ng puso ko habang nakasakay sa loob ng kotse. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bouquet na nasa mga kamay ko. Kinakabahan ako. Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung paano ako kakalma.
Napatingin ako sa gilid nang biglang bumukas ang pinto. Nakatayo si dad at nakalahad ang kamay sa akin. He's smiling sweetly making me smile too.
“Naghihintay na ang groom mo.”
Napangiti ako ng mas malaki saka tumango. Dahan-Dahan akong bumaba ng kotse at inayos ang damit ko. Tinulungan naman ako ng ilang kasamahan ng event organizer habang nakikita kong sinasarhan ng ilang tao ang pinto ng simbahan.
“Dream!”
“Ay!” napatili ako at naihagis ng wala sa oras ang hawak kong bulaklak nang biglang tumili si Yannie at bumulaga sa gilid ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamay ko. Iyong bouquet ko!
“Mamaya pa 'to ihahagis. Excited ka naman.” tumatawang sabi ng isang lalaking naka black tux sa akin.
Kamukhang-kamukha niya ang future husband ko na nasa loob ng simbahan. Napalunok ako saka tiningnan ang kasama niyang babae.
Iniabot sa akin ni Blast ang bouquet ko. “Hawakan mo ng mahigpit.”
Napangiwi ako. Ang lakas rin mang-asar nito e.
“Congratulation, by the way. This is Alena, my loving wife. My sweet, this is Dream, my sister-in-law.” nakangiti akong ipinakilala ni Blast sa asawa niya.
Ngumiti ako. “Hi, congratulation. Pasensiya na, late kami, ito kasing si Blast, ang kupad kumilos.”
“Nasarapan ka lang kanina e.” pabulong na sabi ni Blast at nakatanggap siya ng hampas mula kay Alena.
Mahinang tumawa si Blast saka nagpaalam na papasok na sila sa simbahan.
Napanguso nalang ako saka inayos ang pagkakahawak sa bouquet ko. Buti nalang nasalo ni Blast, kundi sira sana 'to. Kasalanan kasi ni Yannie e.
Hinarap ko ang dalawang baliw kong kaibigan. “Bakit ba kasi kayo nanggugulat?”
“Hindi kita ginulat. OA ka lang talaga.” tumatawang sagot sa 'kin ni Yannie.
Ilang saglit pa ay sinabihan na kaming maghanda dahil magsisimula na ang seremonyas. Pumila na sa unahan sina Kit at Yannie.
Habang naghihintay ako ng signal para sa 'kin ay mahigpit akong kumapit sa bisig ni dad. Marahan naman niyang hinaplos ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya at ngumiti.
“I know you will be happy with him, anak.”
Tumango ako. “Yes, dad. Thank you dahil ikaw ang dahilan kaya natupad ang pangarap kong makita ulit si Blaze. Hindi ko lang siya nakita ulit, magiging asawa ko pa.”
“That's because I love my only daughter.”
Ngumiti ako at emosyonal na isinandal sa balikat niya ang ulo ko. Nang makapasok ang lahat ng abay ay sinenyasan na rin kaming pumasok. Nagkatinginan muna kami ni dad bago niya ako inalalayan at nang sandaling matanaw ko ang lalaking nakaputing tuxedo na nakatayo malapit sa altar ay nangilid ang luha sa mga mata ko.
Hindi ko akalaing mapapaiyak ako dahil sa kasal na 'to na kahit hindi involved ang love ay masaya pa rin ako. Sa totoo lang may usapan kami ni Blaze, na hindi namin pakikialaman ang personal na buhay ng isa't-isa maliban nalang kung magkagustuhan kaming dalawa. Ang siste ay hindi niya alam na gusto ko na siya. Mahal pa nga.
Habang naglalakad kami ni dad ay tila sumasabay sa ritmo ng kanta ang paggalaw ng gown ko dahil sa paghakbang ko.
Mabilis man ang pangyayari, mas mas mabilis ang tibok ng puso ko at para akong natutuyuan ng laway.
“Anak, uhog mo.”
Natawa ako sa sinabi ni dad kaya napasinghot ako ng wala sa oras. “Dad naman e.”
Tumawa lang siya at hinaplos ang pisngi ko sa ilalim ng belo na suot ko.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa harapan ni Blaze. Ngumiti ito sa akin at kay dad.
“Blaze, inaasahan kong aalagaan mo ang prinsesa ko.”
Tumango si Blaze saka sumulyap sa akin bago sinagot si dad. “Makakaasa po kayo... dad.”
Nang hawakan ni Blaze ang kamay ko ay napangiti ako ng mas malaki. Sabay kaming naglakad papunta sa harap ng altar at humarap sa pari. Habang nagsasalita ang pari ay pasulyap-sulyap ako kay Blaze. Diretso lamang ang paningin niya. Seryoso ang kaniyang mukha na nakikinig sa pari.
