Kabanata 17 - MagkasamaPlaying the song : Until I Found Her"WHERE are we going? Ang layo naman ng shop," tila inip na sabi ni Alexa sa kanya nang lumiko sila sa daan pakanan."Dadaan lang ako sa animal clinic," aniya rito at saka siya bumusina.Agad na bumukas ang gate at nakita niya kaagad ang sasakyan ni Anelyn sa loob. May mga iba pang sasakyan doon at nakapila ang mga tao na may dalang mga aso at pusa."Is this yours?" Alexa asked him but he just glanced at her."Ours," aniya rito at hindi ito nakaimik na muli.Itinigil niya ang sasakyan, "Sasama ka ba? I'll just check jt people here. Baka may kailangan din na i-repair dahil sa bagyo."Go ahead. You have your own life. Just don't make it too long. Ayokong maghintay nang matagal."Aslan hopped out without a single word. Malalaki ang hakbang niya na naglakad at nilapitan ang katiwala na nagbukas ng gate."Sir," ani Karding sa kanya."Problema dito, Mang Karding?" Tanong niyang nakapameywang."Walang problema, sir. Kuryente lang ang
Kabanata 18 -TagapagtanggolALEXA was looking at the most disgusting person on the entire planet at this very moment. If she hates Aslan, she'll give triple of it to Maxus.She had given this man all the love and support that she had for herself but she realized that she was the most foolish person by doing that.Anong ginagawa ng babaerong ito rito?"Babe!" Aniyon sa kanya kaya ganun na lang ang kanyang pagtiim-bagang sa kanyang kinatatayuan.Napamadali iyon sa paglapit pero mabilis siyang kumilos para bumalik sa kotse."Babe, wait!" Aniyon sa kanya at nahagip kaagad ang braso niya.Tumingin siya kay Aslan na may tinitingnan sa may backseat, parang naglilibang lang at hinayaan siya."Babe," ani Maxus pero agad niyang iwinaksi ang kamay nito saka niya sinampal nang malakas.Nakita niya ang pagtigas ng mga panga nito habang nakapilig ang mukha."Wala ka talagang pinipiling lugar para magsalita at manakit," mahinang sabi nito sa kanya.Ang kapal nito na sobra."And so? Ikaw ba may pinil
Kabanata 19 - Aasawahin KitaNAKA-FOCUS ang mga mata ni Aslan sa isinasalin na likido sa mga butas ng baterya, pero ang utak niya ay nasa walang hiyang lalaking iyon na sinuntok niya.Mayabang ang abogadong hilaw na iyon.Wala naman sana siyang balak na makialam sa dalawa ni Alexa kanina dahil wala siyang karapatan. He had to keep his distance but when he heard her about hurting her physically, he was stunned.Natigil siya sa kinakalikot sa may backseat kanina, at nang nakita niyang sapilitan ang lalaki na gustong kausapin ni Alexa ay hindi na siya nakapagtimpi.He had to do something about it and had to avenge her.Tang-ina. Hindi niya ipinaubaya si Alex para lang ipasampal.Pasalamat iyon at isang suntok lang ang inabot nun sa kanya dahil kung hindi iyon tumimbuang sa isa, patutumbahin niya iyon sa ikalawa. Mukha pa naman lampa ang lalaking iyon. Daig pa nun ang tinapay na nakulangan sa pagkakaluto kaya hilaw.Ngayon na may kakayahan na siyang lumaban, hindi tulad noon, ilalabas ni
