Chapter 11
Dream Adelone CortesIKINUWENTO ko kina Yannie at Kit ang tungkol sa outing na nirequest ng anak ni Blaze na si Ales. Napanganga ang dalawa dahil hindi pala alam ng ibang tao ang tungkol sa anak ni Blaze. Nagulat sina Yannie at Kit sa rebelasyon ko at hindi ko akalaing mapapamura si Kit dahil doon. Hanggang ngayon nga na nanananghalian kami sa canteen ay topic ang tungkol kay Ales.
“Girl, alam ng lahat na hindi pa nakakamove on si Blaze sa ex niya. Kumalat sa social media ang biglaan niyang pag-alis ng Pilipinas noon dahil sa pagkabigo sa ex niya. Mahirap kalimutan ang first love, girl.” may pag-aalala sa boses na sabi sa 'kin ni Yannie.
Napabuga ako ng hangin. “Sinigurado naman sa 'kin ni Blaze na hindi niya ako iiwan e, saka may pamilya na 'yung ex niya.”
“Hindi ka iiwan, ang tanong e, hindi ka ba masasaktan?” pabuntong-hiningang tanong ni Kit.
Yumuko ako at kinagat ang pang-ibaba kong labi. &ld
Chapter 12Dream Adelone CortesNAPAYAKAP ako sa sarili ko nang lumabas kami ng hospital. Medyo umuulan kasi kaya malamig lalo pa't gabi na.“Malayo ang bus stop. May payong ka ba, bruha?” tanong sa 'kin ni Kit. Napangiwi ako kasi wala akong payong at oo, malayo nga talaga ang bus stop.Maya-maya ay may kotse na pumarada sa harapan namin. Bumaba ang bintana at kinawayan kami ng lalaking nagmamaneho.“Girls, nandito na ang sundo ko. Paano, mauna na 'ko, ha?” paalam ni Yannie na humalik sa pisngi namin ni Kit.“Ingat kayo. Jack, ingat ha.” kinawayan ko si Jack na nagthumbs up sa 'kin.Nang makasakay si Yannie ay pinalo pa ni Kit ang braso nito. “Hoy gaga, sa bahay na kayo magjugjugan ha. Madulas ang daan.”Humalakhak si Yannie at ngumisi naman si Jack. Umalis na silang dalawa at napangiti nalang ako. Si Jack ang boyfriend ni Yannie na palaging nilalait ni Kit na hindi gwapo. Totoo nam
Chapter 13Dream Adelone CortesPAGKATAPOS namin kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan namin. Nang pumasok ako sa kwarto ay nakahiga na si Blaze sa kama, nakasando at boxers lang ito habang nakaunan sa headboard at mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka inilock ang pinto ng kwarto at tumabi sa kaniya. Napalunok ako nang maalala ko ang sinabi ni Yannie tungkol sa anak.Kung magkakaanak ba kami ni Blaze, magiging akin na siya ng buo?“What are you thinking?” mahinang tanong ni Blaze matapos ayusin ang pwesto ng higa ko. Pinaunan niya ako sa braso niya.Bumuntong-hininga ako. “Blaze, alam kong wala kang nararamdaman para sa 'kin pero... pwede ba tayong magkaanak?”Naramdaman kong tiningnan niya ako kaya mariin akong pumikit. Nagulat ako nang bigla niya akong kubabawan saka ako masuyong hinalikan sa mga labi.Napatitig ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga m
Chapter 14Dream Adelone CortesNAKANGITI akong dumating sa hospital. Sinalubong ako kaagad ni Yannie na kachikahan ni Kit sa information desk. Nakataas ang kilay ni Yannie habang tinitingnan ako.“Ngiting tagumpay tayo ah, nakailan kayo? Malamig ang panahon kagabi, masarap bang bumayo ang isang playboy?”Nawala ang ngisi ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Bakit ba napakabulgar magsalita ng babaeng 'to?“Uy! Namula ang bruha, nakarami kayo 'no? Hanggang umaga ba?” pang-iinis naman sa 'kin ni Kit.Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at nginisihan lang sina Yannie at Kit. Napansin kong wala ang intern kaya agad kong tinanong sina Kit. “Tapos na 'yung intern natin?”“Nope. May inaasikaso lang daw silang requirement sa school.”Tumango-tango nalang ako at napatingin sa paparating na doctor. Simpleng jeans at white t-shirt lang ang suot niya na pinatungan ng itim na jacket.