“Kung mayroon man sa inyo ang tutol sa pag-iisang dibdib nina Blaze Villacorta at Dream Cortes, maaari kayong magsalita.”
Napalunok ako sa sinabi ng pari. Dahan-dahan at pasimple akong lumingon sa likod at napatingin sa mga bisita. Natigil ang atensyon ko sa isang magandang babae na nakaupo. Sobrang ganda niya. Maamo ang kaniyang mukha at sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inggit sa kaniya.
Napatingin ulit ako sa unahan nang nagpatuloy sa pagsasalita ang pari.
Walang tumutol. Gusto kong tumalon dahil sa tuwa. Ibig sabihin ay tuluyan ko nang magiging asawa si Blaze Villacorta. Ang sikat at gwapong businessman na si Blaze Villacorta na matindi ang reputasyon pagdating sa kababaihan.
“Blaze and Dream, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?"
"Will you honor each other as man and wife for the rest of your lives?"
"Will you accept children lovingly from God and bring them up according to the law of Christ and his Church?"
Nakangiti akong tumango. “Yes.”
Nilingon ko si Blaze. “I will.” sagot niya matapos akong sulyapan.
Magkaharap kami ni Blaze at grabe ang pakiramdam ko habang tinititigan siya sa mga mata. Para akong nalulunod sa sarili kong panaginip.
“I, Dream Adelone Cortes, take you, Blaze Villacorta, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life.” napapaluha kong litanya.
Hinaplos ni Blaze ang mga kamay ko hawak niya. “I, Blaze Raven Villacorta, take you, Dream Cortes, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will stay by your side and honor you all days of my life.”
Napalunok ako. Hindi niya binanggit ang salitang love. May kurot sa puso ko pero hindi ko na 'yon pinansin.
Ngumiti ako sa batang babae na lumapit sa amin. Siya ang ring bearer namin at naipakilala na siya sa akin ni Blaze. Siya si Alesana Grace, ang anak niya sa ex niya. Sobrang gandang bata at mabait.
“Thanks, sweetheart.” nakangiting sabi ni Blaze sa anak niya.
Ngumiti rin ako at hinalikan ang pisngi nito. “Thank you, baby.”
The girl smiled at mas lalo akong napangiti dahil kamukha ng ngiti niya ang ngiti ni Blaze. “Congratulations to the both of you, dad, and aunt Dream.”
Tumango ako at hinaplos ang kaniyang pisngi. Nang umalis siya ay nagbigayan na kami ni Blaze ng singsing. Halos tulala na ako sa mga kasunod na nangyari hanggang sa iangat na ni Blaze ang belo ko at hinalikan ako ng masuyo sa noo.
That's a sweet gesture but it somehow pains me.
TO BE CONTINUED...
Chapter 7Dream Adelone CortesMAHIGPIT kong hawak ang wedding gown ko. Nakaupo ako sa kama habang kanina pa lumulunok at kinakabahan. Nandito kami sa condo ni Blaze. Dito niya kami gustong tumira at ngayon ngang kasal na kami ay dito niya ako iniuwi.Napakagat ako ng labi. Nasa banyo ngayon si Blaze at naliligo. Sinadya ko siyang paunahin dahil balak kong magtagal sa banyo para paglabas ko mamaya ay tulog na siya.Hindi sinasadyang sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin nina Yannie at Kit kanina sa reception. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ko ang mga sinabi ni Yannie tungkol sa posisyon at ang mga sinabi ni Kit tungkol sa honeymoon.Napalunok ako. Gagawin kaya namin ni Blaze ngayon 'yon? Kinakabahan ako. Hindi ako marunong. Nakakaaduwa kasi kapag pinababasa ako ni Kit ng lovemaking ng romance book. Kapag naman nagkukwento si Yannie, napapangiwi ako kasi hindi ko talaga maimagine.“Dream.”“A
Chapter 8Dream Adelone CortesI WAS a moaning mess. He keeps on thrusting in me, slow but really really good. I don't know what to do. My heart felt so full and suffocated as he devoured my body. My throat is aching even if I wasn't screaming for I was muffling my moans and groans which I presumed, made him even more excited.Blaze's eyes bore to me as he groaned and bit his lips above me.“D*mn, babe, moan my name!” he groaned again and drove me even more crazy by thrusting hard and raw.This is our second time tonight, and my body already felt sore but I'm loving it. I love how he drive my sanity away, sending me to a heavenly feeling that I didn't know I could reach.My eyes dilated, the same time I found my release. He's still moving on top of me, not wanting to stop.It's too much! The pleasure is too much and it's blinding me.“Oh, Blaze!” I unconsciously moaned his name when he thrust for one