Kabanata 20 - Paghahanap sa KatotohananPAGKABIHIS ni Alexa ay nagmamadali siyang bumaba para hingin ang susi ng kotse niya kay Mang Kiko. Hindi sa kanya ibinigay iyon ni Aslan, at siya naman ay parang natanga na lang sa kahahalik nun sa kanya."Mang Kiko, nasaan po ang susi ko? Iniwan po ba ani Aslan?" Tanong niya sa mayordomo na kagagaling lamang sa labas."Ha? Walang iniwan. Baka dala. Bakit? May pupuntahan ka ba?""Sa kabilang bayan lang po sana. Kotse na muna niya ang gagamitin ko."Napatanga sa kanya si Kiko at parang hindi komporme sa kanya. Halata niyang ayaw siya nitong payagan lalo na at nakaalis na si Aslan. Tila siya nailang sa titig nito sa kanya dahil sa isip niya ay baka alam nitong hinalikan siya ni Aslan. Kahit na hindi iyon totoo ay para siyang tanga."Baka magalit, hindi dahil sa kotse pero ang sabi ay huwag kang paaalisin nang di niya alam.""Sasadyain ko lang po si Janice, hindi ko nadaanan kanina. Gusto ko pong makita ang kababata ko. Nandito daw po siya nung h
Kabanata 21 - Totoong TagapagmanaHINDI totoo na may komunikasyon sila ni Janice. Matagal ng naputol iyon nang nawalan ito ng social media account sa di niya malaman na dahilan, pero sinabi nito na hindi naman ito umaalis sa bayan na iyon kaya iyon ang pinanghawakan niya, sa kagustuhan din niya na makita ito talaga.Hindi siya pwedeng umalis ng Escobar at bumalik sa Manila nang hindi nadadalaw ang kanyang matalik na kaibigan mula pa sa pagkabata.At tama ng kanyang pagpunta dahil totoo na kaharap niya ang matalik na kaibigan.Hindi si Janice tipikal na mayaman. Hindi siya nakikipagkaibigan sa mayaman, hindi dahil sa gusto niya ay siya lang ang mayaman. Mas gusto niya ang mga tulad ni Janice dahil hindi siya inaaway at matapat sa kanya. Hindi ito nakikipag-kumpitensya sa kanya noon, at madali itong pasayahin kahit na ilibre lang niya ng softdrinks sa canteen.But she was surprised because Janice already had a three year old daughter.Tulad ng noon ay dati pa rin ang bahay ng kaibigan n
Kabanata 22 - LitratoANG sakit isipin para kay Aslan na siya ang totoong hasyendero, at si Alexa ay naiwan na umaasang iyon pa rin ang tagapagmana.Iyon ang laman ng puso at isip niya nang sandali na paandarin niya ang motor para puntahan ang dalaga sa bahay ni Attorney Fulgar.Nararamdaman na niya ang tindi ng sama ng pakiramdam niya pero hindi siya pwedeng tumigil.He doesn't seem to care if the lawyer tells something to Alexa. Napapagod na rin siyang itago iyon. Kung mana lang nga ang pinag-uusapan, ibibigay na niya lahat kay Alexa para matapos na, mapagbigyan lang iyon sa kaisipan na iyon ang prinsesa.As much as possible, he doesn't want to break that belief but she's now becoming aggressive in finding the truth that lies behind that last will of her deceased mother.Hindi madali na ilipat ang lahat dahil may mga tao ng sumasabit kay Alexa, isa na si Wilson. Mas lalong ayaw naman niya na si Wilson o sino pa mang lalaking mamahalin ni Alexa ang makinabang sa pagod ni Geron at ng
Kabanata 23 - ApektadoBUONG lakas ng loob ni Alexa na ibinaba ang mga mata para tingnan ang litrato. Pinakatitigan niya ang sariling mukha. Was it during her first JS prom?Yes. Tandang-tanda niya ang itsura niya sa litrato na iyon. Ipinag-display pa iyon sa salaming dingding ng Fotohub, na bawat dumaraan ay agad iyon na makikita. Iyon ang sikat na kodakan noong highschool siya sa bayan mismong ito.She was wearing a silvery gown during that time. It was the first and last JS prom her mother saw her beautifully and elegantly dressed, because soon after that, Caroline died.My God.Napalunok siya ulit ng titigan ang sarili niya. Batang-bata pa siya roon pero mukha na siyang eighteen. Naalala niya na kahit na may sakit na ang kanyang Mommy nang mga panahon na iyon ay ipinatawag nun ang pinakamagaling na baklang makeup artist sa buong bayan, na agad naman na dumating.Bakit may kopya nun si Aslan? Bakit nasa pitaka nito iyon?Binilisan niya ang pagkuha ng pera. Ayaw niyang isipin at big
