Kabanata 23 - ApektadoBUONG lakas ng loob ni Alexa na ibinaba ang mga mata para tingnan ang litrato. Pinakatitigan niya ang sariling mukha. Was it during her first JS prom?Yes. Tandang-tanda niya ang itsura niya sa litrato na iyon. Ipinag-display pa iyon sa salaming dingding ng Fotohub, na bawat dumaraan ay agad iyon na makikita. Iyon ang sikat na kodakan noong highschool siya sa bayan mismong ito.She was wearing a silvery gown during that time. It was the first and last JS prom her mother saw her beautifully and elegantly dressed, because soon after that, Caroline died.My God.Napalunok siya ulit ng titigan ang sarili niya. Batang-bata pa siya roon pero mukha na siyang eighteen. Naalala niya na kahit na may sakit na ang kanyang Mommy nang mga panahon na iyon ay ipinatawag nun ang pinakamagaling na baklang makeup artist sa buong bayan, na agad naman na dumating.Bakit may kopya nun si Aslan? Bakit nasa pitaka nito iyon?Binilisan niya ang pagkuha ng pera. Ayaw niyang isipin at big
Kabanata 24 - MagkasundoAslan slept heavily because of his fever. Nang pumatak ang alas dose ay pinagpapawisan na siya at walang humpay ang pagpunas ni Alexa sa pawis niya.Tapos ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam.He opened his eyes when he felt something heavy placed on his stomach. Ang namulatan niya ang mukha ni Alexa. Ang ulo nito ay nasa tiyan niya habang nakaupo ito sa sahig.He smiled. Ito ang unang pagkakataon sa mga lumipas na taon na mukha nito ulit ang nabungaran niya sa pag gising.Hinawakan niya ito sa ulo. Ang braso nito ay nakadagan sa pagkalalaki niyang sumasaludo dahil umaga. Hinawakan niya ito sa pisngi at sa may sulok ng labi.Damn.Nagmulat ito ng mga mata at agad na napaitlag."Minamanyak mo ako!" Anito, at nang ma-realized nito kung saan ito nakahawak ay agad itong mapabitaw doon."Ih!" Ani Alexa na parang diring-diri.Nakanganga lang naman siya at isinara na rin ang bibig.Okay. Siya na ang manyak kahit ito naman ang nakahawak sa may zipper niya. Nakap
Kabanata 25 -Deed of SaleHE is not into putting his actions into words. Iyon ang pagkakaintindi ni Alexa sa sinabi ni Aslan, na laman ng utak niya habang siya ay nagmamaneho papauwi ng asyenda.Love...He mentioned love to her. Oh my gosh! Nabingi ba siya roon o nagkamali ba siya ng dinig? Anong love? Imposible naman na biglaan na lang na may pagmamahal na sa kanya si Aslan, samantalang nung isang araw lang siya dumating, at walang kamatayan na bangayan nga ang ginagawa nilang dalawa kapag nagkikita sila.Anong love ba ang sinasabi nun at tila ba napakahirap naman na paniwalaan.She glanced at the side mirror at the rearview mirror. Aslan was there, behind her, running his motorcycle all the way home with her.Kahit na naka-helmet ito at di makita ang mukha, para bang ito pa rin ang tipo na lilingunin ng mga kababaihan. Sa maikling salita, magandang lalaki pa rin itong tingnan kahit na wala ritong nakikita kung hindi jacket, helmet at motor lang.Was Aslan serious about what he told