Chapter 9Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang lumipas mula noong ikinasal kami ni Blaze. Masaya ako dahil maalaga siya at hindi ko kailanman naramdaman na napilitan lang siyang pakasalan ako. Masaya ako, dahil kahit papaano ay nagagawa ko siyang mapangiti at gano'n din siya sa akin.“Hoy bruha, anong nginingisi-ngisi mo riyan? Masaya kang punuan ang emergency room? Ha?” pairap-irap na tanong sa 'kin ni Kit.Mahina lang akong humagikhik saka isinilid sa bulsa ng uniform ang mga kamay ko.Biglang tinapik ni Yannie ang mga braso ni Kit. “Bakla, hayaan mo 'yan at ngayon lang nakatikim ng kuwan. Baka ramdam pa niya ang katas ni pogi sa kinaangan niya.”Sumimangot ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi ni Yannie. Napakawalang pakundangan talaga ng bunganga ng isang 'to.“Ano nga bang nangyari sa honeymoon niyo, bruha ka? Kwento naman diyan.” pasundot-sundot sa tagiliran na sabi sa 'kin ni K
Chapter 10Dream Adelone Cortes SABAY-SABAY kaming lumabas nina Yannie at Kit sa hospital. Napahikab ako habang dinadama ang hangin sa labas. Sumasakit ang likod ko. Nang magkaemergency kasi kanina ay sunod-sunod na ang naging trabaho namin kaya sumasakit ang katawan ko. “Gustong-gusto ko nang matulog!” humihikab kong sabi. “Bruha, 'yong asawa mo palapit.” sabi ni Kit matapos akong sikuhin. Asawa ko? Si Blaze? Tumingin ako sa paligid at napasinghap nang mamataan ko si Blaze na naglalakad nga palapit sa amin. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sobrang gwapo niya lalo. Nakasuot lang siya ng itim na t-shirt at cargo shorts na brown. Magulo ang kaniyang buhok at may bitbit pa siyang coke na nasa lata. Umawang ang labi ko nang ngumiti siya nang tuluyang makalapit. “Hey!” Tiningnan ko sina Yannie at Kit. Parehong ngising-ngisi ang dalawa. Nilingon ni Blaze ang dalawang kaibigan ko. “Hi, may lakad ba kayo?” Mabilis na um
Chapter 11Dream Adelone CortesIKINUWENTO ko kina Yannie at Kit ang tungkol sa outing na nirequest ng anak ni Blaze na si Ales. Napanganga ang dalawa dahil hindi pala alam ng ibang tao ang tungkol sa anak ni Blaze. Nagulat sina Yannie at Kit sa rebelasyon ko at hindi ko akalaing mapapamura si Kit dahil doon. Hanggang ngayon nga na nanananghalian kami sa canteen ay topic ang tungkol kay Ales.“Girl, alam ng lahat na hindi pa nakakamove on si Blaze sa ex niya. Kumalat sa social media ang biglaan niyang pag-alis ng Pilipinas noon dahil sa pagkabigo sa ex niya. Mahirap kalimutan ang first love, girl.” may pag-aalala sa boses na sabi sa 'kin ni Yannie.Napabuga ako ng hangin. “Sinigurado naman sa 'kin ni Blaze na hindi niya ako iiwan e, saka may pamilya na 'yung ex niya.”“Hindi ka iiwan, ang tanong e, hindi ka ba masasaktan?” pabuntong-hiningang tanong ni Kit.Yumuko ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. &ld
Chapter 12Dream Adelone CortesNAPAYAKAP ako sa sarili ko nang lumabas kami ng hospital. Medyo umuulan kasi kaya malamig lalo pa't gabi na.“Malayo ang bus stop. May payong ka ba, bruha?” tanong sa 'kin ni Kit. Napangiwi ako kasi wala akong payong at oo, malayo nga talaga ang bus stop.Maya-maya ay may kotse na pumarada sa harapan namin. Bumaba ang bintana at kinawayan kami ng lalaking nagmamaneho.“Girls, nandito na ang sundo ko. Paano, mauna na 'ko, ha?” paalam ni Yannie na humalik sa pisngi namin ni Kit.“Ingat kayo. Jack, ingat ha.” kinawayan ko si Jack na nagthumbs up sa 'kin.Nang makasakay si Yannie ay pinalo pa ni Kit ang braso nito. “Hoy gaga, sa bahay na kayo magjugjugan ha. Madulas ang daan.”Humalakhak si Yannie at ngumisi naman si Jack. Umalis na silang dalawa at napangiti nalang ako. Si Jack ang boyfriend ni Yannie na palaging nilalait ni Kit na hindi gwapo. Totoo nam