Kabanata 24 - MagkasundoAslan slept heavily because of his fever. Nang pumatak ang alas dose ay pinagpapawisan na siya at walang humpay ang pagpunas ni Alexa sa pawis niya.Tapos ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam.He opened his eyes when he felt something heavy placed on his stomach. Ang namulatan niya ang mukha ni Alexa. Ang ulo nito ay nasa tiyan niya habang nakaupo ito sa sahig.He smiled. Ito ang unang pagkakataon sa mga lumipas na taon na mukha nito ulit ang nabungaran niya sa pag gising.Hinawakan niya ito sa ulo. Ang braso nito ay nakadagan sa pagkalalaki niyang sumasaludo dahil umaga. Hinawakan niya ito sa pisngi at sa may sulok ng labi.Damn.Nagmulat ito ng mga mata at agad na napaitlag."Minamanyak mo ako!" Anito, at nang ma-realized nito kung saan ito nakahawak ay agad itong mapabitaw doon."Ih!" Ani Alexa na parang diring-diri.Nakanganga lang naman siya at isinara na rin ang bibig.Okay. Siya na ang manyak kahit ito naman ang nakahawak sa may zipper niya. Nakap
SCASLAN stood mightily in front of the door of the church. Sabi ng mga bakla, siya raw ang pinakagwapong groom na nakita ng mga iyon. Panis daw ang mga local actors sa kanya.Kinuha niya ang pinakasikat na mga coordinators sa kanilang probinsya, na namamayagpag ngayon sa ibang lugar hanggang Maynila.He wants the best wedding for Alexa, para naman hindi masabi ni Caroline na pinabayaan niya ang unica hija nun.His mother hopped out of the car with Kiko. Lumapit ang mga iyon sa kanya."Ang pogi ng anak ko," ani Mariela sa kanya pero hindi siya ngumiti."Kulang lang ng kaunting hulma ng nguso," anaman ni Mang Kiko kaya napangiti na siya."Ayan!" Bulalas ng ina niya."Okay, the bride is on her way. Nasa may munisipyo na raw!" The coordinator informed everyone.Ang daming tao. Halos puno ang buong cathedral. May mga nanonood sa labas at matyagang naghihintay. Paano ba naman na hindi ganun ay ikalasal ang hasyendero ng Escobar?Napakalaki ng preparasyon nila, katulong ang mga trabahante.
Kabanata 71ANG bilis na nakipkip ni Alexa ang nakatapis na twalya sa katawan niya. Kulang na lang ay mapatili pa siya nang walang pakundangan na bumukas ang kanyang pinto sa kwarto.Kanina lang silang umaga naghiwalay ni Aslan pero parang isang taon na ang nakalipas. Miss na miss niya ito."Aslan," she murmured.His eyes slightly traveled across her body and shut the door."H-How are you?" Kandautal na tanong niya rito. Para naman siyang tanga. May pautal-utal pa siya habang kanina naman ay magkausap silang dalawa.Naupo ito sa kama niya habang nakatingin sa kanya, pagod na hinilot ang batok nito."Kanina pa ako, nakipag-usap ako sa mga tao natin. Kumakain sila ng gabihan. Ikaw, kumain ka na?" Muli siya nitong tiningnan."Even just for now, stop worrying about me. I worry about you.""Halik lang katapat nito," anito sa kanya kaya pinigil niya ang mapangiti."Sa itsura kong ito mukhang hindi lang halik ang magagawa mo," anaman niya kaya napangiti ito sa kanya.Napabuntong hininga siya