Kabanata 26 - Sumunod KaPUMATAK sa papel na hawak niya ang mga luha ni Alexa. Bakit ganun? Tanong ng dalaga sa kanyang sarili. Buong buhay niya ay pinaniwala siyang isa siyang heridera, magmamana ng daang bilyong ari-arian ng kanyang mga ninuno, na napasa sa kanyang ama. Mula at sapol isip niya ay siya ang prinsesa ng Escobar. Astang senyorita siya, iyon pala, hindi pa siya ipinanganganak ay wala na siyang ni katiting na yaman.Saan iyon ginastos o saan ba iyon napunta? Gusto niyang isipin na napunta iyon sa negosyo pero nasaan? Ni isa ay wala naman siyang sinalo na kahit na ano. Baka mas mahirap pa talaga siya sa daga kung susumahin.At iniwan siya ng kanyang mga magulang na naguguluhan, walang alam at maraming tanong sa isip.Ang sakit isipin na ginawa iyon sa kanya ng mga magulang na hinangaan niya sa lahat, lalo na ang kanyang Daddy, pero tila mali siya sa pagkakakilala sa mga iyon.Buti ang mga iyon ay tahimik na habang siya na buhay pa ay gulong-gulo, napapahiya at nasasaktan.A
Kabanata 27 - Ang DiaryWALA ng magagawa si Aslan dahil hinihingi na ng pagkakataon ang katotohanan. He could no longer protect Caroline's secret. Isa pa, tama si Alexa.Hindi niya gugustuhin na dagdagan pa ang pagmumukha nitong tanga. Matagal na dapat niyang sinabi pero sinunod niya ang hiling ni caroline sa kanya.He slightly looked back. Kakasunod na niya ang dalaga na parang nakatulala sa hangin.He's kind of afraid of what this woman might do now that she knows everything. Lalayas nga kaya ito?Dumiretso si Aslan sa kanyang kwarto matapos na makapanhik. Iniwan lang niya na nakaawang ang pintuan. Nauna siya sa loob dahil wala pa si Alexa. Binuksan niya ang vault at tahimik na kinuha ang diary na noong isang araw lang ay tiningnan pa niya.Sumilip si Alexa sa pinto at sinalubong ito ni Jumbo."Come in," aniya sa dalaga."Dito na lang. Akin na kung ano man ang ibibigay mo. It's too dangerous to come inside your room," anito sa kanya kaya sinarili niya ang pagngiti."It's not. Come h
Kabanata 28 - Nagbago NaGeronimo was accused of raping a woman. Iyon ang paratang sa kanyang ama nang magtrabaho iyon sa Saudi. Nakapagtataka man na paanong ang solong anak na tulad ng ama niya ay mas pinili na magtrabaho sa ibang bansa kaysa maging haciendero. It was his father's choice. Ayaw nun na magbungkal ng lupa, ayon sa kanyang ina, at dahil sa pagsuway sa mga magulang ay nag-abroad iyon at nagtranaho bilang isang Engineer sa airport, pero nang nasa ikatlong taon na ng kontrata ay nangyari ang masamang pangyayari sa buhay ni Geron.A woman came into his life, young woman.It wasn't rape. Her mom's story told it. Nakipagtalik ang babae sa ama niya pero nang magising ay isinisigaw daw ng babae na rape iyon. At dahil kakapasok pa lang nun sa legal na edad, kaso ang inabot ni Geron dahil sa pagtataksil.Ang masakit sa lahat at hindi matanggap ni Alexa, napaniwala ang Mommy niya na hindi iyon totoo. Ang sabi raw ng kanyang ama ay walang nangyari. Paniwala si Caroline at iniyakan
Kabanata 29 - Maamong DilagTHE moment Alexa held onto his waist for support, he inwardly smiled. Nasa likod na niya ito nakaangkas.Napakalaking himala na naisakay niya ito nang walang bangayan.Naaaawa siya rito na sobra. Malungkot ang mga mata nito nang lumabas kanina."Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sa dalaga."Hindi pa," anito nang madaanan nila si Sharon na binabantayan si Jumbo para magpaihi sa aso, "Bye, Jumbo!" She yelled.Kumahol ang aso kaya naman bumusina siya habang papalabas na sila ng bakuran."Pupunta tayo sa tower. Kukuha ako ng upa tapos sa mall, at sa commercial building. Sa mall na lang kita pakakainin," aniya rito."Ang dami mong kokolektahin. Hindi ka ba ma-holdup?""Walang holdupper sa Escobar, Lexa. Magdadalawang isip sila lalo kung ako ang ho-holdup-in nila. Alam nilang ako ang may-ari ng lupa.""Dapat pa rin may guards ka," anito sa kanya kaya medyo tumawa siya."Hindi sa akin uso 'yan. Tauhan natin lahat ng nakatira rito. Kung may mga bagong salta man, m