Chapter 13Dream Adelone CortesPAGKATAPOS namin kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan namin. Nang pumasok ako sa kwarto ay nakahiga na si Blaze sa kama, nakasando at boxers lang ito habang nakaunan sa headboard at mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka inilock ang pinto ng kwarto at tumabi sa kaniya. Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Yannie tungkol sa anak.Kung magkakaanak ba kami ni Blaze, magiging akin na siya ng buo?“What are you thinking?” mahinang tanong ni Blaze matapos ayusin ang pwesto ng higa ko. Pinaunan niya ako sa braso niya.Bumuntong-hininga ako. “Blaze, alam kong wala kang nararamdaman para sa 'kin pero... pwede ba tayong magkaanak?”Naramdaman kong tiningnan niya ako kaya mariin akong pumikit. Nagulat ako nang bigla niya akong kubabawan saka ako masuyong hinalikan sa mga labi.Napatitig ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga m
Chapter 14Dream Adelone CortesNAKANGITI akong dumating sa hospital. Sinalubong ako kaagad ni Yannie na kachikahan ni Kit sa information desk. Nakataas ang kilay ni Yannie habang tinitingnan ako.“Ngiting tagumpay tayo ah, nakailan kayo? Malamig ang panahon kagabi, masarap bang bumayo ang isang playboy?”Nawala ang ngisi ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Bakit ba napakabulgar magsalita ng babaeng 'to?“Uy! Namula ang bruha, nakarami kayo 'no? Hanggang umaga ba?” pang-iinis naman sa 'kin ni Kit.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nginisihan lang sina Yannie at Kit. Napansin kong wala ang intern kaya agad kong tinanong sina Kit. “Tapos na 'yung intern natin?”“Nope. May inaasikaso lang daw silang requirement sa school.”Tumango-tango nalang ako at napatingin sa paparating na doctor. Simpleng jeans at white t-shirt lang ang suot niya na pinatungan ng itim na jacket.
Blaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa. Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata
Chapter 25Dream CortesHINDI ko iniimikan si Blaze, hindi rin naman niya ako kinikibo. Alam kong guilty siya pero dinadagdagan niya lang ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya. Hindi ba dapat nagsosorry siya at pinapangakuan ako na hindi na mauulit 'yon? Hindi na dapat inaamo niya ako at nilalambing dahil may kasalanan siya? Bakit hindi niya ginagawa 'yon? Bakit pakiramdam ko'y mas lumalayo kami sa isa't-isa?Hindi ko maintindihan. Normal lang bang manahimik ang taong guilty?“Dream, kumain ka pa.”Napatingin ako kay ate Jell. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil maagang umalis si Blaze. Hindi pa man ako nagigising ay umalis na siya—ayon kay ate Jell.Bumuntong-hininga ako. “Wala bang ibinilin si Blaze, ate Jell?”Naupo siya sa tabi ko saka pinakatitigan ako. “Nag-away ba kayo ng asawa mo?”Yumuko ako at umiling. “Wala po kaming pi
Chapter 24Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nina dad at Blaze pero nang bumalik sila ay ramdam kong may mali. Parang may kung anong nangyari dahil hindi makatingin ng diretso si Blaze kay dad. Ano kayang nangyari? Anong pinag-usapan nila?Tiningnan ko si dad nang lapitan niya ako. Ngumiti siya. “Sabi ng doktor pwede ka nang lumabas mamaya. Inextend ko na rin ang leave mo para makapagpahinga ka.”Tumango ako. Gusto kong sabihin kay dad na magkakaapo na siya pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko alam kung ano kaya minabuti kong h'wag nalang munang sabihin sa kaniya.“Dad.”“Hmm?” marahan niyang hinaplos ang buhok ko.“Anong pinag-usapan niyo ni Blaze?” napatingin sa akin si Blaze matapos kong itanong 'yon kay dad.Lumapit sa akin si Blaze at pumwesto sa kabilang bahagi ng kama. Pinaggitnaan nila akong dalawa ni dad. Hinawakan niya ang kamay ko
Chapter 23Dream Adelone CortesNAGISING ako sa isang malamig na silid at puting dingding. Awtomatiko akong napahawak sa puson ko nang maalala ang nangyari. Nangilid ang luha ko at nang bumaling ako sa kanan ko ay sinalubong ako ng halik ng isang pamilyar na labi.Tuluyan akong napaluha nang pakawalan ni Blaze ang mga labi ko.He smiled. “We have a b-baby. You're pregnant, my wife.”Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. “L-Ligtas...Ligtas ba siya?”Marahan siyang tumango. Mariin naman akong napapikit kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Masaya ako. Sobrang saya ko. Baka siya na ang susi para tuluyan akong mahalin ng daddy niya.Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Blaze. Naalala ko rin ang naabutan niya bago sila nag-away ni doc Reeve. Tinitigan ko siya sa mga mata. “H-Hindi ko alam kung bakit n-nagustuhan ako ni doc Reeve.”Bumuntong-hininga siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “Don't t