Chapter 15Dream Adelone CortesILANG ARAW na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sa 'kin ni Doc Reeve. I just don't understand. Bakit at paano niya ako nagustuhan? Halos hindi nga kami nag-uusap sa hospital e, nitong mga nakaraan lang kami nagkakausap ng madalas dahil palagi niya akong binabati kaya hindi ko talaga lubos maisip na totoo 'yung mga hinala nina Yannie at Kit.May gusto sa 'kin si Doc Reeve. Napailing ako. Ang awkward talaga isipin.“Tita Dream, can I we meet again if you have time?”Napatingin ako kay Ales at ngumiti. Hapon na at pauwi na kami galing sa amusement park. Hindi kasi natuloy ang outing na gusto ni Ales dahil hindi nakasama ang parents niya dahil baby pa ang bunso nila. Hindi naman pumayag si Blaze na mag-outing kami na kami lang tatlo. Hindi rin nakasama ang isa pang kapatid ni Ales na si Grae dahil may exams daw ito sa school.Hinaplos ko ang buhok ni Ales. Napakagandang bata niy
Chapter 16Dream Adelone CortesNAGISING ako ng pasado alas tres ng umaga. Kinapa ang kama at nangunot ang noo ko nang wala akong nakapang katawan sa tabi ko. Bumangon ako at tumingin sa paligid. Nagsuot ako ng roba para takpan ang nighties na suot ko saka lumabas ng kwarto.Tahimik ang buong bahay at tahimik ko ring hinanap si Blaze pero hindi ko siya makita.Nagsimula akong magtaka. Saan siya nagpunta?Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa matagpuan ko siya sa gilid ng bahay. Nakaupo siya sa malaking bato sa malapit sa garahe ng kotse habang umiinom ng beer na nasa bote.Napangiti ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya at akmang magsasalita nang marinig ko siyang suminghot.Umawang ang labi ko at binalot ng pagtataka.U-Umiiyak ba siya?“Grace...”Napaatras ako kasabay ng mabilis na pagtulo ng luha ko. Umiiyak nga siya at ibinubulong niya ang pangalan ng ex niya.Pakira
Chapter 17Dream Adelone Cortes“SUMABAY ka na sa 'kin.”Napalingon ako kay Doc Reeve. Nag overtime kaming pareho dahil sa isang operasyon at dahil hatinggabi na ay nakaalis na sina Yannie. Nagpaalam rin naman ako kay Blaze na gagabihin ako dahil may emergency at ibinilin niya na tawagan ko siya kapag pauwi na ako para masundo niya ako.Pinagdikit ko ang mga labi ko habang nakatingin kay doc Reeve. Inaayos niya ang nagusot niyang damit.“Kaya ko nang umuwi, doc.”Tiningnan niya ako saka inilingan. “Magkatapat lang ang bahay natin. Sigurado rin akong wala nang bus na dadaan.”Napaiwas ako ng tingin. Tama siya doon pero kasi... Tumikhim ako. Tatawagan ko nalang si Blaze, kaso... baka marami siyang ginagawa ngayonWala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto ni Doc Reeve. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya at nasa passenger seat ako. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam ang sasab
Chapter 18Dream Adelone CortesNASA kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga gamit sa mesa ko nang bigla akong lapitan ni doc Reeve. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at walang sabi-sabing hinalikan ako sa mga labi.Mabilis ko siyang naitulak at nasampal. Nagulat ako sa ginawa niya pero wala manlang siyang reaksyon, nakatitig lang siya sa akin na para bang wala siyang ginawang kasalanan.“Anong ginawa mo?”Hindi siya sumagot sa halip ay humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako.Tinitigan niya ang kabuohan ng mukha ko saka nagsalita. “I told you I like you.”Suminghap ako at mariin siyang tinitigan. “May asawa ako!”“Hindi ka masaya sa asawa mo, Dream.”Nangunot ang noo ko at natigilan sa sinabi niya. Paano niya nasabing hindi ako masaya? Nakikita niya naman kung paano kami mag-usap ni Blaze, kung paano ako ngumiti pag kausap ko ang asawa ko.Sa ha
Chapter 19Dream CortesHINDI ko alam kung paano haharapin si doc Reeve. Hindi kami nag-uusap. Mabuti nalang rin at hindi ako ang isinama niya sa operating room.“Dream.”Nag-angat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Nakadungaw sa may pintuan si Yannie. Ngumiti ako at tumayo, agad ko siyang nilapitan. “Naligaw ka?”Ngumisi siya. “Wala naman. Ang tahimik kasi ni Kit, naninibago ako.”Nangunot ang noo ko. Tahimik si Kit? Parang imposible yata 'yon? “Sigurado ka?”Humalakhak si Yannie. “See, hindi ka naniwala. Joke lang kasi 'yon. Nag-aalala kasi 'yung bakla kaya bisitahin daw kita dito.”Ngumiti ako. “Okay lang ako, Yannie. Kita nalang tayo sa canteen mamaya.”“Sigurado ka ha?”“Oo naman. Ako pa.”Humagikhik siya saka nagpaalam. Pinanuod ko siyang maglakad palayo. Napabuntong-hininga ako. Pati tuloy s
Blaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 27Dream Cortes LUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa. Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya. May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya! Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.
