JAEL'S POINT OF VIEW"Aray ko naman!" Kinuha ko kay Ross yung suklay. Nag presinta kase itong talian ako nang buhok pero mukang hindi tali ang nagagawa nya kundi buhol-buhol."Ang tigas ng buhok mo," aniya at inagaw saakin ang suklay. "Parang hindi naka conditioner." "Ang kapal ng mukha mo Ross, hindi ka lang marunong." Inirapan ko s'ya. Tumayo ako at lumapit sa may maliit na salamin para mag tali, "watch and learn." Sinuklay ko muna yung buhok ko at saka hinawakan para kunin yung tali bago ko ipusod. Tiningnan ko sya sa salamin, seryoso lamang ako nitong pinapanood, may pag kunot pa ng noo. "Bakit ganon, walang naiiwan na baby hair?" he asked."Dapat kase mahigpit hawak mo tapos make sure na nasama mo lahat ng hair. Pag may mga baby hair pa rin na natitira pwede na lagyan ng gel para tumigas tapos dumikit." "Ah," he nodded. "Okay. Tanggalin mo ulit tali mo, ako mag tatali." Tumaas ang kilay ko. "Ayoko, bahala ka dyan. Punta na akong room." Hindi ko na inantay ang sagot nito dahil
JAEL'S POINT OF VIEW"Oh, andito ka na naman." Umupo ako sa harap ni Ross na tumuntungga na naman ng beer. Ngumisi ito. "Bawal ba?" "Hindi naman." Tapos na yung mga gagawin ko sa loob ng store kaya naman napag desisyunan kong lumabas para damayan ang nag sesenti na si Ross. Kanina pa s'ya rito mga alas otso ng gabi, mag aala una na ay nandito pa rin sya. Nakaka tatlong beer na nga ito, hindi ko tuloy sigurado kung safe pa sya mag drive. "Kaya mo pa ba mag maneho?" Tanong ko habang ginigilid yung mga bote. Naki kuha na rin ako ng pulutan n'yang chichirya. "Yeah," he answered as he sipped from his beer. Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang lamig ng hangin, naka limutan kong mag dala ng jacket kaya naman halos manigas na ko sa lamig sa loob ng store. "Saan punta mo?" Tanong ko nang biglang tumayo si Ross. Hindi nya ako sinagot at dumeretso sa kanyang sasakyan na naka parada lang sa gilid namin, may kinuha ito aa likod ng sasakyan at bumalik dito sa pwesto nya kanina na ma
JAEL'S POINT OF VIEWPag gising, nag asikaso na agad ako. Nag luto ng almusal at plantsa ng uniporme ng mga kapatid ko para sa pag pasok. Dahil mas maaga ang pasok nila saakin, may oras pa ako mag asikaso sa sarili ko pag naka gayak na sila papuntang school."Ingat sa pag mamaneho, Kuya." Paalala ko kay manong driver na nag hahatid-sundo kina Levi at Rhys. Inantay ko munang mawala sila aa paningin ko bago pumasok sa loob ng bahay. Ako naman ang kumain at naligo. Maya't-maya ang silip ko sa telepono dahil mula kagabi, wala pa rin reply si Ross. Percival Ross:Take care.Jael:Salamat. Kaya mo ba talaga?Mag sabi ka if ever may kailangan kaIniwan ko kase kagabi si Ross dahil kailangan ko na umuwi, bago ako umuwi hindi naman sya mainit pero dahil hindi sya nag r-respond sa mga chat ko sakanya, namumuo ang pag alala ko.Hindi na ko nag ligpit ng bahay at umalis na kaagad, baka pag uwi ko nalang iyon gagawin. Nag madali akong sumakay ng jeep at kung minamalas nga naman, ang nasakyan ko
JAEL'S POINT OF VIEWPumasok ako nang sobrang sakit ng puson. Hindi na sana ako papasok pero may mga kailangan kaming asikasuhin na final outputs para kumpletuhin ang final grades namin. Wala tuloy ako sa mood na nag lalakad sa hallway, bagsak ang balikat at mag kasalubong ang mga kilay. Pag dating ko sa room, naabutan ko sila Cypress na nag titipon na naman sa chair ko. Hindi ko ininda ang ingay ng classroom, dere-deretso lamang ako sa pag lalakad. Namimilipit ako sa sakit ng puson ko. "Good Morn--- oh, bakit ganyan mukha mo? Para kang kinawawa ng mundo." natatawang sabi ni Clarence habang nag babalasa ng uno cards. Inirapan ko sya. "Tumahimik ka d'yan, sasalpak ko sa bibig mo yung mga barahang hawak mo." "Luh, sungit mo naman. Mag bestfriend talaga kayo eh," "Hoy! Anong sabi mong kupal ka?" Hiyaw ni Cypress habang naka hawak sa tenga ni Clarence na ngayon ay namimilipit na sa sakit. "Wala! Aray, aray! Sakit, ampots. Sadista talaga eh," Umupo na lamang ako sa upuan ko at nag hea