Kabanata 30 - Masungit Pero SweetILANG na ilang si Alexa habang kumakain sila ni Aslan. Hindi na siya ang Alexa na parang boss kung umasta, na nakataas ang mga kilay kapag si Aslan ang kaharap niya.De numero ang subo niya at parang ayaw nga niyang sumubo dahil bawat butil ng kanin na isusubo niya, sa pagod ni Aslan galing dahil ito ang magbabayad.Naiinis na siya na sobra. Gusto niyang umiyak. Bakit nagkaganun ang sitwasyon niya? Kinakapalan na niya ang mukha sa pakikiharap dito. Malay ba niya kung nagpapanggap lang ito ng balewala rito lahat, pero sa loob nito ay pinagtatawanan pala siya. Nakakahiya siya. Buong buhay niya ay para siyang pangkaskas ng yelo sa sama ng ugali rito, yun pala ay siya pa ang dapat na magsilbi rito."Hindi ka mabubusog sa ginagawa mo," ani Aslan pero sa pagkain nakatingin.Walang humpay ang subo nito ng pagkain. Nakasuot ito ng plastik na gloves, nakakamay. Um-order ito ng mga grilled.Iyon ang paborito niya mula pa noon. Laging nag-iihaw ang kanyang yaya
SCASLAN stood mightily in front of the door of the church. Sabi ng mga bakla, siya raw ang pinakagwapong groom na nakita ng mga iyon. Panis daw ang mga local actors sa kanya.Kinuha niya ang pinakasikat na mga coordinators sa kanilang probinsya, na namamayagpag ngayon sa ibang lugar hanggang Maynila.He wants the best wedding for Alexa, para naman hindi masabi ni Caroline na pinabayaan niya ang unica hija nun.His mother hopped out of the car with Kiko. Lumapit ang mga iyon sa kanya."Ang pogi ng anak ko," ani Mariela sa kanya pero hindi siya ngumiti."Kulang lang ng kaunting hulma ng nguso," anaman ni Mang Kiko kaya napangiti na siya."Ayan!" Bulalas ng ina niya."Okay, the bride is on her way. Nasa may munisipyo na raw!" The coordinator informed everyone.Ang daming tao. Halos puno ang buong cathedral. May mga nanonood sa labas at matyagang naghihintay. Paano ba naman na hindi ganun ay ikalasal ang hasyendero ng Escobar?Napakalaki ng preparasyon nila, katulong ang mga trabahante.
Kabanata 71ANG bilis na nakipkip ni Alexa ang nakatapis na twalya sa katawan niya. Kulang na lang ay mapatili pa siya nang walang pakundangan na bumukas ang kanyang pinto sa kwarto.Kanina lang silang umaga naghiwalay ni Aslan pero parang isang taon na ang nakalipas. Miss na miss niya ito."Aslan," she murmured.His eyes slightly traveled across her body and shut the door."H-How are you?" Kandautal na tanong niya rito. Para naman siyang tanga. May pautal-utal pa siya habang kanina naman ay magkausap silang dalawa.Naupo ito sa kama niya habang nakatingin sa kanya, pagod na hinilot ang batok nito."Kanina pa ako, nakipag-usap ako sa mga tao natin. Kumakain sila ng gabihan. Ikaw, kumain ka na?" Muli siya nitong tiningnan."Even just for now, stop worrying about me. I worry about you.""Halik lang katapat nito," anito sa kanya kaya pinigil niya ang mapangiti."Sa itsura kong ito mukhang hindi lang halik ang magagawa mo," anaman niya kaya napangiti ito sa kanya.Napabuntong hininga siya