Chapter 26Dream Cortes NAGULAT ako sa kasunod na bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito gayong hindi naman kami close. Isang beses lang halos kami nakapag-usap at 'yon ay noong ipinakilala sila sa akin ni dad. “Nabalitaan ko kay Blaze na buntis ka. Kumusta ka naman?” tanong niya habang umuupo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Okay naman ako.” Bumuntong-hininga siya saka ako tinitigan. “Sigurado ka, Dream? Kilala ko si Blaze, manhid 'yon kaya maaaring nasasaktan ka niya nang hindi niya alam.” Umiwas ako ng tingin. Kapag sinasabi ko kaniya, baka sabihin niya sa dad nila at makarating rin kay dad. Ayokong magkagulo kaya pinili ko nalang na huwag magsalita at magsumbong. “Okay lang kami, Blast. Napadalaw ka nga pala? Pumasok na sa trabaho si Blaze.” Sumandal siya sa sofa saka nagdekwatro. “Aayain ko sana siyang mag-inom mamaya. Wala kasi akong magawa, ang boring.” Naningkit ang mga mata
Chapter 25Dream CortesHINDI ko iniimikan si Blaze, hindi rin naman niya ako kinikibo. Alam kong guilty siya pero dinadagdagan niya lang ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa pananahimik niya. Hindi ba dapat nagsosorry siya at pinapangakuan ako na hindi na mauulit 'yon? Hindi na dapat inaamo niya ako at nilalambing dahil may kasalanan siya? Bakit hindi niya ginagawa 'yon? Bakit pakiramdam ko'y mas lumalayo kami sa isa't-isa?Hindi ko maintindihan. Normal lang bang manahimik ang taong guilty?“Dream, kumain ka pa.”Napatingin ako kay ate Jell. Siya lang ang kasama ko dito sa bahay dahil maagang umalis si Blaze. Hindi pa man ako nagigising ay umalis na siya—ayon kay ate Jell.Bumuntong-hininga ako. “Wala bang ibinilin si Blaze, ate Jell?”Naupo siya sa tabi ko saka pinakatitigan ako. “Nag-away ba kayo ng asawa mo?”Yumuko ako at umiling. “Wala po kaming pi
Chapter 24Dream Adelone CortesHINDI ko alam kung anong nangyari sa pag-uusap nina dad at Blaze pero nang bumalik sila ay ramdam kong may mali. Parang may kung anong nangyari dahil hindi makatingin ng diretso si Blaze kay dad. Ano kayang nangyari? Anong pinag-usapan nila?Tiningnan ko si dad nang lapitan niya ako. Ngumiti siya. “Sabi ng doktor pwede ka nang lumabas mamaya. Inextend ko na rin ang leave mo para makapagpahinga ka.”Tumango ako. Gusto kong sabihin kay dad na magkakaapo na siya pero parang may pumipigil sa 'kin. Hindi ko alam kung ano kaya minabuti kong h'wag nalang munang sabihin sa kaniya.“Dad.”“Hmm?” marahan niyang hinaplos ang buhok ko.“Anong pinag-usapan niyo ni Blaze?” napatingin sa akin si Blaze matapos kong itanong 'yon kay dad.Lumapit sa akin si Blaze at pumwesto sa kabilang bahagi ng kama. Pinaggitnaan nila akong dalawa ni dad. Hinawakan niya ang kamay ko
Chapter 23Dream Adelone CortesNAGISING ako sa isang malamig na silid at puting dingding. Awtomatiko akong napahawak sa puson ko nang maalala ang nangyari. Nangilid ang luha ko at nang bumaling ako sa kanan ko ay sinalubong ako ng halik ng isang pamilyar na labi.Tuluyan akong napaluha nang pakawalan ni Blaze ang mga labi ko.He smiled. “We have a b-baby. You're pregnant, my wife.”Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. “L-Ligtas...Ligtas ba siya?”Marahan siyang tumango. Mariin naman akong napapikit kasabay ng pagbuga ko ng hangin. Masaya ako. Sobrang saya ko. Baka siya na ang susi para tuluyan akong mahalin ng daddy niya.Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Blaze. Naalala ko rin ang naabutan niya bago sila nag-away ni doc Reeve. Tinitigan ko siya sa mga mata. “H-Hindi ko alam kung bakit n-nagustuhan ako ni doc Reeve.”Bumuntong-hininga siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. “Don't t