JAEL'S POINT OF VIEWWala akong takas sa mga kaibigan ko kaya naman sabay-sabay kaming pumunta sa café na pag mamay-ari ni Elmore. Sakay kami ng sasakyan nila Cypress. Nauna na sila Elmore doon kasama ang dalawa, hindi ko alam kung kasama ba nila si Ross."Ganda naman ng sasakyan n'yo, Cy." wika ni Clarence habang kinakalikot ang kanyang inuupuan. "Dito ka na tumira." "Pass. Gagawin mo lang akong taga car wash." sagot nito sakanya. "Edi 'wag. Atleast nga taga car wash lang eh." Inirapan s'ya ni Cy. Dahil naka sasakyan kami, saglit lang ay naka rating na kami kaagad sa café nila Elmore. Bumaba na kami ng sasakyan at inalalayan kami ng mga body guards ni Cypress. Meron pala ito laging kasama na dalawang body guards but they are not allowed to enter the school, lagi lang silang nasa labas para bantayan si Cy kung lalabas. Kahit ang nag mamaneho ng sasakyan n'ya may dala-dalang armas, nabanggit din nito na bullet proof ang sasakyan dahil nung bata ito, may matinding kaso na nahawakan an
JAEL'S POINT OF VIEW"Then go, ask your mom." Lahat kami napa singhap sa mga salitang binitawan ni Ross bago ito lumabas nang silid. Binalingan ko nang tingin si Elkayne, para itong nawala sa kanyang sarili at naka tulala na lamang sa pintong nilabasan ni Ross. Agad akong tumayo at sinundan kung saan papunta ang lalaki. "Hi, excuse me. May nakita ba kayong lumabas na matangkad na lalaki tapos naka school uniform katulad saakin?" Tanong ko sa front desk. Hindi ko kase makita si Ross sa loob. "Ay! Si Sir Percival po ba? Yes po, lumabas po sya." sagot saakin nang babaeng nasa front desk. Nag pasalamat ako at agad na umalis para lumabas. Natagpuan ko si Ross na humihipak na naman nang kanyang sigarilyo."Ross," pag kuha ko sa kanyang atensyon. Hindi ito lumingon. Mag kasalubong ang kanyang mga kilay habang naka tingin sa malayo. "Ross?" Sa pangalawang pag kakataon, lumingon na sya saakin. Lumambot ang kanyang mukha. "Yes? Why? Do you need anything?" Tanong nito. Agad n'yang tinapon ang
JAEL'S POINT OF VIEWTatlong araw na akong hindi pumapasok sa school dahil sa pinapasukan kong trabaho. Simula alas siete nang umaga hanggang alas otso nang gabi ang pasok ko, totoo nga ang sinabi ni Ate Cath na sa 13 hours na 'yon, naka tayo lang kaya sobrang paguran. Isang chicken factory ang napasukan ko, na atasan ako sa pag m-marinate nang mga manok at pag hiwa. Mabuti nalang ay marunong ako sa mga ganitong bagay kaya medyo nagamay ko na rin kaso lang ay sobrang malansa. Hindi ako pwede mag inarte dahil wala kaming makakain kung nag kataon. Paguran dahil sobrang nakakangalay, wala rin akong maayos na tulog dahil pag dating ko sa bahay galing trabaho, nag p-part time naman ako sa malapit na fast food restaurant dito. Naka night shift ako, 10pm hanggang ala singko nang umaga. Pag uwi ko pa 'non, aasikasuhin ko pa sila Levi at Rhys sa pag pasok tapos matutulog lang saglit at pasok na naman sa factory. Binenta ko na rin ang cellphone ko sa bumibili nang mga sirang gamit para may ma
JAEL'S POINT OF VIEWKinabukasan, pumasok na ako nang school. Hindi ko alam kung anong madadatnan ko pag karating doon pero sigurado akong nag aalala na saakin sila Cy at Ivy. Bumaba na ako nang jeep at patakbong lakad na ang ginawa ko dahil sigurado ay late na ako. Pag karating ko sa main gate, naabutan ko si Kuya Guard, binati ko s'ya at iniscan na ang i.d ko. "Good Morning, Ma'am Jael. Mabuti naman po at pumasok na kayo." ani ng gwardya. Nagulat pa ako dahil hindi ko inakala na makikilala ako nito at sa sobrang daming estudyante ang nag lalabas-pasok, naaalala nya ang pangalan ko at alam nitong ilang araw na ako hindi pumapasok."Naku, nag tataka siguro kayo. Wala na po kasing bumabati saakin nang magandang umaga at mag sasabi saakin nang ingat pauwi maliban sayo kaya alam ko pong medyo matagal din po kayong hindi naka pasok." Aniya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Bigla naman akong nahabag. Nag paalam na ako sa gwardya at nag mamadali nang pumasok. Nag kataon pa na hindi n