Kabanata 70HINDI kaagad nakaalis si Alexa sa condo dahil sumugod ang ilan sa mga kaibigan niya roon, kasama si Bea. Inabutan pa ng mga iyon ang ayaw umalis na si Mayumi.Nag-chat na rin kasi kaagad ang babae sa gc kaya napasugod ang mga kaibigan nila, iyong mga hindi busy."How dare you? Tama pala talaga ang kutob ko," ani kaagad ni Bea."Kaya pala, ang insist mo na kunwari akitin si Aslan, yun pala talagang may plano lang kayo na sirain ang relasyon nila ni Alexa. Kami naman si tanga, payag to the Max," ani naman ni Zia, galit ang mukha.Si Mayumi ay tahimik na nakaupo sa may sofa."Ayaw mong masira ang relasyon mo sa bf mo kapag lumabas ang sex video mo kaya ibang relasyon ang sinira mo," Bea spat again ang shook her head.Huminga si Alexa nang malalim at umiling. Kahit na pigain nila ito ay hindi na maibabalik ang kahapon.Bea looked at her, "uuwi ka sa hacienda?""Yes. I'll talk to Aslan. He needs me. All my life, siya ang parating nagbabantay sa akin kasi iniwan ako ni Dad sa kan
Kabanata 69ALEXA blinked and wiped her tears, "I'm going to Escobar to see Aslan. I am willing to listen to him. I can't…I can't just let him go without trying to give him a chance. Ramdam ko ang katotohanan sa mga salita niya, Yumi. May the gang forgive me but…Aslan was the only man who showed me things that I couldn't just forget," aniya rito.Naglakad siya papunta sa kanyang mesita at tiningnan ang smartphone niyang iba ang naksaksak na sim card.Hindi iyon ang numero niya. Diyos ko. Sino bang naglalaro sa kanya? Perhaps it happened when she was still in hacienda Escobar and she had lost her phone."Alex," ani Mayumi na napahagulhol ng iyak, "I'm sorry! Di ko sinasadya…sinadya ko…hindi ko alam!" Bulalas nito kaya napatingin siya rito."W-What do you mean?" Mahinang usal ng dalaga rito pero napayukyok ito sa may sahig at umiyak nang malakas."Si Maxus…sabi niya ikakalat niya ang video namin kapag di ako sumunod…"Oh my God.Napanganga siya at nangilid na muli ang mga luha. Did Mayu
Kabanata 67HINDI alam ni Aslan kung saan siya pupunta. Humawak siya sa manibela at tumitig sa condo unit na nilabasan niya. Sa nasaksihan niya kaninang ginawa ni Maxus kay Alexa, hindi siya mapapanatag.He was wrong for thinking that she invited that man in. Marahas pa rin ang lalaking iyon at pwersahan kung manuyo kay Alexa. Panunuyo nga ba ang sadya nun o iba?Kailangan niyang pag-ingatan si Alexa. Hindi niya alam pero sa kabila ng galit nito sa kanya ay hindi niya kayang putulin ang obligasyon niya rito.Not that fast, Aslan. Aniya sa sarili. Pasalamat siya at kahit nasasaktan siya kanina ay mas pinili niyang bumalik agad. Kung hindi siya bumalik, baka kung ano ng ginawa ni Maxus Wilson sa mag-yaya.Up until this time, he's the one deserving of her trust. Siya pa rin ang kaisa-isang lalaki na handa itong ipagtanggol at mahalin sa kabila ng lahat.His phone rang so he was pulled out of his reverie. Si Attorney Fulgar ang tumatawag.He answered it right away."Aslan, Narito sa opisi
Kabanata 67"PAKAKASALAN ka lang niya para masolo na niya ang shares na nasa iyo! You're so foolish to believe a man like him. Kay Donna rin ang balik niya pagkatapos niyang makuha ang buong kita sa hasyenda," daldal ni Maxus na nagpaliyo sa kanya.Masakit pa ang ulo niya bakit naman kailangan pang dagdagan ng lalaking ito?"Get off me, you idiot!" Nagpumiglas siya."Bitiwan mo siya, hinayupak ka!" Galit na sabi ni Guada kay Maxus nang hindi talaga bitiwan ng lalaki ang dalaga."After this, I'll make sure na di ka na makakalapit sa akin!" Alexa yelled and struggled.Nagpaatras na siya dahil sa pagpipilit na kumawala rito.Kumakahol na rin si Jumbo at nananapang na sinusugod si Maxus, pero hindi natatakot ang isa."Talaga? At anong igagastos mo laban sa akin ay nasa kuya-kuyahan mong manloloko ang lahat ng pera mo?" Nakakainsulto na tanong nito sa kanya kaya nanlumo siya.Kailangan ba talaga siya nitong insultuhin at papagmukhain na mahirap?"K-Kahit na!" Buong katapangan na sagot niya