Kabanata 70HINDI kaagad nakaalis si Alexa sa condo dahil sumugod ang ilan sa mga kaibigan niya roon, kasama si Bea. Inabutan pa ng mga iyon ang ayaw umalis na si Mayumi.Nag-chat na rin kasi kaagad ang babae sa gc kaya napasugod ang mga kaibigan nila, iyong mga hindi busy."How dare you? Tama pala talaga ang kutob ko," ani kaagad ni Bea."Kaya pala, ang insist mo na kunwari akitin si Aslan, yun pala talagang may plano lang kayo na sirain ang relasyon nila ni Alexa. Kami naman si tanga, payag to the Max," ani naman ni Zia, galit ang mukha.Si Mayumi ay tahimik na nakaupo sa may sofa."Ayaw mong masira ang relasyon mo sa bf mo kapag lumabas ang sex video mo kaya ibang relasyon ang sinira mo," Bea spat again ang shook her head.Huminga si Alexa nang malalim at umiling. Kahit na pigain nila ito ay hindi na maibabalik ang kahapon.Bea looked at her, "uuwi ka sa hacienda?""Yes. I'll talk to Aslan. He needs me. All my life, siya ang parating nagbabantay sa akin kasi iniwan ako ni Dad sa kan
Kabanata 69ALEXA blinked and wiped her tears, "I'm going to Escobar to see Aslan. I am willing to listen to him. I can't…I can't just let him go without trying to give him a chance. Ramdam ko ang katotohanan sa mga salita niya, Yumi. May the gang forgive me but…Aslan was the only man who showed me things that I couldn't just forget," aniya rito.Naglakad siya papunta sa kanyang mesita at tiningnan ang smartphone niyang iba ang naksaksak na sim card.Hindi iyon ang numero niya. Diyos ko. Sino bang naglalaro sa kanya? Perhaps it happened when she was still in hacienda Escobar and she had lost her phone."Alex," ani Mayumi na napahagulhol ng iyak, "I'm sorry! Di ko sinasadya…sinadya ko…hindi ko alam!" Bulalas nito kaya napatingin siya rito."W-What do you mean?" Mahinang usal ng dalaga rito pero napayukyok ito sa may sahig at umiyak nang malakas."Si Maxus…sabi niya ikakalat niya ang video namin kapag di ako sumunod…"Oh my God.Napanganga siya at nangilid na muli ang mga luha. Did Mayu
Kabanata 67HINDI alam ni Aslan kung saan siya pupunta. Humawak siya sa manibela at tumitig sa condo unit na nilabasan niya. Sa nasaksihan niya kaninang ginawa ni Maxus kay Alexa, hindi siya mapapanatag.He was wrong for thinking that she invited that man in. Marahas pa rin ang lalaking iyon at pwersahan kung manuyo kay Alexa. Panunuyo nga ba ang sadya nun o iba?Kailangan niyang pag-ingatan si Alexa. Hindi niya alam pero sa kabila ng galit nito sa kanya ay hindi niya kayang putulin ang obligasyon niya rito.Not that fast, Aslan. Aniya sa sarili. Pasalamat siya at kahit nasasaktan siya kanina ay mas pinili niyang bumalik agad. Kung hindi siya bumalik, baka kung ano ng ginawa ni Maxus Wilson sa mag-yaya.Up until this time, he's the one deserving of her trust. Siya pa rin ang kaisa-isang lalaki na handa itong ipagtanggol at mahalin sa kabila ng lahat.His phone rang so he was pulled out of his reverie. Si Attorney Fulgar ang tumatawag.He answered it right away."Aslan, Narito sa opisi
Kabanata 67"PAKAKASALAN ka lang niya para masolo na niya ang shares na nasa iyo! You're so foolish to believe a man like him. Kay Donna rin ang balik niya pagkatapos niyang makuha ang buong kita sa hasyenda," daldal ni Maxus na nagpaliyo sa kanya.Masakit pa ang ulo niya bakit naman kailangan pang dagdagan ng lalaking ito?"Get off me, you idiot!" Nagpumiglas siya."Bitiwan mo siya, hinayupak ka!" Galit na sabi ni Guada kay Maxus nang hindi talaga bitiwan ng lalaki ang dalaga."After this, I'll make sure na di ka na makakalapit sa akin!" Alexa yelled and struggled.Nagpaatras na siya dahil sa pagpipilit na kumawala rito.Kumakahol na rin si Jumbo at nananapang na sinusugod si Maxus, pero hindi natatakot ang isa."Talaga? At anong igagastos mo laban sa akin ay nasa kuya-kuyahan mong manloloko ang lahat ng pera mo?" Nakakainsulto na tanong nito sa kanya kaya nanlumo siya.Kailangan ba talaga siya nitong insultuhin at papagmukhain na mahirap?"K-Kahit na!" Buong katapangan na sagot niya
Kabanata 66Nasa trenta minutos lang ang pagitan ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Alexa sa condo. Pinapasok ang mga iyon ng yaya Guada niya, habang siya naman ay nakahilata sa kama niya, katabi si Jumbo.She wanted to rest and gain her peace of mind bit how? Imposible ang iniisip niyang makakamit niya ang kanyang gustong katahimikan, dahil may sariling player ang utak niya, na inuulitzulit a g .ga eksena na hindi kaaya-aya sa pakiramdam niya.Hindi tulad ng una niyang pagkabigo, ngayon ay para siyang lantang gulay. Ayaw nga niyang kumilos at ang bibig niya sa panlasa niya ay ang pait-pait. It's so weird but she's really experiencing this ting right now."Narito na ang mga kaibigan mo, anak," Guada said to her but she didn't move.Si Jumbo ang tumingin sa mga kababaihan na pumasok sa kwarto niya."Alex," si Bea ang nagsalita pero di pa rin niya tiningnan, "Dumaan kami to make sure na okay kayo ni yaya.""Thank you," mahinang sagot niya rito.Sa isip niya ay nakikinita pa rin niya
Kabanata 65"ASLAN!" galit na sigaw ni Mariela sa anak na nakatulala at nag-iigting ang mga panga.Napatayo ang babae mula sa pagkakaupo sa sofa at mataman na tiningnan ang binata na walang imik.Maluha-luha ang mga mata niya, at mula nang dumating siya ay wala na siyang imik, ni anuman. He didn't want to talk to anyone, to anybody except for Alexa. He wanted to tell her what happened but she was so mad and was so hurt.Siya man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Para siyang nasa ibang mundo kanina at para siyang binangungot nang gising."Magsalita ka nga! Kung anu ano ng sinasalita sa iyo hindi ka pa umiimik! Ano ka ba?! Ano bang ginawa mo?!" Namimiyok na galit ni Mariela sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa sahig, lagpasan sa sahig."Papatay ako," aniya kaya napatutop ito ng bibig."Susko! Anong papatay?! Nag-iisip ka ba?!""Nag-iisip ako!" Galit na sigaw niya sa ina na napatahimik, "Ang mga hayop na gumawa nito sa amin, nag-iisip ba?! Putang-ina! Mula nang umapak ako sa Escobar
Kabanata 64BASTA na lang niya isinaksak ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maleta. Ang ilan ay hindi na niya nakuha dahil sa kanyang pagmamadali hanggang sa tumunog ang pintuan niya."Yaya, pakibilis!" Suminghot na sabi niya saka siya pumihit para ilagay ang kanyang mga damit sa maleta na nasa ibabaw ng kama, pero laking dismaya niya na si Aslan ang pumasok at hindi si Guada."You're a demon!" Bulalas niya rito at saka niya ito pinaghahampas ng dala niyang mga damit, "Magpaliwanag ka!"Aniya at halos maubos ang lakas niya. Lumuluhang napatingala siya rito."I'm…I'm sorry…" anito kaya lalo siyang nanlumo.Sorry?Umiiling na tumalikod siya at humagulhol."H-Hindi ko alam paano ako magpapaliwanag.""Talaga! Dahil wala kang maipapaliwanag! Mas malinaw pa sa sinag ng araw ang nakita ko! Wala kang kwenta!""Huwag kang umalis, Alexa. Magpakasal sa akin.""Demon!" She snapped, "Ang kapal mo! Kahit na hindi ko na magalaw ang shares ko tulad ng sabi sa last will ni Mommy, it's totally ok