Kabanata 66Nasa trenta minutos lang ang pagitan ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Alexa sa condo. Pinapasok ang mga iyon ng yaya Guada niya, habang siya naman ay nakahilata sa kama niya, katabi si Jumbo.She wanted to rest and gain her peace of mind bit how? Imposible ang iniisip niyang makakamit niya ang kanyang gustong katahimikan, dahil may sariling player ang utak niya, na inuulitzulit a g .ga eksena na hindi kaaya-aya sa pakiramdam niya.Hindi tulad ng una niyang pagkabigo, ngayon ay para siyang lantang gulay. Ayaw nga niyang kumilos at ang bibig niya sa panlasa niya ay ang pait-pait. It's so weird but she's really experiencing this ting right now."Narito na ang mga kaibigan mo, anak," Guada said to her but she didn't move.Si Jumbo ang tumingin sa mga kababaihan na pumasok sa kwarto niya."Alex," si Bea ang nagsalita pero di pa rin niya tiningnan, "Dumaan kami to make sure na okay kayo ni yaya.""Thank you," mahinang sagot niya rito.Sa isip niya ay nakikinita pa rin niya
Kabanata 65"ASLAN!" galit na sigaw ni Mariela sa anak na nakatulala at nag-iigting ang mga panga.Napatayo ang babae mula sa pagkakaupo sa sofa at mataman na tiningnan ang binata na walang imik.Maluha-luha ang mga mata niya, at mula nang dumating siya ay wala na siyang imik, ni anuman. He didn't want to talk to anyone, to anybody except for Alexa. He wanted to tell her what happened but she was so mad and was so hurt.Siya man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Para siyang nasa ibang mundo kanina at para siyang binangungot nang gising."Magsalita ka nga! Kung anu ano ng sinasalita sa iyo hindi ka pa umiimik! Ano ka ba?! Ano bang ginawa mo?!" Namimiyok na galit ni Mariela sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa sahig, lagpasan sa sahig."Papatay ako," aniya kaya napatutop ito ng bibig."Susko! Anong papatay?! Nag-iisip ka ba?!""Nag-iisip ako!" Galit na sigaw niya sa ina na napatahimik, "Ang mga hayop na gumawa nito sa amin, nag-iisip ba?! Putang-ina! Mula nang umapak ako sa Escobar
Kabanata 64BASTA na lang niya isinaksak ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maleta. Ang ilan ay hindi na niya nakuha dahil sa kanyang pagmamadali hanggang sa tumunog ang pintuan niya."Yaya, pakibilis!" Suminghot na sabi niya saka siya pumihit para ilagay ang kanyang mga damit sa maleta na nasa ibabaw ng kama, pero laking dismaya niya na si Aslan ang pumasok at hindi si Guada."You're a demon!" Bulalas niya rito at saka niya ito pinaghahampas ng dala niyang mga damit, "Magpaliwanag ka!"Aniya at halos maubos ang lakas niya. Lumuluhang napatingala siya rito."I'm…I'm sorry…" anito kaya lalo siyang nanlumo.Sorry?Umiiling na tumalikod siya at humagulhol."H-Hindi ko alam paano ako magpapaliwanag.""Talaga! Dahil wala kang maipapaliwanag! Mas malinaw pa sa sinag ng araw ang nakita ko! Wala kang kwenta!""Huwag kang umalis, Alexa. Magpakasal sa akin.""Demon!" She snapped, "Ang kapal mo! Kahit na hindi ko na magalaw ang shares ko tulad ng sabi sa last will ni Mommy, it's totally ok